CADMUS' POV Napabalikwas ako ng bangon ng maramdaman ang marahang haplos sa aking pisngi. Agad akong napatitig kay Natalia na mukhang kadarating pa lang dahil ganoon pa din ang kaniyang suot sa suot niya kanina. "Sorry, nagising pa kita." mahina niyang saad at umayos ng tayo. Tinalikuran niya ako at mukhang didiretso sa banyo. "Natalia." mabilis at baritono ang boses kong pagtawag sa kaniya. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ako. "Hmm?" tugon niya. Pinakatitigan ko siya dahil parang wala lang siyang ginawang mali. Pagtingin ko sa orasan ay alas onse na ng gabi. Saan siya galing? Anong ginawa niya? Tinapik ko ang espasyo sa higaan, senyales na gusto ko siyang lumapit sa akin. Napabuntong hininga siya at sinunod ang ibig kong sabihin. "Kakauwi mo lang." seryoso kong paha

