CADMUS' POV "Saan ka naman pupunta?" takang tanong ni mama ng magpaalam ako sa kaniyang aalis na muna. Napangiti ako. "Titingnan ko lang kung maayos na ba yung sorpresa ko kay Natalia, ma." sagot ko kaya napangiti ang mama ko. "Oh siya sige. Just get back here on time okay? Dapat before 7am ay nandito kana dahil aayusan kapa! Nakuu!" pahayag ni mama na ikinatango ko. "Of course ma!" sagot ko at hinalikan siya sa pisngi bago tumalikod na sa kaniya. Kanina pa nasa bulsa ko ang susi dahil sa pagpaplanong magpunta kila Natalia kaya dumiretso na lamang ako sa garahe at pumili ng kotseng gagamitin. Almost 4am.. Kaya pa ng oras to. Mabilis kong pinaharurot ang kotse papalabas sa garahe at sa malaking gate ng mansion namin at agad na tinungo ang sorpresa ko sa magiging asawa. Hindi ma

