NATALIA'S POV "Nat! Wala ka namang klase sa gabi diba? Hindi ka kumuha?" excited na pahayag ni Angela habang papasok sa aming faculty office. Kahapon pa maayos ang pakiramdam ko so there's no other reason for me to absent. Ayaw ko ding umabsent na naman si Cadmus dahil tiyak na maghahabol na naman ang isang yun ng lessons. Kahit nagtataka sa tanong na iyon ni Angela ay tumango pa din ako. Ako lang ang naiwan dito sa opisina dahil wala akong schedule kapag ala una ng hapon. "Bakit?" taka kong tanong at napaigtad ng malakas na pumalakpak si Angela. Ano bang problema ng isang to?! "Yes! Makakagala tayo mamahang hapon! Pupunta tayong bayan at mamimili ng—" "Ayaw ko, wala akong pera no! Nalagasan pa ako ng limang libo dahil sa pustahan namin ni Cadmus tangina!" agad kong sambit at umi

