NATALIA'S POV "Hija, tulungan na kit—" "Hindi na ho, kaya ko po manang." mabilis kong pigil kay manang Adele ng subukan niyang kunin at ice pack sa aking mga kamay. Napatigil siya at walang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga. "Saan ka natulog kagabi, hija?" mataman niyang tanong kaya tiningala ko siya. "Sa ibaba manang." kaswal kong sagot na ikinasinghap niya. "Natalia!" bulalas niya. Walang gana akong tumayo at tinalikuran siya. "Hanggang saan ka dadalhin niyang katigasan ng ulo mo." saad niya at sinundan ako. Napangiwi ako ng mailapat ang ice pack sa gilid ng aking labi. Yes. May pasa ako doon. Hindi lang sa gilid ng labi ko ako may pasa. Meron din sa palapulsuhan at sa hita ko. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap si manang Adele. "Mas mabuti na hong matulog sa m

