Chapter Six : Request
________________________________________
NISSA
Napapatingin nalang ako Rewane habang nag-e-enjoy ito sa pagsakay sa kabayo niya. She's a horse trainer. Kung titignan mo siya hindi mo aakalaing iyon ang proffession na napili niya. She's so pale and weak kaya hindi ka talaga mag-aakala na makakaya niya ang ganitong trabaho.
Nagpakawala nalang ako nang buntong hininga. Gusto ko talagang sumakay sa kabayo but I really don't know how. Atsaka I'm scared baka mahulog lang ako. Excited pa naman ako kanina pero nang sinubukan ko ay parang umurong ang tapang ko dahil sobrang kaba ang naramdaman ko. Dumako naman ang tingin ko kay Cleo na mukhang enjoy na enjoy rin sa pagsakay sa kabayo nito. Napaismid naman ako. Mabuti pa siya.
"You want to ride?"
Napatingin naman ako kay Light nang tumigil ang kabayo niya sa harapan ko. Umiling nalang ako sa kanya kahit gusto ko ayoko namang makaistorbo sa kanila.
"Hindi na. Tuturuan naman ako mamaya ni Rewane, eh," nahihiyang sabi ko.
"It's fine. Sasampa kalang naman sa akin, eh." Nilahad naman niya ang kamay niya sa akin at saka ngumiti.
"Uh, eh, kasi nakakahiya sa i------"
"Light, karera daw tayo nina Kuya Shaveen," sigaw naman ni Rewane na nagpaputol sa anumang sasabihin niya. Napatingin naman kaming dalawa sa kinaroroonan nila.
"Uh, sige na. Okay lang naman ako dito," sabi ko naman kay Light.
"No, it's okay. I can disregard the race. Rewane will understand."
"Uh eh, kasi ba----"
"You can join the race, Light. Ako na ang bahala kay Nissa," Cleo interrupted.
Napatingin naman kami kay Cleo. Nakalapit na pala ito sa kinaroroonan namin nang hindi ko manlang namamalayan. At hindi ko gusto ang pagkakakunot ng noo niya habang nakatingin sa amin ni Light.
"Uh, Oo. Okay lang talaga ako dito. You can leave us na."
"You sure?" Tumango naman ako sa naging tanong niya. Ayoko namang makaabala.
"Okay! If you'll get bored.Just tell me para masamahan kita dito."
Tumango nalang ulit ako sa kanya at umalis na siya agad sakay ang kabayo niya patungo sa kinaroroonan nina Rewane at Shaveen. Napatingin naman ako kay Cleo nang bumaba ito sa kabayo nito at lumapit sa akin.
"I will give you boost, Miss Nissa, para makasampa ka sa kabayo."
"Ha? Hindi na. Hindi naman kailangan. Hindi na ako sasakay."
"Don't deny it, Miss Nissa. I know you want to ride in a horse. Kaya huwag ka nang mag-inarte diyan."
Aba't ang talas talaga nang dila niya! Ako pa ngayon ang nag-iinarte? Hindi ko naman sinabi sa kanya na sasakay ako, eh..
"Ayoko! Baka isipin mong nagre-request na naman ako sayo."
Namula ang pisngi ko nang maalala ang paghalik niya sa akin kanina. The way his lips touches mine. He's soft and..........
Napailing nalang ako sa mga iniisip ko. Maghunos-dili ka Nissa. Kung ano-anong pinag-iisip mo. Napatingin naman ako sa kanya nang marinig ko siyang tumawa. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila palapit sa kabayo niya.
"Ano ba?! bitiwan mo ako! Hind----"
"Don't worry. This won't count as a request, Miss Nissa, because I'm the one who's offering you," bulong niya sa tenga ko.
I felt some shiver in my spine when I felt his breath on my earlobe. Damn, this man for such a tease! Isa lang po akong marupok na babae. Mahina po ako sa tukso lalo na kung ganito kaguwapo ang lalaki. Gosh, ano ba itong pinag-iisip ko?
"Talaga? Ibig sabihin walang kapalit?" I heard him chuckled. I like it when I hear his voice like that. Pakiramdam ko ang gaan-gaan sa pakiramdam.
" Yup!Walang kapalit."
Napangiti naman ako nang dahil sa sinabi niya. Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko at binigyan ako nang buwelo para makasampa ako sa kabayo. Nang makasakay na ako ay kay dali-dali lang para dito na sumampa sa likuran ko.
I felt his body through mine. Oh gosh, why does it felt so good when he is so near with me like this? Where I can felt his arms in my mine? I felt safe.
"Huwag mo siyang patatakbuhin ng mabilis!" kinakabahang sabi ko nang maramdaman kong gumalaw na ang kabayo.
Tumawa naman si Cleo sa naging reaksyon ko. Eh, first time ko, eh! Kaya syimpre takot ako dahil baka malaglag ako dito.
"Oo na po, Miss Nissa." Napairap nalang ako. Bakit ba trip ng lalaking ito na tawagin akong Miss Nissa? Puwede lang namang Nissa nilalagyan pa nang Miss.
Mabagal naman ang ginawang pagtakbo ni Cleo sa kabayo. And I love the feeling being with him. Kahit minsan nakakainis na siya.
"Hayss, ang sarap pala sa feeling ng nakasakay sa kabayo, ano?" I uttered. Lalo na kapag ganitong kaguwapo at kabango ang kasama mo. Shocks! Umiling naman ako sa mga pinag-iisip ko.
"You want to speed up?" tanong niya.
"Hindi na. Gusto ko na ito."
"Okay. "
I stiffened when I felt his chin on my bare shoulders. I can also feel his breath on my neck. I can hear my heart starting to beat so fast. And I'm not comfortable with this feeling.
"Uhmm, Cle...cleo.."
"Hmm?"
Napalingon naman ako sa kanya at tamang-tama naman at nakaharap pala sa akin ang mokong at ang lapit lapit ng mukha niya. Our lips accidentally met. Pareho naman kaming dalawang nagulat dahil sa nangyari at hindi inaasahan ang ganoong pangyayari. Nag-iwas naman agad ako ng tingin sa kanya.
"Miss Nissa," he uttered my name softly.
I bit my lower lips. Napatingin naman ako sa isang punong kahoy sa harap namin at doon nalang ibinaling ang atensyon ko.
"Uhmm, ano, Cleo, gusto kong pumunta sa punong iyon kaya puwede mo nang bilisan ang pagpapatakbo," agad na sabi ko.
"Uh..,Huh?" disoriented na tanong nito.
"Sabi ko bilisan mo na ang pagpapatakbo. Gusto kong pumunta sa punong iyon."
"Uh, okay."
Binilisan naman niya agad ang pagtakbo sa kabayo. I'm not prepared for this feeling. Not yet. Not now. At lalong hindi dapat sa kanya. Alam ko ang feeling na ito at ayokong tanggapin sa sarili ko na sa kanya ko mararamdaman ito. I think I just felt fascinated. Yes, it was just that. Kasi sa kanya ko lang naramdaman kung paano ma-pampered ng husto.
_________________________________________
CLEO
Inalalayan ko siyang makababa sa kabayo ng makarating kami agad sa punong tinutukoy niya.
"Aw, s**t! Bakit ang sakit ng balakang ko?" reklamo naman nito nang makababa na ito sa kabayo. Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Bakit hindi ko nga pala naisip iyon? First time niya yatang sumakay sa kabayo.
"Huwag kang mag-alala ganiyan talaga kung first time mo palang."
Lumapit naman kaming dalawa sa puno ng mangga at maraming hinog na bunga dito.
"Eh, walangya ka talaga. Sana sinabihan mo ako para hindi na ako nabigla."
"Eh, malay ko naman. Hindi naman iyon sumagi sa isip ko."
Napatingin naman ako sa kanya lalo na nang makita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya nang makita ang mga bunga ng punong mangga. Minsan talaga hindi ko maintindihan ang personality ng babaeng ito. Minsan matured mag isip, minsan naman isip bata.
"Cleo, ikuha mo naman ako ng hinog na mangga," utos niya. Hindi ko na napigilang mapangiti ng may naalala ako.
"Is that a request?" nakakalokong tanong ko sa kanya. Namula naman ang pisngi niya. She's even more prettier when she blush like that.
"Nakakainis ka naman, eh!" she hissed. I just laughed. Nakakatuwa talaga minsan kapag naasar siya.
"Gagawin ko naman ang request mo. You just need to pay me back in return and you know what I mean."
Inirapan naman niya ako at tumalikod sa akin. Natawa nalang ako. Para siyang batang nagtatampo at hindi pinagbigyan sa kanyang gusto. I wonder, how can she act like that despite of her age. Cute. She's so cute.
Nagulat naman ako nang bigla siyang humarap sa akin and give me a quick kiss on my lips. Ni hindi ko nga inaasahan ang ginawa niya.
"Oh! ayan na! Kaya ikuha mo na ako ng mangga. Dali na! " utos agad nito sa akin.
Damn! It was just a smack kiss! Bakit ganito nalang ang epekto ng halik niya sa akin?
"Isa pa nga. Hindi ko naramdaman.
Shit! Cleo, you know this is not good for you but why do you keep on doing this?
Namula naman ang pisngi niya nang dahil sa sinabi ko at hinampas niya ang braso ko.
"Cleo, naman, eh! Nakakainis ka na."
"Okay! Okay!" natatawang pagsuko ko. Mukha na kasi siyang iiyak.
Umakyat naman agad ako nang puno at pinitas ang isang hinog na mangga na una kong nakita.
"Cleo, tatlong mangga ang kunin mo," sigaw naman niya. Napalingon naman ako sa kanya.
"Tatlong mangga is equal to three kiss."
"Buwisit ka talaga! Isa na ngalang ang kunin mo!"
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. Kumuha nalang ako nang tatlong mangga. Pagkababa ko naman ay agad kong ibinigay sa kanya ang mga ito. Ngunit nagulat ako ng isang mangga lang ang kinuha niya. Napatingin naman ako sa kanya ng umupo ito sa ilalim ng puno at nagliliwanag ang mukha nito habang binabalatan ang hinog na manggang kinuha ko. Lumapit nalang ako sa kanya at tumabi.
"Bakit isa lang ang kinuha mo? Hindi mo ba kakainin 'tong dalawa?" tanong ko sa kanya. Hindi naman siya lumingon sa akin at nagpatuloy lang siya sa pagkain ng mangga.
"Ayoko! May kapalit naman kasi, eh."
Napangiti nalang ako dahil sa sinabi niya. Kahit sabihin niyang ayaw niya ay mababakas naman sa mukha niya na gusto niya. Pinipigilan lang niya dahil sa kapalit.
"Ayaw mo parin kahit sabihin kong walang kapalit?"
Natigilan naman siya sa pagkain at napalingon sa akin.
"Talaga? Walang kapalit?"
Tumango naman ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at bigla niyang kinuha ang dalawang manggang hawak-hawak ko.
"Yey! Salamat, Cleo," parang batang usal niya. Napapailing nalang ako.
See that? Parang bata talaga siya minsan. Napatingin nalang ako sa kanya nang umusog siya palayo sa akin. Kaya mas lalo akong lumapit sa kanya.
"Eh, Cleo, naman, eh. Usog ka nga doon ng konti. Dikit ka naman ng dikit sa akin, eh."
"Ayoko nga."
Lumayo naman siya ulit sa akin kaya mas lalo lang akong lumapit sa kanya. Mukhang nainis naman siya sa ginawa ko.
"Naman, eh! Usog ka nga sabi, eh.."
"Is that another request?" She pouted and rolled her eyes. Cute! Binalingan nalang nito ulit ang manggang kinakain.
"Okay fine! Diyan ka na ngalang," she said in defeat.
Napatingin nalang ako sa kanya habang maganang kumakain siya nang mangga. Napatingin naman ako sa mga labi niya. s**t! I had this urge to kiss her sweet and soft lips again.
Naipilig ko nalang ang ulo ko sa mga pinag-iisip ko. Ibinaling ko nalang sa iba ang atensyon ko. Pero hindi ko talaga kaya. Hinawakan ko agad ang kamay niya dahilan upang mabitawan niya ang manggang hinahawakan niya. Mukhang nagulat naman siya dahil sa ginawa ko.
I suddenly pulled her and claimed her lips with mine. Damn! Cleo! You're really dead!
I kiss him passionately and I want her to kiss me back in return. Hinapit ko ang bewang niya and I slightly bit his lower lip. Napasinghap naman siya. I took that opportunity to deepen the kiss. Hindi din naman nagtagal ay gumanti na siya ng halik sa akin. Hinawakan niya ang batok ko. And kissed me back. We are both panting out of breath when I ended the kiss. Napatingin ako sa kanya at namumula nang husto ang pisngi niya. Ang mas ikinagulat ko ay nang bigla niyan hinampas ang balikat ko.
"Buwisit ka naman, eh! Sabi mo walang kapalit. Meron naman pala."
"Gusto mo naman, eh. You even kiss me back and li----"
"Hindi ko gusto iyon, nuh!"
"Okay. Okay. Hindi na," natatawang suko ko nalang sa kanya. Namumula na kasi siya sa galit.
"Gusto mong ikuha ulit kita ng mangga?" tukso ko sa kanya.
"Hindi! Hindi na! Paniguradong may kapalit na naman 'yon!" Natawa nalang ulit ako sa sinabi niya.
You never fail to amazed me, Miss Nissa!
-
♡lhorxie