CADMUS' POV
"A-Anak, wag mo ng patulan please.. lasing lang ang tatay mo. H-Hayaan mo na muna."
pakiusap sa akin ni nanay pero hindi humuhupa ang galit na nararamdaman ko. s**t! Nangangati ang mga kamao kong suntukin muli ang nakangisi niyang mukha.
Pinunasan nito ang gilid ng labing dumudugo dahil sa suntok ko. Hindi ko akalaing masarap pala sa pakiramdam ang makasuntok ng gago.
Ngumisi ako. "Ikaw? Anong pinangmamalaki mo eh umaasa ka nga lang sa perang binibigay ni nanay sayo." matapang kong sambit at natawa pa.
"Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Kalalaki mong tao, ganyan ka. Putangina. Lumayas ka sa pamamahay namin." nagagalaiti kong dagdag. Nagdidilim ang paningin ko sa lalaking to.
"Hah! Hindi ako lalayas dito tsaka hindi papayag yang nanay mong umalis ako, diba Teresa?" sambit pa nito at umayos ng tayo.
"Kaya ikaw, akin na ang pera mo. Kailangan ko ng pera!" dagdag nito at lumapit sa amin. Pwersahan kong tinanggal ang mga braso ni nanay sa bewang ko at muling sinuntok ang gago.
"Cadmus! Anak!"
rinig kong sigaw ni nanay pero hindi ko siya pinansin at tuluyang nagdilim ang paningin ko sa lalaking nasa harapan. Napaubo ubo siya habang natumba sa sahig. Kulang pa yan. Ilang taon akong nagtiis dahil pinapagbigyan ko palagi ang pakiusap ni nanay sa akin.
Nilingon ko si nanay at nakitang nasa sulok siya at umiiyak. "Hindi na ako papayag na saktan ka ulit ng gagong to, nay." madiin kong sambit at nilapitan si Pablo na nakasalampak pa din sa sahig. Mas lalo akong naiinis dahil sa ngisi na nakapaskil sa labi niya, gusto kong burahin iyon.
Hinila ko ang kwelyo ng damit niya at hinila siya palabas ng bahay namin.
Doon nawala ang ngisi sa labi niya kaya ako naman ang napangisi.
"Teresa!"
pagtawag niya sa nanay ko pero malakas ang paghila ko na narinig ko na ang pagkapunit ng damit niya. Galit ko siyang itinulak sa labas ng bahay namin.
"Putangina mo lumayas ka dito, Pablo. Palagi mong sinasabing wala kaming kwenta, ikaw ang walang kwenta dito. Subukan mo pang lumapit sa pamilya ko, makikita mo ang hinahanap mo." hindi humuhupa ang galit na nararamdaman ko. Naririnig ko ang paghikbi ni nanay sa aking likuran pero hindi na ako pwedeng magpadala sa pakiusap ni nanay.
"Hindi mo pwedeng gawin to, Cadmus! Hindi niyo kayang wala ako!" bulalas nito kaya napahalakhak ako.
"Lumayas ka dito at ng makita mong kayang kaya namin ng wala ka. Eh wala ka ngang ambag dito eh! Tangina mo!" sigaw ko at dinuro pa siya bago sinaraduhan ng pintuan ang gagong iyon.
Taas baba ang aking dibdib dahil sa galit ko sa taong iyon. Mabilis kong dinaluhan si nanay na napahagulgol habang nakatingin sa akin.
"C-Cadmus..." nahihirapan niyang sambit. Niyakap ko siya at madiin hinalikan ang sintido. Alam kong mahal ng nanay ko ang Pablo na iyon, minahal iyon ni nanay kahit na walang ambag iyon sa buhay namin.
Pero tama na. Hindi na ako papayag na saktan siya ulit. Hindi ko na kayang manahimik dahil iyon ang gusto ni nanay.
"Shhh.. Tahan na nay. Hindi natin kailangan ang gagong iyon." malumanay ang boses kong sambit. Ng makita ko si Sena na nakasilip mula sa pintuan ng kwarto ay tinawag ko siya.
"Sena, kuhanan mo nga ng tubig si nanay." utos ko sa aking kapatid na sampung taong gulang. Mabilis niya namang sinunod ang utos ko at tumakbo papuntang kusina. Pagbalik niya ay may dala dala na siyang isang basong tubig.
Agad iyong naubos ni nanay at napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Hindi ako nagsisising ginawa ko iyon. Dapat nga ay matagal ko ng ginawa iyon eh. Dinala ko si nanay sa couch ng bahagya ng kumalma.
"Nay, magsisimula tayong muli okay? Hayaan mo na ang gagong iyon please. Hindi ko na kayang makitang sinasaktan ka nay! Sana maintindihan mo din ako." nagsusumamo kong sambit. Nakahinga ako ng malalim ng tahimik siyang tumango tango.
"P-Pasensiya na kayo mga anak ha? Sorry.. Sorry." sambit niya at muli na namang umiyak.
Hays..
Sobrang sakit sa pusong makita ang nanay kong nagkakaganito.
Nagyakapan kaming tatlo sa maliit naming sala.
Hindi ko talaga totoong tatay si Pablo. Bata pa lang ako ay alam ko ng patay na ang tunay kong ama kaya nakontento akong si nanay lang ang kasama. Pangatlong asawa na ni nanay iyang si Pablo eh, mabuti na lamang at hindi sila nagkaanak dahil mas lalong hindi iiwan ni nanay ang gagong iyon kung may anak man sila.
Si Sena ay anak ni nanay mula sa pangalawa niyang asawa na iniwan kami dahil sa ibang babae. Gago din iyon eh.
Ewan ko ba kung bakit sobrang lapitin ni nanay sa mga lalaking sobrang gago! Hays..
Napatingin ako sa luma kong relo at nakitang mag aalas dos na. f**k! Absent na naman ako sa isang subject namin, major pa naman iyon s**t!
Napabuntong hininga na lamang ako dahil hindi na ako pwedeng bumalil sa school dahil sigurado naman akong hindi na ako papapasukin ng propesor namin. Isang major subject lang ang schedule ko ngayong hapon pero ala una ng hapon hanggang alas sais ng gabi ang oras namin. Nakakaumay nga ang ganun eh, puro discussion at lectures pero kailangan talagang umattend dahil strict ang propesor.
Hindi nagtagal ay kinalabit ako ni Sena kaya napatingin ako sa kaniyang nakaupo na pala sa lamesita namin.
"Kuya, tulog na po si nanay." pahayag niya kaya napatingin ako kay nanay na nakatuko na pala habang yakap yakap ako.
Napangiti ako dahil doon at umiling na lamang. Siguro dahil na din sa walang tigil niyang pag iyak kaya nakatulog siya agad. Binuhat ko si nanay at dinala sa kwarto nila ni Pablo na ngayon ay kwarto niya na lamang. Nakasunod sa amin si Sena na tahimik lang.
"Sena.." mahina kong tawag sa kaniya.
"Po, kuya?" agaran niyang sagot kaya napangiti ako. Ang bait bait talaga ng kapatid ko na to! Buti na lang at hindi nagmana sa tatay niya.
"Bantayan mo muna si nanay ha? Bibili lang ako ng yelo kila aling bebang." saad ko at tumayo na sa kama. Tumango naman siya at agad na sumampa sa kama.
"Dahan daha lang at baka magising si nanay, sige ka iiyak na naman yan." sambit ko kaya napangiwi siya.
"Kuya ano pong gagawin niyo sa yelo? Nauuhaw po ba kayo?" inosente niyang tanong. Ginulo ko ang buhok niya at natawa.
"Hindi, idadampi natin sa pisngi ni nanay para hindi mamaga mamaya. Kaya dito ka lang ha? Mabilis lang si kuya." mahinahon kong sambit.
"Okey po, kuya. Bili mo din akong lollipop please!"
tugon niya kaya tumango ako bago lumabas ng kwarto. Hinanda ko ang sarili kung sakali mang madatnan sa labas si Pablo, mabuti na lamang at wala doon ang gago kaya dumiretso na ako sa tindahan sa tapat ng bahay nila ma'am Cruz.
"Tao po! Aling Bebang!" agad kong tawag ng makarating sa tindahan mismo.
"Oh ikaw pala iyan Cadmus. Anong sayo?" magiliw na sagot niya.
"Yelo nga po maisa lang." saad ko at naglagay ng sampung piso sa pa square na parang pintuan ng tindahan.
"Sige sandali lang iho ha? Mahirap kasing kunin ang yelo eh. Tumigas na kasi." saad niya kaya tumango ako at naupo na muna sa bangko sa gilid ng tindahan.
"Tao po? Tao pooo! Hello?"
nagtaas ako ng tingin ng may dumating na babae sa tindahan ni aling Bebang. Kumunot ang nuo ko ng hindi siya makilala.
Sino to?
Lahat ng tao dito sa barangay namin ay kilala ko eh, malamang bago lang to dito.
"Kumukuha pa ng ice, miss..." mahina kong saad habang nakatingin sa ganda. Nilingon niya ako ng may pagtataka sa mukha.
"Ha?" taka niyang tanong kaya gusto kong matawa.
"Ganda na sana, bingi lang." bulong bulong ko at hindi napigilan ang pagtaas ng gilid ng labi.
"How rude. Narinig ko yun!" singhal niya kaya inosente ko siyang tiningnan.
"Ahhh.. bago ka dito, miss?" tanong ko, napapangiti pa din. Biglang nanlaki ang mga mata niya at dinuro ako.
"Oh my! Ikaw yung tumulak sa'kin kanina doon sa gate ng bahay niyo!" bulalas niya kaya napagtanto ko ding tama siya ng pinasadahan ko ang suot niyang damit.
"Cadmus, eto na. Ano pang bibilhin mo?" biglang singit ni aling Bebang kaya agad akong tumayo at hindi sinasadyang nalanghap ko ang mabango niyang amoy.
Shit!
Pawisan siya ah? Bakit ang bango bango niya parin? Bigla tuloy akong naconcious sa sariling amoy. Baka mamaya ay ang baho ko na pala eh. Galing pa naman ako sa skwelahan kanina at hindi pa nakakapagpalit ng damit.
Pero hindi naman nagreklamo si nanay sa amoy ko kanina eh. Hindi pa naman siguro ako gaanong mabaho?
"Cadmus, hijo.. yelo lang ba?"
bigla akong nabalik sa ulirat ng marinig ang sinabi ni Aling Bebang.
"Ahhh.."
teka.. anong candy ba iyong pinapabili ni Sena? s**t! Nakalimutan ko.
"Ano na lang po aling bebang, iyang ano yang chewy choco po yung sukli." agaran kong sambit. Mahilig naman sa chocolate ang kapatid kong iyon.
Mabilis kong kinuha ang yelo at chewy choco at binitbit.
"Ikaw hija? Anong sayo?" tanong naman ni aling Bebang sa babaeng naitulak ko kanina. Tiningnan niya ako ng may pagtataka sa mukha. Mukhang hinihintay niya atang umalis ako. Napakamot ako sa batok dahil balak kong sumabay sa kaniya pagtawid ng kalsada dahil magsosorry pa ako. Mukhang nailang siya sa akin kaya naman umupo na lang muna ako sa bangko ulit.
"Uhmm, ano po.. may p-pad po ba kayo?" nahihiya niyang sambit kaya nag iwas ako ng tingin.
Kaya pala gusto niyang umalis muna ako.
"Pad? Napkin hija?" pabalik na tanong ni Aling Bebang.
"Ahh opo. Meron kayo? Magkano po ang isang rem?" pahina ng pahina ang boses niya, halatang naiilang dahil naririnig ko iyon.
"Ahh depende sa brand, hija. Anong brand ba gusto mo?"
"Sisters po w-with wings, isang rem po please." sambit niya at mabilis niya iyong binayaran. Nagmamadali siyang naglakad paalis sa tindahan kaya mabilis akong tumayo at sinundan siya.
"Miss. Miss! Teka lang!" sambit ko at sinabayan ang lakad niya. Hindi niya ako pinapansin, papasok na sana siya sa bakal na gate nila ma'am Cruz ngunit pinigilan ko ang pagbukas nun kaya natigilan siya at kunot ang nuo akong hinarap.
"Anong kailangan mo?" inis niyang tanong.
"Ang sungit mo naman. Gusto ko lang mag sorry doon sa pagtulak ko kanina sayo. Pasensya na at natataranta lang talaga ako kanina." napapakamot sa ulo kong saad. Agad na lumambot ang ekspresiyon niya at tumango tango.
"Ayos lang iyon, I understand." sagot niya naman na nagpangiti sa akin.
"Dito ka pala nakatira? Kaano ano mo si ma'am Cruz?" curious kong tanong.
"Uhm please excuse me. Kailangan ko ng pumasok, sa susunod nalang ulit tayo mag usap." nagmamadali niyang saad at bahagya pang ngumiwi. Mabilis kong nagets ang pinagdadaanan niya kaya agad kong binuksan ang bakal na gate at mabilis naman siyang pumasok doon.
Napangiti ako at umiling iling bago naglakad papunta sa bahay namin dala dala ang yelong medyo tunaw na.