5

1500 Words
Matapos ng tanghalian ay sinundan ko si Kaoree kasama ang kaibigan niya. Tanaw ko si Wanwan kasama ang isa pang kaibigang lalaki. Nakatayo sila sa gate at nagtatawanan. Nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Adam Ayos na si Cooper. Masigla na siya ulit. Si Adam ang ka-team ko sa aming varsity team. Ang tatay niya ang vet ng aso ko. Nagkaparvo ang alaga ko kaya dinala agad ko siya roon para ipagamot at do'n iniwan. Malapit lang bahay nila rito. Dalawang kanto simula rito sa posteng pinagtataguan ko. Nang makarating ako roon ay kumakawag sa tuwa ang buntot ng alaga ko. "Magaling ka na?" Tanong ko sa kanya at tinalunan ako nito. "I-disinfect at sanitize mo lang ang kulungan niya para mawala ang virus." Bilin ni Adam. Tumango lang ako. "Baka gusto mong magmeryenda muna." Tinignan ko ang oras. Sumunod ako sa loob at nag-order siya ng pizza. Nagkwentuhan kami tungkol sa academics, business at sports. Nabanggit niya ang tungkol kay Rosella—kilala niya ang babaeng iyon dahil naging magkaklase sila nu'ng Junior High. Noon pa man ay may gusto na siya sa babaeng iyon. Humingi ako ng tawad sa kanya nu'ng naging girlfriend ko si Rosella. Alam niya naman ang rason. Tampulan ako ng tukso ng barkada ni Thylene at nang mga kaibigan ng aming pamilya. Nagpaalam ako sa kanya ng tinignan ko ang oras. Mag a-alas singko na. Baka tapos na sila. Kumaripas ako ng maneho. Sakto lang ang dating ko. Luminga ng tingin si Kaoree sa puting bahayan kung saan ako nando'n. Kumunot ang noo niya. Napangiti ako. Ang ganda niya kahit nakalabi siya Lumabas ako ng kotse at lumakad palapit sa kanya. Lumabas din si Wanwan ng gate. Ang mga kaibigan niya ay nakatitig sa akin na para bang isa akong artista. May pinag-usapan silang hindi ko naintindihan. Nang isang dipa na lang ang distansya ko kay Kaoree ay hindi ko maiwasan na titigan siya. Mapilantik ang pilik-mata niya. Bakas ang aking repleksyon sa itim niyang mga mata. "Anong oras ka uuwi?" Lihim siyang ngumiti. Sa loob-loob ko ay nakapasaya ko. Hindi ko siya malapitan ng ganito sa bahay. "Ngayon. Bakit?" Maagap niyang sagot. Napangisi ako sa sarili kong naisip. "Ah. Mabuti naman. Sige, mauna na ko." Mukha siyang bad trip at umasa dahil sa ginawa ko. Nakakatuwa talaga siyang tignan. Lumipas ang mga araw ng gabing makasama ko siya sa labas upang bigyan ng jacket may naisip ako. Sinubukan kong gawan siya ng cupcake. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng makita ko siya sa aking harapan. Pero hindi ko kaya. Nawawala ang boses ko. Nag-text na lang ako na para kay Marcus ang cupcake. Hindi niya naman siguro alam na palusot ko lang ang bagay na iyon. "Ang ganda ng palusot mo kanina." Nagulat ako sa pagdating ni Jez ng binaba niya ang shoulder bag sa mesa. Bago niya buksan ang TV ay kinuha niya ang Harry Potter book na binabasa ko. "Wala akong palusot." Inagaw ko ang libro sa kanya. "Ay! Sus! Bet mo ang kaibigan ko no? May pagtext ka pang 'para kay Marcus' 'yung cup cake." Tinapat ko ng bahagya ang libro sa mukha ko. Pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko. "Alam kong mahilig si Marcus sa cup cake kaya ginawa ko 'yun sa kanya." Lumunok ako ng ilang beses para mawala ang kabang nararamdaman. "Nahiya ka pang umamin! Nagbi-binata ka na talaga! Isa pa hindi ako pinanganak kahapon para maniwala sa palusot mo!" Saka niya binuksan ang TV at tinignan ako sabay hagikhik. Sa ginagawa ni Jez na simpleng pagtukso sa akin kay Kaoree ay kinikilig ako. Mas lalo kong minamahal si Kaoree habang lumilipas ang mga araw. Hindi ko malimutan 'yung araw na hinawakan ko ang kamay niya. -- Biyaya nga siguro na nakalimutan ko ang aking wallet ng araw na 'yon. Masaya akong tumakbo kasama siya ng tinakasan namin ang Ale na nagtitinda ng mga banga. Pero matapos nito ay may nangyaring hindi ko dapat gawin kay Kaoree. Nasaktuhan ang bad trip ko kay Thylene ng um-oo siya sa date namin ni Wanwan. Sinet-up niya kaming dalawa kaya napilitan akong siputin siya sa date ng araw na iyon. 'Yun din ang araw na pinakupas ni Kaoree ang pinakamamahal kong damit. Hindi ko siya gustong pagalitan pero hindi ko napigilan ang sarili ko. "T.H, mukhang hindi yata tama ang timing mong pagalitan si Kaoree." Sabi ni Latrelle ng pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Hindi ako umimik. Hindi ko intensyon. "May nangyari sa Lolita niya." Aniya Latrelle saka lumabas. Kinulit ko si Jez tungkol sa nangyari. Hindi nagdamot ang kaibigan ko para i-kwento ang gusto kong malaman. Palihim akong nagpadala ng pera sa pinsan niya. Sinabi ko kay Jez na sikreto lang sana namin ang ginawa ko. Hindi niya ko binigo. Nanatiling tikom ang bibig niya. Nang naghiking kami—unti-unti kong mas pinaramdam kay Kaoree ang nararamdaman ko. Hindi ko man sabihin ng diretso na gusto ko siya pero alam kong ramdam niya iyon. Sinamaham ko rin ng gawa para mas malinaw. Araw ng performance ni Kaoree. Nalimutan niya ang custome niya. Ako sana ang magdadala nit. Pero makulit si Latrelle kaya pinaubaya ko na lang sa kanya. Katulad ng pinangako niya sa akin, vinidyuhan niya si Kaoree para mapanood ko. May practice game kami ngayong araw kaya hindi ko siya nagawang panoorin. Makalipas lang ng ilang linggo matapos ang performance niya —ay nagkwento si Kaoree na sasali siyang pageant. Natuwa ako ng pinakita niya sa akin ang damit na susuotin niya. Naging tapat ako at sinabi sa kanyang bagay sa kanya iyon. Alam kong kinilig si Kaoree base sa pamumula ng pisngi niya. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nina Jez at Aviel—ang partner ni Kaoree sa contest. Kanta ang gusto nilang gawin pero sariling compose dapat para mahumaling ang audience. Pumunta ako ng school at nagtanong kay Tendery kung kilala niya si Aviel. May dalang gitara ang lalaking nakaspikes ang buhok. "Tutulungan kitang gumawa ng kanta." Nagdalawang-isip siya pero sa huli ay na kumbinsi siya ni Tendery—prof nila sa isang minor subject. Bonus point rin na sumali ako sa music club nu'ng Junior High at gumagawa akong kanta para sa amin. Sinabi ko kay Aviel na huwag sabihin jay Kaoree na ako ang gumawa nito, ayokong gulatin siya. Pero sana balang araw malaman niyang ako ang gumawa ng kanta, at para sa aming dalawa iyon. Gustuhin ko man pumunta sa practice ni Kaoree ay hindi ako pwede.Abala ko sa negosyo naming pamilya at ayoko rin na madamay siya sa gulo na mayroon kami. Takot ako na baka totohanin ni Mama ang banta niya sa akin noong bata ako. Sa ngayon, kailangan ko munang mag-ipon para pagdating ng araw ay kaya ko na. Nagpapagaling si Papa sa ospital kaya kailangan ako muna ang humalili sa kanya. Napapadalas din ang away namin ni Thylene dahil gusto niya na plano lang niya ang sinusunod. Nagpresinta akong magluto para sa meryenda ni Kaoree. Hilig niya ang kumain at matatamis na pagkain. Binilin ko kay Latrelle na dalhan si Kaoree ng meryenda. Hindi siya tumanggi ng inutos ko at sinama niya si Marcus. "Good luck." Namula ang pisngi niya matapos ko siyang halikan sa noo. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya halik na lang muna sa noo. Siguro naman kahit pa-paano malapit na sa isang daan porsyento na ramdam niyang gusto ko siya. Binakante ko ang oras ko para sa importanteng araw ni Kaoree. Sa kasamaang palad ay nagkasakit si Aviel. Sinabihan niya ko umaga palang na hindi siya makakapunta. Ayokong matuwa na may sakit siya pero langit sa akin ng kantahin ko ang liriko na para kay Kaoree. Hindi man niya alam na ako ang gumawa ng halos lahat nito. Pero laking pasalamat kong narinig niya ang mga liriko mula sa labi ko. Matapos nang contest ay nilapitan ako ni Wanwan. Salubong ang kilay niya at nakakrus ang mga braso. "Alam kong ikaw ang gumawa ng kanta, T.H." Iiwan ko na sana siya para dumalo sa kasiyahan ng mga kaibigan ko. Pero napatigil ako sa sinabi niya. "Kaya pala ayaw mo sa kaibigan ko. Dahil hanggang ngayon nahanap mo na ang first love mo at si Kaoree 'yun hindi ba?" Nilagay ko ang parehas kong kamay sa aking bulsa. Nagkausap kami ni Rosella sa face time. Nilinaw ko na hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Naikwento ni Wanwan ang tungkol kay Kaoree kaya mas lalong nag-init ang dugo niya. Alam kong gusto ni Wanwan na mag-init ang dugo sa akin ng kaibigan niya. Hindi ko malaman anong dahilan ang nagtulak sa kanya para malagay ako sa ganitong sitwasyon. "Hindi ko alam kung ang kinagagalit mo—ay 'yun bang hindi ko gusto si Rosella o hindi ko pagsipot sa set-up date ni Thylene para sa ating dalawa?" Laglag ang bibig niya at hindi nakaimik. Saka ko siya tuluyang iniwan. Wala rin akong panahon pahabain ang usapan. Mukhang hindi rin siya matatauhan na hindi ko siya magugustuhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD