Kabanata 9

3670 Words
Hell "You're kidding, right?" I can't hide the bitterness and anger on my voice. I want to control it because it is Nanay whom I talking with. But the situation isn't helping. "Patrisha.." she touched my arm. Tinitigan ko ang magaan na haplos noon sa aking balat. "Ano, 'nay? Tatay? Isa ba 'to sa mga pakulo niyo?" Tanong ko. Lumapit na rin si Tatay. Hindi makita ng ibang bampira ang reaksyon ko dahil nakaharang sa akin si Nanay at Tatay. Ayoko rin naman gumawa ng eksena pero kung ganito lang din pala, baka 'di ko mapigilan ang sarili. Tinikom ko ang bibig. I can feel my tears at the corner of my eyes, ready to fall. But I tried my best to stop it. "Ano po? Sagutin niyo ako! Kalokohan lang 'to, 'di ba? Hindi niyo magagawa sa akin 'to!" "This is the best for you, Patrisha. You need to marry him!" Mariin na saad ni Nanay. And I lost my control. Mas naging malinaw ang paningin ko. Sigurado ako na kulay pula na ang aking mga mata. My fangs became visible and my nails grew longer. "This is bullshit!" I shouted! Nanay's eyes widen and in a snap, we are already on Tatay's room. Lumayo ako sa kaniya at sinipa ang mesa na nakita. Tinabig ko ang lahat ng nakikita at sinira ang lahat ng gamit. Hindi ko pinakinggang ang pagsigaw ni Nanay- pinapatigil ako. "Patrisha Azriella! Stop it!" Nanay shouted. Lumapit sa akin si Tatay at pilit akong hinawakan. Hindi ko nakontrol ang sarili at nakalmot siya. Humagulhol ako hanggang sa natigil sa pagkilos dahil nakulong ako sa malaking bilog. My knees weakened. Sumalampak ako sa sahig at tinakpan ng palad ang mukha. "Hindi niyo gagawin sa akin 'to!" I shouted while crying. Sinulyapan ko sila at nakita ang malungkot nilang mukha. My heart clenched. "Bakit niyo ako ipapakasal sa lalake na hindi ko kilala!? Ni hindi ko pa naranasan ang tunay na buhay, tapos ikukulong niyo ako sa panibagong yugto ng buhay na hindi ko pa napaghahandaan! Is he even my mate? No!" Pinunasan ko ang luha at nagmamakaawa silang tinignan. "Bakit ganito, Nanay? Bakit ganito, Tatay?" Lumapit si Nanay. Nawala na ang bilog na pinagkulungan sa akin. Her eyes were also clouded with tears but I'm already very hurt to even think on what she's feeling. "Para 'to sa'yo. This is the best for you, anak.." Nanlaki ang mata ko at tumayo. Umatras ako at umiling. Kumuyom ang kamao ko at hindi pinansin ang pagbaon ng kuko sa aking palad. I don't care if blood are dripping out from it. Tatay hissed and tried to go near me but I shook my head. "Ngayon, anak? Anak ang itatawag mo sa akin, Nanay? And that is the best for me? Paano mo nasabi! Hindi iyon ang best para sa akin. Iyon lang ang tingin mo, pero hindi! Kahit kailan hindi niyo tinanong kung anong gusto ko! Hindi niyo ako pinagbigyan sa gusto ko!" "Patrisha!" Tatay called me. Humagulhol si Nanay. Agad siyang niyakap ni Tatay. "Tapos ngayon, ako ang mali? Ako pa ang kagagalitan niyo? Alam niyo ba kung ano ang bagay na gusto ko? Alam niyo ba kung ano? Siyempre hindi. Because you never asked me. Ang gusto ko lang naman ay ang atensyon niyo! Ang oras niyo! A-ang pagmamahal niyo. Sobra-sobra ba 'yon para 'di ako pagbigyan? Sobra-sobra ba 'yung hinihingi ko, Nanay? Tatay? Sobra po ba? Kung sobra po, sana kahit kaunti lang. Kahit tira-tira lang. Pero halos ipinagkait niyo pa 'yon sa akin. Tapos ngayon, sinasaktan niyo pa ako nang ganito! Kinulong niyo ako- pumayag ako kasi pakiramdam ko kasalanan ko rin 'yon. Pero 'yong ipakasal niyo ako sa kung sino lang? Iyong hindi niyo ako pinagbigyan na pumili. Kasi po, iyong pagmamahal na lang ng hindi ko pa kilalang mate ang inaasahan ko. Iyong pagmamahal niya na lang kasi, sigurado ako na mamahalin niya ako nang sobra. Hindi siya magiging tulad niyo na pinagkakaitan ako. Pero ano, ipagkakait niyo pa 'yon?" Napahawak ako sa dibdib ko. I can feel my heart beating so fast because of the overflowing emotion. My parents are looking at me. Si Nanay ay umiiyak habang si Tatay ay tulala sa akin. Kahit kailan, hindi ko pinangarap na umiyak sila nang dahil sa akin. Ngunit dumating ito ng 'di inaasahan. I don't know what should I feel. Because right now, all I can feel is pain. "Anak...Patrisha, we're sorry. Forgive us," garalgal ang tinig ni Tatay. Pinahid ko ang luha habang humihikbi. Sabi nila, kapag nailabas na ang kinikimkik ay gagaan ang pakiramdam. Pero bakit ganito pa rin? Ang sakit-sakit pa rin. "Tatay, please. Madali lang sa akin ang magpatawad. Kasi mahal ko kayo. Mahal na mahal. Pero sana, h'wag lang ganito. Alam niyo ba, ang saya-saya ko kanina. Akala ko kasi, gumagawa na kayo ng hakbang para makabawi sa akin. Akala ko ito na ang simula, pero 'di pala. Ipipilit niyo ako sa bagay na ayaw ko. Please tatay. Tama na po, ang sakit-sakit na. Hindi niyo man siguro sinasadya pero, sobrang sakit na. Pagod na po ako masaktan. I'm already tired of all these dissapointments and pain. Pakiramdam ko tay, nay, hindi niyo talaga ako mahal. Hindi niyo ako anak.." "That's not true, my angel!" Lumapit sa akin si Tatay. Tears start to fall from his eyes. Niyakap niya ako nang mahigpit. I cried harder on his chest. "I love you so much. We love you so much. Always remember that.." "Para sa'yo 'to, anak. Lahat nang 'to." Saad ni Nanay. Lumayo ako kay Tatay at tinignan si Nanay. Her beautiful face is already full of tears. Her eyes were swollen. Namumula ang kaniyang ilong at pisngi dahil sa pag-iyak. "Hindi mo lang maintindihan sa ngayon." "I can't understand because you're not telling the reason. At paanong para sa akin 'to kung sakit lang naman ang dulot." "I'm sorry. Please, please. Kung hindi mo gusto si Harold then si-" "Nanay! Hindi niyo po ba ako maintindihan? Hindi lang 'to dahil sa ayaw ko kay Harold! It is also because I don't want this! Ayoko makasal. Bakit niyo ba pinipilit? H'wag na, please.." "My angel, please listen to us." Marahas kong nilingon si Tatay. Napailing ako at umatras muli. He's trying to reach me. "You need to marry him. It's on the prophecy that-" "Austin!" "I don't care on what the prophecy says! I own my life! Ako ang gagawa ng sarili kong tadhana!" Nanay's eyes widen. Akala ko ay dahil sa akin ngunit napagtanto ko na sa likod ko siya nakatingin. Napatingin ako roon and my eyes widen too when I saw a huge black hole. Itim na itim iyon na tila makapal na usok. I saw red lightning on it. "Austin! Get her! Save our baby!" Napatili ako nang maramdaman na hinihila ako mula sa likod. Pinilit ko na magpumiglas. Nanindig ang aking balahibo nang mapagtanto na may mga tila usok na kamay na humihila sa akin papasok. Lumingon ako kay Tatay na mabilis na lumitaw sa harap ko. I tried to reach for him but I failed. Napasigaw ako sa sakit na nararamdaman. I heard my parents shouted but I can't understand them anymore. I cried hard. Para akong pinapaso sa sakit. Pilit man ako magpumiglas pero 'di ako nakawala. "I love you Nanay at Tatay! Mahal na mahal ko po kayo!" I tried to shout when I realized that maybe, this is my end already. This is my punishment. Unti-unti silang nawala sa paningin ko nang sumara ito. Pakiramdam ko ay nahulog ako sa kawalan. Masakit ang pakiramdam. Tila sinusunog ang aking balat at pinaghihiwalay ang aking kalukuwa at katawan. The intense pain is killing me. I can't find my voice and all I can do is to feel the pain. At hilingin na sana ay tama na. That if I will be killed, do it immediately and stop the torture already. Pinikit ko na lamang ang mata at humiling na sana ay matapos na. Hanggang sa tumigil ang sakit ngunit may init pa rin akong nararamdaman. Napaigik ako nang tumama ang likod ko sa matigas na sahig. Hinabol ko ang hininga at pilit na pinakalma ang sarili. Katagalan ay napatayo ako nang maramdaman ang init sa aking likod. Hinawakan ko ang aking likod at agad kong nakapa ang aking balat. And I realized that my back was already bare. Mabuti at nakatayo agad ako, kung hindi ay sunog na rin ang palda ng gown. I noticed that my arms were full of wounds. Bakat ang mga kamay na humawak kanina at tila napaso. Napakabagal ng paggamot. Nanghihina din ang aking katawan. Nilibot ko ang tingin sa paligid. I gasped when I realized that the dim light around is reddish. Sinubukan ko maglakad. It is a relief that my sandals was made of diamond. Hindi ito natunaw ng mainit na sahig. Pamilyar ang mga butil ng tubig na tumagaktak sa aking noo. Pawis ito, sabi ng mga tao. Marahil ay dahil sa init ng lugar na 'to. Nasaan na nga ba ako? Am I already dead? Ganito ba kapag namamatay? Nakararamdam pa rin ng sakit? Walang pinagkaiba sa panahon na ako'y nabubuhay, kung ganoon. Pinagmasdan ko ang paligid. Parang kweba ang kinaroroonan ko. Napakalaking kweba. Ilang sandali pa ng paglalakad ay may narinig na ako. Shiver ran all over my body when I heard that someone is crying in pain. Napakarami ng mga boses na iyon. Halo-halo at tila humihingi ng tulong. Punong-puno ng sakit ang paghiyaw niya. Nangilid ang luha ko at niyakap ang sarili. Nakararamdam na ako ng takot. Tumago ako sa malaking bato nang may makita. I gasped when I saw it clearly. May sampung nilalang- tao ang sama-samang nakatali gamit ang isang nagbabagang kadena. Kitang-kita ang sakit sa kanilang mukha. Sa kanila nagmumula ang mga nakakakilabot na sigaw. Tinakpan ko ang bibig dahil sa kalagayan nila. Lapnos na ang kanilang mga balat at patuloy pa iyon na nasusunog. I can smell the burning flesh on the air. Napalunok ako nang tuluyan nang nawalan ng buhay ang isa. Lumupaypay siya. Nanlaki ang mata ko nang makitang tila may hangin na lumabas sa kaniyang katawan at napunta sa malaking jar sa gilid. My heart thumped like crazy when I realized that these humans are really alive. Buhay sila nang mapunta sa lugar na 'to at ang tila hangin na 'yon ay ang kanilang kaluluwa! Paanong nangyari 'to? Napatili ako nang may humila sa akin. Lalong nanlaki ang mata ko nang makita ang itim na itim na nilalang. Hindi ko malaman kung may mukha siya, mata, ilong at bibig. He's pure black. Tila usok din ngunit nagagawa akong hawakan. "Let go of me!" I tried to be freed. Lalo na nang maramdaman ang nakapapaso niyang hawak. Nadaanan namin ang mga tao. "Tulong! Tulungan niyo ako!" Kaniya-kaniya ang sigaw nila. Gusto kong takpan ang tenga dahil sa takot at kilabot na nararamdaman ngunit 'di ko magawa. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng pamilyar na mukha. "L-lucille.." I uttered as I stared at her face. Ang tao na kumupkop sa akin at niloko rin ako sa huli. Namuo ang luha sa mata niya at nang mahulog ay agad natuyo dahil sa init. "P-patrisha.." sa nanghihina na sitwasyon ay nabulong niya. Kinurot ang puso ko at pinilit na puntahan siya. Kahit ano man ang nagawa niya sa akin, ayokong mangyari sa kaniya 'to. Ililigtas ko siya, sila. Humans doesn't deserve this kind of torture. Alam kong mabuti sila at natatakpan lamang iyon ng kasakiman. The goodness just need to take over. "Let me fvcking go!" I shouted. Kitang-kita ko kung paano siya nalapnos. Tuluyang naputol ang braso ni Lucille na nakadikit sa nagbabagang kadena. She's just staring at me helplessly. Ngayon ay nasa bandang dibdib iyon. Malapit sa kaniyang puso na pinagmumulan ng buhay. "L-lucille! Huwag!" She smiled at me. "Sorry, Patrisha. Sorry. A-and please, be safe. S-survive.." she whispered that reached my ear clearly. Nanghina ako nang tuluyan na siyang pumikit at nawalan ng buhay. Her heart was burned. Pumikit ako at umiyak. Ubos na ang lakas ko kaya mabilis na lamang aking nahila. I don't know where I am. Napakainit ng lugar na 'to. Nakakatakot. I never knew that there is a place like this. Bakit hindi ko nalaman? Bakit 'di ko napag-aralan? What is this place? Sumalampak ako nang itulak ng may hawak sa akin. Masangsang ang amoy, tila may nabubulok. Sumandal ako sa pader. Hindi nagbabaga ang sahig pati ang pader. Pagmulat ko ay napansin ko na may mga kasama ako. Tinagilid ko ang ulo para pagmasdan sila. There are humans here. Tulala sila at tila wala sa sarili. Ibig sabihin, nagpapakalat-kalat ang mga nilalang na ito sa mundo at kinuha ang mga tao na 'to? Napasiksik ako sa tabi nang may gumapang sa aking pisngi. Kung 'di lang naghihina ay napatili na ako. Tinapik ko 'yon palayo. It immediately ran away. Malaya siyang nakalabas sa pagitan ng makalawang at maduming rehas. Everything here is dirty. "It is really hard to defy the destiny. What is written on the prophecy will really happen. Creatures are fool to think that they can control their destiny. Little did they know, it's the destiny who's controlling us." Napalingon ako sa aking tabi nang may magsalita. Kahit gaano kadilim ang lugar ay nakita ko pa rin ang maganda na babae. Marumi na siya at marungis. Sira-sira ang damit. "Y-you're a witch, right?" I asked. I felt it. Ngumiti siya nang marahan at tumango. "Paano ka napunta dito?" Tanong ko. Titig na titig lamang siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako nailang. Hindi siya sumagot. Napalunok ako at umiwas ng tingin. "A-anong lugar ito?" "Impyerno. We are in hell." Nanlaki ang mata ko. Napalunok akong muli at pinisil ang daliri. Napapikit ako nang mariin sa sobrang kaba at muli siyang sinulyapan. "Paano tayo napunta dito? Bakit ako narito? At ano ang meron sa impyerno? Bakit pinapahirapan ang mga tao? Ang mga nilalang?" "Pinapaniwalaan na ang impyerno ay ang patutunguhan ng mga nilalang na namatay na. Napupunta sila dito kung sila ay masama," aniya. "Pero hindi patay na tao ang mga narito. Maging ikaw ay hindi patay! Kaya paano? At ibig sabihin, maaaring patay na ako?" I asked. "Labis ng nagiging sakim ang mga namumuno dito. Maging ang mga buhay ay gusto na nilang sakupin. Lalo na ang mga tao dahil mahihina sila." Kinusot ko ang mata at niyakap ang tuhod. I sighed, "Ibig sabihin, kung hindi man ako patay ay mamamatay na rin ako. Ikaw rin." She smiled. Hinaplos niya ang mukha ko. Kumislap ang berde niyang mata at kitang-kita ko kung gaano kaputi ang kaniyang buhok kapares ng kaniyang balat, "I am here for a mission and you're here not to die. It will be just the start of your destiny." "Natatakot ako.." I whispered. Tumulo ang luha ko. Agad niya iyon pinunasan at hinila ako palapit sa kaniya. She caressed my back. "I have a short story. There was this girl who was made to be the key to save the whole world. Kasama na roon ang iba pang dimensyon. Ang mundo ng mga tao, kasama rin. Marami siyang pinagdaanan. Ilang beses namatay ngunit muling nabuhay. Nagapi rin niya sa tulong ng kaniyang kabiyak ang una sa mga malalaking pagsubok ng mundo. And they began to live happily. They had their children. But chaos came again. At iyon nga, ang anak nila ang pinakamagliligtas sa mundong ito. Sa takot sa magiging kapalaran ng anak, sinubukan nilang guluhin ang nakatakda na mangyayari. Ngunit hindi nila nagawa. At ito, magsisimula na... Kahit anong gawin, ay mangyayari ito." Aniya. Napasimangot ako at kinamot ang pisngi. Sumandal ako sa dibdib niya at humikab. "Akala ko naman kung anong kwento," reklamo ko. She chuckled and played with my hair. "Basta, h'wag ka matakot. Be strong." "Ano pala ang pangalan mo? Tsaka kilala mo ba ako? Patrisha is my name, by the way," I said. She just smiled like she know something. "My name is Alicia," she said. Kumunot ang noo ko. "Pamilyar sa akin iyon. Ah, ang pinakamalakas na witch sa lahat! Naririnig ko 'yon kila Tatay. Ikaw ba 'yon?" Tinignan ko siyang mabuti. Ngumuso ako. "Pero kung ikaw 'yon, dapat wala ka dito. Malakas ka, dapat makakalaban ka. Siguro hinahangaan ng nanay mo ang pinakamalakas na mangkukulam!" "Hmm, ikaw? Ibig sabihin, mahina ka kaya ka narito?" tanong niya. Kumunot ang noo ko at napatingin sa aking mga palad. I smiled bitterly. Yes. I am weak. Hindi man lang ako nakalaban. Maybe the goddess was disappointed on me. Hindi ko man lang nagamit ang kapangyarihan na namana ko mula sa kaniya. "Oo," I answered sadly. "Hmm, let see. Use your power." Natigilan ako at lumayo sa kaniya. "A-anong power?" Tanong ko. "Liwanag," she answered simply. Kinabahan ako bigla. "Sino ka ba talaga? Paanong-" "I am just no one who almost know everything. Now, use your power. Sirain mo ang mga rehas." I shook my head. "No. Siguro masisira ko 'yan ngunit susugurin agad ako ng kalaban. Marami sila dahil nasa teritoryo nila ako. I'll fight but eventually, manghihina rin ako." "Oh, where's the optimistic and cheerful princess? You're not a half-goddess for nothing, Patrisha Azriella Bloodstone. At papayag ka na lang ba na mamatay nang walang kalaban-laban?" Napamaang ako sa kaniya. She knows me. She smiled on me gently. "Y-you're Alicia, the strongest witch?" Hindi siya sumagot. Tinuro niya ang rehas na tila pinipilit ako. Wala akong nagawa kung hindi patamaan iyon ng liwanag. Agad iyon na nasira. Napatayo ako at maging siya. Ilang segundo lang ay dumating na ang mga itim na nilalang. "I need few minutes. Fight them," aniya. Hindi ko siya maintindihan nang una. Nabigla ako nang lumiwanag ang kaniyang paligid at biglang pumuti ang kaniyang mga mata. I heard her chant unfamiliar words. Hinarap ko na ang kalaban at pinatamaan sila ng liwanag. I also used the blue flame and aimed it towards the bunch of this disgusting creatures. They all growled in pain. Bigla akong tumalsik nang may sumipa sa akin mula sa likod. Nasugatan pa ang aking braso dahil sa bakal na nasandalan ko. I tried to stand and attacked them again. Padami sila nang padami. Malamang ay nalaman na nang marami at naging alerto na sila. They tried to attack Alicia. Ngunit tila nasisilaw sila sa liwanag nito. Unti-unti ko ng nararamdaman ang panghihina. Ngunit kailangan kong magtiwala. Itinaas ko ang kamay at bumuo ng liwanag doon. Napaatras sila at hindi na makalapit. Sa isang kamay ay nagpalabas ako ng asul na apoy at pinagpatuloy ang pagpatay sa kanila. Ilan bang minuto ang kailangan ni Alicia?! My knees are already wobbly. Napahawak ako sa ilong nang dumugo ito. Bahagya na rin akong nahihilo. At hindi katagalan ay halos mabuwal na ako. Mabuti na lang at napasandal ako kay Alicia na mukhang tapos na sa ginawa. "They didn't train you. At ito ang naging kapalit," napailing siya at pinatamaan ng puting bilog ang kalaban. Puting-puti ang inilalabas niya mula sa palad. Hindi katulad akin na tila may halong ginto. "Train yourself, Princess Patrisha. Kailangan na mas tumagal pa ang kakayahan mo na lumaban. Hindi pwedeng ganito lagi. Pwede mong ikamatay 'yan." Hindi ako nakakibo. Hawak lamang niya ako samantalang ako ay nakasandal na sa kaniya. Hindi ko na maintindihan ang iba niyang sinabi. Maya-maya pa ay mayroon na muli akong lakas kahit papaano. I faced her and she smiled at me. May pinalutang siyang puting bilog sa ere. "Follow that. It will protect you. Ngunit kahit papaano ay lumaban ka pa rin. Mahaba pa ang tatakbuhin mo at kung masira nila ang ginawa kong shield sa'yo ay baka hindi ka makalabas." Kumunot ang noo ko. "Pero paano ka?" I asked. She just smiled at me. "Go. Go now and be strong. I believe on you." Tumango ako at tumakbo. Sinundan ko ang puting bilog na ginawa niya sa akin. Sinulyapan ko muli siya at nakitang nakatingin siya sa akin bago humalo sa hangin. So this is her mission, huh? To help me. Determinado akong tumakbo. I used my vampire speed. May ilang umaatake sa akin ngunit pinoprotektahan ako ng puting bilog na sinusundan ko. But as time pass, unti-unti iyon na nagkakaroon ng bitak. That's why I made a ball of light. Takot sila sa liwanag. At siguro ay kakayanin ko pa naman hanggang sa makalabas ako mula sa lugar na 'to. Muli ko na naman nararamdaman ang panghihina. Ilang beses akong nadapa dahil sa nanginginig na tuhod. Gusto ko ng tumigil lalo na nang mapagtanto na hindi sila nauubos. But I need to be strong. Alicia said that I can do this. Ayokong sayangin ang effort na ginawa niya. Nabuhayan ako ng loob nang makita ang malaking liwanag na naghihintay sa dulo. I felt my tears on the corner of my eyes. Napangiti ako at kinusot ang mata. I can do this, of course. I am Patrisha Azriella Bloodstone. The goddess's granddaughter, and the King and Queen's daughter. Mula sa likod ay may atakeng dumating. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nanghihina na ako at halos 'di ko na maramdaman ang aking mga paa. Sunod na atake ay narinig ko ang pagkabasag ng aking shield. Ngunit hindi ako nagpatinag. Sunod-sunod na atake ang natanggap ko. Tumama sa aking braso at likod. Hindi ko na magawang gumanti dahil alam kong kapag gumamit pa ako ng lakas ay tuluyan na akong mawawalan ng malay. And worst, I'll die. Halos maiyak ako sa pagkapaso ng aking likod. Masakit na. Sobrang sakit at pagod na pagod na ako. Ngunit kakayanin ko. Like Lucille said, I'll be safe. I'll definitely survive. Nakarinig ako ng sigaw mula sa likod. I think I know what will happen next. And I should be thankful for that attack. Dahil mas napadali ako sa paglabas sa lugar na iyon. Ang impact ng atake na 'yon sa aking katawan ay nagpatalsik sa akin. But on the other side, I think... I can't do it anymore. I'm already tired. Very tired.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD