Chapter 4

1576 Words
Chapter Four : Son _______________________________________ NISSA Hanggang sa makarating kami sa Hacienda del Rio ay parang ang lalim ng iniisip ni Cleo. Parang may bumabagabag sa kanya. Gusto ko sana siyang tanungin pero pinigilan ko ang sarili ko dahil kung anuman 'yon ay alam kong labas na ako doon. Nandito kami ngayon sa sala nang mansion nina Rewane. No wonder they are known as one of the richest family here in Asia. Ilang ulit na akong nagpapabalik-balik dito sa Montenegro Island Estate and I can't still believe that this island really exist here in Mandurriao. This is one of the best place I've ever seen so far. Napatingin naman kami sa dalawang mag-asawang pababa ng hagdan. Despite of their age, they really look young and inlove. Kaya nga kahit ganoon ay naniniwala parin ako sa true love dahil sa nakikita ko sa mga taong nasa paligid ko. "Mom! Dad!" Rewane exclaimed. Sinalubong naman agad ni Rewane ang Mama at Papa nito at niyakap. Kung gaano ka masiyahin si Rewane baligtad naman sa ugali ng Kuya niya. Si Shaveen ay hindi pala imik at napakasungit. Lumapit naman sa kinaroroonan namin sina Tito at Tita. "It's nice to see you again, Nissa. It's been a long time, " nakangiting bati ni Tita Zheena. Tumayo naman ako at niyakap ko siya. "Hi po, Tita Zheena. Na miss ko rin pong dumalaw dito sa inyo." Bahagyang ngumiti ito sa akin. "Feel at home, hija," nakangiting saad ni Tito Niro sabay baling sa kasama ko. "And who's this guy you are with? Don't tell me he is your suitor Rewane," dugtong nito at bumaling sa anak. Rewane giggled. Halos kasing pula na nang kamatis ang pisngi nito. She's acting like a teenager that finally seen her crush. "Of course not, Daddy! But I like him. His name is Cleo," direktang pag-amin nito. "Good noon po, Sir and Ma'am," magalang na sabi naman ni Cleo sa mag-asawa. Ngumiti lang sa kanya sina Tita at Tito. "Just call us Tito and Tita, Cleo," sabi naman ni Tito Niro sa kanya. Tumango nalang si Cleo bilang sagot. "I bet you are already hungry dahil sa naging biyahe niyo. Let's grab some lunch in the dining room. Nana Celing already cook food for us," pag-iimbita ni Tita sa amin. Tumango nalang kaming lahat at nagtungo sa dining nila. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang maraming handa. Iilan lang naman kami ang kakain pero napakadami nang pagkain. Umupo ako sa katabing upuan ni Rewane. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang tumabi sa akin si Cleo. Napatingin ako sa kanya at nakatulala lang ito na parang ang lalim parin ng iniisip niya. Saan ba tumatakbo ang utak ni Cleo ngayon? "Hey!" untag ko sa atensiyon. Hindi naman ito umimik. Mukhang hindi manlang niya napansin ang pagtawag ko sa kanya. Siniko ko siya sa tagiliran kaya napalingon naman ito sa gawi ko. "Are you alright?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi naman maiiwasang maging concern din ako sa kanya because he took good care of me when I am sick. "Yeah, I'm fine. Don't mind me," sagot nito at bahagyang ngumiti. Namula nang husto ang pisngi ko nang magsimula siyang maglagay ng pagkain sa pinggan ko. Pinigilan ko naman ang kamay niya nang akmang maglalagay siya ng kanin sa plato ko. Nakakahiya! Ano'ng ginagawa niya? "Ako na, Cleo! Kaya ko naman," nahihiyang sabi ko. Hindi naman niya pinansin ang sinabi ko at pinagpatuloy lang ang pagse-serve nang pagkain sa pinggan ko. "You should eat, Nissa. Baka magkasakit ka na naman ulit," he said in worry. Mas lalong namula ang pisngi ko dahil sa pag-aasikasong ginagawa niya sa akin. Kumuha naman siya ulit ng ulam at nilagyan ulit ang pinggan ko. Dumako ang tingin ko kina Tito, Tita, Shaveen at Rewane at lahat sila ay nakatingin sa amin. Nag-iwas naman ako nang tingin dahil sa sobrang kahihiyan. "Cleo, ako na. Hindi mo naman kailangang gawin 'to." Pinigilan ko nalang ulit ang kamay ni Cleo. Kukunin ko na sana ang bowl na hinahain niya sa akin para ako nalang ang maglagay sa plato ko nang matigilan ako kasi tinignan niya ako ng masama. Napalunok naman ako. The intensity of his stare makes me feel weak. Muling dumako ang tingin ko kina Tito at Tita at nakatingin parin ito sa amin. Mukhang napansin naman iyon ni Cleo kaya bumaling siya kina Tito at Tita. "You don't mind, do you?" magalang na tanong niya sa mag-asawa. Tumikhim naman si Tito Niro na siyang ikinapula ulit nang magkabilang pisngi ko. "Of course not, hijo. Sige ituloy niyo lang 'yan," udyok ni Tito Niro na ipagpatuloy ang ginagawa niya. "Oo nga. Huwag niyo nalang kaming intindihin dito. Niro, hon, lagyan mo nga rin ng pagkain ang plato ko," sabi naman ni Tita Zheena. Nag-iwas nalang ako nang tingin habang si Cleo naman ay ipinagpatuloy ang paglalagay ng pagkain sa pinggan ko. Shocks, this is so embarassing baka isipin ni Tita at Tito na may relasyon kaming dalawa. Siniko naman ako ni Rewane kaya napalingon ako sa gawi niya. "Hindi pala boyfriend, huh!" nanunuksong sabi niya sa akin. Tinignan ko naman siya nang masama at tumawa lang siya sa akin. "Eat now, Nissa." Napatingin naman ako kay Cleo nang dahil sa sinabi niya. Tumango nalang ako sa kanya at nagsimulang kumain ng inihain niyang pagkain sa akin. Nagsimula na kaming lahat na kumain. Paminsan-minsan ay nagtatanong si Tita tungkol sa naging buhay ko sa States kaya nagkuwento narin ako. Wala namang imikan sina Cleo at Shaveen habang kami lang nina Rewane ang madaldal dito. "Cleo, hijo, if you don't mind, ano'ng pinagkakaabalahan mo ngayon?" biglang tanong ni Tito Niro. Tumigil naman sa pagkain si Cleo at binalingan si Tito. "I'm currently the C.E.O of Sevillo Lines po. You know aircrafts, machines and other gadgets production," sagot naman niya. Kumunot naman ang noo ni Tito Niro na para bang may naalala ito. "Sevillo? Are you familiar with Steve Sevillo?" Napatingin naman ako kay Cleo. No emotion is written all over his face. "He is my father," simpleng sagot nito. Napatingin naman kaming lahat kay Tita Zheena nang bigla niyang nabitawan ang kutsarang hawak-hawak niya. "I..i'm sorry," agad na hingi niya nang paumanhin at pinulot ang kutsarang nalaglag. Lumapit naman agad ang isang maid kay Tita Zheena at pinalitan ang kutsara nito. "Are you okay, Mom?" nag-aalalang tanong naman ni Shaveen sa Mama niya. Ngumiti naman si Tita Zheena ngunit ang ngiti nito ay hindi manlang umabot sa tenga niya. "I'm fine. Don't worry," she reassured and look at Cleo. Napatingin naman ako kay Cleo at nagkibit-balikat lang ito bago ipinagpatuloy ang pagkain niya. "Your father is Steve Sevillo but how come...." Hindi naman naituloy ni Tito ang anumang sasabihin niya at mabilis na umiling. Halatang nagdadalawang isip ito sa pagbitaw nang mga salita. "Nevermind, hijo," saad nalang nito. Halatang may gusto pa siyang sabihin pero hindi na niya nagawang ipahayag kung anuman 'yon. Nagpatuloy kami sa pagkain pero parang naiba ang atmosphere nang paligid. Pakiramdam ko parang mayroong tensyon na namamagitan sa dalawang panig. Panakanakang nahuhuli ko si Tita Zheena na sumusulyap kay Cleo. And there is something in her eyes that I can't name of... It's like... It's shows something like.... Longing? Longing for what? Hindi ko nalang pinansin ang bagay na 'yon. Afterall, I'm here for a vacation before I go back to States. ___________________________________________ Nicholas Alvaro Dumako ang tingin ko sa aking asawa habang nanghihinang umupo siya sa aming kama. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap ko siya. Pagkatapos naming magtanghalian ay umalis agad ang mga bata upang mamasyal sa Hacienda. "Niro, he must be my son. Our son," umiiyak na usal ni Zheena. I looked into her eyes. It hurts to see her breaking. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya at pilit ko siyang pinapatahan. I know what she feels. Half of our life was gone when we thought our son died because of that accident. He is just three years old that time. And it hurts a lot thinking that he already experience bad things despite of his age. "Huminahon ka, Hon. Hindi pa tayo nakakasiguro. We all know that Zander was dead and it's almost been twenty three years." "How can I?" she asked in pain. "Both of you has similarities and he have my eyes. Unang kita ko palang sa kanya ang gaan-gaan na nang loob ko. Paano kung hindi pa nga siya patay? Paano kung buhay nga ang anak natin, Niro? Oh gosh, I can believe this! Alam ko, eh! Kahit sinabi nang booby girl na 'yon na hindi niya kasabwat si Steve ay ramdam kong nagsisinungaling lang siya!" Tumayo naman ang asawa ko at naglakad patungo sa maliit na closet na nasa kwarto namin. May kinuha siyang isang photo album at tumabi ulit sa akin. "Look at this photo, Niro. This happened when Zander turns two years old. He look so happy in his birthday. " Napatingin naman ako sa asawa ko at nagsimula na namang magbagsakan ang luha sa mga mata niya. He flipped the photo for another pages. And smiled when he sees Zander's photo laughing genuinely while holding a big toy car that I gave him. I also miss my son. "He was too young for having those nightmares before, Niro. How I wish I protect him that time. I miss him so much. I miss my son so much." - ♡lhorxie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD