Reese's POV
"Nakakainis!" sigaw ni Cielo ang umalingawngaw sa buong locker room kaya sinamaan ko siya ng tingin. "So, in short, hindi talaga ako ang type ni Gideon?"
Nangunot ang noo ko. "Bakit? Kailan ba niya sinabing type ka niya?" Nagtawanan naman ang iba naming teammate dahil sa sinabi ko. Binalingan sila ng tingin ni Cielo at hinagisan ng panyo.
"Epal kayo? Masaya kayo niyan?" Inayos niya ang pagkakabuhol ng sintas niya na natanggal kanina sa practice. Natahimik naman sila dahil captain pa rin namin si Cielo, yari sila sa practice kapag nagkataon. Binigyan kami ng five minutes break dahil mag-iisang oras na kaming nagpa-practice nang walang tigil. "Ano nga pala ang plano mo sa birthday mo sa friday? Magpapa-party ka sa condo niyo?"
"Kailangan pa ba no'n?" Pinunasan ko ang pawis ko at uminom sa tumbler ko. Magbebente na ako sa biyernes pero parang normal na araw lang 'yon sa akin, hindi rin naman uuwi sina Daddy at Mommy dahil September pa lang at December pa sila magbabakasyon dito. Sigurado akong padadalhan lang ulit nila ako ng regalo like what they did last year.
Si Ramiel naman, sigurado akong reregaluhan lang din ako n'on. Noong mga bata pa kami, mahilig magpa-party si Mommy, pero ngayon na matanda na kami, na-realize ko na hindi naman kailangan ng ganoon.
Ramiel and I, we celebrate our birthday inside our condo. Sapat na sa amin na kapag birthday namin, sabay kaming kumakain. Nireregaluhan lang namin ang isa't isa at okay na 'yon sa amin.
"Ang boring ng buhay mo. Kaya hindi ka nagkakajowa, e." Tumawa si Cielo at lumabas na kami sa locker room. "Jowain mo na kasi si Henry. Para naman sumaya na rin 'yon. Kawawa naman parang depress na."
Hindi ko maiwasang matawa. Si Henry made-depress dahil sa akin? Napakaguwapo niya para pag-aksayahan ako ng oras at magmukmok.
"Sige na, sa bahay na lang tayo. Pool party, what can you say?" Nilingon ko siya dahil sa sinabi niya. "Huwag kang mag-alala, sagot ko na. Tutal, marami akong iimbitahang pogi. Para naman hindi ako matulad sa 'yong boring ang buhay."
Hinampas ko siya ng towel ko pero natawa lang siya. "Gaga! Sabihin mo gusto mo lang madiligan!"
-------------
Nakaupo ako sa waiting shed ng Campbell at hinihintay si Cielo. Pauwi na rin kasi kami pero nag-cr muna siya at kinuha ang sasakyan niya sa parking lot. I was shocked when a familiar guy sat beside me.
"Maghapon ka na namang nakabusangot." Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Kaka-sorry niya lang tapos ganiyan ang sasabihin niya? Ito na naman siya at manggugulo.
"Pake mo?" Binalingan ko ang suot niyang scrub suit na puti. Bakit ganoon? Ang daming nursing students dito pero iba ang dating niya kapag suot niya ang uniform nila. Litaw na litaw siya sa lahat at hindi mapagkakailang guwapo talaga siya at malinis sa katawan. It suits him, being a nurse.
"In a scale of one to ten, gaano ako kaguwapo ngayon?" pabiro niyang sabi. Nagtataka pa rin ako kung bakit wala siyang kasamang kaibigan, parati ko na lang siya namamataang mag-isa.
"Zero," mabilis kong sagot na ikinatawa niya.
"E, bakit ganiyan ka makatingin?" Bumungisngis siya at lumapit pa ang upo niya sa akin. "Why don't we start over? Forget the old me, okay? Babaguhin ko ang tingin mo sa akin."
Pinaningkitan ko siya ng mata. "Sige papayag ako. Basta ituturing mo akong parang mas nakatatanda sa 'yo." Tumawa siya nang tumawa at halos maubo na ang loko. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Mas matanda naman talaga ako sa kaniya, a?
"So, I'm going to call you ate? E, mas matangkad pa nga sa 'yo ang grade six student tapos tatawagin kitang ate?" Inambahan ko siya ng sapak pero tinawanan niya lang ako. "Sige, ate. Puwede ba kitang ihatid? Lakad tayo."
"Hindi puwede! Hinihintay ko lang si Cielo, ta's aalis na kami." Totoo naman kasi, pero kanina pa wala si Cielo. Halos trenta minutos na, e malapit lang naman ang cr at ang parking lot dito sa waiting shed. Alas sais na rin ng hapon at gusto ko nang umuwi.
"You look fresh. Pumasok ka ba talaga?" Nagulat ako sa sinabi niya at hindi ko maiwasang matigilan. Bakit ganito? Mas dumoble na ang pagiging uncomfortable ko kapag katabi ko siya.
"O-Oo. Nag-ayos lang ako nang slight kaya siguro gano'n." Ano ba'ng pinagsasabi niya? Nag-practice pa nga ako kanina kaya paanong magiging fresh ang hitsura ko? At bakit ko nga ba iniintindi ang sinasabi niya?!
"Wala na si Cielo. Sabi ko ako na ang maghahatid sa 'yo." Napanganga ako. Damn. Bakit feeling ko ipinagkanulo ako ni Cielo? Bakit pumayag siya? At bakit naniniwala ako sa lalaking 'to? "Sabi ko kasi babawi ako sa 'yo kaya pumayag siya." Parang nababasa niya ang naiisip ko kaya umiwas ako ng tingin.
Bakit ba kasi kung nasaan ako ay nakabuntot itong lalaking 'to? I hate the fact that he's acting as if we're close, kahit ilang araw pa lang naman nang magkakilala kami.
"Uuwi na ako." Tumayo ako at inasahan ko nang susunod siya sa akin--wait! Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit siya susunod sa akin? Binilisan ko ang paglalakad pero ramdam ko ang paghabol niya hanggang sa magkasabay na kami. "Okay na napatawad na kita kaya umalis ka na at pakiusap lang, huwag mo akong sundan!"
"Kung napatawad mo nga ako, kain tayo ngayon." May panunudyo sa boses niya at hindi siya tumigil hanggang sa pumayag na ako at dinala niya ako sa may Anonas malapit sa PUP at Savemore. Maraming kainan doon pero sa dinala niya ako sa buffalo wings na restaurant. Mukhang paborito niya talaga ito pero bakit ako ang niyayaya niya?
Um-order siya para sa amin at tahimik lang ako habang naghihintay kami. Hanggang sa dumating ay hindi rin niya ako kinibo pero nagtaka ako nang walang kutsara at tinidor.
"Magkakamay tayo gamit 'tong plastic gloves. Kung ayaw mo--" Hinila ko sa kamay niya ang plastic gloves at sinuot 'yon. Nagsimula na akong kumain at binilisan ko dahil gusto ko nang umuwi. "Akala ko maarte ka."
Hindi ko siya sinagot hanggang sa matapos na kaming kumain. I'm serious when I said I'm in a hurry. Ayaw kong makasama nang matagal ang mga lalaki nang ganito. Siya ang nagbayad ng mga kinain namin, gusto ko sanang ako na lang ang magbabayad ng akin pero hindi niya ako pinansin.
"Saglit, maninigarilyo lang ako." Lumapit siya sa isang tindera na naglalako ng sigarilyo at candy. Bumili siya at sinindihan 'yon pagkatapos ay humabol sa akin.
"Nursing student ka, alam mo dapat na hindi 'yan maganda sa katawan." Tinakpan ko ang ilong ko. Mas masama ang second-hand smoke.
"Mabaho ba ako?" Inamoy niya ang sarili niya at alam ko namang mabango siya kasi kanina ko pa siya naaamoy. Pero bakit parang inosente siya? Parang wala siyang ideya sa sigarilyo, e naninigarilyo nga siya? "Bakit nakatakip ka ng ilong mo? Sabi naman nila Bryan, hindi naman masama manigarilyo basta i-control lang."
So, si Bryan pala ang nag-udyok sa kaniya? Lahat na lang yata ng bisyo, pinasok ng lalaking 'yon. Hindi ko nga alam kung bakit kinaibigan 'yon ni Henry. He has bad reputation.
"I hate cigarettes, smoke especially," tipid kong sagot. Natigilan ako sa paglalakad nang ibinagsak niya ang sigarilyo sa lupa at tinapakan 'yon para mamatay. "Kakabili mo lang niyan--" he cut me off.
"But you hate it. I don't want you to hate me just because I smoke," seryoso niyang sabi. My heart almost skipped a beat, akala ko nagbibiro lang siya pero wala akong makitang kahit anong pagbibiro sa mukha niya.
Bakit siya ganito? He's a bad boy type of guy yet he's so innocent. Tama nga si Cielo. He's too honest for his own good, at dapat nga akong mag-ingat sa kaniya gaya ng sinabi ni Ramiel. Hanggat maaga pa, I need to stay away from him.
"A-Aalis na ako. This will be the last time you'll talk to me." Inunahan ko siya sa paglalakad pero pilit siyang humabol. Natigilan ako nang hilahin niya ang braso ko, kaya napaigtad ako. "Get your hand off me!" Nagulat siya sa pagsigaw ko.
"Bakit? May nagawa ba ako--"
"Look, Gideon. Stop doing this. Ano ba talaga ang habol mo sa akin? Bakit mo ako ginugulo?! For once, maging honest naman kayong mga lalaki!" Alam ko OA pakinggan na pare-pareho lang ang tingin ko sa mga lalaki pero 'yon naman talaga ang totoo.
Pero natigilan ako nang bumakas ang lungkot sa mukha niya. "And for once din, can someone just look at me and consider me as their friend?"
"Gideon..." Wala akong masabi at nakatingin lang ako sa kaniya.
"Okay, I'll be honest then, just like what you want." Humalukipkip siya at nawalan na ngayon ng emosyon ang mukha niya. "I just want to make a friend. But every time I try, I fail."
"Then, why me?" tanong ko. "Marami kang puwedeng maging kaibigan--"
"Kasi iba ka sa kanila." Natigilan na ako at doon na ako napatitig sa kaniya. His emotion is genuine, and honest. Para akong malulusaw sa titig niya. "Friends. Let's be friends, Reese."