"Kailangan na nating kumilos, Cad. May lakad pa tayo." sambit ko makatapos ang ilang minuto. Nakapatong padin siya sa akin at pareho padin kaming hubad. "Maya maya na, love please? Gusto ko ng cuddle." parang baby niyang sambit at mas lalo pang sumubsob sa aking leeg. Natawa na lamang ako at sinuklay ang basa niyang buhok sa nuo. "I love you, Natalia." mabilis akong napatingin sa kaniya nang sinabi niya iyon. Napangiti ako at agad na nasiyahan ang aking puso. Wala talagang araw ang lumias na hindi niya iyon sinasabi sa akin. Iyong 'I love you' niya at 'Ang ganda mo' ang araw araw kong naririnig. At hindi ako magsasawang marinig iyon mula sa kaniya. "Mahal din kita, Cadmus." tugon ko at napangiti. Nagtaas siya ng tingin at pinatakan ng magaang halik ang aking nuo, napapikit ako ng

