NATALIA'S POV Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Cadmus. Napapikit ako at mas lalong nagsumiksik sa kaniyang malapad na dibdib. "Shhh hindi ko hahayaang saktan ka niya, Natalia. Tahan na love." malumanay ang baritono niyang boses. Ang isang palad niya ay marahang humahaplos sa aking likod kaya nakakaramdam ako ng ginhawa. Nanatili kami sa medyo madilim na parteng iyon hanggang sa tuluyan akong kumalma. Nagsasaya ang lahat habang ako ay nanginginig sa takot. Fuck! Hanggang kailan ba ako ganito?! Pilit kong tinatakbuhan ang aking nakaraan pero pilit parin ako nitong hinahabol. "Balik na tayo, Cad." malumanay at garalgal ang aking boses dahil kakagaling lamang sa matinding pag iyak. Pareho na kaming nakasalampak ni Cadmus dito sa baitang ng hagdanan pero kapwa wala kamin

