Kabanata 2

1339 Words
"Kanina kapa ba nandito? Sorry ha? Kakarating ko lang din galing sa school at balak ko na sanang salubungin ka buti na lang nakarating ka dito ng buo!" natawa siya sa panghuling sinabi kaya umirap ako. Binuksan niya ang gate at muling pumasok sa loob ng bahay kaya sumunod ako. Ang utak at tingin ko ay nandoon pa din sa kapit-bahay niyang nag aaway. Tanging hanggang bewang na pader lang kasi ang nagsisilbing dibisyon ng mga bahay nila kaya kitang kita padin. "Naku! Masanay kana kasi ganyan talaga sila hays.." kapagkuwan ay sambit niya ng mapansin ang tingin ko. "Mukhang nananakit ang lalaki eh, bakit hindi pa nirereport sa barangay?" curious kong tanong habang naglalakad kami papunta sa mismong pintuan ng dalawang palapag na bahay. Simple lamang iyon at purong tabla. Napabuntong hininga si Angela at umiling iling. "Ayaw kasing magpa barangay ni Aling Teresa eh. Mahal na mahal niyan si Pablo." disappointed na sagot niya kaya natahimik ako. I can't blame her though. Ganoon talaga ang love eh, kayang kaya mong maging martyr kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Malungkot akong napangiti dahil nakasaksi ako ng ganoon. 1 year ago, naglayas ako sa bahay namin dahil pinagtangkaan akong gahasain ng step father ko. Sinubukan kong magsumbong kay mama pero hindi niya ako pinaniwalaan at ako pa ang naging masama. Sobrang mahal na mahal niya ang hayup na step father kong iyon kaya hindi niya nakikita ang ginagawang mali sa pamilya namin. "Wag na muna nating pag usapan iyan! Halika na sa loob para makapagpahinga ka. Alam kong napagod ka sa biyahe!" napangiti ako sa sinabing iyon ng aking kaibigan at tuluyang pumasok sa loob ng bahay. "Ikaw lang nakatira dito?" gulat kong tanong ng mapansing malawak ang bahay sa loob. Parang matagal na ang bahay na ito dahil sa disenyo ng mga kagamitan sa loob. "Oo. Pinamana kasi ito ng lola ko sa mama ko at pinamana din ni mama sa akin! Ibebenta ko nga sana eh kaso bigla naman akong na ooferan ng trabaho sa islang ito." pagpapaliwanag niya. "Ang swerte mo naman." nakangiti kong saad at umupo sa couch. "Sakto lang! Mas maswerte ka nga eh! Ang ganda ganda mo! Tingnan mo nga iyang features mo mukhang pang mayaman tsaka ang sexy sexy mo pa! Samantalang ako eto at mas lumalaki lang ang tiyan!" natawa kaming pareho sa sinabi niya. "Aanhin ko naman tong ganda na to kung wala akong pera aber?!" tugon ko sa sinabi niya at umiling iling. "Aba! May kwenta iyan no! Makakabingwit ka ng sugar daddy diyan sa ganda mo. Dapat piliin mo iyong apat na M para yumaman agad!" natatawa niyang saad ngunit napakunot ang nuo ko. "Apat na M? Ano yun?" taka kong tanong. Inirapan niya ako. "Matandang Mayaman Mabilis Mamatay! Apat na M!" sambit niya at sabay kaming napahalakhak. "Gaga ka!" bulalas ko. Nagkakilala kami ni Angela noong college days namin. Naging magkablock mates kami tapos hindi nagtagal ay naging magbestfriend. After graduation ay naghiwalay kami dahil nga na offeran siya ng trabaho dito, eh nandito pa ang lola niya last year kaya tinanggap niya ang trabaho upang makasama ang lola niya. Hindi naman nagtagal ay namatay ang lola niya kaya mag isa na lang siya ditong nakatira. I reached out sa kaniya ng masisante ako sa pinagtatrabahuang chinese restaurant. Hinipuan kasi ako ng isang customer eh nahampas ko ng tray ang ulo kaya ayun! Nawalan ako ng trabaho agad! Funny how those employers tolerate their maniac customers. Imbes na panigan nila ang employees nila ay kami pa ang ginagawang mali. Mabuti na lang at hiring ang public university na pinagtatrabahuan ni Angela dahil kulang sila ng instructors kaya agad akong nag apply. Mas mabuti nga itong medyo malayo ako sa maynila para hindi na ako magambala ng step father ko eh. "Halika sa kusina, sabay na tayong magtanghalian may binili akong ulam doon sa canteen ng school." anyaya niya sa akin kaya tumayo ako sa couch. "Ilagay mo lang muna diyan ang bag mo, mamaya na kita ililibot sa bahay pagkatapos kumain." saad niya kaya tumango tango ako. "Sige, sakto at nagugutom na din ako. Tsaka ang sakit ng balikat ko shuta! Feeling ko matatanggal na to!" bulalas ko habang nakasunod sa aking kaibigan na naglalakad papunta sa kusina. Narinig ko ang tawa niya. "Wala ka bang maleta sa tinutuluyan mo? Buti nga nagkasya yang mga gamit mo sa isang bag!" natatawa niyang saad. "Wala siyang choice, dapat niyang ma accomodate lahat ng gamit ko." saad ko at natawa na lang din. Ang totoo niyan ay pinangsiksik ko lang lahat ng gamit ko. Hindi iyon naka ayos sa loob kaya hahalungkatin ko nalang mamaya para ayusin. Nagsimula na kaming kumain, infairness ang sarap ng pagkakaluto ng pinakbet at dinuguan kaya ginanahan akong kumain. "Ang sarap ah!" hindi ko napigilang bulalas habang may laman pa ang bibig. "Kaya nga nagpapatong patong na ang bilbil ko kasi napapasarap sa pagkain eh!" saad naman ni Angela kaya natawa kami pareho. "Nga pala, pwede ka ng magsimulang pumasok bukas. Mag eemail mamaya ang school ng schedule mo kaya bantayan mo nalang ang email mo ha? Don't worry, magkapareho lang din naman tayo ng building." napatango tango ako sa sinabi niya. "Thank you so much, Angela ah? Naku! Hulog ka talaga ni mother earth sa akin!" "Ano ka ba! Wala yun! Mabuti nga at naalala mo pa ako eh!" pairap niyang sambit kaya natawa ako. Nagkwentuhan lang kami habang kumakain at pati pagkatapos kumain ay hindi mawala wala ang topic namin. Kung saan saan na nga umabot ang chismis na nasasagap ko eh. CADMUS' POV Hindi ko pinansin ang pagdaing ng babaeng nakaharang sa sira naming gate kanina. Gusto ko sanang mag sorry dahil bahagya ko siyang naitulak pero nataranta ako ng marinig ang sigawan sa loob ng bahay namin. "f**k!" nagagaliti kong mura at tinadyakan ang pintuan ng bahay namin. Nandito na naman ang walang kwentang asawa ng nanay ko. Nadatnan ko sa sala namin ang nakababatang kapatid na babaeng si Sena, umiiyak ito habang yakap yakap ang mga nakatuping tuhod. Parang nilukumos ang aking puso ng makita ko siya kaya agad anong lumuhod at dinaluhan siya. "Shhhh, tahan na Sena. Nandito na si kuya hmm?" malumanay kong bulong at niyakap ang nanginginig na katawan ng kapatid ko. Tangina talagang Pablo iyon! Gigil kong sambit sa aking isipan habang nagtatagis ang aking panga. Rinig na rinig ko ang daing ni nanay na nasa kusina namin. Gusto ko na siyang puntahan pero nanginginig pa ang kapatid ko. "K-Kuya... si m-mama po! P-Puntahan mo n-na!" rinig kong saad ni Sena na nakatingala na pala sa akin. Mabilis kong pinunasan ang mga luha niya. "Pumasok ka sa kwarto natin, Sena." malumanay padin ang boses ko pero sobrang nagagalaiti na ako sa aking loob. Tumango tango siya at mabilis na tumayo at tumakbo papuntang kwarto. Hinagis ko ang dala kong bag sa sofa namin at mabilis na naglakad papuntang kusina. Agad kong hinawakan ng mahigpit ang braso ni Pablo ng akmang sasampalin niya na ang nanay ko. "Putangina mo." madiin kong sambit at agad na lumipad ang kamao ko papunta sa kaniyang panga. Natumba siya at natawa. "Cadmus!" malakas na sigaw ni nanay at niyakap ako. Punong puno ng luha ang mga mata niya habang umiiling iling. " Ma, bitawan niyo po ako. Pleasee.. Kulang pa iyon sa pananakit niya sayo." madiin kong sambit at pilit na tinatanggal ang mga braso ni nanay sa bewang ko. "W-Wag anak. Tatay mo p-parin siya.." nagsusumamo niyang sambit. Tangina! Sa tuwing lumalaban ako ay palagi iyong sinasabi ni nanay sa akin. "Hindi ko yan tatay, nay." malamig kong sambit. Napalingon kami ni nanay ng humalakhak pa ang gago. "Aba! Aba! Tumatapang kana ngayon, Cadmus ah. Bakit? Anong pinagmamalaki mo ha? HAHAHAH!" parang tanga nitong sambit. Pula ang mga mata nito kaya alam kong nakahithit na naman ng shabu. Sigurado akong kinuha na naman niya ang perang kinita ni nanay sa pang lalabada para makabili ng putanginang shabu na yan. Siya talaga ang peste sa buhay namin eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD