Chapter 14: In Between

1268 Words
Reese's POV Pagkatapos nang nangyari na 'yon ay ilang araw ding nanahimik 'yong buhay ko. Henry gave me the space I need and it's so much easier to breathe inside the classroom because of that. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng tinik dahil hindi niya ako masyadong binibigyan ng atensyon niya. Isang dahilan doon ay patapos na ang semester. Pangalawang dahilan ay nagtataka raw siya kung bakit ko tinakbo palayo si Gideon noong araw na 'yon. Of course, I couldn't answer him. How can I when I don't even know the answer myself? While, Gideon on the other hand, he's avoiding me. It's given. I turned him down that night by saying we're friends and I don't want to ruin that friendship. At some point, alam ko namang mali ako dahil dapat noong una pa lang ay itinulak ko na sila palayo pareho. "Reese, paano 'yong group activity natin?" tanong ni Cielo sa akin na ipinagtaka ko. "Huh? Bakit? May problema ba sa mga ipinasa ko sa 'yong output?" tanong ko pero umiling siya at sinulyapan si Henry sa likod. "Kasi hindi kayo nag-uusap ni Henry, e. Ang awkward kaya," reklamo niya na ikinatawa ko na lang. "Bakit kasi pinagselos mo? 'Yan tuloy—aray!" sigaw niya nang paluin ko 'yong noo niya. "Anong pinagselos? I just read the situation at nagkataong kailangang lumayo ni Gideon doon para kumalma siya. Do you think I'd do that, randomly?" Napailing na lang siya dahil ang sama na ng tingin ko sa kaniya. Si Cielo kasi, she may really not look like it, but she hates low grades. Kaya ganiyan siya. Kapag may groupings or by partner, talagang hands on siya at gusto niyang lahat ng members ay ginagawa ang part nila. "Huwag kang mag-alala. Henry is a varsity player and a captain of the basketball team. Hindi niya hahayaang bumagsak ang mga grades niya, kaya sigurado naman akong gagawin niya 'yong hiningi mo sa kaniyang references," sabi ko para gumaan 'yong loob niya. Nang mag-uwian na ay naghintay kami ng masasakyan ni Cielo sa harap ng University nang may sasakyan na huminto sa harap namin. Apparently, that car looks so familiar. Kaya hindi na ako nagtataka nang bumaba 'yong bintana ay bumungad si SPO2 Jarred Perez. "Reese!" pagbati niya sa akin kaya ngumiti naman ako sa kaniya. Akala ko binati niya lang ako pero nagulat ako nang lumabas siya ng sasakyan niya at lumapit sa amin. "Can I borrow your friend for a second?" tanong niya kay Cielo na nakatulala kay Kuya Jarred. Ang guwapo nga naman nito sa suot na police uniform. Sigurado akong pauwi na 'to kaya nagkaroon ng oras para pumunta rito. "B-Bakit po?" tanong ko. Wala naman akong alam na may atraso ako o ano pero kinakabahan pa rin ako. Why would Kuya Jarred come here just to talk to me? Ngumiti siya. "Mommy called me earlier. Gusto ka raw niya ma-meet. Do you have time to come?" Napalingon ako kay Cielo na nakatulala pa rin. Inaasahan ko na tutulungan niya ako sa ganitong situwasyon pero dahil may guwapo sa harap niya ay nakalimot na ang loka. Napa-face palm na lang ako. Ano na namang situwasyon 'to? "May gagawin pa kasi ako..." Pagsisinungaling ko. I honestly don't want to lie. Pero kasi, alam ko na 'yong magiging situwasyon kapag sumama ako. "Next time na lang." Napangiwi siya at umiling. "Alam mo kasi, Reese. Napakamapilit ng Mommy ko. Nasabi na ba sa 'yo ni Henry na hindi tumitigil si Mommy hangga't hindi ka napapa-oo at kami lang ang kukulitin n'on?" Napalunok ako. Damn it! ----------------- Inaasahan ko na magiging awkward ang mangyayari, pero hindi ko naman inaasahan na aabot sa ganitong point. Why am I sitting in between Gideon and Henry on their dining area? And in front of me is Tita Eloiza, on top of that. How am I supposed to escape this damned situation? f**k! "Bakit hindi mo ginagalaw 'yong pagkain mo, hija? You don't like the food? Puwede naman tayong magpaluto ng iba—" I cut Tita Eloiza off. "Hindi na po, Tita. I'm good." Todo iling ako at pinilit na lang 'yong sarili kong kumain kahit pa wala akong gana. Hindi ko alam kung paano ba ako hihinga sa ganitong klasenv situwasyon. The worse part is, hindi nagsasalita 'yong dalawa at ni hindi man lang sila nag-uusap. "So, Reese..." Panimula ni Tita Eloiza. "Makulit ba ang dalawa kong anak na lalaki?" Halos maibuga ko na 'yong kinakain ko nang marinig ko 'yon. Alam kong alam niyang nililigawan ako ni Henry, pero hindi ko naman alam na pati 'yong kay Gideon ay may idea siya." "H-Hindi po," sabi ko na lang. Kahit sa loob ko ay gusto kong ikuwento sa kaniya kung paano ako pinapahirapan ng dalawang 'to. Gusto ko na silang batukan dahil sa mga pinaggagawa nila sa akin. They make my head ache. Damn it. Tapos ngayon, naipit naman ako sa ganitong situwasyon. "Mabuti naman. Pagpasensyahan mo na 'tong si Henry at Gideon, a? Ganito lang 'yang dalawa na 'yan pero mababait naman sila," nakangiting ani Tita Eloiza na para bang mga santo 'yong dalawang lalaki na katabi ko. "Let's cut to the chase." Sabay-sabay kaming napatingin kay Gideon nang magsalita siya. "Why did you bring her here?" "Gideon..." suway ni Henry kay Gideon na seryoso lang ang ekspresyon. Tita Eloiza smiled at him. "Gusto ko lang makilala 'yong babaeng nagpatiklop sa inyong dalawa." Umiwas naman ako ng tingin. Ako? Ako ang nagpatiklop sa dalawang 'to? I don't even know what she means. Katulad na lang ngayon, ni hindi nila ako kinakausap dalawa sa loob ng tatlong araw yata. "Alam mo kasi, Reese..." Tita Eloiza leaned her head para marinig ko 'yong sinasabi niya. "... Pasaway 'yang dalawa na 'yan, pero mabubuti silang anak—" Tita was cut off when Gideon dropped his spoon and fork. Sa sobrang lakas n'on ay napaigtad ako. "Stop pretending like you're my mother," aniya na ikinalaki ng mata ko. "Gideon—" Magsasalita na sana si Henry nang pigilan siya ni Tita Eloiza na para bang ayos lang sa kaniya na pagsalitaan siya ni Gideon at mananatili na lang siyang nakikinig. "You make me sick," sabi ni Gideon kay Tita Eloiza na halatang nasaktan pero pinili na lang niyang hayaan si Gideon. "Stop bothering, Reese, and for the love of god, stop bothering my f*****g life." Naglakad siya paalis at naiwan kaming tatlo roon. Naiwan akong nakatulala at ni hindi ko alam 'yong gagawin ko. What Gideon did was wrong, pero para bang sanay na sanay siyang magsalita nang ganoon kay Tita Eloiza. "Mom, ako na ang bahala kay Gideon." Tumayo si Henry at lumingon sa akin. "I'm sorry, Reese. Mauuna na ako." Tumango na lang ako at sinundan niya 'yong kapatid niya. Naiwan naman kami ni Tita Eloiza at wala akong ideya kung paano ko siya kakausapin. "Gideon is always like that towards me," turan ni Tita kaya napatingin ako sa kaniya. Bakas 'yong lungkot sa mukha niya habang pinag-uusapan namin si Gideon. "But I never once experienced any hatred towards him. Ang gusto ko lang ay mabuhay siya nang maayos. I want him to live his life as normal as he wanted it to." "Tita..." Natigilan ako nang hawakan niya 'yong kamay ko at lumamlam 'yong mata niya. "Take care of him. Alam kong sa 'yo lang siya nagtitiwala." That day, I went home with the realization that Gideon is the typical rebellious son with trust issues and hatred inside him. I don't know why but I feel like I have to do something for him. Why do I feel this way?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD