Kabanata 4

1992 Words
CADMUS' POV "Bakit dika pumasok kahapon sa subject ni Mrs. Macalinao, Cadmus?" nakangiting tanong sa akin ni Andra sabay upo sa katabing upuan ko. Napabuntong hininga na lamang ako at umiling iling. "Nagka emergency lang sa bahay." tipid at seryoso kong sambit. Kasalukuyan akong nasa skwelahan. Bored na bored na ako dito dahil hindi oa dumadating ang propesor namin. "Ah kaya pala. Eto oh, may long quiz kasi sa next meeting natin kaya hiramin mo nalang muna ang noted ko hihihi." napangiti naman ako doon at mabilis na kinuha ang notes niya. "Maraming salamat, Andra." nakangiti kong saad. Humagikgik siya at mahinang tinampal ang kaliwang braso ko. Hindi lingid sa kaalaman kong gusto ako ng kaklase kong ito. Matagal ng nagpapalipad hangin si Andra sa akin, first year palang kami pero hindi ako kailanman nagbigay ng interes sa motibo niya. "Aysus! Ano ka ba wala lang yun, maliit na bagay! Alam mo namang kayang kaya kong gawin lahat pati homeworks at quizzes mo ku—" "Andra naman.." pagpuputol ko sa sinasabi niya. Alam ko na kung saan iyon patutungo eh. "Kasi naman, Cadmus! Kelan mo ba balak magjowa ha?! Ikaw pinakamatanda dito sa atin pero ikaw lang ang walang girlfriend? O baka naman bakla ka? Sabihin mo nalang sa akin, tanggap naman kita eh." pagmamaktol niyang saad at napapadyak pa sa sahig. Natawa ako sa sinabi niya. "Alam mo namang walang puwang ang pag ibig sa buhay ko, Andra. Sobrang busy ko sa pag aaral at pagtatrabaho eh. Hindi ko na kayang isingit ang pagpasok sa relasyon." kapagkuwan ay seryoso kong saad pero inirapan niya lang ako. Napailing iling na lang ako at hindi na nagsalita. Totoo iyong sinabi ko. Noong nag confess siya sa aking may gusto siya ay iyon din ang sinabi ko. Hindi lang naman si Andra ang sinabihan ko ng ganon. Hirap na hirap na nga akong balansehin ang pag aaral at pagtatrabaho eh, magdadagdag pa ba ako ng problema? Mabilis kong ipinilig ang ulo ng pumasok sa aking isipan ang bago naming kapitbahay. Tsk. Kahapon pa hindi mawala sa isip ko ang magandang babaeng iyon. Hindi ko alam kung bakit. Madami naman na akong nakikitang maganda pero hindi kagaya nitong halos gising ako magdamag dahil hindi siya mawala sa isip ko. s**t! Speaking of... Bumilis ang pagtibok ng puso ko ng makita sa entrance door ng room namin ang babaeng bumubulabog sa isipan at buong sistema ko. What the f**k?! Namamalikmata ba ako? Mabilis akong napaayos ng upo at sinubukan pang ipikit pikit ang mga mata ko pero tangina siya nga! Anong... Napalunok ako ng magtama ang tingin namin, kitang kita ko din ang pagkagulat sa maganda niyang mukha ng makilala niya ako. Shit! Pasimple akong tumikhim ng tuluyan siyang pumasok at naglakad papunta sa mesang nasa harapan. Agad na nagsibalikan sa kaniya kaniyang upuan ang mga kaklase ko, pati si Andra ay agad na umalis sa aking tabi dahil nasa unahan talaga ang upuan niya, samantalang hindi ako pwede sa unahan dahil hindi makakakita ang nasa likod sa laki ko. "Good morning 3A! I can see shocked and curiosity in your faces." pagsisimula niya at tumawa pa. Tangina! Halos matulala ako dahil ang sarap sa pandinig ang tawa niya. Pigil na pigil ko ang aking paghinga at tuwid na tuwid ang likod ko. "I am Natalia Domingo, your new instructor for the subject, Professional and Salesmanship. Unfortunately, hindi lang iyon ang hawak kong subject sa section ninyo." napangiwi siya habang sinasabi ang huling salita samantalang biglang lumukso ang puso ko. Fuck! Ilang subjects pa kaya ang hawak niya sa amin? "Hawak ko din ang Advertising subject then ang Retail Management subject so that means, araw araw niyong makikita ang mukha ko." sambit niya at napanguso. Natawa ang mga kaklase ko sa sinabi niya. "Ayos lang ma'am! Kahit nga hawakan mo pa lahat ng subjects namin eh!" hirit naman ng kaklase kong si Alfred kaya natawa ang lahat. Napangiti na din ako. Sumasang ayon sa sinabing iyon ng aking kaklase. Sino ba namang tatanggi sa kagaya niya? "Ay naku! Sinasabi niyo lang yan ngayon dahil bago pa lang ako, dito. Siyempre new face! Pero kapag lumipas nag ilang araw ay mauumay din kayo sa pagmumukha kong to no!" natatawa niyang sambit. Ganda niya.. Ayos din to kasi sumasabay siya sa trip ng mga kaklase ko. "So! Kilala niyo na ako, kayo naman ang magpakilala sa akin." nakangiti niyang saad kaya naghiyawan ang lahat. Napalunok ako ng magtama ang tingin naming dalawa. Ngumiti siya at tinuro ako. "Let's start with you, Mr." Nagulat ako doon, tangina ako pa ang inuna eh. Tsk. "Let's go Cadmus hoo!" sigaw ni Carlo kaya umiling iling ako at tumayo sa aking upuan kaya tumahimik ang lahat. "Good morning ma'am, I'm Cadmus Del Rosario, 24 years old." iyon lang ang sinabi ko at mabilis ng naupo. Tangina! Bakit nanginginig ang tuhod ko? Pasimple akong huminga ng malalim at tiningnan ang mga kaklase kong tahimik pa din. Hindi ko alam kung bakit kaya nagtataka ko silang tiningnan. "Yun lang?" takang tanong ni Miss. Domingo sa akin kaya bahagya akong tumango. "Okay, next na! Pa mysterious pala itong si Mr. Del Rosario eh." pagbibiro niya pa kaya bahagyang tumaas ang gilid ng labi ko. "Baka nahihiya lang yan sayo ma'am! Mahiyain talaga si Cadmus sa mga magaganda eh." singit naman ni Alfred na siyang tumayo dahil siya ang sunod. Tsk. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpokus na lang sa harapan. Kay Miss Domingo to be exact. Halos kalahating oras ang naging introduce yourself session namin. Hindi naman boring ang session dahil sumasabay siya sa mga jokes ng mga kaklase ko habang nanatili lamang ang titig ko sa kaniya. Hindi ko alam pero parang may matinding enerhiya ang humihila sa tingin ko patungo sa kaniya. Hindi ko kayang iiwas ang aking tingin sa maganda niyang mukha. Fuck! Alam kong napapansin niya na ang matinding titig ko pero hindi ako nag iwas ng tingin. Hindi ko kaya... Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ahh, marahil ay simpleng paghanga lamang ito dahil sa kagandahan niya. Wala sa sarili akong napatango tango sa naisip. Tama naman iyon. Ng matapos ang lahat ng kaklase kong magpakilala ay may biglang nagtaas ng kamay, si Caleb. "Yes? Mr.. what's your family name again? Sorry, need ko pang ifamiliarize ang names niyo." saad niya. Bakit ang lambing naman ata ng boses niya?? "Alonzo po ma'am! Pinapatanong po kasi ni Cadmus kung single daw ba kayo." bigla akong napaayos ng upo at nagulat sa sinabing iyon ni Caleb. Tangina?! Wala akong alam dun ah! Gago talaga tsk! Nagtawanan ang mga kaklase ko dahil alam nilang hindi ko sinabi iyon! "Hmm? Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong sa akin niyan, Mr. Del Rosario?" may pilyang ngiti sa mga labing saad niya kaya napalunok ako. Putangina talaga. "Ay si ma'am naalala ang apelyido ni Cadmus pero yung sa akin hindi!" singit pa ni Caleb kaya masama ko siyang tiningnan. Mabilis niya namang itinikom ang mga labi at humarap na. Nasa unahan lang kasi ang upuan niya sa aking upuan. Kapag may sinabi pa tong kagaguhan hihilahin ko talaga to palabas. "Wala po akong sinabing ganun ma'am." seryoso kong saad, pilit na itinatago ang malakas na kabog ng aking dibdib. "I'm still single, though. Takot ako sa commitment eh." natatawang saad niya habang nakatitig padin kami sa isa't isa. Bahagyang umawang ang mga labi ko ng makitang sobrang tindi din ng titig niya sa akin. Nararamdaman niya din ba? Iyong malakas na enerhiyang humihila? Kalmado siyang nag iwas ng tingin kaya napalunok ako at huminga ng malalim. Tangina mo Cadmus! Umayos ka diyan! Naghiyawan ang mga kaklase ko at nagtanong pa ng kung ano ano. Napapatitig ako sa kaniya sa tuwing sasagot siya, sakto namang nagtatagpo ang mga tingin namin na mas nagpapabilis ng tibol ng puso ko. Naubos ang isang oras ng time namin ng puro kwentuhan lang. Nakikinig lamang ako at lahat ng tungkol sa kaniya ay hindi ko namamalayang tumatatak na sa aking isipan, kahit nga paborito niyang kulay at paboritong pagkain ay hindi ko makalimutan eh. Aishh... Pagkaalis niya ay agad na nagsitayuan at kaniya kaniyang grupo ang mga kaklase ko. Mabilis kong hinila ang damit ni Caleb at pabiro siyang sinakal gamit ang braso ko. "Aray! Aray! Teka naman pare!" daing niya at tinapik tapik ang braso ko. Natawa ako at binitawan din siya. "Gago ka. Dinamay mo pa ako sa kalokohan mo eh." sambit ko at sinukbit ang lumang itim na bag ko. "Sus! Halata namang gusto mong itanong yun kay ma'am eh! Wag ako pare, kitang kita ko kung paano mo siya titigan. Sabagay sobrang ganda din naman ni ma—" "Oo na tara na nga lang. Ang dami mong satsat." saad ko na lang dahil nakaramdam ako ng hiya. Siguro sobrang halata ko kanina. s**t! "Saan tayo?" tanong naman ni Rio, isa din sa mga kaklase kong barkada ko na din. Tatlo kaming magkaklase at pareho ng kursong kinuha sa aming magbabarkada. Ang dalawa ay IT ang kinuhang kurso kaya hindi kami palaging nagkakasama. "Canteen muna. Tangina kanina pa ako nagugutom eh!" sagot ni Caleb at hinimas pa ang tiyan niya. "Tsk. Palagi ka naman talagang gutom." masungit kong saad bago nauna ng maglakad papalabas ng room. "Cadmus! Caleb! Pa canteen kayo? Pwede sumama?" singit ni Andra at mabilis na lumapit sa amin. Napakamot sa batok si Caleb at tumingin sa akin. Nagkibit balikat lang ako at tumango ng isang beses. "Yey! Thank you Cadmus! Hindi pa kasi nagugutom sina Georgia eh kaya wala akong ibang kasama." Last subject namin si Miss Domingo sa umaga kaya halos lahat talaga ay sa canteen ang tungo. Ang iba naman ay sa classroom lang talaga kumakain dahil may baon sila. May baon naman ako, kanin nga lang dahil walang ulam kanina sa bahay namin, bibili na lang ako ng ulam sa canteen. Pagdating namin doon ay madami ng tao at halos wala ng bakanteng mesa, yung tanging nasa dulo na lamang kaya doon na kami puwesto agad. Hindi na ako umupo, inilapag ko na lang sa upuan ang bag ko at kumuha ng Singkwenta sa pitaka. "Ako na ang oorder sa atin para mabilis." agad na presinta ni Caleb. Napatikhim kami agad. Sus! Hindi niya kami mauuto. "Hindi, ako na. Wag mo kaming inuuto Caleb alam naming magtatagal ka dun sa pila dahil gusto mo ang isang nagtitinda dun!" saad ko at kinuha ang mga order at pera nila. "Sukli ko ah, Cadmus!" sambit ni Rio pero nginisihan ko lang siya. "Ano ka boss? Parang sampung piso lang na sukli eh! Wala na akin na to." nakangisi kong saad bago agad na naglakad papunta sa pila. Ng malapit na ako sa pila ay naamoy ko ang pamilyar na mabangong perfume. Literal na napapikit pa ako at mabilis na lumingon. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko ng makita kung sino ang nasa likuran ko. "Wala na atang table, Nat!" rinig kong sambit ni ma'am Cruz. "Ahh, sa table po namin ma'am. May tatlong bakanteng upuan pa po doon." magalang kong sagot kaya nakangiti akong tiningnan ni ma'am Cruz. "Nakuu! Salamat Cadmus! Sige pupunta muna ako doon at magpapaalam sa mga kasama mo. Nat, yung order ko ha?" saad niya na tinanguan naman ni Miss Domingo. Mabilis akong umalis sa pila at pinauna siya. "Ay wag na no! Ayos lang!" pagtanggi niya pero hindi ako pumayag at mabilis na puwesto sa likuran niya. Shit! Wrong move ata to dahil mas lalo kong naamoy ang mabangong amoy niya. Tangina! Napapalunok ako at napatingin sa pawisan niyang leeg. Natutukso ako, pilit ko mang itago pero nahihirapan ako. Para akong hinihila papalapit doon, tangina! Nabalik ako sa huwisyo ng may tumulak sa aking likuran kaya napapikit ako sa likuran niya. "Sorry miss.." mahina kong sambit at napatikhim pa. Bahagya siyang lumingon at ngumiti na tila sinasabing ayos lang. "Ang bango niyo... po." hindi ko napigilang sabihin iyon na ikinagulat niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD