Chapter 16: Horror Booth

1608 Words
Reese's POV It's been two days since that game happened on that VIP room. Some of my teammates made a ruckus about it, especially Cielo. Pero hinayaan ko na lang sila na asarin ako dahil alam ko namang at some point ay mapapagod din sila kakaasar at tama nga ako dahil after two days ay hindi na nila ako inaasar. My weekend was plain boring. Cielo went out of town with her family, and Gideon didn't text me atleast once. It's a good thing for me. Para mawala na rin 'yong atensyon ko sa kaniya at mabawasan 'yong iniisip ko. Today is first day of Foundation Week. Marketing management course ang ipinaghawak ng Horror House Booth. Cielo and I are the organizers, habang ang iba naming kaklase ay mga ghosts at ang iba naman ay nag-aayos ng mga materials na gagamitin sa loob. "Ayaw ko na maging ghost, ang pangit ko!" asik ni Camille. Sinamaan naman siya ng tingin ni Cielo na halatang stress na stress na sa pag-aayos sa mga kaklase namin. Mabuti na lang at seven am pa lang. Ten pm pa magsisimulang magbukas ang school. Mahaba-haba pa ang oras namin for preparation. "Kahit hindi ka naman naka-ghost attire, ang pangit mo pa rin. Atsaka ano ka ba?! Ngayon lang naman 'to, e! Sa susunod ikaw na ang igho-ghost!" Pinigilan ko ang matawa. Cielo is mean especially sa mga maaarte. Kahit siya mismo, e isa sa mga maaarte. "Reese, pakuha naman ng make-up ko sa bag. Nabasag kasi itong dala ko. Binasag ng mga hinayupak! Hoy, bayaran ninyo 'to, a!" sigaw na naman ni Cielo sa mga kaklase naming babae. Siya kasi ang nagprisinta sa pagdala ng make-up. "Sige, hintayin mo ako rito. Kuhanin ko lang sa itaas." Pumayag na ako kahit sa third floor pa ang room namin. Lahat ng kikitain namin sa Booth ay mapupunta sa Charity. Mabuti na 'yon dahil malaki-laki rin siguro ang kikitain ng Horror Booth. Isa kasi 'yon sa dinadayo talaga ng mga estudyante kahit noon pa man. Pagdating ko sa room ay saglit akong natigilan nang makita roon si Henry. May hinahanap siya sa bag niya. Bumuntong-hininga ako, mula kaninang pagdating niya, iniiwasan na niya ako. I don't know why. Pero sa tingin ko, may kinalaman ito sa nangyari last friday night. Lumapit na ako sa bag ni Cielo at hinalungkat 'yon nang magsalita siya, "Ganoon pa rin pala ang kauuwian ko, 'no?" Tiningnan ko siya, naglalakad na siya palapit sa akin. He's wearing a plain maroon shirt and jeans. Nakaayos ang buhok niyang natural brown at nakatitig siya sa akin. He smiled but it's not genuine. "Reese, I like you. And I know what I've said won't change how you feel about me. But I'm still going to say it, gusto kita. Gustong-gusto, Reese." Hindi ako makaimik. When Henry and I met for the first time, he talked to me and tried to be my friend. Ilang beses ko siyang itinulak palayo until he confessed his feelings about me. I rejected him a lot of times but here he is. "Henry, I'm sorry." Hindi ko alam kung bakit ko 'yon sinabi. Siguro dahil ayaw ko na rin siyang pahirapan pa? Ayaw ko na siyang umasa kasi kahit anong gawin ko, wala. Wala akong nararamdaman para sa kaniya. Hindi ko puwedeng pilitin na magkaroon because that's not how this works and he knows it very well. He stopped when he's already in front of me. "Ang sabi ko, pahuhulugin kita sa akin. Pero tangina, ako 'yong paulit-ulit na nahuhulog, e." Naiinis ako sa sarili ko. Kasi kinukulong ko ang sarili ko sa nakaraan. Sinasaktan ko ang mga taong gustong pumasok sa buhay ko, katulad ni Henry. But every time I try to forget, bumabalik pa rin ang sakit. At natatakot ako. Paano kapag nalaman ni Henry ang totoo? Will he still love me the same way? Lahat nang nakikita ng mga tao sa akin, lahat ng 'yon ay wala pa sa totoong ako. Tama si Bryan, I'm hiding a dirty secret within me. "Hindi pa rin ako susuko, Reese. What I feel about you is real." He smiled and messed my hair pagkatapos ay iniwan na niya ako roon. If only I can reciprocate how he feels, if only I can teach my heart, I'll choose him. Noon pa man, I'm trying so hard to focus on Henry's feelings, pero alam ko sa sarili ko na hindi ko 'yon magagawang suklian. Hanggang ngayon, hindi pa rin 'yon nagbabago. Hindi ko pa rin kaya. -------- "Absent si Erwin, paano na 'yan?!" Napakamot si Cielo sa ulo niya sa sobrang pagka-frustrate. Thirty minutes na lang at magsisimula nang magbukas ang mga booths. "Ako na lang ang papalit sa kaniya!" Napalingon kami kay Henry. Akala ko nagbibiro lang siya pero mukhang seryoso nga siya. Si Erwin 'yong isa naming kaklaseng lalaki na dapat ay isa sa mga gaganap bilang nananakot kaso nagkasakit siya kaya hindi nakapasok. "Dali na, Cielo! Gahol na tayo sa oras!" "Ay, oo nga!" Nagulat naman ako nang iabot sa akin ni Cielo ang make-up. "Anong gagawin ko rito?!" asik ko. "Ikaw na ang maglagay sa kaniya. Galingan mo, a!" She winked at me kaya wala na akong nagawa. Mayroon kaming room na naka-reserve para sa booth namin, dito namin ilalagay lahat ng materials at dito kami gumagawa, nagme-make-up at nag-aayos. "Don't sweat too much, Reese. Nanginginig ang mga kamay mo," natatawang sabi ni Henry habang nilalagyan ko siya ng make-up sa mukha. Hindi ako sanay na maging ganito ka-close sa lalaki. I can totally smell his minty breath at naiilang ako until I felt his hand on mine. "H-Henry..." He smiled and guided my hand to put make-up on his face. "Gumagana na ba? Nahuhulog ka na ba sa akin?" Hindi ako nakasagot. At hindi ko na inabala pang sumagot kasi hindi ko alam 'yong dapat kong sabihin sa kaniya. Nang matapos kami sa pag-aayos ay ininspeksyon ko ang loob ng booth namin kung nasa tamang puwesto na ba ang mga kaklase ko at maayos naman ang lahat. Lalabas na sana ako nang may humila sa braso ko kaya napasigaw ako pero tinakpan niya ang bibig ko. "Your voice is annoying when you yell." Nang marinig ko ang boses niya ay siniko ko siya sa tiyan kaya napalayo siya sa akin at ininda 'yon. Nanginginig ang katawan ko sa kaba at takot. Sa isang iglap, bumaha na naman ng memorya. "D-Don't do that." Aalis na sana ako nang hinawakan niya ang braso ko. Paglingon ko ay seryoso na siya. "Gideon, may gagawin pa ako." "You're making me jealous." Natigilan ako. Para akong binuhasan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. My heart was pounding so loud that I can hear it. After his confession on the VIP room, ito pa talaga ang bubungad niya sa akin ngayon? "Making you what--" He caged me on the wall. Ang dalawang kamay niya ay mariin na nakatungkod sa pader at ang lapit ng mukha niya sa akin. I can smell his body wash from here and his minty breath that lingers in my face. Ganoon siya kalapit. "Gideon, baka may makakita sa atin!" Tinulak ko siya pero parang walang lakas ang mga kamay ko. I should be hating him by now for being this close to me. Simula noon, wala pang nagiging ganito kalapit sa akin. At nanghihina ako sa uri ng titig niya sa akin. Kahit madilim sa puwesto namin, alam ko na nakatingin siya sa akin. "I've never been this possessive of something I can't have, Reese. Ngayon lang." His voice became husky and I feel my cheeks heating up. Bakit ganito ang nararamdaman ko kapag nandiyan siya? Nanghihina ako. Pakiramdam ko, wala akong lakas na itulak siya palayo. "Why can't I have you? For me, and me alone. I want you, Reese. So much that I can't bear to see you with my brother." Humawak ako sa dibdib niya at itinulak siya pero hindi man lang siya umatras. "You can't be that selfish, Gideon. I told you, we're just friends and I don't want to ruin that. Kung gusto mong tumagal ang pagkakaibigan natin, rerespetuhin mo ang desisyon ko. And Henry is just a friend of mine. He's your brother, ano'ng dapat mong ikaselos?" The last part that I've said was a bit off. Para kaming mag-on na nag-aaway dahil sa isang lalaki na pinagseselosan niya. Umiwas ako ng tingin. Hindi ko matagalan ang titig niya sa akin, nakakapanghina. "Reese—" I cut him off. "Gideon, stop pushing yourself to me! Ano ba kasing hindi mo maintindihan sa sinabi kong hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa 'yo?" I sighed. Damn it. Ang sasakit ng mga salitang lumalabas sa bibig ko pero hindi ko pinipigilan 'yong sarili ko kasi alam kong ito lang 'yong tanging paraan para lumayo 'yong loob niya sa akin. This is for his own good. "You don't have the right to feel jealous or anything!" sigaw ko. "So, you won't get jealous if you see me talking with someone else?" May pang-uudyok sa boses niya. Bakit niya ba ginagawa sa akin 'to? "H-Hindi! Jealousy is a childish act, Gideon. Especially when you're not even in a relationship," buong lakas ko 'yong sinabi. Umatras siya sa akin at umismid siya. "Alright, Reese." Tinalikuran niya ako at iniwan doon. Doon ko lang napansin na pinipigilan ko pala ang hininga ko. I held my chest where my heart is placed. Malakas pa rin ang pagpintig no'n. The hell is wrong with this heart? What am I supposed to do now when all I want to do is run away from this mess I'm in?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD