NATALIA'S POV Tumutulo ang luha ko habang nag iimpake ng mga importanteng gamit. Nanginginig ang aking mga kamay at sobrang sikip ng aking dibdib dahil sa pigil na pigil na pag iyak. Alam kong pagsisisihan ko ito habang buhay. Pero para din ito sa ikabubuti ng mga tao sa aking paligid, lalo na ang pamilya ni Cadmus. Earlier, I received a call from an unknown number. Kunot nuo ko iyong sinagot at agad na nangilabot ng marinig kung sino ang nasa likod ng boses na iyon. Si Diego. FLASHBACK Kakatapos pa lamang ng unang klase ko sa umaga ng may tumawag sa aking cellphone. Unknown number iyon kaya nagdalawang isip akong sagutin pero ng tumawag ulit sa ikalawang pagkakataon ay kunot nuo ko na iyong sinagot. "Ang bait bait naman pala ni Sena, Natalia." iyon ang bungad sa akin ng boses

