NATALIA'S POV "Let's ditch the party, love." nakangusong bulong ni Cadmus na ikinatawa ko. Kanina niya pa sinasabi iyan! Kakarating palang namin kanina dito sa reception venue iyan na agad ang sinasabi niya! "Tumigil ka, Cad! Ngayon lang to eh nakuu!" natatawa kong wika at bahagyang kinurot ang kaniyang tagiliran. Nandito kami at prenteng nakaupo sa dalawang mono block chairs habang pinapakinggan ang messages ng pamilya at kaibigan namin. I am actually enjoying everything! Natatawa ako sa message ng mga kapatid ni Cadmus! Ang ikli lang nun at puro pang momock lang sa kapatid nila. Haynaku! Mga pasaway din! Sumubsob siya sa aking leeg at suminghot singhot doon. "Hoy! Hoy! Cadmus! Mamaya na yan jusko talaga kayo! Respeto naman sa single na gaya ko no?!" agad na reklamo ni Angela

