NATALIA'S POV "You're with him, mommy ko? But he's not my daddy po! Why are you with him mommy ko?" Natigilan ako dahil sa sinabing iyon ng aking anak. Kunot na kunot ang noo niya at magkasalubong ang dalawang kilay habang nakatitig kay Cadmus. "Hey, baby Cai. That's rude, diba sabi ni mommy na huwag sasabat sa usapan ng oldies?" mahinahon kong wika at hinaplos ang pisngi na anak ko. Pinunasan ko pa ang gilid ng mga labi niya dahil makalat talaga siyang kumain ng pasta. Ngumuso siya at napatingin sa akin. "But mommy, I don't like him." saad niya pa na hindi ko na ikinagulat. Alam kong narinig iyon ng mga kasama ko pero wala naman akong narinig na salita galing sa kanila. "Let's talk about this after we eat, okay?" malambing kong ani sa anak at humalik ang magkabilang pisngi. "

