Reese's POV
"Ikaw, a! Bakit may mga patak ng dugo sa carpet ng kuwarto ko? Alam mo bang pinagalitan ako ni Yaya Medel dahil do'n? Akala niya kung ano na!" sigaw ni Cielo habang sinesermunan ako.
"It's Gideon's," sabi ko habang inaalala 'yong nangyari kagabi. I didn't know how we seperate ways. Basta ang alam ko lang ay nakauwi na ako at nakahiga na sa higaan ko nang ma-realize kong hinayaan ko 'yong sarili ko na mapag-isa kasama si Gideon.
It's been a while since I talked to a guy like that. For a moment, I forgot about the things that are bothering me and all I did was to listen to everything that he said. I admit, I feel so guilty for pushing him away, but at the same time, I can't blame myself for feeling this way.
"Anyway..." Nagulat ako nang hawakan ni Cielo 'yong kamay ko kaya napatingin ako sa kaniya. "I'm glad you're starting to overcome your trauma," aniya at ngumiti. It was a genuine smile.
Napaiwas ako ng tingin at bumuntong hininga. Overcome my trauma, huh? I wish it's that easy. I wish it could be erased the moment I started talking to guys again, but no. It's still here.
"Patingin ako ng business proposal mo," pag-iiba ko ng usapan. Ayaw kong magtanong pa siya tungkol sa nangyari kay Gideon dahil nangako ako na hindi ko sasabihin kung ano man ang napag-usapan naming dalawa.
After my birthday party, Gideon keeps on flooding my social media accounts with his nonsense messages. Patuloy ko rin naman siyang binabalewala dahil marami pa akong dapat unahin kaysa kakulitan niya. I still have my business proposal that I need to finish.
Two weeks lang ang ibinigay sa amin para gawin 'yon pero wala pa rin akong napipiling gagamiting product, hindi pa ako nakagagawa ng survey form at hindi ko pa nae-edit ang samples. Sumasakit na utak ko kaka-brainstorm pero wala talaga. Natuyot na ata braincells ko o baka naman naubos na, ay ewan!
Nilabas ko ang laptop ko habang wala pa ang prof namin sa Essential Management. Gagawin ko na muna ang business proposal ko kaysa sayangin ang oras.
"Ito 'yong akin. Vanilla Whitening Soap," proud na sabi ni Cielo sabay abot sa akin ng long folder at pagbuklat ko n'on, nakapag-edit na siya ng samples ng product niya at nandoon na rin ang ibang information. Nagawa niya ito in just two days?!
"'Yan kasi, makipag-text ka pa kay Gideon." Natatawa pa siya habang inaasar ako. Sinamaan ko siya ng tingin at ibinalik na sa kaniya ang folder. "Speaking of the handsome devil."
Nakatingin si Cielo sa may pinto ng classroom kaya sinundan ko na rin ng tingin at nakita ko roon si Gideon na nakatayo habang nakapamulsa suot ang white scrub suit na uniform niya. Magulo na naman ang buhok nito at hindi mawala ang ngiti sa labi.
Ngayon, hindi lang si Cielo at ako ang nakatingin sa kaniya. In fact, lahat na ng kaklase namin ay nakatingin sa pinto kung saan siya nakatayo. He stands out from the rest.
"G, ano'ng ginagawa mo rito?" rinig kong tanong sa kaniya ni Henry na nagulat din sa kapatid. Ang mga babae kong kaklase ay nagbubungisngiaan habang pinupuna kung gaano kaguwapo ang mga Perez.
"Just checking on Reese." Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang pangalan ko kaya si Henry ay sumimangot at tinalikuran ang kapatid niya. Oh crap. "Reese, kain tayo mamaya, a!"
Tinitigan ako ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ni Gideon na kaagad ding umalis. Napasapo ako sa ulo ko dahil pati si Cielo ay titig na titig na rin sa akin. Maybe, they're wondering why the manhater they all know is now having a friend, and a Perez on top of that. Damn it!
"Hindi pala pedophile, a!" ani Cielo habang tumatawa at halos mahampas ko na sa kaniya 'yong laptop kaso sayang, mahal pa naman 'to. Baka masira sa pagmumukha niya.
"Layas!"
---------
"Ayaw ko nga!" sigaw ko kay Gideon habang sinusundan niya ako sa paglalakad. Bakit ba kasi tuwing monday, sabay ang uwi namin? Hindi ko tuloy siya matakasan. Napakakulit. Talagang inabangan niya pa ako sa harap ng building namin at gumawa pa ng eksena. Of course, he's Henry's brother and he's wearing his uniform, pero nasa department siya ng Marketing.
Hindi ko na tuloy alam kung paano ako magtatago sa kahihiyan na ginagawa niya. I hate attention the most. Pero kanina, pinagbubulungan na kami dahil buntot siya nang buntot sa akin na para bang isa akong aso.
"Kain tayo, please?" Nag-pout na naman siya habang humaharang sa dinaraanan ko. Iniwan na naman ako ni Cielo sa lalaking 'to. Malapit ko na talaga isiping ipinagkanunulo niya ako.
"Marami pa akong dapat tapusin." 'Yong business proposal ko hindi ko pa tapos, sa Ethics naman may report pa ako na kailangan ko ring unahin dahil this week na 'yon. Patong-patong na ang ginagawa ko. Samantalang itong si Gideon, chill lang. I thought nursing students are always busy? It doesn't seem that way to him though.
"Tutulungan na lang kita. Ano, tara?" Tumigil ako sa paglalakad. Wala talaga siyang balak na tigilan ako, e 'no? Kaya sa huli ay pumayag ako at sumakay kami ng bus. Para na rin matigil siya sa pangungulit sa akin. I hate the fact that I can easily get swayed when it comes to him.
"Saan ba tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung paano niya ako napapapayag na sumama sa kaniya o kung paano niya nagagawang matagalan ang ugali ko. Basta ang alam ko lang, hindi siya sumusuko hangga't hindi ako pumapayag.
"Sa SM Manila," tipid niyang sagot. Nakatayo kami dahil puno na ang bus, pero nang may bakante na ay uupo na sana ako nang unahan ako ng isang lalaki.
"Sorry, Miss. Nauna ako, e." Mukhang estudyante siya ng isang university malapit din sa school namin. Walang modo. Nakita naman niya na ako dapat ang uupo. Hindi ko na sana siya papansinin nang kuwelyuhan siya ni Gideon.
"Tatayo ka o palalabasin kita sa pamamagitan ng bintana?" Nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang ginawa ni Gideon kaya napaatras ako. Napatingin din ang ibang tao sa bus sa amin dahil nagkaroon nga ng ganitong komusyon. Kaya bago pa namin maagaw ang atensyon ng lahat ay hinawakan ko na si Gideon sa braso.
"Gideon!" Hinila ko siya pero hindi niya ako pinapansin. Pinagtitinginan naman kami ng mga ibang pasahero at ang iba sa kanila ay nagbubulungan pa. "Tama na, okay lang na nakatayo ako."
"Stand. Up." Matigas ang boses ni Gideon at mukhang seryoso siya sa sinabi niya kanina kaya walang nagawa 'yong lalaki kung hindi tumayo at pinaupo naman ako ni Gideon. Galit ko siyang tiningnan pero mukhang pati siya ay galit din. What's the point of resorting to violence? Kaya ko namang tumayo hanggang sa makarating kami roon sa pupuntahan namin dahil unang-una na ay hindi naman 'yon ganoon kalayo.
"Hindi mo naman 'yon kailangang gawin--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang masama pa rin 'yong tingin niya roon sa lalaki na medyo malayo na sa amin. Dahil doon, galit na siya? Hindi ko na lang siya inimik dahil ayaw ko rin naman na lalo pa siyang magalit. Hanggang sa makarating na kami sa SM Manila ay unti-unti nang nagbago ang mood niya. Lalo na nang matanaw na niya ang SM.
"Tara." Huli na nang ma-realize kong hawak na niya ako sa pulsuhan at hinila niya ako palabas ng bus at nang makababa kami ay tinakbo pa namin patawid kahit na puwede naman kaming maglakad. Mukhang excited siya kaya hinayaan ko na lang.
"What are we doing here?" tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa loob ng mall, hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko. Gusto kong tanggalin ang pagkahahawak niya sa akin dahil ayaw ko ng physical contact lalo na sa mga lalaki. But for some reasons I don't want to see the smile on his lips vanished because of me kaya nagpatianod na lang ako sa mga ginagawa niya.
"Sa World of Fun tayo." Hinila niya ako at naghagdan kami imbes na escalator dahil maraming tao na nandoon. Pagkarating namin sa World of Fun, dinala niya ako kaagad sa Claw Machine. Napasapo ako sa ulo ko, ano ba 'tong kasama ko? Sanggol?
"Hindi ko naman kailangan niyan," asik ko pero tiningnan niya ako na para bang ako ang pinakatangang nakilala niya.
"Hindi para sa 'yo. Para 'yan kay Makoy, 'yong bata sa orphanage." Hindi ako nakapagsalita, bumili siya ng tokens at nakatitig lang ako sa kaniya habang kumukuha ng stuffed toy sa loob ng Claw Machine. Namalayan ko na lang na napapangiti na pala ako. I can see his determination to get atleast one of those toys just to give it to a kid in the orphanage. "Nakangiti ka? Crush mo na 'ko, 'no?"
I glared at him. "Dalian mo uwing-uwi na ako." Iniba ko ang usapan at nagsimula na naman siyang kalikutin 'yong machine. Nakaanim siyang manika pero naka-two hundred pesos naman siya para lang doon. Tuwang-tuwa siya kasi marami pa raw siyang bata na mabibigyan dahil hindi lang isa ang nakuha niya.
Kumakain kami sa shawarma stall nang tanungin ko siya, "Bumibisita ka sa orphanage?" Kumagat siya sa shawarma at tumango bilang sagot sa tanong ko.
"Doon nagtatrabaho si Mama dati kaya minsan bumibisita ako," sagot niya na nagpagulo sa akin. Ang mama nila ni Henry? Hindi ba't may sarili silang business? Napansin naman niya ang pagkagulo sa akin kaya natawa siya. "Kuya H and Kuya J are just my half brother. Anak ako sa labas," paliwanag niya kaya hindi na lang ako umimik.
I didn't know about it. Of course, Henry won't tell me. We're not even that close in the first place, pero hindi ko rin naman inaasahan na may ganoong klaseng issue ang pamilya nila. I don't want to get involved so I wonder why Gideon opened it up to me as if we're so close to the point that he even told me about their family issue.
Kung ganoon, that explains why I don't know about him. Si SPO2 Jarred, na-meet ko na dati pa pero siya, ngayon ko lang nakilala. Hindi rin siya nababanggit sa akin ni Henry kahit pa mukhang close na close sila. Sabi rin sa akin ni Cielo, dinala siya sa States noong bata pa siya at ngayon lang ulit nakabalik dito sa Pilipinas.
"Tita Eloiza is kind kaya hinahayaan niya na kupkupin ako ni Daddy sa mansion nila kahit anak ako mula sa pagtataksil ni Dad with my Mom." He chuckled, bitterly pagkatapos ay inubos na niya ang pagkain. Sinasabi niya sa akin 'yon na para bang hindi 'yon big deal, but it is!
Nang makapagpasyal kami ay niyaya ko na siyang umuwi. For a moment, nakalimutan kong ang dami ko pa pa lang dapat gawin. Atleast I get to wind up my mind for a bit.
Tumigil ako sa paglalakad nang papunta na kami sa sakayan. "Bakit mo ikinuwento sa akin ang lahat ng mga sinabi mo kanina?" I still don't get it. I'm not a good listener, and I'm not even curious about him. Basta namamalayan ko na lang ang sarili ko na nakikinig sa kaniya at sa lahat ng mga sinasabi niya.
"I just want open up to someone who will never judge who I am." Ngumiti siya at nawala ang mga mata niya. Ipiniling ko ang ulo ko at tinitigan ko siya. Ang guwapo niya at mukha naman siyang mabait, pero bakit ganoon? Pakiramdam ko napakarami niya pa ring itinatago.
"U-Umuwi na tayo," sabi ko. Buong byahe ay hindi ko siya pinansin at hanggang sa mahatid niya ako sa condo ay nagpasalamat lang ako at pagkatapos ay hindi ko na siya kinibo.
It's better this way. I'll guard my heart now before it's too late again.