CADMUS' POV "Huy Cad, ayos ka lang ba talaga? Kaninang umaga kapa matamlay eh." pahayag ni Andra at umupo sa aking tabi. Napabuntong hininga ako at muling sumubsob sa desk ko. Hapon na, pero hindi pa din ako pinapansin ni Natalia. Sinubukan ko siyang puntahan kanina sa faculty room pero ang sungit sungit niya sa akin. "Ayos lang ako, Andra." sagot ko naman at hindi na siya pinansin pa. Nagkasabay kami kanina sa canteen pero hindi nga ako tinitingnan eh. Medyo nababahala na ako sa kinikilos niya. Kadalasan kasi kapag nagtatampo siya ay agad iyong nawawala. "Uy! Nandito na si ma'am Natalia!" balita ng isa kong kaklase kaya agad akong umayos ng upo. Inayos ko din ang aking sarili at huminga ng malalim. Agad na kumunot ang aking nuo ng mapansin ang pamamaga ng kaniyang mga mata. S

