NATALIA'S POV "It's on me." wika ni Cadmus sa waiter ng lumapit ito sa mesa namin. Nagulat ako doon at agad na umiling. Katatapos lang naming kumain at tinawag ko ang waiter upang hingin ang bills. "No, hindi na—" "Nat, please?" pakiusap niya at hinawakan ang kamay ko. Napabuntong hininga ako at tumango na lamang habang titig na titig sa kaniya. Siya na ang nagbayad sa kinain naming lahat, pati ang inorder kanina nina Nathan at ng anak kong si Caius. "Baby, are you okay?" tanong ko sa anak ng makitang yumuyuko na ang ulo niya. "No, mommy ko. I'm so sleepy." sagot niya at kinakamot kamot pa ang pisngi. Pareho kaming napangiti ni Cadmus dahil sa kacutan ng anak ko. "Just wait for a second baby hmm? We'll go to our room after we paid the bill." wika ko at hinaplos ang ulo niya. "

