Reese's POV
"Nice game, Reese! Bukas ulit, a!" sigaw ni Andrea at nauna na siya sa akin. Naiwan ako sa loob ng locker room na inaayos ang butones ng uniform ko. Ako na lang ang naiwan sa loob ng locker room, 'yong iba kasi ay nagpa-practice pa sa gym. Kakatapos lang namin mag-practice ng isang game ng volleyball at diretso na ako sa klase ngayon. Mabuti na lang at may trenta minutos pa ako para magpalit ng uniform.
Malapit na ang Intrams at Foundation Day ng Campbell kaya mas lalong nagiging busy ang school at ang section namin ang maghahawak ng isang event. Required daw kaming um-attend ng Foundation Week at pasado na kaagad kami sa project.
Every foundation day, mayroong mga booths na nagkalat sa buong campus. Last year, we handled the hotdog stall. Kaming buong Marketing Department ang nagtayo ng mga food stall at maayos naman namin 'yon nagampanan. 'Yon nga lang, nang mag-short ang pera ay kami rin ang nag-abono.
Ngayong taon naman, we are in charge for one of the booths. Siguro ay pag-uusapan pa ng buong department ang kaniya-kaniyang booths na itatayo bawat section.
Kinuha ko ang bag ko at aalis na sana sa locker room nang humarang sa daraanan ko si Henry na pawis na pawis at halatang kagagaling lang sa practice.
Kanina ko pa napapansin na tinitingnan niya ako habang nagpa-practice ako na para bang gusto niya akong kausapin at hindi nga ako nagkamali. Nang mapansin niya sigurong tapos na akong mag-practice ay pinuntahan na niya ako.
"Rey..." pagtawag ko sa pangalan niya. Hindi ko alam na ia-approach niya pa pala ako pagkatapos nang ginawa ko sa kaniya. "...mukhang hinihintay ka nila." Tukoy ko sa basketball team na tumitingin sa amin.
He smiled. "Can we talk?" Bakas sa boses niya na seryoso ang sasabihin niya kaya naman pumayag ako. May fifteen minutes pa naman bago ang next subject ko at naglalakad naman na kami papunta sa room.
I honestly don't feel comfortable now. Part of it is because of his presence, but the other part is because I feel guilty for the things I did to him.
"Mukhang close na kayo ni G, a." Hindi ako nakasagot nang biglaan niyang sabihin 'yon. Kapag kaming dalawa lang talaga, parang ayaw kong magsalita. Ganito naman talaga ako sa mga lalaki magmula nang araw na 'yon. Ang mga kagagahan ko noong senior high school student ako, sana makalimutan ko na 'yon. Sana.
Nakapapagod magalit sa sarili ko. Nakapapagod na rin magalit sa mga lalaki. Pero tuwing nakikita ko sila, hindi ko maiwasang matakot at magalit dahil iisa lang ang tingin ko sa kanila. Manloloko. Nakakatawa, kasi isa lang ang nanakit sa akin pero lahat sila dinamay ko na. Ganito nga siguro kapag alam mo na ang kahihinatnan ng lahat. Kapag nakikita mo na naman 'yong sarili mo na nasasaktan at ayaw mo nang mangyari 'yon.
"Can I court you again, Reese?" Natigilan ako sa sinabi niya kaya napahinto rin siya sa paglalakad. Seryoso ba siya? Hindi ba galit na siya sa akin dahil sa loob ng isang taon na panliligaw niya, wala akong ibang ginawa kung hindi ayawan siya?
"'Rey kasi..." Nag-aalangan akong magsalita. Kahit pala anong gawin ko, wala pa rin akong tiwala sa mga lalaki. "...ayaw ko muna makipagrelasyon."
Mapait siyang ngumiti and I can say that he's really attractive. Especially now that he's wearing his jersey and he's full of sweat. Hindi siya dugyot kahit pawisan ang braso at leeg niya. Mabango rin siya kahit pinagpapawisan. I remember someone in him.
Ganitong-ganito rin. Mapilit, guwapo, malakas ang dating, and at the same time, a heartbreaker.
"It's okay," sabi niya. Akala ko titigilan na niya ako pero nagulat ako sa sunod niyang sinabi. "I'll make you fall for me, Reese. Hanggang sa bumigay ka na rin sa akin. Dalawa lang 'yan, e. Either you'll let me court you or I won't ask for your permission. Kahit ano sa dalawa, liligawan pa rin kita." He's dead serious. Walang bakas na nagbibiro siya at hindi ko na alam kung ano 'yong gagawin ko.
"Pero mahihirapan ka lang sa akin," sabi ko na ikinangiti niya lang.
"So? Ganoon naman kapag nanliligaw, 'di ba? Nahihirapan?" Umismid siya at naglakad na ulit. Nang makarating kami sa lobby papunta sa staircase ay marami ng mga estudyante na nililingon siya kaya medyo dumistansya ako.
Maraming nagkakagusto kay Henry at humahanga. Pero sa nakalipas na buwan at taon, wala siyang ibang pinagtutuunan ng pansin kung hindi ako kaya sabi nila Cielo ang suwerte ko raw.
Should I really try? Wala namang masama kung susubukan ko ulit, hindi ba? Should I give Henry a chance again? Hindi ko na alam. Dumaragdag pa sa iniisip ko 'to at hindi ko rin alam kung bakit ako ang kinukulit nilang dalawa ni Gideon.
Habang iniisip ko 'yon ay sumagi sa isip ko ang mukha ni Gideon na naka-pout kaya napailing ako. Bakit ko ba siya iniisip?
Nang mabawasan na ang dumaraan ay nilingon ko si Henry. "Sige."
"H-Huh?" nagtataka niyang tanong sa akin na para bang gulantang siya sa sinabi ko.
"I'll let you court me again." Pagkatapos ay umakyat na ako. Nasulyapan ko pa ang pagngiti niya kaya napailing na lang ako. Ang kulit talaga nilang magkapatid.
Ayaw kong paasahin si Henry kaya susubukan ko ulit. Pero habang iniisip ko siya, si Gideon ang pumapasok sa isip ko.
Paano kaya kapag nalaman niyang nililigawan na ulit ako ng kuya niya? Magugulat kaya siya? Magagalit?
Napailing ako. Si Henry ang nanliligaw! Hindi si Gideon at magkaibigan lang kami! Magkaibigan lang!
-------
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Gideon na biglang umupo sa harap ko. Nagta-type ako sa laptop dito sa loob ng library. Payapa rito at walang madaldal na kaibigang magyayaya mag-boys hunt.
Buti nga hindi ako sinamahan ni Cielo rito sa library, kung hindi ay palalabasin nanaman kami ng Librarian. Last time kasi na tambay namin dito, nakipagharutan ba naman sa isang estudyante at tawang-tawa pa siya.
Pinaalis tuloy siya ng Librarian at ang ending, dinawit pa ako.
Hinila ni Gideon ang upuan at pabagsak na umupo ro'n pagkatapos ay may inilabas siyang makapal na libro. Sa tingin ko, Academic book 'yon at mukhang stress na stress na siya ro'n.
"Walang pumapasok sa utak ko," sabi niya kaya mahina akong natawa. Sinusulyapan ko siya habang nagbabasa siya. Ngayon ko lang siya nakitang ma-stress dahil sa course niya. Pa lagi siyang chill lang at ngayon, talagang mukha na siyang estudyante dahil sa hawak niyang academic book.
Nakasuot siya ng uniform nila at napakalinis niyang tingnan kahit uwian na. Magulo na naman ang itim na itim niyang buhok na bahagyang humaharang sa brown niyang mga mata na nakatingin na sa akin ngayon.
"Punta tayong Luneta." Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya hudyat na wala akong balak umalis.
"Marami akong gagawin. Alis na." Hindi ko na nga natapos 'tong report ko dahil imbis umuwi ako kahapon ay pinuntahan ko siya sa park at kumain pa kami sa buffalo wings restaurant.
"Damot nito." He pouted and leaned his head on the desk. "Matutulog ako, gisingin mo na lang ako kapag hindi ka na busy."
Napabuntong hininga na lang ako nang hindi na siya nagsalita. Ang isang braso niya ay umabot pa sa gilid ng laptop ko. Tinitigan ko siya habg nakapikit.
Ano kayang trip nito sa buhay? Sa dami-raming babae sa mundo, nagtyatyaga sila sa aking magkapatid? 'Yong isa masugid na manliligaw, 'yong isa naman, gusto akong maging kaibigan.
I smiled and shook my head. Nag-focus na lang ako sa ginagawa ko dahil alam ko namang kahit anong tulak ko sa kaniya palayo ay hindi pa rin naman siya makikinig.
Nang matapos ko na ang summary ng report ko ay napahinga ako nang maluwag. Visual aids na lang at tapos na ako. Tiningnan ko ang wrist watch ko at alas sais na, si Gideon naman, mukhang malayo na ang narating sa panaginip.
I was busy editing my powerpoint when my phone vibrated. Nasa desk 'yon kaya nag-vibrate ang buong desk, at kaagad ko 'yong tiningnan.
Si Henry, tumatawag. Sinagot ko 'yon agad at narinig ko ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya. "Nasaan ka?"
"Library," sagot ko. Tingin ko, nandito pa 'to sa campus kasi six pm din ang tapos ng practice nila ng basketball.
"Sunduin kita, a? Paakyat na ako."
"Ah, Henry--" Magsasalita pa sana ako nang patayin niya ang tawag. Napasapo ako sa ulo, paano na 'to? Kasama ko si Gideon tapos ngayon naman, pupuntahan ako ni Henry?
Itinabi ko ang laptop sa bag ko at niyugyog ko si Gideon. "Hey, tara na. Magsasara na rin ang library."
Umunat siya at tiningnan ako. "Hatid na kita." Inagaw niya sa akin ang bag ko bago pa ako makapagsalita.
"Gideon, ano kasi..." Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na susunduin ako ni Henry.
"What?" Walang emosyon ang mukha niya at naglakad na palabas ng Library kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako lalo na nang mamataan ko na si Henry na naglalakad sa hallway.
Mukhang nakita na rin niya kami at naglaho ang ngiti niya nang makita ang kapatid. "G? Ba't nandito ka pa?" tanong niya kay Gideon.
"Ako ang dapat magtanong niyan, 'di ba? Ba't nandito ka papunta sa Library?" Ang lamig ng boses ni Gideon at hindi ako sanay sa kaniya. Ang bigat din ng tensyon sa pagitan nila na ngayon ko lang naramdamn sa kanilang dalawa. Kadalasan kasi na magkasundo talaga sila.
"Sinusundo ko si Reese." Itinuro ako ni Henry at hindi naman ako makakibo. s**t, nagsisisi tuloy ako na wala rito si Cielo. Walang hihila sa akin paalis sa pagitan ng dalawang 'to. Bakit ba kasi ako naipit sa ganitong situwasyon? Damn it!
"Ako na ang maghahatid sa kaniya. 'Di ba, Reese?" Tiningnan din ako ni Gideon na para bang hinihintay niya na sumagot ako ng oo. s**t, paano ko 'to lulusutan?
"Gawain ng manliligaw ang maghatid, 'di ba?" natatawang sabi ni Henry na nagpatigil kay Gideon. Napakagat ako sa labi. "Ay oo nga pala, G! Nililigawan ko na ulit si Reese! Hindi pa ba niya nasasabi sa 'yo?"
Nanahimik si Gideon pero ang tingin niya ay nasa akin pa rin. Ngayon ko lang na-realize na kanina pa pala ako hindi nagsasalita. Uwing-uwi na ako! Bakit pa ba sila nagtatalo? Kaya ko namang umuwi!
"In the contrary, hindi ba't mas pinipili ang kaibigan kaysa manliligaw?" May pangungutya na sa boses ni Gideon na para bang wala siyang balak magpatalo sa kuya niya. "Sorry pero manliligaw ka pa lang, Kuya H. Kaibigan ako."
Hindi ako nakapagsalita nang hawakan ni Gideon ang pulsuhan ko at hinila ako paalis doon. Sinundan kami ng tingin ni Henry hanggang sa mawala na rin siya sa paningin namin.
"B-Bakit mo 'yon ginawa? Hindi mo naman ako kailangang ihatid," sabi ko kay Gideon pero nanatili siyang diretso sa paglalakad habang hila ako. Para bang wala siyang naririnig sa sinasabi ko. Kahit din sinusubukan kong hilahin 'yong braso ko mula sa pagkahahawak niya ay ayaw niya akong bitawan.
"Magkaibigan na tayo, 'di ba? I'm just being a protective friend." Hindi ko alam pero hanggang sa malayo na kami ay titig na titig lang ako kay Gideon. "I won't let anyone have you, except me. Especially not on my watch," he uttered. Oh god, hibang na nga ata talaga ang lalaking 'to.