"I am two weeks pregnant, T.H. I...I am sorry." Muli siyang humagulgol at ang tangi ko lang na ginawa ay hagurin ang likod niya hanggang siya ay kumalma.
It's not a blessing for her. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa sarili ko. Hindi ako ang Ama dapat ko sanang ikatuwa iyon.
Pero, paano naman si Rosella at ang batang dinadala niya?
Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Nakatitig lamang ako sa kanya.
Gusto kong mag-sink in muna sa utak ko sinabi nitong mga salita. Alam kong hindi siya nagbibiro.
Sinong taong nagbibiro ng halos maubusan na nang luha kakaiyak?
"I'll explain everything to you, T.H. Hindi ko ito ginusto." Hinuli niya ang mga mata ko.
"Alam ko. Kilala kita." Sa wakas ay nakapagsalita na rin ako. Ang akala ko ay masama lang ang pakiramdam niya.
Pero kahit ganito man ang nangyari sa kanya, hindi ko siya inisipan ng ibang bagay. Alam kong hindi niya ginusto ito at may bagay na nagtulak sa kanya kung bakit niya iyon nagawa.
"Thank you, T.H." Niyakap niya ko pero kumawala rin ako kaagad.
"Ngayon, anong nangyari sa'yo? Sinong ama ng batang 'yan?"
Kinuwentuhan niya lahat sa akin. Sinimulan niya sa pagpunta nila sa party. Akala niya ay pagkakataon lang na nagkita ulit sila ng ka-fling niya.
Kilala ko ang ka-fling niya nu'ng panahon na nasa ibang bansa siya ay kinuwento niya sa akin ang lalaking iyon. Si Claude, kilala siya bilang anak ng Avia Airlines at rival ng tatay ni Rosella sa nanay niya nu'ng highschool sila.
Ang kwento sa akin ni Rosella ay mag-ex lover ang nanay at tatay nilang dalawa. Ayaw ng lola ni Rosella sa tatay ni Claude dahil may bisyo at sugarol iyon.
Ang kwento sa bar ay hindi coincidence na nagkita sila. Planado iyon ng iilan na tao—si Thylene na kasabwat ang mga kaibigan niya at kasama si Wanwan.
Nalaman niya ang lahat dahil sa isa sa mga kaibigan ni Claude ang nagkwento sa kanya. Dalawa silang biktima rito, hindi dapat si Claude ang lalaki.
Walang balak si Claude na akuin ang bata dahil ayaw maniwala ng binata na sa kanya iyon.
Kaya si Wanwan ay nakipagkita sa akin sa bar noon ay dahil alam niya na mangyayari ito. Base sa kwento ng kaibigan ni Claude kay Rosella, ang kundisyon ni Wanwan ay sasabihin niya lahat kay Thylene ang whereabouts ni Rosella, kapalit ako.
"T.H, paano na ako? Paano ang batang dinadala ko? I am afraid! Hindi malayong ibunyag ni Thylene ito!"
Hinimas ko ang aking sentido. Akala ko ay tumigil na si Thylene sa plano niya. Sa palagay ko ay matagal niya ng pinag-isipan ito.
Sinamantala niya ang kahinaan ng dalawang magkaibigan.
"Tumayo ka." Utos ko kay Rosella. May halong pagtataka sa mga mata nito pero sumunod pa rin siya.
Hinawakan ko siya kanyang palapulsuhan at dinala sa loob ng kotse ko. Walang anu-ano'y mabilis kong pinaandar ang sasakyan.
"Saan tayo pupunta, T.H?!"
Diretso lang ang atensyon ko sa kalsada at wala akong pakialam sa stop light. Ang mahalaga ay mailabas ko ang galit na nararamdaman ko sa pamamagitan nito.
Tama nang buhay ko lang ang sirain niya. Pero hindi ko matatanggap kung mandadamay pa siya ng ibang tao.
Nang makarating kami sa mansyon ng kapatid ko ay dire-diretso lang kami sa pool kung saan siya laging nakatambay.
Nakaupo siya roon sa upuan habang may nakapulupot na tuwalya sa kanyang ulo at nakasuot ng roba. Binaba niya ang hawak niyang dyaryo at ngumiti.
Hinawakan ni Rosella ang kamay ko at tila bata siyang nagtatago sa likod ko.
"What brings you here?" Hinalo niya ang honey sa lemon juice niyang iniinom.
"Kasama mo pa ang mahal mong fiance." Sarkastiko ang tono nito.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Lumunok ako.
Humalakhak siya at tumayo. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.
"Nakakatakot! Galit ka pala niyan?" Hinawi ko ang kamay ng kapatid ko. Tumingin siya kay Rosella.
"Nagsumbong yata sayo ang batang si Rosella? Right, Rosella?"
Bumitaw si Rosella sa aking braso. "Great player! Sinet-up mo ko! Ang dumi mong lumaro!"
Kinuha ni Thylene ang juice niyang iniinom. Lumapit muli siya kay Rosella at dahan-dahan niyang binuhos ang juice sa damit nito.
"Oops! Ganyan ang marumi lumaro. Saka nakakalimutan mo na ba na magkalahi tayo?"
Nagsukatan sila ng tingin. "Tama na, Thylene. Lumaban ka ng patas. Sa pagitan to' ng pamilya natin!" Paliwanag ko sa kanya.
"T.H, may nakakalimutan ka yata. Bakit hindi mo tanungin si Rosella kung nasaan si Kaoree?
May kung anong kumislot sa puso ko. Para bang hindi ako makahinga.
"Hindi ba, Rosella?"
Nagtitigan kaming dalawa. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Bakit hindi mo i-kwento ang pagpapahirap na ginawa mo sa pamilya ni Kaoree?" Aniya Thylene.
Tila ba nanlambot ang katawan ko. All this time alam niya kung nasaan si Kaoree? Ang sabi niya sa akin, ay nakatanggap siya ng sulat kay Kaoree na hindi na siya sa akin magpapakita.
Ang sulat kamay na iyon ay Kaoree at ngayon malalaman kong...
"T.H, totoong ayaw ng magpakita ni Kaoree dahil sa ginawa mo." Katwiran niya.
"Hindi ko na alam ang dapat kong paniwalan, Rosella. Mas mabuting umuwi na tayong dalawa." Hinigit ko siya at nagpatianod siya sa akin.
Habang pauwi kami ay ilang beses siyang humihingi ng sorry sa lahat ng ginawa niya.
Ayoko ng magsalita kaya hanggang sa makauwi kami ay hindi ko ulit siya pinansin. Pinuntahan niya ko sa garden pero nakatuon lang ang atensyon ko sa mga bulaklak.
Para lang siyang anino na nakasunod sa akin. "T.H, may kundisyon ako."
Hindi ko alam kung paanong nakuha niya ang atensyon ko sa mga salitang iyon. May parte sa utak ko na dapat ko itong pakinggan.
"Kung malaman nang pamilya ko ang nangyari sa akin, pwede bang ikaw muna ang umangkin nang bata? Ikaw muna ang ama niya?" Lumambot ang puso ko. Tinitigan ko ang tiyan niya.
Hindi pa iyon halata dahil dalawang linggo palang. Hindi ako matanggi dahil alam ko ang pakiramdam ng walang ama.
"Payag ako. Pero paano kung malaman nila kung sino ang ama niyan?"
Kinagat niya ang sariling labi. "Hindi ko muna iyon iisipin. Sa ngayon, pwede ka bang pumayag? Alam mong kasiraan ito sa pamilya ko. Magiging disgrasyada ako at masisira ang pangalan namin. Nakikusap ako, T.H!"
Luluhod na sana siya pero pinigilan ko.
"T.H, pangako ko na kung mauwi man ito sa kasalan. Kung dumating man na malaman nila na hindi ikaw ang ama ng batang ito, aangkinin ko lahat ng masasamang salita na sasabihin nila."
Naawa ako sa kalagayan niya. Kung ikukumpara ako sa kanya, ay marami pa kong dapat patunayan. Pero siya, pagdating sa pamilya niya, siya ang modelo ng lahat.
Ayaw niyang sirain ang tingin ng pamilya niya sa kanya. Mas lalong ayaw niyang masira ang imahe ng sarili niyang pamilya.
"Ngayon lang ito. Kapalit ng pagpayag mo ay sasabihin ko sayo kung nasaan si Kaoree."
Lumakas ang pintig ng puso ko. Tinago ko ang sayang nararamdaman ko dahil sa sitwasyon niya.
Walang atubili akong naramdaman. Kusa akong tumango sa sinabi niya.
Nadatnan ko na lamang ang sarili ko sa lugar kung saan ko makikita si Kaoree. Nakatayo ako sa kahoy na gate ng isang bahay.
May isang puno ng mangga malapit sa gate at kumunot ako sa nabasa ko.
"Kaoree and Latrelle <3 forever?!" Bulalas ko sa mga salitang nakaukit.
Sinipa ko ang inosenteng puno.
"Gunggong ka talaga, Latrelle! Inisahan mo na naman ako!" Malakas kong pagsigaw at napansin ko ang paglipad ng mga ibon sa himpapawid.