Reese's POV
"Group yourselves into three for the project. Include the absents. Nakahihiya naman sa kanila," sabi ni Sir Mendoza na mukhang badtrip dahil maraming absent ngayon sa amin.
Napalunok ako at naalala na naman 'yong kahapon. Pagkatapos naming manood ng fireworks ay iniwan ko si Henry at Gideon. Nag-commute ako nang mag-isa dahil sinabi ko sa kanila na ayaw ko silang kasabay umuwi. I'm glad they let me leave without following me.
Habang inaalala ko 'yon ay biglang may umupo sa tabi ko at doon ko nakita si Cielo na hila-hila si Henry na mukhang nagulat din dahil siya 'yong hinila ni Cielo. "Tayo-tayo na lang ang magkagugrupo para basic na lang sa atin 'yong gagawin."
"Tayo na lang daw, Reese." Pareho kaming napalingon kay Henry nang sabihin niya 'yon. Kaya natawa siya at pinagalitan kami ni Sir Mendoza. Napasapo na lang ako ng ulo sa inis. Dapat talaga sa ibang grupo na lang ako, e. Ito na naman si Cielo sa nonsense goal niya na mapalapit ako kay Henry at kay Gideon. Hindi ko na tuloy alam kung matatagalan ko pa ba ang kaibigan kong ipinagkanunulo ako.
"Sa Library na lang tayo gumawa ng project. Game kayo?" suggestion ni Henry. Nagkatinginan kami ni Cielo at halata namang kinukumbinsi niya ako kasi alam niyang hihindi ako sa offer ni Henry.
"Ano kasi, may gagawin pa ako pagkatapos ng klase mamaya," pagsisinungaling ko. Napakamot ako sa batok ko. Wala naman talaga akong gagawin pero ilang gabi na akong late umuuwi. Baka magalit na sa akin si Ramiel at magsumbong na kila Mommy. Ayaw kong bumalik sa Zambales nang wala sa oras.
"Hahatid ko kayo, promise." Tinitigan ako ni Henry. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. I didn't talk to him the whole time na nasa Circle kami dahil hindi ko rin alam kung paano ko sila kikibuin ni Gideon. Now, I feel so guilty all of a sudden. Paano ba naman kasi ay dinala niya ako roon para ma-enjoy 'yong fireworks display pero ako itong ni hindi man lang siya inimik.
Bumuntong hininga ako at tumango na lang. "Sige, mamaya. Magkita-kita na lang tayo sa Library."
Nagkahiwa-hiwalay na kami next subject at nakatanggap naman ako ng mga messages from Gideon, asking me if my lunch break is over. I didn't text him back. Bahala siya. Mapupundi na 'yong utak ko kaiisip kung ano ang gagawin ko sa kanilang dalawa ni Henry para layuan na nila ako. Ni pagiging masungit ko ay hindi na umuubra sa kanilang dalawa, e.
"Reese, may naghihintay sa 'yo sa labas. Sana all," natatawang asar sa akin ni Camille--my classmate. I looked at my phone. Hindi naman nag-text sa akin si Gideon na pupuntahan niya ako kaya imposibleng siya 'yon, right? Huwag naman sana. Ilang beses na niyang ginagawa 'yong biglaang susulpot sa classroom namin at mang-aagaw ng atensyon ng mga estudyante.
"Sige, salamat." Inasar-asar pa ako ni Camille pero tinawanan ko na lang siya. Para namang hindi sila aware na wala akong balak magpaligaw o ano. Pagkalabas ko ng room, I was expecting for Gideon, pero si Henry ang bumungad sa akin. I know I shouldn't be disappointed. At isa pa, bakit ko nga ba inaaaahan si Gideon 'yong darating? I don't like us being close, and now I'm being disappointed because he's not here? Hindi ko dapat 'to nararamdaman.
"Bakit ganiyan 'yong mukha mo? Pinagalitan ka ba ng teacher ninyo?" tanong niya sa akin. Kinuha niya ang bag ko bago pa ako makasagot na ikinagulat ko. Magrereklamo na sana ako pero hindi ko na lang ginawa. I don't want him to be upset again.
"Hindi," tipid kong sagot.
Papalubog na ang araw pagkarating namin sa Library. Wala pa si Cielo at iilang estudyante pa lang ang nandoon. May ilang kakilala si Henry na kinakausap siya kaya nauna na ako sa isang bakanteng table. Wala rin naman akong balak agawin pa ang atensyon ni Henry dahil alam kong ang ilan sa mga estudyante rito ay galit na sa akin dahil akala nila ay inaagaw ko sa kanila si Henry kahit hindi naman siya sa kanila in the first place. Ironic, right?
"Wala pa si Cielo. Do you want something to eat? Bibili muna ako sa ibaba," sabi ni Henry nang mailapag niya 'yong bag namin sa isang bakanteng upuan sa harap ko. Kinuha niya ang wallet niya sa bag para sana bumili.
"Tubig lang sa akin." Lumabas siya ng Library at naiwan ako kaya naisipan kong tumingin muna sa bookshelves. Magbabasa muna ako habang wala pa sila. Marami namang fiction books dito sa library.
Pagkabalik ko sa table ay siyang bukas naman ng pinto ng Library at humahangos si Cielo nang lapitan niya ako.
"Bakit ganiyan hitsura mo?" takang tanong ko. Bumukas ulit ang pinto at pumasok naman si Henry na dala na ang mga binili niya.
"Si Gideon, Reese. Nasa Guidance office," hinihingal na sabi ni Cielo kaya nagkatinginan kami ni Henry lalo na nang marinig niya ang pangalan ng kapatid niya.
"Ano na namang ginawa ni Gideon?" inis na tanong ni Henry. Ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit sa kapatid niya.
"Nakipag-away na naman. Tara puntahan na natin!" Walang pag-aalinlangang tumakbo kami papunta sa guidance office at bumungad sa amin si ang Daddy nila Henry, si Mr. Perez at kasama niya si Gideon, pati na rin ang isang estudyanteng lalaki na may pasa ang mukha.
Nilingon kami ni Gideon, the corner of his lips has a bruise. Magulo na naman ang buhok niya at bahagyang lukot ang suot niyang uniform. Nang magtama ang mga mata namin ay galit ko siyang tiningnan.
Nasangkot na naman siya sa away. Pa lagi na lang siyang ganito. May araw na mainit lang talaga ang ulo niya and even though things can be fixed by talking, mas pinipili niyang tapusin ang lahat sa pamamagitan ng violence which is not right. Yet, kahit anong paulit-ulit ko yata 'yong sabihin sa kaniya ay hindi siya makikinig.
Naghintay kami sa labas at nang matapos na at lumabas sila ng Dad niya, halatang galit ito sa kaniya. "What the hell was that, Gideon?" Kalmado lang ang boses ng Dad niya pero halata sa mukha nito na inis na siya sa ginawa ng anak.
Humalukipkip si Gideon. "What do you expect me to do when someone tells me I'm a lunatic? Magpa-party pa ako--"
"Gideon!" suway ko sa kaniya kaya nilingon niya ako at ang inis sa mata niya ay agad na nawala.
"Malapit na nga akong maniwala na baliw ka." Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi ng Dad nila at mas lalo pa akong nagulat nang ikuyom ni Gideon ang kamao niya na parang pigil na pigil siyang magalit. Before he could do something, I held his hand. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa, basta ang gusto ko lang ay kumalma siya dahil alam kong galit na siya nang mga oras na 'yon.
"Tito, I'll talk to him. Ako na po ang bahala." Bago pa sila makapagsalita ay hinila ko na si Gideon paalis doon at dinala ko siya sa gym. Mabuti na lang at bukas pa iyon dahil nililinis ng janitor nang mga ganitong oras. Umupo kami sa bleachers at walang nagsasalita sa amin.
Until he broke the silence. "Baliw na nga talaga ang tingin sa akin ng mga tao."
Umiling ako. "Hindi siguro ako tao. Kasi hindi naman ganoon ang tingin ko sa 'yo." Napalingon siya sa akin at ang galit niyang ekspresyon kanina ay nawala na. I see, he's now calming down. "Gideon, I know you're angry. Alam ko na hindi ka naman magagalit nang walang dahilan. Pero ikalma mo ang sarili mo. Huwag mong daanin sa bayolenteng paraan. Don't stoop so low, okay?"
Hindi ako marunong magpagaan ng loob ng ibang tao. Ni hindi ko rin alam kung paano dumamay. Basta ang alam ko lang, gusto kong ilabas niya sa akin ang nararamdaman niya nang mga oras na 'yon. Alam ko naman kasing sa akin niya lang din pinipiling sabihin 'yong iniisip niya.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Pareho kaming natigilan nang bumuhos ang ulan. "Hijo, hija! Magsiuwi na kayo at gabi na. Isasara ko na ang gym!" sigaw sa amin ng janitor mula sa malayo.
Napamura si Gideon at tumayo siya. "Tara, ihahatid na kita." Hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila niya ako palabas ng gym. Sumilong muna kami sa waiting shed malapit sa gym dahil basang-basa na kami. Hindi naman pupuwedeng magpaulan lang kami nang magpaulan. Sarado na ang halos lahat ng ilaw sa Campus at kakaunti na lang ang mga estudyanteng nakikita namin, ang ilan pa sa kanila ay mga tumutulong sa mga prof.
"My bag, naiwan ko kay Henry." Napakamot ako sa ulo ko dahil sa frustration. Tiningnan ko ang phone ko at may text si Henry na dinala na niya ang bag ko sa condo at iniabot na raw niya kay Ramiel kaya nakahinga na ako nang maluwag.
"Ligo tayo sa ulan," ani Gideon kaya nanlalaki ang mata kong tiningnan siya.
"Sira ka ba? Malayo pa ang bahay ninyo." Tinawanan niya lang ako at hindi na siya sumagot. Hinila niya ako kaya halos mapasigaw na ako nang tumama ang malamig na ulan sa balat ko at mabasa ako.
"I want this. Us, under the rain." Ngumiti siya sa akin at naglakad na kami. Wala na rin akong nagawa dahil basa na rin ako. Siya ang inaalala ko dahil uuwi siya nang basang-basa. Tapos ganiyan pa ang hitsura niya, may pasa at para bang hindi alam 'yong gagawin.
Kung hindi ko siguro siya hinila roon kanina mula sa situwasyon na 'yon ay malamang na hindi ko siya makikita na ngumiti ulit nang ganoon sa akin.
I don't know how he got into that mess, and I don't have any idea why people keep on saying he's a lunatic. All I know is that, I feel different from them. I don't feel like he is what they're calling him.
"Paano na tayo niyan ngayon?" Pumalatak ako habang naglalakad kami. Tinitingnan kami ng ibang mga tao na duamaraan kasabay namin. Pareho kasi kaming walang payong at naliligo sa ulan. Para kaming mga tanga.
"Tayo? Tayo na?" Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya lang ako. "Sige, sinasagot na kita."
"Ang kapal ng mukha mo," asik ko at inambahan siya na sasapakin pero ginulo niya ang buhok ko habang tumatawa.
"Sasagutin mo ba si Kuya H?" Natigilan ako sa tanong niya. I didn't expect him to ask that. Akala ko ay hindi niya pa alam na nililigawan ulit ako ng Kuya niya.
"Hindi ko alam--" he cut me off.
"Please, don't." Tumigil siya sa paglalakad at humarang sa harap ko.
"Why?" Gusto kong malaman kung bakit. Ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Basang-basa na kami pareho at nasa gitna kami ng ulan.
"Because I don't want anyone to have you except me." He messed his black hair and looked intensely at me. "Lalayuan mo ba ako kapag sinabi kong gusto kita?"
Walang mababakas na kahit anong emosyon sa mukha niya nang sabihin niya 'yon. "B-But I'm older than you and your brother is--"
"I like you, Reese. I really do. More than friends. 'Yon ang gusto ko, higit sa mayroon tayo ngayon." Umiwas ako ng tingin dahil naghuhuramentado na ang puso ko.
Sa isang iglap, rumagasa ang memorya ko noon. Lahat ng sakit, lahat ng napagdaanan ko noon, ayaw ko na 'yon maulit. Kasi alam kong sa pagkakataon na ito, kapag nasaktan pa ako ulit, baka hindi na ako makabangon. I don't want that kind of pain. Hindi pa ako handa. Sira pa rin ang puso ko.
"We're friends, Gideon. Let's not ruin that." I smiled at him. Kahit nagwawala na ang puso ko dahil sa titig niya ay umiwas pa rin ako. "Go home, Gideon. I can't give back as much as you give. I'm sorry."
Nilagpasan ko siya. Iniisip ko pa lang ang sikreto na mayroon ako, natatakot na ako. I don't want anyone to know it. I'm not as good as people think I am. They think I'm a good girl, but once they found out about my past, masasabi pa kaya nila 'yon? Dahil miski ako, nandidiri ako sa sarili ko. Kasalanan ito ng taong una kong minahal. Kasalanan niya ang lahat.