13

1272 Words
Dalawang linggo ang nakalipas naging abala ko sa coffee shop ko. Dahil balak kong magtayo ng isa pang branch na malapit sa dati kong eskwelahan noong college ako. Kasalukuyan akong nakaupo sa veranda ng aking coffee shop habang sumisimsim ng kape. Mahamog ngayong umaga dahil umulan magdamag. Tumagos ang lamig ng hangin sa manipis kong asul na T-shirt. Puro pagbati ng magandang umaga at kumusta ang tanong ko sa mga taong dumadayo sa aking coffee shop. Kung dati hindi ako masyadong umiimik pero ngayon ay sinanay ko ang sarili ko para lang sa negosyo. Tinuruan ako ni Rosella na gamitin ko ang itsura ko sa pag-enganyo ng mga customers. Masasabi kong mabisa. Nag-ring ang cellphone ko sa kalagitnaan ng pagtitig ko sa mga highschool student na nagka-kantyawan. Wanwan's calling... Kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan niya sa screen ng aking cellphone. Huminga ako ng malalim. Ilang segundo ang pinalipas ko bago ako sumagot. "Hi? Nasaan ka?" Maaliwalas ang boses niya mula sa kabilang linya. "Busy. Papatayin ko na ito." I-cli-click ko na sana ang red button sa screen pero.. "You said you we're busy?" Lumingon ako sa aking likuran. Muntik nang hindi ko siya makilala dahil nagpagupit siyang buhok na hanggang balikat. Nakasuot siya ng pink crop-top jacket at naka-white na palda na binagayan niya ng sapatos na puti. Hindi ko alam kung sasabak ba siya bilang trainee sa Korea para maging K-idol o trip niya lang ang ganitong style ng damit. "Busy nga ako. Busy with my business." Tumayo ako at papasok na sana sa loob pero hinawakan niya ang seradura ng pinto. Luminga ako sa paligid at mukhang nakatingin sa amin ang ilang mga taong nasa loob. Ang ilan sa kanila ay kunwaring nakatago ang mukha sa librong binabasa. Ang iba ay nagkunwari nagtitipa sa kanilang cellphone. Hinigit ko si Wanwan sa parking side. Inupo ko siya sa isa mga bench na malapit sa puno. "Hindi ka naman pala busy. Pwede ka naman palang makausap ng tayong dalawa lang." Humagikgik siya at namula ang pisngi. "Tell me. Anong kailangan mo? You have one minute to answer. The timer starts now." Pinakita ko ang wrist watch ko. Tumayo siya at tumingkayad. Humawak siya sa bewang ko at nilapit ang sarili niya sa akin. "Let's date." Bago pa man ako makasagot sa sinabi nito ay napaatras ako ng isang sampal ang lumagitik sa pisngi ni Wanwan. Nanlaki ang mga mata niya at hinawakan ang sarili nitong pisngi. Gusto ko siyang lapitan pero sa isang banda ng isip ko ay dapat lang sa kanya yan. Matapos ng ilang taon na pagkakaibigan nila ni Rosella ay ganito ang gagawin niya. Matagal kong kinikimkim ang lihim na ito na may gusto sa akin si Wanwan at hindi ko iyon masabi kay Rosella. Ayokong masira silang dalawa pero sabi nga nila every action has a consequence. Taas-baba ang paghinga ni Rosella at namumula ang pisngi nito. Napansin kong pugto ang mga mata niya ng tinignan ko siya. Mukhang hindi niya na nakuhang mag-ayos dahil simpleng white plain shirt at shorts na maong ang suot nito. Habang ang pababa niya ay sandals na puti. "b***h! You two-faced girl! Desperada!" Sinampal ni Rosella sa isang pagkakataon si Wanwan at gagayak ulit siya ng isa pa pero pinigilan ko siya. Nanginginig ang braso niya ng hinawakan ko iyon. "Tama na." Mahinahon kong sambit. "Ang tagal na natin magkaibigan at hindi ako makapaniwala! You're so cheap!" Sigaw ni Rosella sa kanya. Ngumisi si Wanwan matapos iayos ang iilang hibla ng buhok niya na nakaharang sa sariling mukha. Bumaling ang atensyon sa akin ni Rosella."Alam mo ba kung anong nangyari habang wala ka sa tabi ko?" Namuo ang luha sa gilid ng mga mata. "I was being set-up! Isa siya sa mga taong may kinalaman sa nangyari." Tumawa si Wanwan na para bang walang bukas at pumalakpak. "Defeated! Finally! Natalo ka rin." Sumakit ang ulo sa nangyayari. Wala na kong maintindihan. Anong set-up? Tinignan ko silang dalawa. "Wala akong ginawang mali sayo! I gave all what you need!" Dinuro ni Rosella ang balikat ni Wanwan na halos ikatumba nito. "Hindi ko kailangan ng pera! Inagawan mo ko ng magulang! Oo, Rosella. Pinsan kita pero sobra ka na! Ikaw lagi ang perfect sa pamilya natin...", namuo ang luha sa mga mata nito at lumunok siya. "at...at... sa'yo ako kinukumpara ng Mama ko. Ngayon, gusto mo pang kunin si T.H. sa akin! Makasarili ka!" Halos mapaos ang boses ni Wanwan sa pangangatwiran nito. "Mas makasarili ka!" Sinampal ulit ni Rosella si Wanwan. Napahilamos ako aa aking mukha at pumagitna ako sa kanilang dalawa. "F**k! Parehas lang kayong makasarili!" Tinitigan nila akong dalawa. Ngumiti akong may pait. "I don't care kung anong ugat ng sama ng loob niyong dalawa pero f**k! I am tired and sick of this situation! T*&'n%!. Huwag niyo na akong isali." Hinawakan ni Rosella ang braso ko pero agad kong kinalas ang hawak niya sa akin. "Want to know the truth? Hanggang ngayon si Kaoree pa rin ang mahal ko. Hindi ako nagreklamo sa paraan kung paano niyo kami nilayong dalawa." Kinuyom ko ang aking kamao. "Kaya tangina lang wala kayong karapatan magturuan kung sinong makasarili!You're both the same." I walked away. Hindi ko intensyon na magsalita pero dapat nilang malaman na pagod na kong maging trophy nila. Sumakay ako ng kotse at nakita kong nakatingin lang sila sa akin. Habang nagmistulang estatwa kung saan ko sila iniwan. I took a bed rest. Maghapon akong hindi nakausap ni Rosella. Sa tuwing bumaba ako ng kusina ay hindi ko siya pinapansin. Pero may pag-alala ako sa kanya. Ilang beses na siyang sumusuka. Hindi ko alam kung dahil ba sa amoy ng bagong bulaklak na binili ko nu'ng isang araw. O, dahil naninibago siya sa panahon, kanina ay biglang umulan at sabay uminit. Gusto ko sana siyang kumustahin. Pero nagsulat na lang ako ng note na inumin niya ang gamot para sa sakit ng ulo. Nang bumalik ako sa kwarto ay gano'n ulit ang siste. Nakaupo lamang ako at naglaro ng kung anu-ano. Ilan pang minuto ay kumatok siya. "Pwede ba akong pumasok?" Hindi ako umimik pero tinago ko ang picture ni Kaoree sa drawer. Inayos ko ang sarili ko sa pagkakaupo. "Hey." Lumundo ang kama sa pag-upo niya sa tabi ko. Hindi ko siya tinapunan ng tingin at nagpatuloy lang ako sa paglalaro. Nilagay niya ang beef steak at kanin sa lamesita na malapit sa mini library ng aking kwarto. "Let's eat. How about we will visit my lolo tonight?" Sa peripheral vision ko ay nasilayan ko ang mapait niyang ngiti. Napagdesisyunan kong ibaba ang cellphone ko. "Magkwento ka. Anong nangyari sayo?" Hinawakan niya ang parehas kong kamay at tinitigan ng mabuti. "I am sorry." Kusa na lang na niyakap ko siya at ramdam ko ang unti-unting pagbasa ng damit ko. Ilang minuto siyang gano'n sa aking bisig. Humikbi siya at malakas ang pag-iyak. Nang kumalma siya ay binigyan ko siya ng tissue na galing sa side table. "Promise me you'll not be mad at hindi mo ito sasabihin sa parents ko." Para siyang batang nakiusap at lumabi. "I am two weeks pregnant, T.H. I...I am sorry." Muli siyang humagulgol at ang tangi ko lang na ginawa ay hagurin ang likod niya hanggang siya ay kumalma. It's not a blessing for her. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa sarili ko. Hindi ako ang Ama dapat ko sanang ikatuwa iyon. Pero, paano naman si Rosella at ang batang dinadala niya? Writer's Note: Any thoughts? Miss niyo na ba si Kaoree at ang apat pang heartthrobs? Kalmahan niyo. Kaunting kembot na lang. Ps. Sorry pala sa maraming mura.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD