Chapter 7: Birthday Party

2294 Words
Reese's POV "Friends. Let's be friends, Reese." Napasapo ako sa ulo ko at gusto ko nang mawala 'yon sa isip ko. Ilang araw na ang lumilipas at gusto ko nang sapakin 'yong sarili ko kasi naiisip ko pa rin 'yon. Gusto niya lang akong maging kaibigan, pero bakit masyado ko yatang ginagawang big deal? Is it because this is the first time that I ever found myself being asked to become friends with a guy? Siguro nga, dahil doon. I spent a lot of years hating men, after all. Kaya ngayong gustong makipagkaibigan sa akin ni Gideon ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Pagkatapos 'yong sinabi ni Gideon ay tinawanan niya lang ako sabay sabing, "Let's go. You don't have to be flustered that much. Hihintayin ko na lang kung kailan mo ako ituturing na kaibigan mo." Pagkatapos niyang sabihin 'yon, e ilang araw naman siyang hindi nagparamdam. Ganoon ba kapag magkaibigan?! "Hoy, birthday girl! Mag-uuwian na lutang ka pa rin?" Nilingon ko si Cielo na nakaupo sa tabi ko. Last subject na namin at normal na araw lang naman ngayon, maliban sa locker ko na halos mapuno ng mga regalo ng mga kaibigan at kaklase ko. "Suotin mo 'yong lingerie na niregalo ko sa 'yo 'pag may asawa ka na ta's honeymoon ninyo. Kaso mukhang matatagalan pa 'yon kasi bitter ka, e." "Sino ba naman kasing tanga ang magreregalo ng lingerie sa akin? And what makes you think na mag-aasawa ako?!" Tinawanan niya ako at binatukan. Nananadya kasi itong si Cielo. Niregaluhan niya ako ng lingerie, nag-effort pa talaga siyang bumili n'on online para ibigay sa akin. Does she really think I'll wear something that revealing? Hell, no! "Sa akin ka pa magtatago, panay nga ang sulyap mo sa hallway nila Gideon. Kayo na ba, huh?" Sinundot-sundot niya ang tagiliran ko kaya sinamaan ko siya ng tingin pero wala pa rin siyang tigil sa pang-aasar. "Mahilig ka pala sa bata, mayroon akong pamangking grade six. Sana sinabi mo—aray!" Binatukan ko siya. Bwiset! Irereto niya ako sa pamangkin niyang grade six? "Ano'ng akala mo sa akin? Pedo? Kadiri!" "Bakit, hindi ba? E, mukhang type mo si Gideon—hoy, Henry! Nandiyan ka pala." Nanlaki ang mata ko dahil biglang sumulpot sa harap namin si Henry. Gusto kong sabunutan si Cielo dahil baka kung ano ang isipin ni Henry sa narinig niya. Sigurado akong narinig niya dahil biglang nag-iba 'yong ekspresyon sa mukha nito at seryosong tumingin sa akin. "H-Henry..." Nakatingin lang ang mga mata ni Henry sa akin at mayamaya ay umismid siya. "I tried everything I can, pero si Gideon pala ang type mo? I didn't know. I thought bad boys like him aren't your type." Then he walked away. Napapikit ako. Ako? Mahihilig sa bad boy na mas bata sa akin tapos naninigarilyo at bastos sa babae?! No freaking way! Tatanggapin ko na lang ang friendship na inaalok ni Gideon kung ganoon. I'd rather have him as a friend than have him as a special someone. "Tampururot si Henry. Hindi mo kasi jinowa. Hayaan mo iwe-welcome ko na lang siya sa 'Binusted ni Reese Club'. Siya gagawin kong admin para hindi ma-depress." Hindi ko na napigilan at nasabunutan ko na si Cielo pero tinawanan niya lang ako. Hilig niya talaga akong kutsain pagdating sa mga ganitong bagay. "Huwag na lang natin ituloy ang party mamaya," pag-iiba ko ng usapan. Isa pa, hindi rin ako marunong mag-handle ng party at baka mamaya ay bigla pang dumating ang Mommy niya. Naisip kasi niya na roon na lang sa bahay nila ang venue para din pamilyar na kami sa lugar at hindi na namin kailangang mag-arkila pa ng place. "Tuloy 'yon! Inimbitahan ko naman si Gideon, e." Nang marinig ko ang pangalan na 'yon ay umiwas ako ng tingin at kinuha na lang ang cellphone ko para mag-f*******: tutal ay wala pa ang prof namin. "Galing umiwas, halatang affected." Bago ko pa siya masapak ay umalis na siya sa tabi ko at nakipag-usap sa mga iba naming kaklase. I sighed. It doesn't matter, anyway. Kahit pumunta pa si Gideon ay hindi ko naman siya kailangang pansinin. He offered friendship, hindi ko naman dapat tanggapin 'yon dahil wala akong obligasyon na gawin 'yon. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at pagka-open ko ng social media account ko ay may isang friend request. Gideon Perez I clicked his profile at nalula ako sa sobrang dami niyang reactor kahit pa hindi naman ganoon ka-active 'yong account niya. The last time he posted something on his timeline was two weeks ago, shared post pa 'yon. Puro online games lang ang shine-share niya pero ang daming react. Nag-aalangan pa ako nang pinindot ko ang confirm button. Ba't ba ako nag-iisip masyado? I don't have to take this as something big of a deal. Walang anu-ano ay pinindot ko na 'yong confirm button. Hindi ako makapaniwalang lima na ang friends kong lalaki sa f*******:. Nakakainis. Dapat si Ramiel lang, e. Ibo-block ko na lang 'yong iba. Biglang nag-pop ang chat heads ng messenger at natigilan ako nang profile ni Gideon 'yon. He's wearing his white scrub suit uniform on his profile. Sa may statue of Campbell 'yon kinuha at tila isa siyang model na kinuhaan ng litrato. He's so handsome, I must say. Kaya hindi na ako magtataka na maraming humahanga sa kaniya. Gideon: Busy? May klase ka? Reese: Wala. 'Yan lang ang isinagot ko sa kaniya at pinatay na ang cellphone ko. Pero nanlaki ang mata ko nang mag-ring ang cellphone ko hudyat na may tumatawag sa messenger. Binuksan ko 'yon at pinatay ang request ni Gideon for video call. Reese: What the hell are you doing? Stop calling! Gideon: Make me. Muling nag-ring kaya agad kong pinatay. This guy is testing my patience. Kaya muli akong tumipa sa inis ko. Sinasadya niya ito, gustong-gusto niya na napipikon ako and I hate him for that. Reese: I'll block you. Gideon: You will? :( Natigilan ako sa emoticon na ginamit niya. Nagpapaawa ba siya? Hindi ko na lang siya ni-reply-an pero muling nag-ring ang phone ko kaya bago pa 'yon marinig ni Cielo ay sinagot ko na 'yon at hininaan ang volume. Kita ko ang mukha niya sa screen at tila nasa classroom din ito. "Stop calling me!" irita kong sabi. I can't believe this. Bakit niya ba ako kinukulit pagkatapos hindi magparamdam ng ilang araw? At ano naman kung hindi na siya magparamdam kahit kailan?! Mas mabuti nga 'yon at sana, kahit sa social media accounts ko ay hindi na magtagpo pa ang landas namin. "Sige. But first, I'll do this." Nagulat ako nang may lumabas na 'Gideon took a picture' sa itaas na bahagi ng screen pagkatapos ay humalakhak siya. "Gotcha! Bye, Reese!" Pinatay niya ang tawag, ni hindi niya ako hinintay na magsalita at umangal as ginawa niya. Mayamaya ay lumabas muli ang conversation namin. Ang picture na kinuha niya ay nandoon at mukha akong tanga ro'n. Kainis! Reese: Delete that! Gideon: Make me. Napasapo na lang ako sa ulo at pinindot ang block button pagkatapos ay ibinalik ko na sa bulsa ang cellphone ko. I said, I don't want anything to do with him. Hangga't maaari ay gusto kong mawalan na kami ng koneksyon sa isa't isa pero parang wala siyang balak na tigilan ako any time soon. Natapos ang oras at hindi dumating ang prof namin kaya maaga kaming nakalabas ng campus. Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Cielo ay mainit pa rin ang ulo ko. "Manang Medel, ayos na po ba ang pool at mga pagkain?" Cielo asked her personal maid. Siya ang pinaka-close namin sa lahat at para na namin siyang nanay ni Cielo. Lagi niya kaming inaalagaan noon pa lang. "Ayos na. Happy birthday pala, Ganda," bati sa akin ni Manang. Sasagot na sana ako nang sumingit si Cielo. "Manang, hindi ko pa po birthday. Si Reese po ang may birthday." Napasapo na lang ako sa ulo ko. Bakit ko nga ba 'to kaibigan ulit? Lumingon ako kay Cielo. "Ganda ka?" "Kumpara sa 'yo, oo," aniya kaya inirapan ko na lang siya at humarap kay Manang Medel. "Salamat po, Manang." Tumulong kami ni Cielo sa pag-aayos dahil nahihiya na rin ako. Birthday ko pero dito pa talaga gagawin, sa hindi ko naman bahay. Gusto kasi ni Cielo na kahit papaano ay magkaroon ng kaunting kasiyahan kapag birthday ko, so, she puts her effor into making my day memorable. Mayamaya pa ay may nag-doorbell kaya nagkatinginan kami ni Cielo. "Ilan ang inimbita mo?" tanong ko. Knowing her, she'll invite as many as she can and I can't entertain all of them. Lalo na kapag hindi ko naman kakilala. Ano na lang ang sasabihin ko sa kanila kung ganoon? I'm not really the sociable type so I wonder how this will end. "Few of my friends." Nagkibit-balikat siya at nagpunta sa front door para buksan 'yon. Mayaman ang mga Santillan kaya hindi mapagkakailang malaki ang bahay nila Cielo. Mayroon itong six feet swimming pool sa backyard at tatlong palapag ang malawak nilang bahay. Cielo's parents are both managing their businesses around Philippines. Kaya si Cielo, nakukuha niya ang lahat ng gusto niya whether materials or boys. She gets what she wants. "They're here!" Nauna si Cielo at kasunod niya ang mahigit benteng estudyante ng Campbell. Napanganga ako dahil may parating pa raw. What the hell?! "Few? E, ano na lang ang marami sa 'yo?!" Hindi ako makapaniwala. Ang iba ay hindi ko pa kilala. I thought this is supposed to be my birthday party? Bakit parang party lang dahil feeling ko ay hindi ako mag-e-enjoy? Nagsimulang mag-swimming ang iba, at ang iba naman ay binabati ako. Ngumingiti lang ako at nagpapasalamat kahit ang iba sa kanila ay hindi ko naman kilala. Umiiwas pa nga ako kada may titingin sa akin kasi hindi ko naman alam kung paano ako makikipag-usap sa kanila. 'Yong iba nga, parang hindi nila alam na ako 'yong may birthday dahil dinaraanan lang nila ako. "Do you have a bikini?" tanong ni Cielo sa akin at inilapag niya sa harap ko ang dalawang bikini na magkaiba ang style. The other one is a simple blue colored bikini, while the other one has laces and its color is white. "Want one?" "No, thanks. There's no way in hell I'd wear that." Pumasok ako sa loob ng bahay para kumuha ng pagkain, at para na rin makahinga nang maluwag kahit papaano. Nag-order din si Cielo ng cases ng beer at nag-iinuman sila. Palibhasa, friday ngayon kaya sinusulit nila. "Sabihin mo sa kapatid mo, Happy birthday. Kayo lang yata ang kambal na magkahiwalay mag-celebrate ng birthday, e!" natatawang sabi ni Cielo. Well, it's kinda true. Ramiel wants his birthday to be celebrated inside his room, alone. He's not an introvert. Ayaw niya lang talaga ng mga party. He hates crowded places just like me, ayaw niya rin ng mga ganitong klaseng party, kaya siguro hindi rin sila nagkasusundo ni Cielo. Magkaibang-magkaiba kasi sila ng gusto. Tumunog ang doorbell hudyat na may bagong bisita kaya ako na ang nagbukas at natigilan ako nang makita sila Henry, Bryan, Simon, Toby, Gideon at iba pang mga kaibigan nila na tila grupo ng mga naggaguwapuhang mga lalaki. "You made it!" Mula sa likod ko ay sumigaw si Cielo. "Tuloy kayo!" Nilagpasan ako ni Henry pero binati ako ng iba niyang mga kaibigan. Nang si Gideon na lang ang nasa labas ay mataman siyang nakatingin sa akin at malungkot ang ekspresyon ng mukha niya. "You blocked me." Doon ko lang naalala ang ginawa ko kanina. Pumasok siya pero hindi siya sumunod kila Henry at nakatayo lang siya sa harap ko. "Sayang hindi mo nakita 'yong story ko." Nangunot ang noo ko nang ipinakita niya sa akin ang story niya sa social media account niya at nanlaki ang mata ko nang makita ang picture namin sa video call kanina. May caption 'yon na 'Gotcha!'. "How many people saw that?!" asik ko sa kaniya. Nagkibit-balikat siya at itinago muli ang kaniyang cellphone. "Not much. Hundreds, maybe?" Nanlaki ang mata ko. What? Ganoon karami ang nag-view ng day niya?! "Delete that!" sigaw ko pero tinawanan niya lang ako. Dumila siya na parang kinukutsa ako. "Make me." Kumindat siya at iniwan ako roon. Napapikit ako sa frustration. What the hell is wrong with him?! First, this party was full of people I don't even know, and now, he came here just to make fun of me like this? "Gideon!" Hinabol ko siya kaya nagtaka ako nang hindi siya sa pool dumiretso kung hindi sa kusina, nakasunod lang ako sa kaniya. "Please, delete mo na. Nakakahiya! Ano na lang ang iisipin ng mga friends mo sa f*******:?!" "That you're my girl? That the most cold-hearted girl in Campbell University is mine? I don't know. Isipin nila ang gusto nilang isipin. Tutal, ikaw ang pinakaimportanteng kaibigan na mayroon ako ngayon." Kumuha siya sa junkfood na nasa table at kinain 'yon. Natahimik ako. Nararamdaman ko ang panginginig ng kamay ko at ang pag-angat ng dibdib ko. "H-Hindi tayo magkaibigan." Tiningnan niya ako dahil sa sinabi ko. "Hindi tayo puwedeng maging magkaibigan." "At bakit naman?" nagtataka niyang tanong. "Kasi ang lalaki at babae, they just don't get along as friends." Kasi laging may mahuhulog. Gusto ko sanang irugtong 'yon pero hindi ko na lang ginawa. "I thought..." Gulat ang reaksyon niya at tila dismayado sa narinig. Mayamaya ay nawala na naman emosyon niya at tumayo siya sa pagkakaupo pagkatapos ay iniwan ako ro'n. "... nevermind." Naiwan ako roong nakatulala at hindi ko alam 'yong gagawin ko dahil hindi ko makalimutan 'yong dismayadong rekasyon niya. Galit ba siya? At kung galit man siya, ano namang pakialam ko? I just stated the fact so, I don't have to feel this guilty anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD