Napakamot na lamang siya sa batok at nagbuntong hininga na tila problemadong problemado. Suss! Nagpapaawa lang ang isang to! Wag kang papadala Natalia! Sigaw ko sa aking isipan habang pinaniningkitan ng mga mata si Cadmus. Nagpapaawa talaga dahil nakasimangot na ang mukha hmp! Inirapan ko lang siya at bumalik na sa aking upuan. "Bumalik kana sa klase niyo uy! Maya maya lang ay matatapos na ang meeting ng mga instructors baka dika na papapasukin kapag na late ka." pahayag ko habang nakatitig sa aking monitor habang nakatayo lamang siya at bahagyang nakasandal sa aking mesa. Hindi ito sumagot kaya tumayo ako at nilapitan siya. Agad ko siyang niyakap ng makitang malalim ang iniisip niya. "Ayos ka lang ba?" taka kong tanong. Mabilis siyang umiling na parang bata at sumubsob sa aking

