6

1422 Words
Simula palang nu'ng unang makita ni Latrelle si Kaoree alam ko nang mangyayari ito. Magkasama kami sa isang bar habang umiinom ng vodka. Wala akong balak malasing dahil baka hindi ako makapagpigil. Mas naging malinaw sa akin na se-seryosohin niya si Kaoree. Base sa kung paano niya kulitin ang mahal ko ay alam na alam ko na. Likas na makulit si Latrelle pero hindi sa mga babaeng naka-date niya. Pati rin si Wyn alam kong gusto niya si Kaoree pero hindi niya lang gaanong pinapakita. Kung gaano ko tignan si Kaoree sa malayo— gano'n din niya tignan si Kaoree. Napansin ko 'yun lalo na nu'ng naghiking kami. Hindi ko masisisi si Wyn dahil bukod sa mabait si Kaoree ay magkasundo sila sa gawaing pangkusina. Magaling siya sa akin sa bagay na iyon. Pero mas magaling ako sa kanya sa maraming bagay. Lumagok ako at humingi ng hard liquor para kay Latrelle. "T.H, biglang napaaya ka yatang mag-inom." Sambit ni Latrelle habang tinitignan ang bartender na sinasalin ang kanyang inumin sa baso. "Gusto ko si Kaoree." Matapang ko siyang tinignan saka uminom. Nilaro niya ang sarili niyang baso. "Kaya pala nag-aya ka ng inom." Nakakaloko siyang ngumiti."Bakit hindi mo sinama si Wyn para tatlo tayong magsapakan dito?" "Kilala ko kayong lahat pero sa ating apat—ikaw ang matinik sa babae. Tigilan mo na si Kaoree." Nagkasukatan kami ng tingin. Nagtagis ang kanyang ngipin at nanginig ang kamay nito. Kung hindi lang matibay ang baso baka kanina niya pang naibasag iyon. "Hindi ako babaero. Kailanman hindi ako nagsabay-sabay na mag-date ng mga babae." Depensa nito. Ngumisi ako at tinitigan ang baso ko. "Isa-isa nga lang pero itapon mo ay parang laruan." Kinuwelyuhan niya ko. Nagpantay ang tingin namin. "Latrelle, wala akong pakialam sa gusto mong gawin. Si Kaoree ay para sa akin. Kaya umatras ka na lang ng maaga." "Lumaban ka ng patas T.H. Hindi ka duwag." Mapanghamon na sabi nito. "Hindi ako lalaban. Malinaw na ako ang nauna." Tumayo na ako at... "Usapan ay usapan tandaan mo 'yan, Latrelle." Bilin ko sa kanya at hindi siya umimil. Ayokong pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin dahil malinaw ang sinabi ko. Ako ang nauna dapat siya ang magpaubaya. Alam kong imimik pa siya kaya mabuting iwan ko na lang siya doon. Normal na araw ang mga lumipas. Pero may araw na kumulo ang dugo ko. Nalaman kong dinala ni Latrelle si Kaoree sa bahay nila. Kaya pala hindi siya nagt-text manlang dahil magkasama silang dalawa. Nasuntok ko ang kaibigan ko ng araw na iyon. "Tumupad ka sa usapan, Latrelle." Hinila ko si Kaoree papasok ng kotse. Alam kong mali itong ginawa ko na angkinin ko si Kaoree kahit wala pang kami. Pero hindi ko mapigilan. Saka kahit maraming nagkakagusto sa kanya, sa akin siya uuwi dahil ako ang end game niya. Nang birthday niya nakipagkontsaba ako kay Jez. Sinama ko na rin sina Latrelle, Wyn, Marcus at iba pang kaibigan niya. Nag-ambagan kami para sa mga kailangan sa birthday ni Kaoree. Sinabi ko kay Lucky na pumunta sila rito at sagot ko na ang gastusin. Madali ko siyang nakausap. Sa katunayan ay lumambot lalo ang puso ko ng sabihin ni Lolita na magiging grandson-in-law niya ko balang araw. Matapos ng birthday ni Kaoree ay kinausap ako ni Jez. Hindi ako nagulat dahil alam kong alam niya na at matagal na. "Nililigawan mo ang kaibigan ko?" Siyasat niya habang inaayos ang BB cream niya. "Oo." Maikli kong sagot. Impit siyang sumigaw. "Nako. Sabi ko na, sa cupcake palang alam ko na!" Hindi niya talaga kinalimutan ang cup cake na binake ko noon. "Pero ito lang ang sa akin. Ang daming umaaligid kay Kaoree. Kapag naunahan ka, uminom na lang tayo ha!" Tumawa siya na parang walang bukas saka hinampas ako sa braso. "Joke lang! Pero huwag kang mag-alala boto ako sayo basta wag mo lang sasaktan ang kaibigan ko." Mahalaga sa akin ay nakuha ko ang boto ng pamilya ni Kaoree. Alam ko naman kung kanino ang boto ni Marcus—kay Wyn iyon dahil alam niya kung gaano karaming umaaligid na babae kay Latrelle. -- "Hindi ko nagustuhan ang ginawa mo kay Kaoree." Hawak ko sa palapulsuhan ang kamay niya. Nanginginig ako at halos pumutok ang ugat ko dahil sa kanya. Pinalagpas ko ang pagsira niya sa damit ni Kaoree. Kahit wala akong katibayan alam kong siya iyon. Pero ngayon, kita mismo nang dalawa kong mata ang ginawa niyang pagpatid—ay hindi ko na ito kayang palampasin. "Bitiwan mo ko, T.H!" Pinilit niyang alisin ang kamay kong mahigpit na nakahawak sa kanya. "Hindi mo kailangan saktan si Kaoree." Malumanay kong sambit saka siya binitiwan. "Yun lang ang kaya kong gawin. Ang saktan siya para masaktan ka rin!" Singhal niya at nasa tagiliran ng mga mata niya ang luha. "Hindi kita maintindihan Wanwan alam mong simula palang talo ka na." Abot-hininga kong wika. Halos magtagis ang mga ngipin ko dahil sa galit sa kanya. "Oo, alam ko iyon! Kahit sinong piliin mo talo ako! Wala ako sa pamimilian kasi…" Hindi niya napigilan ang luha at tuluyan siyang umiyak sa harapan ko. Inabutan ko siya ng panyo at hindi niya iyon tinanggap. "Wala ako sa pamimilian kasi; hindi ako katulad ni Rosella na kailangan mo dahil mayaman siya, at matutulungan ka niya sa personal mong problema." Taas-baba ang kanyang balikat dahil sa paghikbi. "Mas lalong hindi ako si Kaoree na kailangan mo kasi mahal mo siya!" Mas lalo siyang humagulgol. Gusto ko man siyang yakapin pero baka bigyan niya ng malisya kung gagawin ko. Tinitigan ko lang siya at tanging panyo lang ang kaya kong ialok. Hindi ko siya pwedeng bigyan ng kahit anong physical contact. Nakakatakot siyang babae, ang dali niyang mag-assume sa mga bagay. Hindi ko alam kung paano papatahanin. Hindi ko siya gustong saktan. Wala akong binigay na senyales sa kanya para umasa sa akin. "Bata palang ako T.H gusto na kita. Nagsisimula ka palang mag-soccer, ako na 'yung nandito. Bago ka pa makilala ni Rosella—ako muna ang nauna sayo. Hindi siya! Hindi sila!" Pugto ang mga mata niya. "Mali ka, Wanwan. Hindi ikaw ang nauna." Natigilan siya sa pagluha. Pero ang paghikbi niya ay rinig kasabay ng malalim niyang paghinga. "Si Kaoree, siya ang nauna sa inyong tatlo. Highschool lang nakilala mo ako pero ako kilala na ko ni Kaoree noon pa man. Hindi niya lang tanda pero alam ipapaalala ko sa kanya." Nanahimik siya. Ilang segundo lang siyang nakatitig sa akin. Pinapakiramdam ko kung may sasabihin pa siya. Pero natigilan ang pag u-usap namin ng nilapitan siya ng isang lalaki. Siya 'yung nakita ko noon na kasama nina Kaoree sa bahay nina Wanwan. Tumakbo siyang palapit sa babae saka hinagod ang likod nito. "Tara na, Wanwan. Huwag ka ng mag-aksaya ng oras sa kanya." Pangaral ng lalaki sa kanya. Pinagmasdan ko silang lumakad paalis hanggang sa tuluyan silang mawala sa paningin ko. Bumalik ako kung saan nando'n sina Kaoree pero wala na sila sa classroom. Pumunta ako ng parking lot at nando'n silang lahat. Paulit-ulit nilang sinisigaw ang pangalan ni Kaoree at sinasabihang siyang Dyosa. Lumapit siya sa akin ng mapansin niya akong nakasandal sa harapan ng aking kotse. "Saan ka galing?" "May kinausap lang ako." Hinawakan ko siya sa likod. "Tara na at sabihin mo sa kanila na umuwi na tayo." Akala ko matatapos na ang lahat ng panggugulo ni Wanwan kay Kaoree. Nalaman kong sinira niya ang gawa ni Kaoree sa presentation para sa isang subject. Nang makabante ako sa aking klase ay nagmadali akong pumunta sa eskwelahan nila Pero hindi lang si Wanwan ang naabutan ko—nakasuot siyang semi-formal dress na paborito niya. Mas naging balingkinitan ang kanyang katawan kumpara nang huli naming pagkikita. Mas lumalim ang mga mata nito. Mukha siyang okay sa facetime pero nang makita ko siya sa personal ay iba. Parang pasan niya ang mundo base sa lalim ng mga mata niya. Lumapit siya sa akin at hindi ako nakapagsalita para batiin siya. "Missed me huh?" Nakangisi siya. "Rosella, bakit nandito ka?" "I just want to say Hi sa kamukha ko at sa FIRST LOVE mo. Ciao!" Ngumisi siya saka kinindatan ako. Hinawakan ko ang braso niya. "Pipigilan mo ko? Come on, T.H. Alam mo naman na Stage One palang ay napalayas ka sa mansyon niyo." Mas lumapit pa siya sa akin saka bumulong. "Baka sa susunod mawalan ka na ng pamilya pagbinasura mo ko ulit." She giggled. Nagring ang cellphone ko. "Sagutin mo. May gusto yatang sabihin sa'yo si Tito." Aniya Rosella na nakatingin sa akin ng diretso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD