1

1144 Words
Hindi pinalipas ni Papa ang maghapon, minadali niyang paalisin ako sa mansyon kaya inayos ko ang aking mga gamit. Nakasilip si Thylene mula sa tagiliran ng pinto ng aking kwarto. "Well, deserve mo 'yan. Huwag kang mag-alala maganda naman ang bahay na matutuluyan mo. In fact, mas bagay ka pang tumira sa lansangan." Sabi nito matapos niyang lumapit habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. Nauunawaan ko ang pinanggagalingan ng galit niya. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa ziniper ko ang maleta. "Baka gusto mo ng alalay para ibaba ang gamit mo. I can help you." Ngumiti siya pero hindi abot sa mata. Dinaanan ko lang siya ng tingin habang bitbit ang mga gamit ko. Pumunta ako ng rest area kung saan nandoon si Mama. Nakaupo siya sa mahabang upuang kahoy habang pinagmamasdan ang mapupulang rosas.Nilapitan ko siya saka hinagkan sa noo. "Aalis na po ako, Ma." Hinaplos niya ang mukha ko. "Palagi kang mag i-ingat. Alam ko magbabago rin ang isip mo. Para sa atin ito anak—ang pinapangarap nating dalawa." Wala akong reaksyon sa sinabi niya. Dalaga palang siya ay gusto niya na ang karangyaan. Hindi siya naniniwala sa akin na kaya ko siyang iahon sa hirap. Dinagdag ko pa na kailangan ko lang ay kaunting suporta sa kanya. Pero iba ang kinahitnan ng lahat. Masayang-masaya ako nang araw na iyon. Maganda ang naging bunga ng paghihirap ko ng ilang buwan. Inaalay ko ito kay Mama. Kung sakaling nagpatuloy ako sa maganda kong performance sa school ay tiyak na makukuha ako ng full scholarship. Balak ko rin na humanapa ng pagkakakitaan para matulungan si Mama sa gastusin. Dala-dala ko ang medalya na nakamit ko para sa second quarter. Alam kong matutuwa si Mama kapag nakita niya ang mga ito. Bukod pa roon ay nanalo ako sa Math Quiz Bee na binigay rin ngayong araw. Wala man siya sa ceremony ay ayos lang dahil alam kong abala siya sa maraming bagay. Naabutan kong naghuhugas ng pinggan si Mama. "Ma! Ang dami kong medals! Sabi sayo, mag a-aral akong mabuti para mabigyan ka ng magandang buhay, saka hindi naman natin kailangan bumalik sa mansyon." Naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Malungkot kong nilagay ang dalawa kong medalya sa tabi ng T.V. Narinig ko ang impit na pag-iyak niya. "Nakakapagod! Nakakapagod ng ganito, Thaddeus! Hindi ako nagpabuntis sa mayaman para lang iwan ako at buhayin kang mag-isa!" Sigaw nito. Saka nilapag padabog niyang binaba ang pinggan na kanyang hawak. "Hindi ako nagpabuntis para ako lang ang maging magulang mo at maging labandera ng kung sinu-sino!" Paghinagpis niya. Wala akong nagawa ng oras na iyon kung hindi ang pumayag na bumalik sa mansyon matapos mamatay ng nanay ni Thylene. Ilang taon akong nagtiis sa ugali ng kapatid ko. "Kita niyo yan? Siya si Thaddeus. Ang bastardo kong kapatid. Parehas silang gold digger ng magulang niya. Saka kita naman sa itsura niya. Gusgusin—amoy kanal. Nakakaawa 'di ba?" Aniya Thylene at pinagtatawanan nil ako ng mga kaibigan niya. Sixteen birthday niya noon at wala parehas ang mga magulang namin kaya libre siya sa paggawa ng kahit anong mga bagay sa bahay. Matapos ng ginawa niyang pamamahiya ay nag-ayos ako ng sarili. Hindi na ako ang gusgusin na si Thaddeus. Sisiguraduhin kong kahit mismong mga kaibigan niya ay magkakandarapa sa akin. Magaan sa loob ko ang paglabas ng bahay ng mansyon ngayong oras. Wala akong hinanakit dahil paalisin man ako ng sarili kong tatay ay hindi niya ipagkakaila na anak niya ko, at ako ang unico ihijo na inaasahan niya. Maaraw ang pagpunta ko sa lumang buhay. Wala pang isang linggo ay nalaman agad ni Latrelle ang nangyari Nakahiga ako sa couch habang kumakain ng sandwich ng dumating siya. Bitbit niya ang tequila kasama si Marcus. "Shot mo na 'yan. Puno!" Halakhak nito. "Nabalitaan ko 'yung nangyari kaya napagpasyahan namin na dito na lang din kami ni Marcus. Wag kang mag-alala alam ito ni Tito." Kumindat siya. Pumasok ang dalawa niyang bodyguards dala ang gamit niya. Nagmovie marathon kami habang umiinom. Daily routine naming tatlo ang magbasketball. Umuuwi lang si Marcus kapag weekends dahil nagbobonding sila ng magulang niya. Nang birthday ko ay binilhan nila akong cake. Kaya kahit papaano ay naging memorable naman ito. Wala si Mama sa tabi ko dahil naging sekretarya siya ni Papa matapos ang ilang buwan. "Happy Birthday, T.H." Bumungad sa pinto si Jez na may dalang maleta. "Uhm. What are friends for di ba? Pwede bang dito muna ako?" Tumango lang ako. Kasunod niya si Wyn na dala rin ang gamit. "Napagpasyahan kong dito na rin muna ako kung ayos lang sayo?" Inakbayan siya ni Latrelle. "Oo naman para masaya! Saka dito na rin si Marcus simula bukas." Simula ng makasama ko sila naramdaman kong may nagmamahal sa akin. Hindi ko kailangan ng pera. Ang kailangan ko ay 'yung taong nandito para sa akin—sa anumang hamon ng buhay. Kaya kong ibigay kay Mama ang gusto niya pero hindi ko kayang ibigay iyon ng mabilisan.Naniniwala ako na ang kayamanan na hindi pinaghirapan ay mas mabilis mawala. Parehas kaming nag-enroll nina Wyn at Latrelle sa isang university pero magkaiba ang kurso namin. Si Jez ang humiwalay dahil tumigil ng magsustento si Tito sa kanya. Hindi ako nagulat sa pag-amin niya. Matagal ko ng alam na gano'n siya. "Huwag kayong mag-alala. I can manage myself. Sa ganda ko ba naman." Pagmamalaki niya. Birthday niya ngayong araw at napagpasyahan naming uminom. Impluwensya ito ni Latrelle kaya lahat kami nakisama na lang. Kung mayroon man akong ka-iinggitan kay Jez iyon ay ang pagiging matatag niya. Sa aming mga kaibigan kung patindihan ng karanasan, si Jez ang pinakamaraming pagsubok. Simula sa pamilya niya hanggang sa s****l orientation niya. Hindi madaling maging si Jez, maraming kumukutya sa kanya lalo na nang nalaman nilang kaibigan niya kami. Maraming hindi makapaniwala na isa siya sa amin at siya lang ang bukod tanging may pusong babae sa aming lima. Wala naman kaming pakialam kung anong isipan ng iba sa kanya. Gano'n din siya, wala siyang pakialam sa tingin sa kanya ng ibang tao at kahit ng pamilya niya. Minsan kong hiniling na sana bahagian ako ni Jez ng tapang. Tapang na kayanin kong ipagtanggol ang sarili ko. Kaya siguro naging matalik silang magkaibigan ni Kaoree dahil iba siya sa lahat. "Saka walang magbabago, bakla man ako pero hindi ko kayo tataluhin. I swear!" Namumula ang pisngi niya saka suminok. Natawa na lang kami dahil sa bagay na iyon. "Ayos lang yan! Kung may pinakamaganda sa atin, ikaw yun. Pero kung may pinakagwapo, ako na 'yun!" Halakhak ni Latrelle. Tinignan namin siyang masama. Umikot ang usapan sa mga kanya-kanya naming problema. Ang walang masyadong problema rito ay pamilya ni Latrelle. Lahat yata ng layaw niya ay nasusunod. Si Wyn, halos parehas kami ng problema pero ang kaibihan lang, para sa akin, ay mas kaya pang solusyunan ang kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD