Chapter 5

2386 Words
Chapter Five: Deal ___________________________________ CLEO Hindi umaalis ang tingin ko kay Nissa habang nagpapa-picture silang dalawa ni Rewane. Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga. Fate brought me here to see my biological parents. I don't know what to feel and say. A part of me feels happy but the other one is sad. I don't know. Mukhang hindi ko naman kailangang sabihin sa kanila ang totoo na anak nila ako. I think they are fine without me. What do I expect? It's been twenty three years since I'm gone. They already move on. And I think it's better if they'll think that I'm already dead. "Wane, tara maligo tayo. Ang ganda ng batis niyo dito," masayang aya ni Nissa kay Rewane. Kumunot ang noo ko nang akmang huhubarin na ni Nissa ang shorts na suot nito. Naglakad naman agad ako patungo sa kanila. Napapiksi ito nang hinablot ko ang braso niya. Halatang nagulat siya sa ginawa ko. "Are you insane?! Maliligo ka at ibabalandra mo ang katawan mo dito?!" galit na turan ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya at pilit na nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sa kanya. "Ano ba, Cleo! Hindi naman ako maghuhubad, eh. May one piece swimsuit ako dito. Kaya nga pakibitawan mo ako at maliligo ako." Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa braso niya at hinila ko siya pabalik sa itaas. "Bumalik nalang tayo sa taas May mga prutas doong inihanda si Mang Kadyo para sa atin." "Kung gusto mong bumalik huwag mo kaming idamay. Maliligo kami. Bitiwan mo na nga ako." Hindi ko naman pinansin ang mga hinaing niya at pinagpatuloy ko lang ang paghila sa kanya. "Rewane, bilisan mo diyan. Pupunta pa tayo kina Mang Kadyo," sigaw ko nang makitang nakatulala lang sa Rewane mag-isa doon. "Uh, oo! Pupunta na." Mukhang natauhan naman siya dahil sa sigaw ko at agad na sumunod sa amin. Nang makita namin si Mang Kadyo ay lumapit agad kami sa kanya. Dumako ang tingin ko kay Shaveen at busy ito sa pakikipag-usap sa ibang binata. Binitiwan ko na ang braso ni Nissa. Inirapan niya ako at halata ang inis sa mukha niya. Binalingan ko nalang si Mang Kadyo. "Mabuti naman at nandito na kayo. May paligsahan na gaganapin ngayon sa plaza kaya maaari tayong manood," pahayag ni Mang Kadyo. Lumapit sa kanya sina Rewane at Nissa na mukhang mga excited dahil sa narinig. "Talaga po? Ano po bang paligsahan iyon, Mang Kadyo?" tanong ni Nissa. "Paunahan sa paghuli nang biik at ang premyo dalawang lechong baboy para sa mga binata dito." "Talaga po? Naku mukhang masaya po iyon! Manonood po kami Mang Kadyo." *************** IGINALA ko ang aking paningin sa buong paligid. Halos lahat nang tao ay nanonood sa paligsahan. Napatingin naman ako kina Rewane at Nissa na nasa tabi ko at hindi mapuknat ang mga ngiti sa mga labi nila habang nakatingin sa limang binatang kalalakihan na nakahubad ng pang-itaas sa loob ng bakod na nakapaa lang sa putikan. Nakaramdam naman ako nang inis sa paraan ng pagkakatingin ni Nissa sa isang morenong lalaking kumaway pa sa kanila. "Go, Light! Kaya mo yan!" cheer ni Nissa sa lalaking kanina pa nakikipagngitian sa kanya. "Proud cousin is here! Kaya mo 'yan Kuya Light!" sigaw naman ni Rewane dito. So he is a Montenegro. Light Montenegro. "Hindi po tayo magsisimula hanggat hindi pa po kumpleto ang sasali. Kulang pa po tayo ng isang binata. Sino ang gustong sumali dito?" tanong naman ng announcer ng laro. "Hoy!" untag ni Nissa sa akin. Napalingon naman ako sa kanya nang siniko niya ako sa tagiliran. Kumunot naman ang noo ko nang ngumiti siya sa akin. Alam mo 'yong ngiti niya na may binabalak siyang masama. "Sumali ka na doon. Please! Sige na, Cleo," Pinaningkitan ko naman siya nang mga mata. I would never join in that silly contest. Madudumihan pa ako diyan. "Ayoko!" I crossed my arms at binalingan ulit ang mga manlalaro. "Kuya! Kuya! Ito po sasali po siya, Kuya! " sigaw naman ni Nissa at tinuro-turo ako. "Nissa!" galit na turan ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga pinaggagawa niya. Napailing nalang ako nang biglang lumapit sa amin ang announcer at ngumiti ito sa akin. "Sasali ka daw, hijo?" tanong niya. "No!" agad na tanggi ko. "Manong sasali po siya. Huwag po kayong maniwala diyan," giit ni Nissa. "Hindi nga ako sasali! Bakit ba ang tigas ng ulo mo, Nissa?" Sumimangot naman ang mukha niya at inirapan ako. Nakangiting binalingan naman niya si Manong. "Okay, Manong. Kung ayaw niya ako nalang po may swi----" "Okay, fine! I'll join! " inis na putol ko sa sasabihin niya. Napasimangot nalang ako nang makitang ngumisi si Nissa sa akin. Damn that woman! She's a witch! Sinadya niya talaga ito. "Okay! Kumpleto na po ang ating mga kalahok," nakangiting anunsiyo ni Manong. Pumasok naman agad ako sa loob ng bakod at lumapit sa mga lalaking makakalaban ko. Ngumiti lang si Light sa akin. Bumaling naman sa amin ang announcer para sabihin ang rules ng laro. "Simple lang naman ang gagawin niyo. Kailangan niyong mag-unahan sa paghuli ng biik. At ang mananalo ay mag-uuwi ng dalawang lechong baboy. Kaya simulan na natin ang laro!" Tumunog naman ang pito ni Manong at nagsimula namang magsitakbuhan at mag-unahan ang mga kalalakihan sa paghuli ng biik. Kaya wala na rin akong nagawa kundi makisali sa kanila. "Go, Light! Kaya mo 'yan. Talunin mo si Green monkey!" Nissa cheered. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi ni niya. Green monkey? Who the hell is that?! Huwag mong sabihing ako ang tinutukoy niya doon?! The eff! Hindi ko nalang pinansin ang panunukso niya. Nag-fucos nalang ako sa paghuli ng biik. Nang makahanap ako nang pagkakataon ay bigla kong tinalunan ang biik. Mahahawakan ko sana siya nang biglang dumulas ang kamay ko nang dahil sa putik at bumagsak ang katawan ko sa putikan. "s**t!" impit na mura ko. Napatingin naman ako sa damit na suot ko. Puno na ito nang putik at hindi ako makakakilos nang mabuti dahil medyo naging mabigat na ito. I think I have no choice. Hinubad ko naman agad ang shirt na suot ko. Napatingin naman ako sa paligid at halos lahat ng kababaihan ay napapatulala sa katawan ko. Nakarinig naman ako nang tilian. I know I have a perfect body. Sanay na ako doon. Parang gusto kong matawa nang mapako ang tingin ko kay Nissa na nakatulala habang nakatingin sa akin. Napangiti nalang ako. It's time for revenge, Baby. Hinawakan ko ang t-shirt ko at inihagis patungo sa direksyon niya. Dahil malapit lang siya sa kinaroroonan ko ay ayon at sapol siya sa mukha. "Damn you, Cleo!" inis na sigaw niya sa akin habang inaalis sa mukha niya ang t-shirt na inihagis ko sa kanya. Ngumiti lang ako sa kanya. I stick my tongue out. Lintik lang ang wala ganti. Bumalik naman agad ako sa paghuli ng biik. Pero buwisit talaga, napakadulas niya minsan. Inulit ko ulit ang ginawa ko kanina at sa kasamaang palad biglang tumakbo palayo ang biik at ayon sa putikan na naman ang bagsak ko. Kumunot ang noo ko ng marinig ko si Nissa na tumawa. "Ayan kasi nagmamagaling hindi naman marunong," natatawang tukso niya Ah, ganoon pala, uh! Lumapit ako sa kinaroroonan niya at matalim na tingin ang ipinukol ko sa kanya. Napalunok naman siya nang tumigil ako sa harapan niya. "Uhmm, a-anong gagawin mo, ha?" kinakabahang tanong niya Ngumisi naman ako sa kanya. Dahil hindi naman kataasan ang bakod na ginawa ay agad na hinawakan ko ang magkabilang bewang niya at binuhat ko siya. Sobrang gaan naman niya. "Teka, bitawan mo ako! Ano ba----ahhhhhhhhhh" Dahil sa pagpupumiglas niya ay hindi ko nabalanse ang timbang ko at samahan pa na madulas ang putik ay natumba kaming dalawa sa putikan. Nakadagan siya sa ibabaw nang katawan ko. Nanlaki ang mga mata niya nang magtama ang mga mata naming dalawa. I can hear a fast beating of a heart. Is it my heart or hers? Pakiramdam ko sandaling tumigil ang mundo at tanging kaming dalawa lang ang naririto. "Meron na po tayong panalo. At walang iba kundi si Senyorito Light!" Natauhan naman kaming dalawa nang marinig ang sinabi ng announcer. Sabay kaming nag-iwas ng tingin sa isat-isa. Mabilis namang umalis si Nissa mula sa pagkakadagan niya sa akin. Tumayo na rin ako at bumaling sa kanya. Bakas ang pamumula sa mukha niya. "Uhh, ano.. I'm sorry," nahihiyang usal nito at tumakbo agad palabas nang bakod. Nagtungo siya sa kinaroroonan ni Rewane na ang ngiti ay abot tenga at halatang nanunukso. Napatingin naman ako kay Nissa at nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay agad na umiwas siya nang tingin sa akin at bumaling sa iba. Nagpakawala nalang ako nang malalim na buntong hininga. What is happening to me? Damn! This is so not me. ________________________________________ NISSA Nilulubos ko na ang pagkain na kinakain ko ngayon. Ang sarap naman kasing magluto ng mga kusinera sa bahay nina Rewane. Pakiramdam ko tataba ako kapag nagtagal pa ako dito. Napapadami kasi ang kain ko. "Uhmm, Cleo, hijo, baka gusto mong kumain ng chicken curry. I..i cook that for you." Napatingin naman ako kay Tita Zheena nang magsalita siya. Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha niya. Bumaling naman ang tingin ko kay Cleo. Nakatingin lang ito kay Tita Zheena na wala mang kahit na anong emosyon sa kanyang mukha. Nagkibit balikat lang siya at umiling. "I'm sorry. I don't eat curry," tanggi niya. Mukhang nasaktan naman si Tita Zheena sa naging sagot ni Cleo ngunit sandali lang naman iyon. "Uh, ga..ganoon ba. Okay lang." Bumalik nalang ulit sa pagkain si Cleo. Hindi naman ako napanatag kaya bahagya kong sinipa ang paa niya pero hindi niya ito pinansin. Nainis naman ako kaya siniko ko nalang siya sa tagiliran niya. Natigilan naman ito sa pagkain at humarap sa akin. "What?" iritadong tanong niya. Ngumuso naman ako sa chicken curry na inalok sa kanya ni Tita. Lumapit naman ako sa kanya ng bahagya at bumulong sa tenga niya. "Kainin mo na 'yon. Kahit konti lang. Niluto pa naman ni Tita iyon para sayo." "Ayoko," mahinang sagot niya na kami lang ang nagkakarinigan. "Eh, kainin mo na. Sige na, Cleo," giit ko. "Okay. Let's make a deal." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong deal na naman kaya ito? "Ano'ng deal naman 'yon?" tanong ko sa kanya. "In every request that you will ask me dapat may kapalit." Nanlaki naman ang mga mata ko nang dahil sa sinabi niya. "Ano?! Bakit kailangan pang ganoon? Hindi ka ba marunong magkusa?" "I'm a bussiness man, Miss Nissa. Hindi naman puwedeng payag lang ako ng payag and I will not earn in return." Napasimangot naman ako sa sinabi niya. Napakaliit na bagay lang naman ng hinihingi ko sa kanya ay pinapalaki pa niya. Napakatuso niya talaga. "Okay, fine! Ano'ng kapalit ba ang hihingin mo?" " It so simple. Just give me a kiss in return." Halos pumula ang pisngi ko nang marinig ang hinihinga niya. Walanghiya talaga siya! Napaka-simple pa nu'n para sa kanya! It's a kiss! Mas lalo namang pumula ang pisngi ko nang maalala ang nangyari sa paligsahan. "Ayoko!" "Okay. Madali lang naman akong kausap." Itinuon nalang ulit niya ang atensiyon sa pagkain. Napatingin naman ako kay Tita Zheena at tahimik lang siyang kumakain pero mababakas ang lungkot sa mukha niya. Ugh! Ano ba ang dapat kong gawin nito? "Oo na! Payag na ako," bulong ko sa tenga niya. Hindi ko rin kasi kayang tiisin na makitang nalulungkot si Tita. Walang isang salita na kinuha ni Cleo ang mangkok na may lamang chicken curry at nilagyan nito ang plato niya. Napatingin naman si Tita Zheena sa ginawa niya at halata ang pagkagulat sa mga mata nito pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang saya at ngiting sumilay sa mga labi at sa buong mukha niya habang pinagmamasdan si Cleo na kumakain ng niluto niyang pagkain. Nagpakawala nalang ako nang buntong hininga. I guess I did the right thing. Nang matapos kaming kumain nang tanghalian ay dumeritso na agad ako sa kwarto ko. Magbibihis pa ako kasi mamamasyal kami mamaya nina Rewane at tuturuan niya akong sumakay sa kabayo. Excited na nga ako, eh! Hindi pa naman ako nakakasakay doon. This would be my first time. Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng kwarto nang biglang may humigit sa braso ko at hinila ako papasok sa loob. Isinara nito ang pinto at nanlaki ang mata ko nang makitang si Cleo 'yon. Hinigit naman niya ako at ibinalya sa gilid ng pinto. Napalunok naman ako nang makitang ngumisi siya sa akin. Oh gosh, don't tell me..... "I guess it's time to get my share in the bargain, Miss Nissa." "Ha? Anong share-share na pinagsasabi mo?" pagmamaangmaangan ko. "You know what I'm talking about, Miss Nissa. A deal is a deal." "Uh, deal? Wala naman akong maalalang deal sa pagitan nating dalawa." "Magmamaangmangan pa ba tayo o mas mabuting gawan nalang natin ng solusyon ang problema. So you can fully remember, Miss Nissa." I sighed in defeat. Mukhang wala na akong kawala sa kanya. Okay fine! It will be just a kiss. I quickly kiss him on his cheeks. Wala naman sa usapan naming dapat sa lips. Basta kiss daw eh, kaya okay lang iyon. "That's better. But that's not what you call a kiss, Miss Nissa." "Anong hindi? Wala naman sa us-----" "Well, I just want to have a taste," putol nito sa sasabihin ko and then he claim my lips with his. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. He..he has a soft lips. Oh gosh, what am I thinking?! Hindi ako dapat nakakaramdam ng ganitong emosyon sa kanya. When his lips started to move I felt my knees melt. May dumadaloy na kakaibang damdamin sa katawan ko. Kaya napakapit naman ako sa batok niya and I was lost again. Hindi ko namamalayan na gumaganti na pala ako sa mga halik niya. We are both panting when the kiss ended. Napatingin ako sa kanya and he smile as if he won a prize. Namula nang husto ang pisngi ko. "That's what you call a kiss, Miss Nissa. Have a good day." Ngiting-ngiting lumabas naman siya sa kwarto ko. Napasabunot nalang ako sa buhok ko.Oh gosh, it will never happened again. I swear it would never be. - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD