NATALIA'S POV
Natulos ako sa aking kinatatayuan sa pila ng marinig ang sinabi niyang iyon.
Oh damn!
That's my favorite compliment! Agad na nagwala ang mga paro paro sa aking tiyan dahil doon.
O baka ginugutom lang talaga ako.
"Thank you!" saad ko at pinigilan ang sariling lumingon dahil ang iinit ang mukha ko. Nagmumukha akong teenager neto!
Nakahinga ako ng maluwag ng ako na ang susunod na oorder ng pagkain. Mabilis kong sinabi ang gustong ulam ni Angela bago ang sa akin. Gumilid muna ako habang hinihintay ang orders ko para maka order na din si Cadmus..
Yes, Cadmus ang pangalan niya. Iyong anak ng kapitbahay namin ni Angela. Yung gwapong lalaking nakasabay kong bumili sa tindahan.
Nagulat nga ako ng makita ko siya kanina sa classroom eh. I never thought na nang aaral pa pala siya because he looks matured eh.
The very first thing na nakakuha ng atensiyon ko ay ang kulay abo niyang mga mata.
God! It's so amazing to look at! Parang gusto ko na nga lang titigan iyon palagi eh! The reason why I kept on looking at him earlier because his eyes are very mesmerising! Mas lalo iyong nagpadagdag sa kaniyang kagwapuhan.
Sabay na dumating ang orders namin kahit na medyo madami ang inorder niya. Tatlong tray iyon kaya nagpresinta na lamang akong dalhin ang isa para hindi na siya bumalik since nakiki table naman kami sa kanila.
"Wag na po ma'am, babalikan ko nala—"
"Ay naku hindi na! Ako na magdadala nito kaya ko naman!" pagpupumilit ko at hinawakan ang isa pang tray. Napangiti siya at tumango na lamang. Pansin na pansin ko talaga ang nakakalaglag panty niyang ngiti! My gosh! Mabuti na lang at bagong bili ang suot kong panty kaya medyo masikip pa sa akin— charot!
Naabutan naming nagkukwentuhan ang mga kaklase ni Cadmus kasama si Angela kaya napangiti ako.
"Oh my! Thank you ma'am gosh nakakahiya, ikaw pa talaga nagdala po huhu." agad na saad ni.. I can't remember her name. Basta kaklase din siya ni Cadmus.
Sabay sabay kaming nag lunch habang nagkukwentuhan tungkol sa iba ibang bagay, Oh well, kadalasan ay tungkol sa akin dahil ako daw ang bago. Medyo awkward pa sa simula pero hindi naman nagtagal ay hindi na nahihiya ang mga studyanteng kasama namin.
I noticed na hindi talaga palasalita si Cadmus. Kanina din sa klase ay nakikinig lang siya at nagmamasid, magsasalita lang kung tatanungin mo. Ang sungit sungit niya pa namang tingnan kapag tahimik.
****************
Napakunot ang nuo ko ng makitang nagmamadali ang kilos ni Angela habang nagliligpit ng mga gamit niya. Katatapos lang ng klase ko sa araw na ito at bumalik ako sa faculty room upang kunin ang aking bag pero eto ang maabutan ko.
"Anong meron?" taka kong tanong. Ng tumingin siya sa akin ay doon ko nakita ang mukha niyang puno ng luha.
"Oh my! Bakit?" natataranta kong saad at mabilis na lumapit sa kaniya.
"Nat, kailangan kong bumalik sa Maynila. I'm so sorry! Si mama kasi sinugod sa ospital eh! Nat sorry, kaya mo namang mag isa sa bahay diba? Nagsabi na din ako sa Campus director at pinayagan na ako. Kailangan kong bumalik agad ngayon." umiiyak niyang sambit.
My heart hurt seeing her like this. Tumango tango ako at mahigpit siyang niyakap.
"Ofcourse, Angela! Kaya ko, don't worry about me." pag aassure ko sa kaniya. Tinulungan ko siyang magligpit ng importanteng papeles na nasa mesa niya at sabay kaming lumabas ng Antonio Bermudes Normal University. Ang tawag nila sa University na ito ay AB Normal University.
Ang weird talaga ng mga tao dito!
Abnormal University, my gosh! Anong klaseng pangalan iyan ng skwelahan! Sabagay, hindi na kataka taka dahil weird din naman ang pangalan ng mga barangay at Sitio dito.
"Sigurado ka bang ihahatid mo ako sa sakayan, Nat? Baka maligaw ka pa eh wag na lang kaya? Kaya ko namang mag isa eh." saad niya habang nasa labas ng gate na kami at naghihintay ng tricycle.
Inirapan ko siya at inayos ang hawakan ng bag na nasa balikat ko.
"Sus! Ano kaba! Ihahatid kita no tsaka kaya kong umuwi, marunong na ako." confident ko pang sabi. Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya.
"Pakatatag ka, Angela. Magiging maayos din si tita Lita." sambit ko at pinisil ang kamay niya. Tumango tango naman siya at huminga ng malalim. Sakto namang may dumaang tricycle kaya mabilis na kaming sumakay doon at magpahatid sa barangay mataloto, doon kasi ang sakayan papuntang Maynila.
Napabuntong hininga ako habang kumakaway sa papalayong lantsa, sakay doon ang kaibigan ko. Lantsa ang tawag sa medyo may kalakihang bangka dito, may atip iyon na trapal at iyon ang ginagamit na transportasyon para makaalis sa Shoe Island.
Alas singko palang ng hapon at maganda ang sunset dito kaya gusto ko munang maglibot libot, hindi pa naman madilim eh. Kumakain ako ng fishball ng makita ko si Cadmus na nagbubuhat ng karton di kalayuan.
Napaubo ubo ako ng magtama ang tingin naming dalawa dahil lumingon siya sa direksiyon ko.
My gosh! Ayan na naman ang mga mata niyang sobrang sarap titigan! Napangiti siya at mabilis na naglakad papalapit sa akin.
"Ikaw po pala iyan, ma'am. May kasama ka?" magalang niyang tanong sa akin ng makalapit siya. Tumikhim muna ako at ngumiti bago umiling.
"Uhm, hinatid ko lang si ma'am Angela mo. Lumuwas kasi ng Maynila, may emergency." saad ko.
"Meryenda ka muna!" anyaya ko sa kaniya.
"Naku wag na ma'am! May trabaho pa ako eh." nahihiya niyang sagot kaya napasimangot ako.
"Sayang, manlilibre pa naman sana ako." wala sa sarili kong saad at lihim na napangiti. Nakuha niya naman ang ibig kong iparating kaya agad na sumilay ang ngiti sa gwapo at pawisan niyang mukha.
"Sabi ko nga makakapaghintay naman ang trabaho." bigla niyang saad kaya natawa ako.
"Pili ka diyan, kahit anong gusto mo." sambit ko at iminuwestra ang stall ng street foods kung saan ako bumili. Nagulat ako ng hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa plastic cup na punong puno ng fishball. Tumusok siya doon at mabilis na isinubo, ginamit pa ang stick na gamit ko!
My gosh!
"Heyy! Akin yan eh!" reklamo ko at tiningnan siya ng masama. Tumawa lang siya at nginuya ang kinakain.
"Sabi mo kahit anong gusto ko eh." confident niya pang sambit ng malunok niya ang kinakain.
"Nakuu! Doon kasi ang tinuturo ko Cadmus!" sambit ko.
"Gusto ko ng sayo ma'am eh." saad niya, napalunok ako dahil mukhang iba ang dating nun sa akin.
Oh s**t!
Umirap na lamang ako para itago ang pamumula ng pisngi. Damn!
Naku Natalia! Isipin mong studyante mo yan! Kahit sobrang gwapo, studyante mo parin!
Binilhan ko na din siya ng gaya ng kinakain ko, baka kasi nahihiya lang din siyang kumuha eh.
"Gusto mong maglibot libot ma'am?" kapagkuwan ay tanong niya sa akin. Inilahad ko sa kaniya ang plastic cup na puno na din ng kwek kwek at fishballs. May sauce na din iyon. Hinintay ko munang tanggapin niya bago ako sumagot.
"Oo, pero hindi ako pwedeng magpagabi dahil baka hindi ako makarating sa bahay." natatawa kong saad.
"Gusto mo, itour kita ma'am?"
nagliwanag ang mga mata ko dahil sa sinabi niya pero ng marealize na may trabaho pa pala siya ay nawala ang excitement ko. Baka nakakaistorbo iyon sa trabaho niya eh.
"May trabaho ka pa, Cadmus. And please, no need to call me ma'am kung nasa labas tayo ng University. Hindi naman nagkakalayo ang edad natin tsaka naiilang ako." pahayag ko.
Napatitig ako sa mga mata niya at napataas ang kilay ng nakangiti siya.
"Bakit?" taka kong tanong.
Umiling siya. "Anong gusto mong itawag ko sayo maliban sa ma'am?" nakangiti niyang tanong.
"Nat na lang or Natalia." sagot ko at sumubo ng fishball.
"Pwedeng love?"
Napapikit ako ng bigla kong nalulon ang isang buong fishball dahil sa gulat. Mabuti na lang at hindi iyon masyadong malaki, medyo kumirot lang ng kaunti ang aking lalamunan dahil sa pwersahang paglunok.
"Dahan dahan ma'am, hindi ko naman uubusi yan eh!" nakangisi niyang sambit. Masama ko siyang tiningnan pero tinawanan niya lang ako.
"Puro ka naman kalokohan eh!" reklamo ko na lang. Sumeryoso ang mukha niya at tinitigan ako. Agad akong naconcious sa hitsura ko dahil sa paraan ng pagtitig niya.
Gosh! Baka haggard na pala ako kaya panay ang titig niya sa akin??
"Makakapaghintay ka ba ma'am kahit limang minuto? Tatapusin ko lang iyong hinahakot ko, tatlong box na lang naman iyon. Pagkatapos ay ililibot kita sa buong Mataloto." seryoso niyang sambit habang nakatitig sa akin.
Hindi ako makapagsalita dahil sa tindi ng titig niya kaya tumango na lamang ako. Napangiti siya at hinawakan ang aking kamay. Napaigtad ako ng agad na naramdaman ang bolta boltaheng kuryenteng dumaloy sa bawat ugat ko ng magdampi ang aming mg balat.
"Ramdam mo din?" nakangiti niyang saad kaya napatingin ako sa kaniya.
"Iyong parang kuryente?" wala sa sarili kong saad. Tumango siya at bahagya ng hinila ang aking kamay bago naglakad papunta sa pwesto niya kanina.
"Ayos lang ba sayo kung dito ka muna ma'am?" malumanay niyang tanong. Inirapan ko siya.
"Nat na nga lang, Cadmus. Sige na ayos lang ako dito." sambit ko at bahagya siyang itinulak. Napangiti ako ng hindi pa din siya umaalis at nanatili lang na nakatitig sa akin.
Ano ba naman yan! Hindi niya ba alam na sobrang lakas ng epekto ng titig niya sa akin?!
"Ang ganda mo... Natalia." baritono niyang sambit at ngumiti.
Napatulala ako ng marinig iyon.
That's...
Pangalawang puri niya sa akin ngayong araw...
Ang lakas ng t***k ng puso ko! Tinatambol iyon at parang kinikiliti ang aking tiyan.
"Sige na! Yung trabaho mo Cadmus!" kapagkuwan ay sambit ko dahil hindi alam kung anong ibang sasabihin. Mahina siyang tumawa bago naglakad papunta sa tatlong may kalakihang karton sa tapat ng tindahan. Tanaw na tanaw ko naman ang ginagawa niya habang hawak hawak ko ang dalawang plastic cup na may lamang street foods.
May kinausap siyang bata at tinuro pa ako. Ewan ko kung anong kalokohan na naman ang pinagsasabi niy. Nakuu! Madalas siyang tahimik pero may pagka pilyo din pala si Cadmus.
Hindi matanggal ang mga mata ko sa kaniya lalo na nung nagsimula na siyang magbuhat ng kartoon. Hindi ko alam kung anong laman nun pero alam kong mabigat iyon. Napaawang ang labi ko ng mag flex ang mga braso niya dahil sa pagbubuhat.
Juskopo lord!
Ang hot niya ha!
Punong puno siya ng pawis pero infairness ang bango niya padin kanina. Iyong amoy na alam mong natural lang ganun. Napatingin ako sa aking gilid ng may kumalabit sa aking bewang. Mahina lamang iyon, nakita ko ang batang kinausap ni Cadmus kanina kaya napangiti ako.
"Ate, upo daw po muna kayo sabi ng boypren mo. Wag mong masyadong titigan, baka matunaw."
saad ng bata at iminuwestra ang upuang dala. Bahagya pa akong natulala dahil hindi alam kung anong irereact.
"Ahh salamat! Anong pangalan mo?" nakangiti kong tanong at umupo sa upuang dala niya.
"Ako si biboy ay kumpare ko iyong boypren mo!" sagot niya kaya natawa ako.
Ang cute ng batang ito! Kung magsalita siya ay parang matanda na eh.
"Hindi ko siya boyfriend, biboy." saad ko sa kaniya kaya kumunot ang nuo niya.
"Wehhh?" hindi naniniwalang sambit niya at bahagya pang humilig ang katawan niya.
"Oo nga! Tanungin mo pa siya. Teka gusto mo nito? Sayo na lang itong akin oh, hindi kasi ito maanghang." sambit ko bago inilahad sa kaniyang ang hawak kong plastic cup.
"Salamat ate! Pero sabi ni Cadmus girlpren niya ikaw eh." saad niya naman bago sumubo ng fishball. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Wehhh?" sambit ko din.
"Oo nga! Tanungin mo pa siya." sagot niya na ginaya ang paraan ng pagkakasabi ko nun kanina kaya natawa ako.
"Ang cute cute mo naman biboy!" bulalas ko at kinurot ng bahagya ang matambok niyang pisngi.
"Crush mo ako ate?" pilyo niyang tanong kaya natawa ako.
"Hindi mo kami pwedeng pagsabayin ni Cadmus! Hindi ako papayag!" bulalas niya pa.
"Oh, ano na namang pinagsasabi mo diyan, boy?" sumingit si Cadmus sa usapan namin. Napatayo at at nagulat ng kusang gumalaw ang aking kamay at hinablot ang bimpong nakasabit sa kaniyang balikat at pinunasan ang kaniyang pawisang leeg.
Nagulat siya sa ginawa ko, pati ako nagulat kaya ng mapagtanto ang ginawa ay babawiin ko na sana ang aking kamay ngunit hinawakan iyon ng Cadmus.
"Please?" malumanay niyang sambit at may malambot na ekspresiyon sa kaniyang mga mata.
Lumunok muna ako bago itinuloy ang pagpunas sa leeg niya, samantalang may ngiti na nakapaskil sa kaniyang mga labi.