Kinuha ko ang si Cooper sa bahay, ang nag-iisa kong aso. Wala akong naabutan na kahit sino maliban lang sa mga maid na abalang naglilinis dahil mamaya ay padating na sina Mama at Papa.
"Inaalagaan ka ba nila ng ayos, Cooper?" Tumahol ang aso kong kahel.Mukha naman siyang pinapakain ng ayos dahil sa taba ng kanyang katawan.
"Manang, iuuwi ko na siya." Pagpapaalam ko sa isa sa mga maids. Pero bago ko iyon gawin ay iniwan ko muna siya sa pwesto niya.
May nag-udyok sa akin na pumasok sa loob ng bahay. Maraming nagbago puro medalya lang ni Thylene ang nakasabit. Puro pictures iyon nilang tatlo. Sa isang hilera na malapit sa flower vase.
Ang dati kong pictures na kasama sila ay napalitan ng pictures ni Thylene na kasama ang kanyang mga kaibigan. Gano'n pa man mahalaga sa akin na inaalala pa rin nila ako-isa lang ang picture kong naroon ayon ay kasama ko ang apat kong kaibigan nu'ng huling birthday ko rito.
Bumalik ako kay Cooper at nilagay siya sa cage na binili ko bago ipinasok sa aking kotse. Nang sinimulan kong magdrive ay tanaw ko ang barkada nina Thylene na bumaba kasama siya.
Unti-unti kong tinaas ang bintana ng kotse ko pero isa roon ang tinawag ang pangalan ko. Nakaspaghetti strap at ripped jeans na babae na may white shoulder bag iyon.
Pero iba lumapitsa akin. Siya yata ang pinakabata sa kanilang magkakaibigan. Kulot ang buhok niya, tama lang ang bilog ng mga mata at mapula ang labi niya dahil sa liptint. Nakasuot siyang croptop at shorts na katulad ng kay Thylene.
Gusto ko sanang isarado ng tuluyan ang bintana ng kotse ko pero inabot niya ang kamay niya. "I'm Sachi but you can call me, Chi. So, how about you, anong pangalan mo?" Tinignan ko iyon.
"Wala akong pangalan." Sambit ko.
Lumapit si Thylene at iba pa niyang mga kaibigan kasama ang tumawag sa akin kanina. Mukha siyang pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Kumindat siya sa akin kaya lumayo ako ng tingin. "O, bakit ka nandito, loser?"
Bumaba ako ng kotse at ngumisi. "Ayokong patulan ka, Thylene. Baka hindi mo magustuhan ang masasabi ko."
"Kailan ka ba naging cold at mysterious type? Hindi bagay sayo." Pinagkrus niya ang kanyang mga braso.
"People change." Maikli kong sagot saka sumakay ng muli ng kotse at humarurot.
Pag-uwi ko ay agad kong nilagay si Cooper sa likod-bahay. Binigyan ko siya ng tubig at pagkain ko siya iwan. Pagpasok ko sa loob ay tumambad sa akin ang mga sapatos na kung saan-saan nakalagay. Pagdating ko sa kusina para uminom ay tambak ang pinggan.
Uminom ako ng tubig galing sa ref at tumambad sa harapan ko si Jez na nakarollers ang buhok. Humikab siya at nandilim ang paningin sa nakita. "Tambak na naman ang pinggan!? My goodness!"
Kapag wala si Wyn, siya ang madalas na tagalinis ng bahay. Hindi ako mabuting kaibigan pagdating sa gawaing bahay kaya kwarto ko lang ang nililinis ko. Saka, sino bang makalat sa aming lima? 'Yung dalawa lang naman.
Natatambakan lang kami kapag pare-parehong abala sa eskwela. "Sabi ko sa inyo kumuha na lang tayo ng kasambahay." Aniya Jez.
"Kung anong sagot nila du'n ako." Sabi ko sabay baba ng baso sa mesa.
Pumunta ako ng kwarto para umidlip dahil sa puyat ko kagabi kakabinge ng movies. Alasais ng hapon ng nagising ako dahil sa ingay nina Marcus at Latrelle. Malamang ay naglalaro ng Xbox ang dalawang iyon.
Kinuha ko ang libro ng Harry Potter at binasa ito pampalipas ng oras. Maganda itong binabasa kong part na kung saan natuto na si Harry sa magic. Kahit ilang beses kong pinanood ang movie nito ay hindi nito malalampasan ang nasa libro.
Kalhating-oras ay nakaramdam ako ng gutom. Bumaba ako para kumain. Saktong umorder ng pizza, milk tea at spaghetti si Jez. Si Wyn ay tinawag ang dalawa para kumain. Siguro ay kadarating niya lang galing church nila.
"Mukhang may ganap ah?" Sambit ni Latrelle matapos maghila ng upuan. Umupo si Marcus katabi niya.
"Nako! Natanggap kasi ako bilang endorser ng isang clothing line para sa mga bagets like us." Pagmamalaki ni Jez at hindi mapawi ang ngiti sa labi niya.
"I-apply mo nga ako baka isang tingin lang nila sa picture ko matanggap ako. Alam mo naman gwapo!" Nagpogi sign si Latrelle.
"Seryoso ba yan? Bawal makalokohan don no!" Aniya Jez saka kumuha ng slice ng pizza para sa kanya. Kumuha rin ako ng para sa akin at tinusok ang taas ng milk tea. Alam niya ang paborito ko Red Velvet.
"Seryoso! Kung meron ngang offer sa pag a-artista baka mag-artista na ko!" Humalakhak si Latrelle sa sarili niyang sinabi.
Sa gitna ng pagkain, hindi namin kinalimutan na batiin si Jez para sa nakuha niyang trabaho. Gano'n pa man ay kukuha pa rin siya ng iba pang part-time jobs para matustusan ang sarili niya.
"Ibang klase ka talaga, Latrelle!" Bighaning wika ni Marcus at nakipag-apir sa kaibigan.
"Sabi sayo, gwapo ko talaga!" Nagkatinginan kami ni Wyn sa sinabi niya. Sa palagay ko ay may bagong ka-fling si Latrelle.
"Oy, Latrelle, sino na naman yan? Babae?" Suway ni Jez. Mahilig makialam si Jez sa buhay niya lalo na kung tungkol sa babae. Malapit ang loob ni Jez sa mga babae kaya nga malapit din siya kay Kaoree.
"Chix 'yun! Chix!" Aniya ni Marcus na para bang walang narinig.
"Pansinin niyo ko!" Sabi ni Jez.
"Huwag kang mag-alala hindi niya na ghinost. Girlfriend na yata niya." Hagikhik ni Marcus habang namumula ang pisngi.
"Sinabi ko sayo Latrelle wag mong gawing past time ang mga babae o trophy! Saka sino naman yan?"
Pinasilip ni Latrelle ang cellphone niya kasama ang babaeng sinabi ni Marcus na girlfriend nito. Kumunot ang noo ko. "Pamilyar." Bulong ko pero hindi ko intensyon na marinig nila.
Tinignan ako ng dalawa. "Kaibigan yan ni Thylene."
"Oo, nabanggit niya. Saka kilala ka niya. Mabait ka nga raw " Ngumiti siya. Kilala niya na pala ako, eh bakit kailangan pang magpakilala sa akin kanina.
"Pero parang di naman mabait." Muling tumawa si Latrelle at binato ko siya ng tinidor na hawak ko pero nakailag siya.
Matapos kumain ay pumunta kami sa sala para manood ng horror movies dahil sa pag-untag ng dalawa na gusto nila ng thrill. Intense lang naman ang background music kaya parang nakakatakot. Nakahalukipkip ang dalawa sa kanya-kanya nilang unan.
Si Jez ay puro tili kaya halos dumugo ang tenga ko.
"Sinabi ko na sa inyo! Asia's Top Model na lang sana!" Palirit niya. Pero hindi siya inintindi nang mga kaibigan namin.
Si Wyn ay nakinood sandali. Wala siyang reaksyon kumpara sa tatlo. Busy lang siya sa pagkain ng popcorn at pagbibigay sa amin ng pagkain.