Damn!
Week passed. Nasa loob lamang ako ng kwarto na masyadong protektado. This room is under Nanay's power. Hindi ito basta masisira kapag mula sa labas ang atake. Ginawa ito para kapag may sumugod sa palasyo ay dito agad nila ako itatago. I was really thankful about that, before. Kung mula naman dito sa loob, hindi ako makalalabas nang ganoon kadali. Dahil pa rin iyon kay Nanay. No one can enter this room without Nanay's blessing.
Sa loob ng isang linggo ay pinapadalhan lamang ako ng pagkain. This room is just like my room. Mayroong kama, closet at lahat ng necessity. But the comfortness isn't around. Iba pa rin pala ang kwarto ko kumpara sa lugar na ito.
I sighed and stared at the ceiling. Hinaplos ko ang malambot na kama at muling bumuntong-hininga sa pang-ilang beses na pagkakataon. Hindi ko na mabilang kung ilang buntong-hininga na ang pinakawalan ko. Ngunit alam kong mas higit pa rin ang luha na aking inilabas kumpara dito. The first three days, all I did was to cry. Puno ng sama ng loob ang puso ko. Nahahati sa pagtatampo at inis para sa magulang ko at sa inis at galit ko para sa aking sarili. Para sa ginawa kong pagsigaw sa kanila at pagsagot.
Kahit anong sama ng loob, dapat ay 'di ko iyon ginawa. I feel so guilty because I'm sure and aware that I felt angry towards them. Alam ko sa sarili ko na nagalit ako sa kanila at sa tingin ko ay 'di tama ang emosyon na iyon para maramdaman ko sa aking mga magulang. I know that they love me. Hindi dahil sa nararamdaman ko, kung hindi dahil sa sinabi nila iyon sa akin. Hindi ko nga lang alam kung kailan ko iyon huling narinig mula kay Nanay.
Pero para sa akin, hindi sapat ang salita. Mas gusto ko na nararamdaman ko ang pagmamahal nila. They lack on action because their full attention were never mine. Lagi akong may kahati. And the goddess know that hindi ako galit sa kapatid ko, kay kuya Dustin dahil nasa kaniya ang atensyon nila— lalo na ni Nanay. Hindi ko naman kailangan makipagkompetensya. Because from the first place, they should've given that attention to me,9 unconditionally. Ngunit hindi, kaya pinagkakasya ko na lamang ang sarili kahit sa munting atensyon at pagmamahal. Halos magmakaawa ako para doon. Pero ipinagkait pa rin.
At ngayon, maging ang kalayaan ko ay pinagkait na rin. Dati, ang tingin ko sa palasyo ay isang kulungan. Dahil simula noon, hanggang sa lumaki ako ay sa loob na ako ng palasyo nanatili. Bilang lamang sa daliri sa kamay ang beses na nakalabas ako nang palasyo. Kasama na roon ang ginawa kong pagtakas. Tapos ngayon, heto, nakulong ako sa loob ng panibagong kulungan sa loob muli ng dati ko ng kulungan. Mas maliit, mas nakalulungkot.
They tried to visit me. Nanay and Tatay visited me on my first night here. Ngunit ipinakita ko na nagtatampo talaga ako, kaya umalis din sila nang 'di ko kinausap. And after that, wala na. Hindi na nila ako binalikan. Maybe, they just felt guilty that night. Because somehow, they learned that their remaining child doesn't feel good towards them. At lumipas nga ang mga araw ay 'di na nila ako binalikan. Para saan pa nga ba, 'di ba? Ano nga lang ba ako sa kanila? Of course, everything will be back to normal. Maghahanap sila muli at ako, kakalimutan muli.
Napatingin ako sa pinto nang dahan-dahan iyon na bumukas. Kamila entered the room. I sighed and sat. Maliit siyang ngumiti sa akin at isang tango ang aking sinukli. Tulak niya ang cart na naglalaman ng aking mga pagkain. Tumayo ako at sumunod sa kaniya sa mesa. She put the foods on the top of the table while I sat and watched her. Nang matapos ay dinampot ko ang kutsara at tinidor.
