Cold
I don't know what is waiting for me after death. Hindi ko alam kung ano ang mga mararanasan ko o may diwa pa ba ako pagkatapos. I never thought about dying. Because we are immortals. Hindi namamatay ang mga bampira kung hindi papakialaman. We could live forever. Lumaki ako sa palasyo. Well-sheltered and protected. Kaya bakit ako mag-iisip na mamamatay ako?
I had thought about living outside the palace. But my mindset was too innocent and childish to think that the life outside is easy. Na magiging masaya agad at mararamdaman ko ang kakontentuhan. Ngunit hindi ko inakala na mahirap pala. Lalo na sa isang tulad ko na lumaki na pinagsisilbihan.
I felt something on my face. Paulit-ulit na pumapasada ang medyo basa na bagay sa aking pisngi. I moved a bit, and slowly, I opened my eyes. Malabo pa nang una ang aking paningin hanggang sa unti-unting naging malinaw sa akin ang lahat. The tall and huge trunk caught my attention. Tumaas pa ang tingin ko at ang mayayabong na berdeng dahon ang sunod kong nakita. Tabi-tabi ang mga puno kaya kaunti lang ang pagkakataon para makapasok ang liwanag mula sa bahagyang madilim na kalangitan.
Natulala ako sandali at pinakiramdaman ang sarili. Fear suddenly hugged my system, realizing that maybe, I am already dead. Ngunit nang maramdaman ang munting sakit ng katawan ay nagkaroon ako ng pag-asa. Ginalaw ko ang mukha at halos mapatili nang makita ang isang nilalang. It is staring at me. Bahagyang tagilid pa ang ulo na tila pinagmamasdan ako.
Makapal ang kaniyang kulay brown na balahibo. First, I assumed that he's a werewolf ngunit hindi. He's just a wolf. A cute wolf who seems innocent while staring at me. Napakurap ako at napangiti. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tingin ko ay dahil sa kaniya. Because despite of the helplessness, there is a cute creature on my side. Nang makita ang pagngiti ko ay tila tuwang-tuwa siyang lumapit sa akin at kiniskis ang ulo sa aking pisngi. I found myself laughing. Paos pa ang aking boses.
"You are so cute.." namamaos kong saad. Pero medyo nandiri ako nang dilaan niya ang aking pisngi. But then I realized, he's the only one I have now. Humagikhik ako at pinilit na igalaw ang katawan. Nahirapan pa ako na igalaw ang kamay ngunit nagawa ko rin na haplusin ang ulo niya.
"Stay with me, please. Don't leave me.."
Magaan ang pakiramdam ko kanina. Pero nang sabihin ko ang mga katagang na iyon ay napahikbi ako. I chuckled that turns out as a cry. Natigil siya paglambing sa akin. Kulay ginto ang mga mata niya at tila nalungkot nang makita na umiiyak ako. He made a cute sounds and using his fluffy cheeks, pinunasan niya ang aking luha.
Pinigil ko ang pag-iyak at pilit na umupo. Itinukod ko ang kamay at iniangat ang sarili. Napangiti ako nang pumwesto siya sa likod ko na tila ba ay tinutulak ako para tulungan na umupo. And after few minutes, I— we rather, succeed. Tuwang-tuwa siya na dumamba sa akin. Muntik akong matumba kaya napatawa ako. Hinaplos ko ang makapal niyang balahibo.
"Ilang araw akong nandito, huh? Matagal ba?" I asked. I know I look silly but I can't help it.
Tinignan ko ang mga braso ko ngunit wala na akong nakitang sugat. Alam ko na magiging matagal ang paggaling ko dahil kakaiba ang mga nilalang na iyon. And it only means, matagal akong walang malay dahil wala na akong galos. Nakaramdam na rin ako ng gutom at uhaw. Muli akong napatingin sa nilalang na nasa kandungan ko.
"So, did you guard me? You stayed at my side?" I asked even though he would never answer.
Ang huli kong naaalala ay tumalsik ako dahil sa huling atake. Sunod ay naramdaman ko ang paggulong-gulong sa lupa at tumama pa sa mga bato. Nahulog ako mula sa mataas na bangin. Matapos huminto sa pagkahulog ay may lumapit sa akin. My eyes were blurry that time ngunit sigurado ako na ang baby wolf na nasa kandungan ko ang nilalang na 'yon. I can still remember him licked me and his furs touched my skin before I lost my consciousness. And I can't help but to be thankful on him dahil hanggang ngayon ay kasama ko siya.
"Thank you. Thank you so much.." bulong ko. Tiningala niya ako at tumitig sa akin ang tila nangungusap niyang mga mata. My heart melt and hugged him. Even I still feel so weak, malakas naman ang loob ko dahil alam kong hindi ako nag-iisa.
I named the baby wolf Morphy. Hindi ko pa kayang tumayo kaya nanatili akong nakaupo. Nasa gitna ako ng kagubatan. Nagtataasan ang mga puno. The ground was covered with dried leaves. Mabilis na dumilim ang paligid at narinig ko na ang mga tunog ng mga panggabing hayop at insekto.
"Kailangan natin ng pangmatagalan na apoy, Morphy.." saad ko. Tila nakakaintindi naman siya at mabilis na umalis sa kandungan ko.
Bigla siyang umalis kaya kinabahan ako. I am afraid that wild animals will attack him. He is still a baby and I think, he can't protect himself. Pinilit kong tumayo ngunit natigilan din nang makita siya na papalapit. Tinutulak niya gamit ang kaniyang mukha ang mga sanga ng puno. Napangiti ako at nag-ipon na rin ng mga tuyong-tuyo na dahon. Marami siyang nakuha na kahoy at kalaunan ay tumulong siya sa pag-ipon ng dahon.
Kakaiba ang atmospera sa lugar na 'to. Masyadong malamig at dahil sira-sira na ang damit ko ay mas madali akong lamigin. Pakiramdam ko ay nasa iba akong dimensyon dahil hindi ganito kalamig at kabigat ang temperatura sa amin. There is something here that give me creeps. Gumawa ako ng apoy sa palad at inilipat 'yon sa mga naipon namin. Tinapat ko kaagad ang palad at hinaplos ang mga pisngi at braso.
Kinabahan ako nang hindi ko muli makita si Morphy. Nag-aalala talaga ako sa kaligtasan niya. Maging sa akin dahil nanghihina pa ako. I don't think I can fight for too long on this situation. Muli akong napanatag nang makita siya. And I can't help but to smile and be thankful for his presence. Marami siyang naitutulong sa akin. Tulak niya ang dalawang malaki at pulang-pula na mansanas. Hindi lamang niya ako natutulungan sa ganitong mga bagay. He can also make my emotions calm despite of our situation. Agad ko siyang kinuha at dinala sa kandungan ko bago dinampot ang mansanas. Sumandal ako sa pader at nagsimulang kumain.
"Nasaan ang parents mo, Morphy?" I asked. Alam ko na 'di niya ako sasagutin ngunit 'di ko mapigilan ang magtanong. I can't stay silent for too long. Sinulyapan ko siya. Tila naglalambing na kiniskis niya ang mukha sa aking dibdib. Mas lalo ko siyang niyakap.
"Ako, nawawala ako. Siguro, nag-aalala na ang mga magulang ko. But I wish this moment that they really don't love me. Kasi, ayaw ko na malungkot sila dahil sa akin. Kung mahal nila ako, e 'di malulungkot sila, 'di ba? Kaya sa tagal kong nabubuhay, ito ang unang beses na hiniling ko na hindi nila ako love. I don't want Nanay to cry because of me. I don't want my Tatay hurt. I love them so much that I'll chose to be hurt alone. Sana ganoon, Morphy. Pero siyempre, umaasa rin ako na hahanapin nila ako. Alam kong magulo at mahirap intindihin pero ganoon ako. Kasi sa totoo lang, natatakot ako. Pinipilit kong hindi. I don't even have an idea where the fvck I am. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Hindi ko alam kung may bukas pa para sa akin. All I can do is to hope. To hope that everything will be okay.."
Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang mahihinang hikbi. I miss them so much. Kahit nasa palasyo ako, araw-araw akong nangungulila sa kanila. At ang sitwasyon ko ngayon ay mas lalong nagpaigting sa aking nararamdaman na pangungulila. The last time that I am with my parents was not good. Nagkasagutan kami, nasigawan ko sila at umiyak dahil sa akin.
Are they looking for me? Hindi ko alam kung gugustuhin ko ba na hanapin nila ako, o hindi. Pero ang sigurado lang ako ay ayaw ko nang madagdagan pa ang lungkot at sakit na nararamdaman ng mga magulang ko. They lost two children already. At ako naman ngayon. Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to but I promise that I'll be back to them. I'll do everything to be with them again.
Nakatulugan ko ang pag-iyak. Naalimpungatan na lamang ako nang makarinig ng mga tila galit na tunog mula sa mga mababangis na hayop. I opened my eyes and I felt nervous upon the scenario. May tatlong malaki at payat na lobo ang nasa harap namin. May mga peklat pa sila at mukhang gutom na gutom. They are scary wolf, far from my baby Morphy. At sa harap nila ay si Morphy na tila pinoprotektahan ako. He's making an angry sound but it turns out a cute sound. Baby pa talaga siya laban sa mga wolf na nasa harap namin.
"M-morphy.." I murmured. Nilingon niya ako at bahagya akong nagulat nang makita na galit na galit ang mga ginto niyang mata. Ngunit nang magsalubong ang aming mata ay kumalma siya. It seems that he loves the name I gave to him.
"Grrrr!"
Napapitlag ako nang mag-ingay muli ang tatlo. Agad akong tumayo at binuhat si Morphy. Mukhang gutom na gutom ang tatlo at ako pa ang gagawin nilang breakfast! Oh goddess, they can't do that! Lalo na kay baby Morphy ko.
Bigla akong dinamba ng isa. Nag-ingay si Morphy at dahil sa bilis ng pangyayari ay nasipa ko ang sumugod sa akin. Sunod-sunod na silang sumugod sa akin at dahil hindi ako sanay makipaglaban ay napilitan akong gamitin ang kapangyarihan kong apoy. I used the red flame. Masyadong malaking enerhiya ang magagamit ko kung ang asul ang gagamitin ko.
They seems so eager to hurt me. Pinatamaan ko ang isa at agad siyang tumalsik. Hinarap ko ang dalawa at ganoon din ang nangyari sa kanila.
"Aalis na tayo dito, Morphy!" I hissed.
Tumakbo na ako lalo na nang makita na tumayo ang mga wolves. Hindi naman nila ako mahahabol dahil na rin sa bilis ko bilang isang bampira. Ilang beses ako nakatapak ng matutulis na bagay. Wala na akong sapin sa paa at sira-sira na ang damit. Pinagmasdan ko ang tinatahak ko. Hindi ganoon kaliwanag ang paligid. Hindi maaliwalas ang kalangitan na tila ba ay may bagyong darating. Ngunit mukhang wala naman, sadyang ganoon lang ang kulay ng kalangitan. Masyado ring malamig ang paligid at nagkalat ang makapal na hamog. Tumigil na ako sa pagtakbo nang hindi ko na sila makita.
Tila walang katapusan ang tinatahak ko na kagubatan. Nararamdaman ko pa ang pagtitig sa akin ng mga ibon na may malalaking mata na tila pinagmamasdan ako. Sinulyapan ko ang isa at kinilabutan sa mariin niyang pagtingin sa akin. Kumunot ang noo ko nang pakiramdam ko ay nababawasan ang lakas ko. Napaalis ang tingin ko sa kaniya nang ikiskis ni Morphy ang kaniyang mukha sa akin. I stared on his eyes and it seems like he want to say something on me. Umiling-iling pa siya at napagtanto ko na baka ayaw niya akong makipagtitigan sa ibon na 'yon. Maybe it is getting my energy that's why.
Napahigpit ang yakap ko kay Morphy. Kinakabahan ako sa lugar na 'to. The creatures seems dangerous. Hindi ako pamilyar sa kanila and what if they have dangerous abilities? Mabilis akong lumayo nang may gumalaw sa bandang gilid. Nakita ko ang isang itim na ahas na nakapulupot sa isang sanga at nakatingin sa akin. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Bakit ba sila nakatingin sa akin? Mas lalo ko tuloy nararamdaman ang pagiging estranghero sa lugar na 'to.
The sounds of dry leaves everytime I step on them are disturbing the silence. Hindi ko alam kung dapat ba ako gumawa ng ingay o manatiling tahimik na lamang. I am really clueless about this place and all I can do is to keep safe. Nabigla ako nang umalis mula sa pagkakahawak ko si Morphy. My eyes widen and watched him running away from me. Nang hindi ako sumunod ay nilingon niya ako at tila ba simasabi na sumunod ako sa kaniya. So I did.
Takbo lamang siya nang takbo at ganoon lang din ang ginagawa ko. Napahawak ako sa aking damit nang maramdaman na malapit na akong mahubaran. Sira na ang tela nito sa likod dahil nga nasunog kaya naman ay maluwag na 'to sa akin. Tumigil ako sandali at hinawakan ang damit para mapanatili ito sa kaniyang lugar. Then I continued running. Hindi ko na maisip kung gaano na ako karungis ngayon.
I catch my breath and stopped from running. Nilibot ko ang tingin at sumilay ang ngiti sa akin nang makita ko ang mga kabahayan sa paanan ng kagubatan na kinaroroonan ko. Napangiti ako lalo at sinulyapan si Morphy. Tumakbo siya palapit sa akin at kiniskis ang kaniyang mukha sa aking binti na tila naglalambing.
"Salamat, Morphy. Maraming salamat.." bulong ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Tanaw na tanaw ko na ang bayan. But I can feel the gloominess around. Habang papalapit ay napansin ko ang mabagal na pagbagsak ng mga niyebe. Walang ganito sa amin. Hindi ko rin inakala dahil sa loob ng kagubatan ay wala namang ganito. Humampas ang hangin at nakaramdam ako lalo ng lamig. At lalo ko 'yon naramdaman habang palapit nang palapit. The thick snow are covering the roof of the houses. Kulay itim, abo, at brown lamang ang halos nakikita kong kulay ng mga bahay. Kulang ng buhay ang paligid at pakiramdam ko ay mabigat sa dibdib.
Nakalabas na kami mula sa kagubatan. Natatakpan ng niyebe ang lupa. Lalo akong nilamig sa pagtapak dito gamit ang walang sapin na paa. Morphy seems enjoying the cold place. Nagpagulong-gulong pa siya at nakipaglaro sa mga niyebe. Nangatal ang aking labi. I hugged myself and smiled while watching Morphy. Makapal ang balahibo niya at mukhang hindi siya agad nilalamig. In fact, he loves it. Katagalan ay mas lalo ko naramdaman ang lamig at malapit na akong manginig.
"Halika na, Morphy. Maghanap tayo ng matutuluyan. Manghihingi tayo ng t-tulong.." I said that came out as a whisper. Hindi niya ako pinansin at patuloy lamang sa pagpapagulong-gulong. Hinahabol din niya ang mga niyebe.
Pinagkiskis ko ang mga palad at nagpalabas ng apoy. Hindi ko pwede gamitin masyado ang kapangyarihan ko dahil kailangan ko ng lakas. Hinawakan ko ang pisngi at braso. Halatang nanghihina pa ako dahil hindi nagtatagal ay namamatay ang apoy na ginagawa ko.
"Morphy, please. Baka 'di ko na kayanin. Babalik tayo dito sa susunod.." saad ko. Nilingon niya ako at tumakbo palapit sa akin. Agad ko siyang dinampot at niyakap. Mahigpit ang hawak ko sa kaniya habang naglalakad dahil kahit papaano ay may init ang katawan niya.
Suminghap ako at tuluyan nang nilugay ang magulo na buhok. Atleast, it can cover my bare back at mababawasan nito ang lamig. Nakapasok na kami sa bayan. Nadadaanan na namin ang mga kabahayan na walang buhay ang mga kulay. Naaalala ko tuloy ang lugar sa amin. Hindi ganito doon. Buhay na buhay ang paligid at masayang tignan. Nasaan kaya akong parte ng mundo?
Tumingin-tingin ako sa paligid. Bumagal na ang lakad ko dahil sa lamig. My feet are slowly becoming numb. Pati ang aking mga daliri at palad ay halos 'di ko na maramdaman. Kinagat ko ang labi na halos naninigas na. Ang aking panga ay manhid na nang tuluyan.
"M-morphy, parang 'di ko na kaya.." bulong ko. Tinignan niya ako at tila nagmamakaawa ang kaniyang mga gintong mata. Pinilit kong ngumiti at pinagmasdan ang mga mamamayan.
Nakatingin lamang sila sa akin. Mapuputla sila at mukhang mga bampira nga. Ngunit sanay sa ganitong sobrang lamig. Sabagay, ganoon naman talaga ang mga bampira. Ngunit pagdating sa akin ay hindi.
Biglang tumalon paalis si Morphy. Tinawag ko siya ngunit hindi niya ako narinig dahil sa namamaos na ang aking boses. Napalunok ako at pinilit na sumunod sa kaniya. Napakaputla na ng aking balat. Kasing kulay na ng niyebe. I think my blood is slowly freezing inside. Ang mga kuko ko at dulo ng daliri ay malapit na sa kulay ng lila. Hindi ko na magalaw ang mga daliri at naninigas na.
Suddenly, I lost my balance. Napaupo ako sa gitna ng mga niyebe. Tumingala ako at pinanood ang pagbagsak ng mga ito. I opened my palm but I can't make fire anymore. Nahulog sa aking kamay ang ilang niyebe at pinanood ko ang pagkapit noon sa aking balat. My hair was already freezing. Hindi ko akalain na ang lamig pala ang magpapahina sa akin nang sobra. Kung may sapat na lakas lamang sana ako ay nagamit ko na ang aking abilidad. Hindi na ako makagalaw at naestatwa na lamang sa pwesto. My heart is already beating in a very slow manner.
I am already losing hope when suddenly, in a blurry vision, I saw Morphy running towards me. Ilang beses akong kumurap. Paglapit niya ay may inilapag siya sa kandungan ko na makapal na tela. It is a black cloak. I tried to move but it is already hard. Gusto ko na suotin ang cloak dahil kahit papaano ay maiibsan nito ang lamig na nararamdaman ko. Morphy growled and started to rub himself on me. He keep on growling until a child stopped in front of me. Tinitigan ako sa mukha nang batang lalake. Tinanggal niya ang tela sa kaniyang kamay at hinawakan ang magkabila kong pisngi saka iyon paulit-ulit na kiniskis.
He is warm. I can feel his warm and I am sure, he's not a vampire. Nilingon niya si Morphy.
"Alam kong nagtatampo ka pa sa akin, pero pwede mo ba iabot sa akin 'yang cloak?" Aniya kay Morphy. Sunod kong nakita ay pinasuot niya sa akin iyong cloak at ang hood nito.
"Kailangan natin siyang madala doon. Magpalaki ka na!" Saad ng bata. Morphy growled cutely like he's protesting.
"Ayaw mo? E 'di mamamatay itong si ate Ganda! Gusto mo ba 'yon?" Tanong niya. "Oh, iyon naman pala, eh! Inalagaan mo siya tapos hahayaan mo siya mawala! At naiintindihan kita kasi kung anong nararamdaman mo ay halos nararamdaman ko rin! Oo na, crush natin siya kaya lumaki ka na para 'di siy mamatay at makita natin siya lagi!"
It seems like he's talking with someone. It is possible that he's talking with Morphy?
"Bilisan mo na! Oo na! Hindi kita pipilitin na muli tayong maging isa. Ang mahalaga ay mabuhat mo na siya ngayon!" Saad muli ng bata. Hinarap ako nito at muling kiniskis ang aking pisngi. I noticed his amber eyes staring at me intently. Kahit papaano ay nababawasan na ang lamig na nararamdaman ko.
Napatingin ako sa gilid nang biglang lumaki si Morphy. He became a very beautiful and mighty big wolf. Yumuko siya sa harap ko at inalalayan naman ako ng bata na sumakay sa likod ni Morphy. Pinilit ko rin igalaw ang sarili dahil ayoko ng labis na maging pabigat. Sunod na sumakay ay ang bata na mataman pa rin akong pinagmamasdan.
Napangiti ako at natulala sa malamlam na kalangitan. Sa tuwing nawawalan na ako ng pag-asa ay may dumarating para tulungan ako. So I guess, I am still lucky. At kahit kailanman ay hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.
"Tiyak na matutuwa sa atin si Nanay kasi tumulong tayo. Ay, hmmp! Naku! Baka maging crush rin ni kuya Froilan si ate Ganda. Paano na 'yan?" saad ng bata. Hinawakan ko ang tela at tinago ang kamay sa loob. Napatitig ako sa bata at mukhang si Morphy talaga ang kausap niya. "Ah, alam ko na. H'wag na lang sa bahay natin. Kay Master na lang kasi hindi 'yon nagkakagusto sa babae. Tsaka malaki tirahan niya. Tama! Do'n tayo! Bilis!" Aniya.
"Ano ka ba naman, tumakbo ka na! Pupunta tayo kay Master na walang puso! Yuhoo!"