Reese's POV
After the second day, of the foundation day, lalo pang naging busy 'yong booth namin dahil dumami na 'yong dayo from other schools. May natapon pang tubig sa loob ng booth dahil ang isang pasaway na customer ay nagdala ng tubig kahit pa alam naman niyang maraming jump scare sa loob ng booth.
"Relax ka lang, Reese. You look like you'd pass out," ani Cielo nang makita niyang pagod na pagod ako. "Where did you go with Gideon kahapon?"
Napalunok ako. Sigurado akong sinabihan siya ng mga kaklase namin na kasama ko si Gideon kahapon dahil nakita nila kami. "You told me to find it out myself, so I did."
Lumiwanag naman kaagad 'yong mukha niya at tumabi sa akin ng upo na para bang ready na siyang marinig ang sasabihin o ikukuwento ko. "So, did you find it out? Anong nangyari? Nag-enjoy ka ba kahapon? Malaki ba?"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Alam mo, siraulo ka talaga!" Binatukan ko siya na ikinatawa niya lang. "I found out that I'm attracted to him," sabi ko na ikinatigil niya. Halatang gulat na gulat siya sa sinabi ko.
Of course, she'll be shocked. This is the first time after a lot of years, that I admitted I'm attracted to a guy. Baka nga iniisip niyang never na akong magkagugusto dahil ang tagal na pero hindi ko pa rin magawang kalimutan 'yong nakaraan ko.
"Really?" gulat na gulat niyang tanong pero may bakas na kasiyahan sa boses niya. Pero nang mapansin niyang hindi ako masaya about doon ay sumimangot ulit siya. "If you're attracted to him, then why do you look like you want to forget him?"
I sighed. The fear keeps on haunting me. The trauma, the hate, everything. It's still here. Pakiramdam ko ay hinding-hindi ko makalilimutan 'yong nakaraan ko at natatakot akong maulit 'yong nangyari noon dahil nakikita ko na nagiging ganito na naman ako, na nagsisimula na naman akong magkaroon ng nararamdaman.
"After everything I've been through, I don't know how to move on, Cielo," I admitted. Kahit saan ako tumingin, kahit anong gawin ko, patuloy ko pa rin 'yong naaalala. Gigising ako nang umiiyak, lalo pa't maaalala ko 'yong mukha ng taong 'yon. I'm still bind in the past and I don't know what to do. Kahit anong takas ko, roon pa rin ako bumabalik.
"I understand the pain you've been through, Reese. What you experienced wasn't just a simple heartbreak. It was more than that and your feelings are valid." She touched my hand and held it tight.
I'm lucky I have Cielo with me. Siya lang 'yong tanging tao na nakaintindi sa akin nang buo, bukod kay Ramiel. I told her everything and she stayed beside me. She never left just like what she promised. Kaya nga siguro nakakaya ko pa hanggang ngayon, dahil sa suporta niya at pagpapasaya sa akin kapag alam niyang nati-trigger na naman 'yong trauma ko. So, it doesn't hurt as much as before, thanks to her. She said before that she doesn't want to lose me because I'm very important to her, but in reality, I'm the one who can't live without her. Our friendship matters to me the most.
"Thank you, Cielo." Niyakap niya ako nang mahigpit para pagaanin 'yong loob ko kaya nakahinga na ako nang maluwag. Kahit maraming tao na ang tinalikuran ako dahil sa mga nangyari sa akin, at least I have her and Ramiel. They are the ones who accepted me for who I am and they are my treasures.
"Cielo, kailangan niyo raw sumali sa activities. Kailangan ng representative ng department natin," ani Camille nang lumapit siya sa kung saan kami nakapuwesto at nagpapahinga ni Cielo.
"Saan? 'Yan ba 'yong overall activities ng school?" tanong ni Cielo na mukhang interesadong sumali. Dalawa kasi kaming representative ng department namin. Dapat babae at lalaki, pero ayaw kasi ng mga lalaki na maging representative kaya 'yong Dean na lang 'yong nag-decide na dalawa na lang kami ni Cielo, tutal naman daw ay magaling kaming mag-handle at maging leader.
"Oo, kanina pa kayo hinahanap. Nandoon na 'yong ibang mga representative, kayo na lang yata 'yong hinihintay," aniya kaya tumakbo na kami ni Cielo papunta roon. We were aware about the said event, pero hindi ko naman in-expect na sa pangatlong araw nila 'yon gagawin. Akala ko nga ay sa last day pa 'yon.
When we got there, there are a lot of students watching kaya naman napaatras ako. "Cielo, ayaw ko na. Ikaw na lang."
"Huh? Teka, huwag mo akong iwan mag-isa!" ani Cielo at hinila ako palapit doon sa emcee na tinawag kami. "Kami po 'yong representative ng Marketing Department."
"By partner 'to! One boy and one girl dapat! Wala ba kayong puwedeng gawing ibang representative?" tanong nito sa amin dahil nagulat siya na dalawa kaming babae ni Cielo.
"Si Henry!" sigaw ni Cielo at nagtatakbo siya paalis. Iniwan niya ako roong mag-isa kasama 'yong ibang representative ng iba't ibang department. I was roaming my eyes everywhere when my eyes dropped to the person who has just arrived. Magulo ang buhok niyang natural brown at seryosong-seryoso 'yong mukha niya habang naglalakad palapit sa amin. What is he doing here? Is he a representative too?
"Ang pogi," bulong ng emcee na bakla pala kaya napatingin ako kay Gideon na nakalapit na sa amin. "Anong department?"
"Nursing," tipid niyang sagot. His gaze dropped to me and his face became emotionless. Sa isang iglap ay para bang hindi niya ako kakilala. May kasama siyang babae na namumula 'yong mukha habang nakatago sa likod niya. She looks so shy that she's with Gideon. Para bang nahila lang din siya rito.
"Hey..." Natigilan ako nang biglang lumitaw si Henry sa tabi ko pero hindi niya kasama si Cielo. Damn it! Iniwan na naman ako ng babaeng 'yon dahil ayaw niyang maging representative dito. Nakakainis! "Is it okay if it's me?" tanong sa akin ni Henry.
"Y-Yeah." Actually, hindi okay! I want to get out of here dahil pareho silang nandito magkapatid. Sa lahat talaga ng kukuhaning representative ni Cielo ay si Henry pa? She knows what happened between me and Henry last time. Isabay mo pa na nandito rin si Gideon ngayon. Gusto ko na lang na kainin ako ng lupa ng mga oras na 'yon.
"Alam niyo ba kung bakit kayo nandito?" tanong sa amin ng emcee nang makompleto na kami sa parang platform kung saan kami nakatayo at 'yong mga audience naman ay nasa ibaba.
"For the activities of the representatives?" patanong na sagot ni Henry na tinanguan naman ng emcee.
"That's right, at sa activity na 'to, we're going to make all of you finish the relay. Ang mananalong department ay magkakaroon ng premyo. Here's the relay." Napanganga ako nang makita ang mga gagawin. Mayroong mga pambata na laro katulad na lang ng papasok ka sa sako at tatalon ka, paunahan makarating sa base at ang iba naman ay charades. I'm not used to playing these kinds of games kaya naman sigurado na akong matatalo kami pero biglang humarang si Henry sa harap ko.
"Hey, we can do this." I sighed and nodded even though I know that we don't have any chance to win this. Pareho kaming athlete pero alam ko namang pareho kaming bago lang sa ganitong laro.
"All righ, go to your line color!" sigaw ng Emcee at pumunta na kami ni Henry sa green line dahil 'yon ang nabunot niya. The game started and all the students watching us were yelling Gideon's and Henry's name kaya kaming ibang naglalaro ay nadi-distract at nang ako na ang gagawa ay kasabay ko si Gideon.
Parehong nakasuot ang sako hanggang sa binti namin at nang mag-signal na ay nagtatalon na kami pero na-out of balance ako kaya natumba ako nang malapit na akong umikot pabalik sa base. Nagtawanan naman 'yong mga tao dahil ang epic nang pagkabagsak ko at nang nilingon ko si Gideon ay nagtaka ako nang huminto siya mula sa pagtalon at nakatingin lang siya sa akin.
What's wrong with him? He should be finished by now at considered as winner na sila pero nakatingin pa rin siya sa akin kaya natahimik ang lahat except sa partner niya na tinatawag siya pero ni hindi man lang niya pinansin.
The whole hall became quiet when Gideon sighed and sat on the floor. "I'll stay here until you catch up to me." Wait, what? He's willing to give up his chance of winning just for me to be able to catch up? What the hell is wrong with him?
I stood up and jumped to catch up to him. Nang malapit na ako sa kaniya ay tumalon na rin siya at sabay kaming natapos. Akala ko ay sa isang game niya lang 'yon gagawin pero sa lahat ng game na ginawa namin ay paulit-ulit niya akong hinihintay o hindi kaya'y pinagbibigyan.
So, the game ended up without anyone winning. Nang matapos na ay nilapitan ko si Gideon sa backstage at galit ko siyang tingnan. "What the hell is wrong with you? Do I look like I'm a damsel in distress?!"
He sighed and shook his head. "I just want you to know that I'm willing to do anything for you, Reese."
"What the hell?!" Hindi ko na siya maintindihan. Napakahirap niyang basahin at kahit pa anong gawin ko ay hindi ko na alam kung paano ko iintindihin 'yong mga ipinapakita niya.
"Just do what you need to do, Reese. Push me away, ignore me, or anything. But know that I will never stop proving you what I really feel," he said then walk away. Gideon Timothy Perez, what the hell is wrong with you?