"May mga dala rin ako na libro, prinsesa."
Mula sa ilalim ng cart ay kinuha niya ang tatlong libro na tama ang kapal. Ngumiti siya na tila inaasahan na magugustuhan ko iyon. Na mapapawi noon ang lahat ng nararamdaman ko. So I nodded because I know the feeling of being disappointed.
"Salamat, Kamila. Sumabay ka na sa akin na kumain," saad ko. Bahagya siyang umiling.
"Hindi na, mahal na prinsesa. Ihahanda ko na ang iyong papaliguan." I nodded when I realized that it isn't necessary for her to eat foods. Pinanood ko siyang tumungo sa bathroom bago ko hinarap ang pagkain.
Halos wala rin akong gana kumain. Bigla kong naalala si kuya Dustin. Sana buhay pa talaga siya at nasa maayos na kalagayan. Pinasadahan ko ng tingin ang mga masasarap na pagkain sa aking harapan. Paano kung hindi siya nakakakain nang maayos? Paano kung wala siyang maayos na tirahan at damit? Sana ay umuwi na siya, para matapos na ang lahat ng 'to.
Kahit papaano ay maswerte pa rin pala ako. Because I have a place to live. Food to eat, and clothes to wear. Si kuya, walang kasiguraduhan na buhay siya at maaaring hindi maayos ang lugar na kinapaparoonan niya. Don't worry, kuya Dustin. Soon, Nanay and Tatay will see you. At kung sana ay naaalala mo pa sila— kami at ang palasyo, umuwi ka na.
Inubos ko ang oras sa pagbabasa. Imbes na maglakbay ang isip ko patungo sa mundo na pinangyarihan ng nababasa ko ay hindi gano'n ang nangyari. While I'm reading the words, my mind is thinking different things. Naglalakbay iyon sa mga pangyayari sa buhay ko. Minsan ba sa buhay ko, nakontento ako? Gusto ko malaman ang sagot sa tanong na iyon.
Baka naman walang problema kila Nanay. Baka nasa akin talaga ang problema. I suddenly found myself crying silently because of the realizations. Hindi nila kasalanan kung wala talaga silang maramdaman sa akin tulad ng hinahangad ko. Wala silang kasalanan dahil hindi napipilit ang nararamdaman. After all these things, maybe it is my fault. For not being lovable. For not being a lovely creature. And for being an attention-seeker. Wala sa kanila ang problema. Nasa akin dahil kahit kailan, masyado akong naghangad. Masyado akong mapaghanap at 'di makuntento.
Sinulyapan ko ang mga libro. Napapikit ako at sinubsob ang mukha sa unan. Masyado 'ata akong nakulong sa pantasya ko. Sa mga pangyayari sa libro kung saan labis na minamahal ng kanilang mga magulang ang anak. Nasa akin ang mali. And it is me, who need to adjust because not all the things you want will be yours. Binibigay naman nila sa akin ang lahat ng aking pangangailangan, maliban sa atensyon at pagmamahal. Ang pag-intindi sa akin. At siguro, kailangan ko na iyon tanggapin.
Lumipas pa ang mga araw na halos paikot-ikot na lang ang nangyayari. Gigising, kakain, maglilinis ng katawan, kakain, magbabasa...puro ganoon lang. Ang lagi ko na lang kasama ay ang mga kagamitan sa kwarto.
Tumayo ako at hinawi ang kurtina. Hindi nabubuksan ang salamin na bintana kaya nagkasya na lamang ako sa panonood ng mga pangyayari sa labas. Ngunit halos wala ring nakalilibang na bagay. The room where I'm staying is facing the garden. Iyong garden na lagi kong pinapasyalan simula pa noon. Muli akong napabuntong-hininga at umalis na roon. Kahit ang kung sino na nagbibigay sa akin ng rosas ay 'di na makapagbigay. Of course, because of Nanay's power.
Ganoon iyon kalakas. Kung normal lamang siyang bampira, malamang, 'di talaga siya makapupuslit dito sa kwarto. Nasanay na siguro ako na makatanggap ng rosas kaya ganito. Sa pagkurap ko ay may bigla akong naalala. Iyong gabi, bago ako napunta dito. Hindi ko alam kung gawa lamang iyon ng imahinasyon ko. May bumisita sa akin na nilalang. Napatingin ako sa aking mga daliri. Kung imahinasyon iyon, bakit halos maramdaman ko pa ang malalambing na haplos niya sa akin? Or my ability is just that powerful?
I heard three knocks before the door opened. Si Kamila muli ang pumasok. Siya lang naman ang laging pumupunta rito. Kumunot ang aking noo nang makita ang tila pagmamadali sa kaniyang kilos. May dala rin siyang kahon. Inilapag niya iyon sa kama bago lumapit sa akin.
"Prinsesa, halika na at ika'y kailangan na maghanda."
Ngumuso ako at tinagilid ang ulo para pagmasdan siya. "Para saan?" Tanong ko. She just smiled a bit at inalalayan ako na tumayo.
"Sasabihin ko rin po sa'yo, maya-maya."
Dinala niya ako sa bathroom. Mabilis ang kilos niya na inihanda ang aking papaliguan. Tinulungan niya ako na tanggalin ang mga saplot saka nagbabad sa tub. I watch her gently rubbing the sponge on my arms. Ang hatid na bango ng scented candles ay nakapagkalma sa akin. Pinaglaruan ko ang mga bula at sinulyapan siya.
"Ano bang meron, Kamila?" Muli kong tanong. Pumwesto na siya sa aking uluhan. She gently massage my hair with the help of the fragrant shampoo.
"Pinapahanda ka ng mahal na reyna. Sa tingin ko ay may okasyon at may darating na mga bisita," aniya. Nanlaki ang mata ko at nilingon siya. Ngumiti siya sa aking reaksyon.
"Ibig sabihin, ipapakilala ako nila Nanay at Tatay? Pwede ako magpakita sa bisita, Kamila?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Nang tumango siya ay halos sumabog ako sa saya. This is new!
"Ganoon nga, mahal na prinsesa."
Hindi ako mapalagay. Kumilos na rin ako at tumulong sa paglinis ng katawan. I heard Kamila chuckled but I don't care anymore. I am so excited!
"Mahal na prinsesa, ako na..." Tila natutuwa niyang saad. "Ako na ang bahala at kumalma ka lamang diyan."
Umiling ako at pinagtuunan ng pansin ang mga binti. Hindi ako makapaniwala! Bihira lamang magkaroon ng okasyon dito sa palasyo at madalas ay 'di ako nagpapakita dahil 'di maaari. At ang balita ni Kamila ay labis na nagpapasaya sa akin. Sa wakas! Maybe they are starting to realize what I'm pointing out. Nagkakatotoo na ba ang lahat ng hinihiling ko? Napapikit ako at humagikhik saka pinagsiklop ang mga palad! Sa wakas! Salamat po! Salamat!
Hindi mawala sa akin ang pagkasabik. At nadagdagan pa iyon nang makita ang laman ng kahon. My excitement multiplied when I saw a red long gown. It is off-shoulder on top. May mga ruby na nakapalibot sa bandang bewang noon at napakaganda ng detalye sa malayang palda nito. It was paired with a red stiletto. Sabik ko iyon na sinuot at hinayaan si Kamila na ayusan ako.
She just put small amount of red lipstick on my lips to emphasize it color. My golden hair was tied into half-pony tail at ginawa iyon na bun. My high cheekbones were more defined because of my hairstyle. Hinayaan naman na nakalugay ang mga naiwan na parte. There are mermaid curls on the mid-part down to the tip. Maganda iyon tignan dahil na rin sa kulay ng aking buhok. Some strands are freely cascading down on the side of my face. I smiled sweetly on my reflection and stared at my face.
Hindi mawala sa akin ang tuwa. For the first time! Ito ang unang pagkakataon at sobrang saya ko! Kamila put her palms on my shoulder and smiled on me through our reflection.
"Our princess seems very happy," nakangiti niyang saad. Agad akong tumango at nakagat ang ibabang labi.
"Sobra, Kamila. Salamat pala sa pag-aayos!" I giggled. She chuckled and bowed a bit.
"Walang anuman. At isa pa, kahit hindi ka na ayusan ay pwede ka ng iharap sa kahit sino. Napakaganda mo, prinsesa. Napakaganda..." Namamangha niyang saad. Hindi ko mapigilan ang pamulahan ng pisngi. Masyadong masaya ako ngayon at ang kaniyang papuri ay nagdagdag pa sa aking nararamdaman.
"Salamat.." saad ko. Tumango siya at hinaplos ang aking buhok.
"Alam ko na lalaki ka na ganito kaganda. Bata ka pa lang ay nakikita ko na iyon. At hindi ako nagkamali. I can say and I'm sure that you are the most beautiful creature that everyone will ever see.. At sa paglipas ng panahon ay lalo ka lamang gumaganda. Hindi ko inakala na posible pala ang ganitong kagandahan," saad niya. Hindi na ako umimik at ngumiti na lamang. I can't believe what she'd said. Hindi pa niya nakita ang ina ni Nanay. Maski ako ay hindi pa siya nakita but I'm sure that she possess the unbeatable beauty. Dahil naman sa kaniya kaya ganito ako. Because her blood runs on me. But...
"Nanay is the most beautiful woman for me..." I uttered and smiled.
Tumayo ako at humarap sa mataas na salamin. The red gown was so perfect for me. Pinatingkad ng pulang-pula nitong kulay ang aking maputi at mamula-mula na balat. It is also perfectly hugging my body, accentuating its curves. Hinawi ko ang buhok at hinaplos iyon. I put a bundle of hair on my right shoulder. I smiled again and sighed. I'm ready to face the visitors!
Umalis sandali si Kamila para tignan ang nangyayari sa ibaba. Pagbalik niya ay seryoso ang kaniyang mukha nang hinarap ako.
"Mahal na prinsesa, simple lamang ang mangyayari. May iilang bisita at kakain kayo sa hapag. Sana ay hindi kayo umasa na malaking okasyon ito. Pasensya na.." saad niya. Tinapik ko siya at nginitian.
"Wala 'yon, hindi mo kailangan humingi ng tawad. Maliit man o malaki na okasyon, walang problema sa akin. Malaking bagay na sa akin na isinali ako dito nila Nanay at Tatay, Kamila. Iyon ang mahalaga. Ipapakilala nila ako sa iba pang bampira," I smiled widely. She sighed and smiled weakly. Hindi ko na iyon pinansin at nagpatianod sa kaniyang pag-alalay sa akin palabas.
Pagkarating namin ay napansin ko agad ang mga abala na kasambahay. I flashed my sweet smile on them. Tila nabigla pa sila ngunit 'di ko na pinansin. No one can change my mood tonight! I'm so happy. Pakiramdam ko ay tinatanggap na ako. Pakiramdam ko ay mamahalin na ako nang buo ni Nanay at lagi na niya akong papansinin. Iyon ang nararamdaman ko ngayon. Na ito ang unang hakbang nila para sa pagbawi sa akin.
Nagpatuloy pa ako sa paglalakad hanggang sa nakita ko na ang iilang mga bisita. Ang ibang mga babaeng bampira ay nakadress at ang iba ay long gown. Ang mga lalake naman ay suot ang magagara na suit. They are talking with each other. Ngunit pagtapak ko pa lang sa bulwagan ay napatingin agad sila sa akin. I smiled on them and continue walking. Their eyes widen and bowed.
"Hi!" I greeted them cheerfully. Muli silang tumuwid at tumingin sa akin.
"Princess Patrisha?" One of the men asked. Agad akong tumango. Sabay-sabay muli silang yumuko bilang paggalang.
"Ay, hahaha! Okay na, okay na. Salamat!" Saad ko. Some smiled on me samantalang ang iba ay awang pa rin ang mga labi.
"Tunay pala ang aking naririnig. Napakaganda ng prinsesa. Isang karangalan na ikaw ay masilayan. Hindi lahat ay nabigyan ng pagkakataon."
Isa-isa silang nagpakilala. I was smiling all the time because of the overwhelming feeling. Sobrang saya raw nila na nakita ako at karangalan daw! Oh, that's something! Tapos masayang-masaya sila at namamangha dahil sa aking atensyon na ibinibigay sa kanila. Tuwang-tuwa sila at hindi ako mapalagay dahil sa tila sasabog na kasiyahan. I feel so accepted and overwhelmed! Damn! This is more than happiness. Para bang isa akong mamahaling bagay dahil sa tuwa nila at pagkamangha.
Their attentions are all on me!
Natigilan ako sa pakikipag-usap nang makita si Tatay na paparating. He's staring at me. Tila nananantiya sa aking ekspresyon. I smiled on him. He sighed in relief at humakbang nang mas malaki. Pagdating sa aking harap ay agad niya akong niyakap. I hugged him back and closed my eyes when I felt him kissed me on my forehead.
"How are you, my angel?" He asked. Hinigpitan ko ang yakap sa kaniya bago siya tiningala.
"I'm okay, Tatay. Salamat po," saad ko. His dark orbs stared at me.
Hinarap namin ang mga bisita. Matagal silang yumuko bilang paggalang bago muling hinarap si Tatay.
"Good evening, King Austin." They greeted. Tatay nodded.
"Good evening. Hope you enjoy the party."
Tumango sila at nagsimulang mag-usap. Nanatili lamang ako sa tabi ni Tatay at pinakilala rin niya ako. Maya-maya pa ay dumating si Nanay. It seems like she's weighing my reaction and when I smiled at her, she hugged me. Napangiti ako at niyakap din siya pabalik. Gusto kong maiyak ngunit pinigil ko dahil magtataka ang mga bisita.
Sabay nila akong pinakilala. They seems so proud while introducing me, and I think this is the highlight of the night. Walang kasing saya ang ganoong pakiramdam. I can't help but to hug them tightly. Kahit anong mangyari at kahit anong pagtatampo, sobra-sobra ang pagmamahal ko sa mga magulang ko. At hindi na iyon magbabago.
Iniwan muna nila ako. Tumungo ako sa may tabi at pinagmasdan ang paligid. I watched them happily talking with the vampires around. Sumandal ako sa haligi at napangiti. Pakiramdam ko tuloy ay normal ang lahat.
"Good evening," a gentle voice greeted. I was almost startled. Sa sobrang pagtingin ko kila Nanay ay 'di ko naramdaman ang presensya ng dumating.
Nilingon ko siya at kinailangan ko palang tumingala dahil sa tangkad niya. Hanggang ilalim lamang ako ng kaniyang baba. Una kong napansin sa kaniya ay ang asul niyang mata. Bigla ko tuloy naalala si Leo. Mamaya ay hahanapin ko siya.
"Magandang gabi rin."
Mabuti na lang masaya ako ngayon. Kung hindi ay baka naging maldita ang sagot ko sa kaniya dahil sa nagulat niya ako.
"It's pleasure to finally meet you, Princess Patrisha. I'm Harold." Inilahad niya ang kamay kaya tinanggap ko iyon. Yumuko siya saka hinalikan ang likod ng aking palad. Halos mapaatras ako sa ginawa niya. Hindi ako sanay na may lalake na gumawa noon. But I think, starting tonight, kailangan ko ng masanay. Because I can feel it, I'll be more exposed on this world.
"Mahal na prinsesa.." nawala ang atensyon ko kay Ha— ano nga ang pangalan niya? I'm not really good in remembering names. Iilan lang ang naaalala kong pangalan, lalo na kapag lagi kong nakikita. But nevermind. Napatingin ako kay Leo na bagong dating.
Igting ang kaniyang panga habang nakatitig kay Harold. It's like, he's suppressing something. Hinawakan niya ako sa braso at marahan na hinila. Awtomatiko naman akong bumitaw kay Harper.
"Leo, ikaw pala 'yan." Harris greeted him. Napatingala ako kay Leo na tila galit ang ekspresyon.
"I don't have time to talk with you, Harold. So may I excuse, I need to talk with the princess." Mariin niyang saad. Ah, Harold pala ang pangalan niya.
I heard Harold 'tsked' and shook his head. "But I still want to talk with the princess, Leo. Have some manners," aniya. Bakit pakiramdam ko ay may tensyon sa pagitan nila. May problema ba? But anyways..
Hinarap ko ang kung sino mang lalake na letter H na 'to. I smiled on him sweetly. His jaw dropped. Hinawi ko ang buhok at ngumisi. "I don't want to talk with you anymore, kaya pwede na kaming umalis, 'di ba?" Malambing kong tanong. Still mesmerized, he nodded. Kasunod ay ang pag-alis namin doon ni Leo na bahagyang natatawa.
"Anyone can be enticed by you, princess.." He chuckled.
Lumabas kami nang bulwagan. Agad ko siyang tiningala at sinipat. His smile vanished while I was busy checking him.
"Kumusta ka na, Leo? Malala ang natamo mo, 'di ba?" Tanong ko. He smiled that didn't reach his eyes. Bahagya akong natigilan dahil pakiramdam ko ay malungkot siya.
"Maayos na ako, prinsesa. Sa'yo nga ako labis na nag-alala dahil sa nangyari. I failed to protect you. Ikaw pa ang pumrotekta sa akin," aniya. Tinapik ko siya sa balikat. Lumipat doon ang tingin niya bago muling tumitig sa akin.
"You did your best, Leo. Mula noon hanggang ngayon, pinoprotektahan mo pa rin ako— ang pamilya ko. Nagkataon lang nang panahon na 'yon, mas may kakayahan ako na labanan sila. But you fought them well, Leo. You are still my Tatay's best knight."
Hindi siya nagsalita. Ang asul niyang mata ay tila kumikislap dahil sa pagtama ng malamlam na ilaw. And there's something on his eyes that I cannot explain. Ngunit kapansin-pansin ang pangingibabaw ng kalungkutan. Kumunot ang noo ko.
"Bakit ka malungkot, Leo?" Tanong ko. He sighed.
"Ikaw, bakit ka masaya, prinsesa?" Balik tanong niya. Hindi ko napigilang ngumiti sa kaniya.
"Kasi, ito ang unang pagkakataon na hinayaan ako nila Nanay at Tatay sa ganitong pagtitipon. Pakiramdam ko ay unti-unti ko ng napapasok ang tunay na mundo natin. Pati na rin ang atensyon sa akin ng mga magulang ko, pakiramdam ko ay ito ang simula ng lahat."
Tila mas lalo siyang nalungkot. I don't want to see other creatures sad. Hinaplos ko ang mukha niya na puno nang pagtatakha.
"Bakit, Leo? May problema ka ba? Tungkol ba ito sa iyong kabiyak o minamahal? Kilala mo na ba siya? Kung ganoon, bakit ka malungkot?"
Sa tagal niyang namumuhay, ang alam ko ay hindi pa niya natatagpuan ang kaniyang beloved o mate. Halos sa paglilingkod na kay Tatay umiikot ang mundo at buhay niya. Kaya malaki ang paghanga ko sa kaniya. His loyalty for Tatay is immeasurable. Walang kapantay at nakakahanga.
Umiling siya at malungkot na ngumiti, "Hindi ko sigurado kung siya ang aking kabiyak, ngunit sigurado akong mahal ko siya," aniya habang titig na titig sa akin. I frowned. Nakamot ko ang pisngi at tinagilid ang ulo.
"Mahal mo siya, ibig sabihin, siya ang iyong kabiyak!" I said. Bahagya siyang umiling.
"Hindi ganoon, prinsesa. Hindi porque mahal ko siya ay siya na ang aking kabiyak. Para bang— hindi porque mahal mo siya ay mahal ka na rin niya. Hindi ko pa sigurado, ngunit hinihiling ko na siya na lamang ang aking kabiyak habang hindi pa huli ang lahat."
Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Ganoon ba talaga kakomplikado ang pagmamahal? Hindi ba pwede na kapag mahal mo siya, ay siya na talaga at mamahalin ka rin niya pabalik? Natakot ako lalo sa pagmamahal. Hindi ko pa ito naranasan nang sukdulan mula sa aking mga magulang. Komplikado pa sa amin ngunit pakiramdam ko ay malapit na. Sa tingin ko ay hindi pa ako handa sa pagmamahal na tinutukoy ni Leo.
"H'wag ka na malungkot, Leo. I'm sure that sooner or later, you'll find your happiness," matamis akong ngumiti sa kaniya. He smiled back and sighed.
"It's already in front of me."
"Iyong ano?" I asked. He shrugged. Napangiti na lamang ako at niyakap siya. I felt him stiffened, ngunit maya-maya ay kumalma at niyakap ako pabalik.
"Salamat at ligtas ka, Leo. Natakot talaga ako. Salamat sa lahat-lahat. At patawad kung nangyari iyon dahil sa akin. Hindi na iyon mauulit. Promise, I'll be a good girl na!"
Humiwalay ako sa kaniya nang bahagya at tinaas ang kanan na kamay. He smiled and tapped the top of my head.
"You've been a very good girl, Patrisha."
I giggled and kissed him on his cheeks. Natulala siya kaya humiwalay na ako sa kaniya. I began to walk away.
"Thank you, Leo. And sorry to say this, but..." Uminit ang pisngi ko. "Parang crush kita!" I giggled. Mabilis akong tumakbo papasok muli. Hiyang-hiya ako pero ang saya-saya ko pa rin. One of the best night!
Lumapit na ako kila Nanay at Tatay. When I saw Leo entered the hall, niyakap ko nang mahigpit si Tatay mula sa likod para magtago. Tatay just chuckled and continue talking with the visitors. Pasilip-silip ako, umiiwas kay Leo. Bakit ko ba sinabi iyon? Eh, crush ko naman talaga siya noong bata pa ako pero 'di ko na 'yon gaanong napansin nang lumaki ako dahil sa mga sariling problema. But now...damn! At hindi ko akalain na pagkatapos kong sinabi na hinahangaan ko siya ay mahihiya ako nang ganito!
Nagsalubong ang paningin namin. Nanlaki ang mata ko at kay Nanay naman yumakap. Tinignan ako ni Nanay at Tatay, nagtatakha sa kalikutan ko. Ngunit humagikhik lamang ako at 'di umalis sa tabi nila.
Hanggang sa magsimula na ang tunay na objective ng pagtitipon na 'to. I saw the H guy approaching with his father— I think, beside him. Tumigil na sa pag-uusap ang iba at nilingon kami. Kunot ang aking noo at pinanood ang pag-bow nila sa harap namin.
"Good evening, your Majesties."
Nagbatian sila Nanay at Tatay pati na rin ang tatay ni H chuchu. Nakatitig lang naman siya sa akin habang malapad ang ngiti. Matangkad siya, itim ang buhok, may mata, ilong at labi kaya normal siya sa aking paningin. Para sa akin, pinakagwapo ay si Tatay at kuya Dustin. Plus pala si Leo, hihihi. But those words aren't enough to describe my Tatay's gorgeousness!
Hinarap ako ni Nanay kaya agad akong ngumiti sa kaniya, "Patrisha, anak. This is for you, please remember that. Always," saad niya. Bigla akong kinabahan at napasulyap muli kay H chuchuness. I don't know if I should smile but I tried.
"What do you mean, 'nay?" I asked. Tatay sighed and look away while Nanay reached for my hand. Pinisil-pisil iyon na tila pinapakalma.
"He is Harold Prince Hutchinson, your soon-to-be husband."
And I felt like my heart broke. Damn, it! Just damn it!