Chapter 8: His Anger

2434 Words
Reese's POV "Ba't ganiyan ang hitsura mo? Birthday party mo 'to tapos ikaw 'tong mukhang hindi masaya," pagpuna sa akin ni Cielo. Nakaupo ako sa gilid ng swimming pool at binti ko lang ang nakalubog sa tubig habang siya naman ay nagbababad sa tubig. "I don't know." Hindi ko talaga alam. Pagkatapos naming mag-usap ni Gideon kanina, hindi ko na siya ulit nakita. I feel so guilty after it. I asked myself if I did something wrong, but my brain keeps answering, no, I didn't. If I really didn't, then why do I feel like this? Pakiramdam ko ay kailangan kong mag-sorry sa bagay na hindi ko naman kasalanan. "Mag-cr lang ako," paalam ko kay Cielo at tumango naman siya. Ayaw ko na ring magtanong pa si Cielo kung bakit biglang nagbago 'yong mood ko. Patuloy niya lang akong tutuksuhin kay Gideon kapag nalaman ni CIelo na may kinalaman na naman 't sa lalaking 'yon. Pero pagkapasok ko sa loob ng bahay ay nagtaka ako nang may marinig akong maingay na tila nagbabangayan sa loob. "Gideon, calm down!" Boses 'yon ni Henry kaya kaagad akong pumunta sa kusina kung saan nagmumula 'yong ingay. Naabutan ko roon si Gideon at Toby na mukhang galing lang sa away pero si Toby, may dugo sa gilid ng mata at labi habang si Gideon naman, e ang kamao lang ang dumudugo. Ang daming nakapaligid sa kanila pero nagawa ko pa ring makalapit dahil siniksik ko 'yong sarili ko. Si Henry naman at Bryan ay umaawat. "'Pre, sabi ko naman sa 'yo huwag mong patulan si G!" galit na sigaw ni Bryan kay Toby na masama ang tingin kay Gideon. Of course, he'll get mad. On the looks of it, mukhang nakawawa siya ni Gideon dahil siya lang itong duguan. "Gago ka ba, Bry? Ano, lagi na lang tayong magpapasensya sa baliw na 'yan? Kung hindi lang 'yan kapatid ni H--" Hindi na nakapagsalita pa si Toby dahil si Henry na mismo ang sumapak sa kaniya. "Putangina mo pala, e! Hindi ko kailangan ng kaibigan na katulad mo, gago!" sigaw ni Henry sa kaniya na ikinatigil ko. Hindi ko maintindihan kung saan siya nagalit. Dahil ba nalaman niya na pinapakisamahan lang ni Toby si Gideon dahil kay Henry, o dahil tinawag ni Toby si Gideon na baliw? "H, kalma!" Si Bryan na ang humaharang at dumating naman si Simon na hinahawakan si Gideon na hanggang ngayon ay nanlilisik pa rin ang mata at sobrang namumula na. Ano ang nangyayari sa kaniya? Parang hindi siya kumakalma. "Bakit ka nagagalit, H? Baliw naman talaga 'yang kapatid mo, a?" Ayaw pa rin tumigil ni Toby na puro dugo na sa mukha. Para bang naghahanap pa siya ng away kahit pa halata naman na matatalo siya. "O baka pati ikaw baliw na rin?!" "Gago ka!" Akma siyang susuntukin ulit ni Gideon nang umawat na ako at hinawakan siya sa braso. "Hey, tama na!" Nilingon niya ako at doon siya natigilan. Ang kamay niyang kaninang nakakuyom ay biglang kumalma at habol niya ang hininga niya habang nakatingin sa akin. Humarap ako kila Henry na natigilan din at nakatingin na sa akin ngayon. "This party is supposed to be for my birthday, why the hell are you making a ruckus here?!" "R-Reese," Gideon uttered my name. Hinawakan ko siya sa braso para pakalmahin siya pero umiwas siya ng tingin na para bang ayaw niyang makita ko siya ngayon. "Gideon--" Hindi na niya ako pinansin at nagtatakbo siya paalis. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. "Reese, okay ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Henry. "Hindi ka ba natamaan ni Gideon?" Umiling naman ako. Naawat ko agad ang kapatid niya kaya hindi na ito nagbuhat pa ng kamay. "Ano ba ang nangyari?" tanong ko. Sinapo ni Henry ang ulo niya at parang wala siyang balak sabihin sa akin kung ano ang buong nangyari. "Henry..." "Nagalit si G. My friends were talking about you and how Toby wants to make a move on you." Hindi ako nakapagsalita. Ako ang dahilan? Pero bakit ang babaw ng dahilan? Nagalit siya nang dahil lang doon? "He protected you because he felt like they were making fun of you." Doon ako natigilan. He did that? He started a fight with Toby because he thought that they were making fun of me, but why? "Reese!" I heard Cielo kaya agad akong lumapit sa kaniya. Halata namang wala rin siyang alam sa nangyayari dahil kapapasok niya pa lang din ng bahay nila. "What happened here?" "Mahabang kuwento. Pahiram ako ng first-aid kit." Hindi na siya nagtanong pa at tumakbo na siya para kumuha ng first-aid kit. Nagsimula na ulit ang party na parang walang nangyari dahil ang iba ay pinagsabihan na nila Bryan na huwag nang makialam pa sa nangyayari. Si Toby naman ay umuwi nakasama si Simon dahil mukhang wala na rin silang balak pang mag-stay nang matagal pagkatapos ng nangyari. Naiwan si Henry at Bryan na nag-uusap. Pagkaabot sa akin ni Cielo ng first-aid kit ay kaagad kong hinanap si Gideon sa buong bahay pero hindi ko siya makita. "Nasaan ka ba?" bulong ko sa sarili ko. Until I heard a loud thud na nanggagaling sa second floor kaya kaagad akong tumakbo papunta ro'n pero sarado 'yon. "f**k!" I heard his voice inside. Mukhang hindi pa nga siya kumakalma. Napaigtad ako nang muling may kumalabog sa loob kaya hindi ko na naiwasang mag-alala. "Gideon." Kumatok ako pero hindi niya ako sinagot. "Open up." "Bakit?" tanong niya mula sa loob. "Bakit ka nandito?" Kalmado na ulit ang boses niya ngayon. Napaisip din ako, bakit nga ba ako nandito? I thought I want to stay away from him? Pero ewan ko, kahit nakita ko kung gaano siya kagalit kanina, mas nag-aaalala lang ako lalo. I feel like I have to do something for him to calm down. "Because I'm your friend." Saglit na binalot siya ng katahimikan bago ko narinig ang pag-click ng knob hudyat na hindi na ito naka-lock. Binuksan ko 'yon at nakita ko ang mga basag na salamin sa sahig at ang knuckle niya na dumurugo. Mukhang binasag niya ang salamin sa cr gamit ang kamay niya. Sinara ko ang pinto at binalot kami ng katahimikan. I feel awkward. Hindi ako sanay na naiiwan kasama ang isang lalaki sa ganitong klaseng lugar pero nilakasan ko ang loob ko. Bumuntong-hininga ako at lumapit sa kaniya. "Gamutin natin ang sugat mo," mariin kong sabi. Nilingon niya lang ako at ang magulo niyang buhok ay mas gumulo pa ngayon. Tinitingnan niya ako pero hindi siya kumikilos na para bang ayaw niya pa ring makita ko siya sa ganoong situwasyon. "Let's go." Napapitlag siya nang hawakan ko ang braso niya kaya bumitaw ako at umiwas ng tingin. "Doon tayo sa kuwarto ni Cielo. Lilinisin ko ang sugat mo." Akala ko hindi siya susunod sa sinasabi ko pero nagulat ako nang tumango siya. Sumunod lang siya sa akin hanggang sa makapasok kami sa kuwarto ni Cielo. I can still hear the noises from downstairs, the party is still going, whil here I am, with Gideon. White ang theme ng kuwarto ni Cielo at queen-sized naman ang kama niya. Tumulo ang dugo sa carpet at gusto ko siyang singhalan dahil pareho kaming mayayari kay Cielo pero hayaan na. Malilinis naman 'yon. That's not my concern now. Umupo siya sa kama at tumabi ako sa kaniya. Ang tahimik niya at hindi ako sanay. Nasanay lang siguro ako sa ugali niyang pa laging nang-aaasar at nangungulit. I wonder if this is the real him, pakiramdam ko kasi ay ganito talaga siya. Sa akin lang niya pinapakita 'yong side niya na mapang-asar. Kumuha ako ng unan at ipinatong ko ang braso niya ro'n. I started to wipe the blood using the cotton pagkatapos ay nilagyan ko ng betadine. Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang ginagawa ko 'yon kaya pigil ko ang hininga ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa uri ng pagtitig niya sa akin. It was awkward and I feel like I'm suffocating. Since when did I start caring for guys like him? I wonder when. Sa tuwing iniisip ko 'yong mga nangyari dati, I always turn down those guys who are trying to get close to me. Not because I just wanted to, ni hindi ko nga ginusto na maramdaman 'tong takot na nararamdaman ko sa mga lalaki. I hate traumas. They become the greatest obstacle a person could have, and even though I didn't want to be haunted by my past, I can't do anything about it, and every day, it's getting worse. "What I did earlier..." He broke the silence. "...natakot ka ba?" Hindi ako agad nakasagot. Napahinto rin ako sa ginagawa ko at saglit na tinapunan siya ng tingin. Natakot ba talaga ang tamang term doon? Dapat nga ba akong matakot sa inasta niya kanina? "I shouldn't be," sagot ko. Nag-focus na lang ako sa paggamot sa kaniya pero natigilan na naman ako nang ilagay niya ang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Ramdam ko ang puso kong halos sumabog na sa sobrang bilis ng t***k n'on. I don't know if it's because of being in a single room with a guy or something else, but I wish it's not the latter. "But you were," aniya kaya muli akong napatingala sa kaniya. His eyes were fixed on mine and I could see how his eyes were full of worriedness, not for himself. He's more worried about what I'd think of him than his situation right now. Why is that? Oo, natakot ako. Hindi normal ang ipinakita niyang galit kanina, at ang mas malala pa ay dahil sa akin kung bakit siya nagalit. But that fear was unnecessary. "Why did you do that?" kalmado kong tanong. Ayaw ko na mas lalo pa siyang ma-frustrate dahil sa akin. Ayaw ko siyang sungitan at itulak palayo dahil alam kong nasaktan siya kanina nang tawagin siyang baliw ni Toby. "I don't like it when someone is talking about you as if you're a toy to play with, Reese." Nanlaki ang mata ko. It wasn't the answer I was expecting. After all the words I said to him, he still went out on his way to protect me from that kind of matter? Bumuntong-hininga siya at nag-lean sa higaan. "Even though you're not treating me as someone you can call a friend, I still treat you as one, and I won't sit still when you're being insulted. Lalong-lalo na, ayaw kong makita na dinidiskartehan ka niya." Gusto ko siyang tawanan sa mga sinasabi niya. I guess he doesn't know me that well. "At sino naman ang nagsabi sa 'yong papayag akong magpadiskarte kay Toby?" Tinitigan niya ako at mayamaya ay napangiti siya na para bang natuwa siya sa narinig mula sa akin. "Ayaw kong pumasok sa relasyon, Gideon. Lahat ng nagkagugusto o sumusubok, e hindi ko binibigyang pansin." "Including Kuya H," sabi niya at tumawa na naman siya. Now, he's calm. Ngumiti ako at tumango. Yes, including his brother. At least I can see now that his mood is getting better unlike earlier. I focused my attention on cleaning his wounds. Nang mabalot ko na ng benda ang kamao niya ay tumayo na ako pero hinila niya ako. "Rito muna tayo. Ang ingay sa ibaba. Tapos yayayain na naman ako ni Bryan manigarilyo." Nag-pout siya na parang bata. I rolled my eyes. Pabagsak akong umupo sa tabi niya. Kung may makakikita sa amin ngayon ay iba ang iisipin nila dahil dalawa lang kami rito sa kuwarto pero ayaw ko na rin munang bumaba roon sa party. I don't particularly hate crowds and parties like this, but I'm also not a fan of it. Lalo na at nagkagulo kanina, malamang ay usap-usapan pa rin 'yon sa ibaba dahil nakita nilang nakipag-away si Henry, at sa kaibigan niya pa. "Bakit ka naninigarilyo kung ayaw mo naman pala?" tanong ko sa kaniya. Humiga siya sa higaan ni Cielo at pumikit. "Gusto ko kasing maging kaibigan sila Bryan. Kaya kailangan kong sumabay sa trip nila." Nangunot ang noo ko habang tinitingnan ang mukha niya, nakapikit siya at ako naman 'tong nakikinig lang sa kaniya. Ganoon ba talaga niya kagustong magkaroon ng mga kaibigan? Kahit pa dalhin siya ng mga ito sa masama? I don't get him. "Do I sound like I'm desperate?" He chuckled, drastically pagkatapos ay bumangon siya. "Kapag hindi ako sumabay sa trip nila, mawawalan ako ng kaibigan. At ayaw kong mangyari 'yon. Walang gustong kumaibigan sa akin kapag nakikilala na nila ako, pero si Bryan, kahit alam na niya, kinakaibigan pa rin niya ako. Para siyang si Kuya H..." Nakikinig lang ako sa mga kuwento niya. "...Dahil din kay Bryan, dumami ang kaibigan ko pero alam ko namang napipilitan lang sila. Pinapakisamahan lang nila ako kasi kapatid ko si Kuya H at para na rin kay Bryan." "I'm sorry to pry but, why do you have to look for a friend?" tanong ko. Dumilat siya at umupo pagkatapos ay tumingin sa kawalan habang dala-dala ang seryoso niyang ekspresyon. "Because that's normal, you know." Natahimik ako nang sabihin niya 'yon. "And for once, I want to feel normal. I want to feel like I also have a place in this world." Looking at him now, lalo lang akong nakonsensya. I don't know what happened to him and I'm not in the right position to ask about it. But I know that he's also suffering from his past that he wants to leave behind, like me. "Kaya gusto kitang maging kaibigan, kasi hindi mo pa ako kilala," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Pero paano 'pag nakilala na kita?" I asked as if I'm testing him. "You know, being my friend means you need to rely on me or open up to me. Makikilala at makikilala talaga kita. So, what are you going to do about it?" He smiled and messed my hair. Typical me will be angry dahil hinawakan niya ako pero hindi ako nagsalita nang gawin niya 'yon. "If that day comes, then choose whether you'll stay or not. Kasi sa mga taong dumaan sa buhay ko, lahat sila piniling talikuran ako pagkatapos nilang makita ang totoong ako." Bumuntong-hininga siya at tumingala sa ceiling. "Be my friend for now. Kapag nakilala mo na ako, decide if you still want to be my friend or not." I somehow thought about myself. Siya kaya, matatanggap ba niya kung sino at anong klase akong tao? Napangiti ako nang mapait. We both have secrets lying within us. Sikretong hindi ko pa handang sabihin at ipaalam sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD