NATALIA'S POV "Magandang tanghali po, madame Emilia, tita Kristin." mahinang pagbati ko sa dalawang ginang na nakaupo sa dining table. Sabay silang napatingin sa akin at sabay ding napasinghap ng makita ang hitsura ko. "NATALIA!" umalingawngaw ang mapanganib na boses ni Diego sa buong bahay. Mabilis siyang lumapit sa akin ay hinila ang braso ko. Masakit iyon, pero nasanay ang katawan ko kaya kung normal na pangyayari ay hindi na ako magrereact. Pero hindi ito normal kaya naman napaigik ako at nagpanggap na tila nasasaktan ng sobra. "Diego! How dare you!" galit na bulalas ni tita Kristin ang nanay ni Diego. Agad akong nagpaawa at pinilit ang sariling lumuha. "No, mama! I didn't—" "Oh my god, Natalia! Bitawan mo siya!" galit ding singhal ng mamita ni Diego kaya napangisi ako sa akin

