Chapter 10: A Date

1740 Words
Reese's POV "Isa pang gawin mo sa akin 'yon, nakikita mo 'to?" Itinaas ko 'yong vacuum cleaner na hawak ko. "Hahambalos ko 'to sa mukha mo," sabi ko kay Cielo na ikinatawa lang niya. "What's the big deal? Pumunta lang naman kayo ng mall tapos nag-bonding," aniya na para bang nanunukso kaya sinamaan ko siya ng tingin. She knows I haven't done that for a while kaya ganito siya ngayon, tuwang-tuwa kasi may kasama akong lalaki kahapon. Of course, she's my best friend. She wants me to be happy again, pero alam naman niyang imposible pa akong makipag-date sa ngayon. I'd rather focus on my studies as much as possible, ayaw ko na muna ng distractions pero mukhang hindi kami nagkasusundo sa bagay na 'yon. She wants me to stop focusing only on studying, gusto niya na makipag-date din ako katulad niya para daw friendship goals. O, hindi ba't siraulo? Nang dumating ang prof namin ay isa-isa pina-present sa amin 'yong business proposal namin at 'yon ang kinaiinis ko sa lahat, dahil alphabetical order ang pagre-report ay pangatlo lang ako sa una dahil Buenavella ang apelyido ko. I presented mine and I was in the middle of the class when my phone rang. "Miss Buenavella, turn off your phone," ani ng prof naming masama na ang tingin sa akin kaya naman kaagad kong ibinaba 'yong call without looking at the caller ID. Napatingin ako kay Henry na nag-ring din ang phone at pati siya ay pinagalitan din ng prof namin. Nang matapos akong mag-report ay nagpaalam kaagad akong pumunta sa comfort room para tingnan kung sino 'yong tumatawag at nagtaka ako nang si Gideon 'yon. I tried to call him but his phone is busy. Napaigtad naman ako nang may humawak sa balikat ko at paglingon ko ay si Henry 'yon. "Did Gideon call you?" Nagtataka man ay tumango ako. "O-Oo. Did he call you too?" Nag-iba 'yong timpla ng mukha niya na para bang hindi niya nagugustuhan 'yong nangyari kaya lalo akong na-bother. What's happening? Why did his brother call me in the first place? "Gideon got into a fight with his classmate," ani Henry na ikinalaki ng mata ko. I mean, I know Gideon always resorts to violence when there's an argument, but to think that he'd do that in the University? I heard malaki ang penalty kapag nakipag-away rito mismo sa school. "Mom called me. Sabi niya hindi raw nila mahanap si Gideon kahit saan. They called me to ask if ever Gideon contacted me." Kinuha ko 'yong phone ko at ipinakita sa kaniya ang missed call ni Gideon sa akin. "He called me earlier. Strange. Bakit ako ang tinawagan niya?" Henry sighed. "I don't know. Gideon may look close to me, pero ni maging ako ay hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya." Pareho kaming natahimik ni Henry dahil pareho kaming nag-aalala kay Gideon. I don't know why, but I feel like if I answered his call earlier, I would have known where he is by now. "Tell me if he contacted you by chance, okay?" Tumango ako at sabay na kami ni Henry bumalik sa classroom. I don't know why but I don't feel good about this. Pakiramdam ko ay mag-isa lang si Gideon ngayon at ni walang may alam kung nasaan siya. Panay ang tingin ko sa phone ko, thinking whether to call him or not. Pero nang nasa last subject na ay kusang nag-ring 'yong phone ko. It was Gideon's name that popped up kaya napatayo kaagad ako at sinabi sa prof ko na emergency call 'yon. "Hey, Reese--" I cut him off before he could even finish what he's about to say. "Where the hell are you?!" sigaw ko pero tumawa lang siya sa kabilang linya. His laugh was different though. It was as if he's not really okay. Kaya imbis sigawan ko pa siya ay bumuntong hininga na lang ako at napasandal sa pader ng hallway. Buti na lang at walang dumaraan dahil oras ng klase ngayon kaya kahit magsalita ako ay walang makaririnig sa akin. "Why? Are you worried?" pangungutya niya kaya napairap na lang ako kahit hindi naman niya ako nakikita. "Should I be glad then? The Reese 'Man hater' Buenavella is now worried because of me?" "Gideon..." May pagbabanta sa boses ko kaya natahimik siya mula sa kabilanh linya. "This is not funny. You should contact your family, they're worried about you." Hindi siya umimik saglit kaya akala ko pinatay niya 'yong call, pero bigla siyang nagsalita ulit. "Sorry for contacting you instead of them." I sighed. "Where are you?" "In the park near the school," sagot niya. I didn't expect him to say where he is. Akala ko nga ay hindi niya sasabihin sa akin puwedeng-puwede kong sabihin kila Henry kung nasaan siya. "Gideon, why do you trust me so much?" I asked out of nowhere. He laughed on the other line. "I told you before, right?" Natahimik ako at pinakinggan ko siya. "I trust you because I feel like you aren't like other people. You look beyond my facade, Reese." Hindi ako nakasagot. Instead, I dropped the call. Hindi ko alam pero namalayan ko na lang 'yong sarili kong naglalakad papunta sa park na sinasabi ni Gideon pagkatapos ng klase ko. He didn't force me to come. He didn't tell me to go there and comfort him, yet I went there on my own. Akala ko wala na siya roon dahil halos isang oras na rin ang lumipas magmula nang magkausap kami, pero naabutan ko siyang nakaupo sa isa sa mga swing. Wala ng mga bata sa park na naglalaro dahil madilim at napakapayapa roon. Maybe that is the reason why he went here, because it's calming. "I knew you'd come," aniya nang umupo ako sa swing na nasa tabi ng inuupuan niya. "Though for a second there, akala ko walang Reese na darating--" I cut him off. "Stop bothering me, Gideon." Nakatingin lang ako nang diretso sa mata niya nang walang pag-aalinlangan sa bawat salitang sinasabi ko. "Trust me, wala kang mapapala sa akin. Kung ano man 'yong iniisip mong kahihinatnan ng lahat, hindi 'yon mangyayari. You don't even know me, so, stop trusting me. Stop running towards me with those issues of yours." Alam kong masasaktan ko siya sa mga sinasabi ko. Alam ko rin na madaragdagan pa 'yong burden na dinadala niya dahil sa mga iniiwan kong salita sa kaniya, but I need to be honest as well. Ayaw kong ipagpatuloy pa ang koneksyon na mayroon kami. I don't like this. Tumingala siya sa madilim na kalangitan na para bang may inaalala siya. "Si Mama, pa lagi niyang sinasabi sa akin noong bata pa ako na hindi ako katulad ni Kuya Henry at Kuya Jarred. Na darating 'yong araw na mararamdaman kong naiiba 'yong mga mundo namin. And you know what?" He looked at me at doon ko lang tuluyang nakita 'yong pasa sa kaliwang pisngi niya. "She's right. As time passes by, patuloy kong nauunawaan 'yong pagkakaiba namin. Kuya Henry and Kuya Jarred, they are normal. While, I on the other hand, I need to fit in just to be called normal." "Gideon..." "Alam mo ba kung bakit ikaw 'yong tinawagan ko kanina?" tanong niya pero hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kaniya at hindi ko alam pero ang bigat sa pakiramdam. "Because in reality, I don't belong to their family. Isa lang akong sabit sa pamilya nila at hindi sila dapat nag-aalala sa akin." Napailing ako. "Gideon, alam mong nag-aalala sa 'yo ang Kuya mo--" he cut me off. "I know, I always know that they care for me. But god, hindi ko maiwasang isipin na pabigat lang ako sa kanila at puro problema lang naman 'yong dala ko. See? Even though they love me, I keep on pushing them away because I feel guilty, Reese." Ngumisi siya pero halata mo sa kaniyang hindi siya masaya. "Kasi ako 'yong bunga ng pagtataksil ng Tatay namin at tuwing nakikita ko si Tita Eloiza, I feel so f*****g guilty." "But it's not your fault," sabi ko. "Hindi nga. Pero 'yong mga ginagawa kong kagaguhan? Those are my fault, Reese. And here I am, nakipag-away na naman ako just because someone told me that I don't deserve my father's surname because I'm good for nothing. At kahit alam ko namang tama 'yong sinabi ng taong 'yon, nagalit pa rin ako," aniya na ikinatahimik ko. He's carrying all this pain. All those unsaid thoughts inside his head, he's saying those to me as if he's an open book. "Then, why do you keep on doing those things?" tukoy ko sa pakikipag-away niya. Umiling siya. "Because I hate my father so much, Reese." Nanlaki 'yong mata ko at napatingin sa kaniya. "I f*****g hate him to the point that I want to mess with his name and he can't do anything about it." Napalunok ako. I can feel his hatred towards his father through the words he's saying. Para bang matagal nang namumuo 'yong galit na 'yon pero hindi niya magawang ilabas. Tumayo ako at tumayo sa harap niya. "I know I told you that you shouldn't drag me on your issues but..." Hinila ko siya patayo na ipinagtaka niya. "... let's go. Hindi ako sanay na ganiyan ka." He didn't ask me kung saan kami pupunta. Basta sumunod lang siya sa akin at dinala ko siya sa buffalo wings restaurant na alam kong favorite niya dahil dito niya gustong pumunta noong time na niyaya niya akong lumabas. "How did you--" I cut him off. "Ngayon natin ituloy 'yong dapat na kakain tayo rito." I smiled. When was the last time I was like this with a guy? I can't even remember. It was two years ago, I guess? I never imagined myself being like this again. Especially with my trauma. Nang makaupo na kami at makapag-order ay nakatingin lang sa akin si Gideon na para bang naguguluhan pa rin siya sa mga ginagawa ko. Hindi niya rin siguro in-expect na mauuwi sa date ang araw na 'to. "Why are you looking at me as if I did something weird?" natatawa kong tanong. "Because you did something weird," sabi niya kaya kumunot 'yong noo ko. "You made my day okay again, Reese." Napaiwas ako ng tingin. This is the only thing I know to make him feel better. Pero pagkatapos nito, kailangan ko na siya ulit itulak palayo. I'm sorry, Gideon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD