I hate you!
Kailanman ay hindi ko naranasan ang maratay sa kama nang napakatagal. Hindi kami nagkakaroon ng sakit na meron ang mga tao. We were made strong. Hindi agad naaapektuhan nang kung anu-anong mga salik. Hindi rin ako laging nasasaktan dahil lagi lamang akong nasa loob ng palasyo. No one can harm me. Because I was always protected like a fragile thing. Kung mayroon man ay iyong pagkakataon na hindi sinasadya. At lagi itong hindi malala.
And it is my first time to be this weak. Halos walang buhay ang aking mga buto at katawan. My emotion too isn't stable.
Nagising ako sa magagaan na haplos sa aking buhok. Pagmulat ko ay halos lumundag ang aking puso nang makita si Tatay na titig na titig sa akin. Ang mga itim niyang mata ay puno ng pag-aalala ngunit nahaluan ng relief nang magsalubong ang aming paningin.
"Tay.." paos kong tawag sa kaniya. Tumigil ang paghaplos niya sa aking buhok at bumaba iyon sa aking pisngi. Huminga siya nang maluwag na tila ngayon lang ulit niya nagawa.
Bumitiw siya sandali at hinilamos ang mukha gamit ang palad. Nakagat ko ang labi habang nanghihina siyang pinagmasdan. Malaki ang posibilidad na magalit siya sa akin. Tatanggapin ko, pero sana h'wag muna. I still want the peace around. Gusto ko muna ang pag-aalala niya. Napasinghap ako nang bahagya siyang tumayo mula sa pagkakaupo at yumuko sa akin para yakapin ako. Wala siyang imik na paulit-ulit akong hinalikan sa noo at pisngi.
Nag-init ang sulok ng aking mata hanggang sa umalpas iyon bilang luha. Ramdam na ramdam ko ang emosyon niya ngayon. Humigpit ang yakap niya sa akin. Napahikbi ako at sumubsob sa kaniyang dibdib.
"T-tatay, sorry po. Sorry.." I said that came out as a whisper. Naramdaman ko ang pagtango niya. Bahagya siyang humiwalay at napansin ko ang pamamasa ng kaniyang mata, na tila isang kalabit na lang ay luluha na siya.
Napahagulhol ako. Pakiramdam ko ay sinaksak ang puso ko sa sakit habang nakikita ang ekspresyon ni Tatay. I made him worried. Ramdam ko iyon.
"A-akala ko- Damn. We almost lost you!" Basag ang boses nya at muli akong hinalikan sa noo. Pinahid niya ang mga luha ko. Pinigil ko ang pag-iyak at niyakap siya nang mas mahigpit.
"Don't do that again, my princess. Please, don't. Hindi ko n-na kakayanin," he uttered.
Sa kaniyang reaksyon at mga sinabi, I realized that my condition was critical. It was fatal. Kaya ganito na lang kahigpit ang yakap niya sa akin ngayon. Bigla akong may naalala kaya tinitigan ko siya.
"Tatay, s-si Leo po?" Nauutal kong tanong. Natigilan siya at tumiim-bagang. Sandaling umiling at tinitigan ako muli.
"He's already fine. Ang gusto ko, isipin mo ang sarili mo. Magpagaling ka.." Tumango ako at kumapit sa braso niya.
Sobra. Sobra ang pag-iisip ko sa sarili ko kaya ito ang nangyari. Sobrang pag-iisip sa sariling kaligayahan kaya ito ang natamo at nadamay pa si Leo. Pumikit ako nang mariin. I was nothing but an attention-seeker and selfish creature. Sinulyapan ko si Tatay. Ang perpekto niyang mukha ay unti-unti nang kumakalma. Deserve ba nila ang magkaroon ng anak na tulad ko? Na walang ginawa kung hindi ilagay sa kapahamakan ang iba?
Ilang minuto ang lumipas ay umalis muna siya dahil may sandaling aasikasuhin. Binalatan muna niya ang ilang prutas na magbibigay sa akin ng lakas lalo na ngayon na hinang-hina pa ako. Nakalimutan ko pala itanong kay Tatay kung nasaan si Nanay. Niyakap ako ni Tatay sa buong panahon na magkasama kami. And it was peaceful and comfortable feeling. Kaya pati ang pagtatanong ay 'di ko na nagawa dahil sa kapayapaan na naramdaman sa bisig niya.
Ilang oras o araw kaya akong walang malay?
Mga tagapaglingkod na ang mga sumunod na pumasok sa kwarto. Pinunasan ang aking katawan at pinalitan ng damit. Sunod ay pinakain. Matapos ay pinaalis ko sila at hinintay ang pagbabalik ni Tatay. Wishing that he will bring Nanay. Ngunit lumipas ang ilan pang oras ay walang dumating. My heart sank but I shook it off. Hindi mabuti ang magagawa ng pagtatampo sa akin dahil kung saan-saang sitwasyon ako napupunta. Baka naman nagpahinga sila dahil sa tagal ng pagbabantay sa akin.
Muli akong hinila ng antok. And I think it's better to gain more strength. Siguro ay naubos iyon nang labis dahil sa paggamit ko ng kakayahan.
I woke up with a very dark surrounding. Suminghap ako ng hangin at tumingin sa paligid. Bahagyang humangin dahilan para gumalaw ang kurtina at pumasok ang liwanag ng buwan sa kwarto. My heart beat like crazy when I noticed that there is someone on the bedside. Halos 'di ako makahinga. Unti-unting nasanay ang aking paningin at malinaw na nakita ang bulto sa tabi. Nakasuot siya ng cloak dahilan para 'di ko makita ang kaniyang kabuuan.
"S-sino ka?" Paos kong saad. Gumalaw iyon at mas lumapit pa. Lumalim ang malambot na foam sa aking tabi, senyales na umupo siya sa kama. I stiffened as I felt the familiar dangerous presence. Pilit ko na inayos ang pakikiramdam at sa tingin ko ay siya ang nakaharap ko noon sa hardin. Ngunit 'di pa rin ako sigurado lalo na't nanghihina pa ang aking katawan. My sense were also weak.
"S-sino ka? Sabihin mo.." Pamimilit ko. I realize that if he will do something bad on me, I will be helpless. Hindi ako makakalaban. Tumindig ang aking balahibo nang maramdaman ang kaniyang nakatutunaw na titig.
"How are you? Hmm?"
Lalo 'ata akong nanghina nang marinig ang baritono niyang boses. It was rough, masculine and dangerous. Kumuyom ang aking kamao at kinagat ang labi.
"Sabihin mo sa akin, sino ka? Bakit ka narito?" I whispered. I flinched when his skin touched mine. Lalo yatang nanindig ang aking balahibo sa kakaibang pakiramdam na humalik sa aking sistema.
"How are you feeling?" Dagdag niya, hindi pinapansin ang tanong ko. I gritted my teeth and tried to sat. Nang itukod ko ang braso ay agad iyong nanghina kaya napahiga ako muli. Narinig ko ang marahas niyang pagsinghap, sunod ay ang pag-alalay sa akin. Hindi ko alam kung mga karayom ba ang mga munting tumusok sa aking balat nang hawakan niya ako, ngunut masasabi ko na hindi ako nasaktan. I felt something that I cannot name. It is weird.
Sumandal agad ako sa headrest ng kama. Itinulak ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko ngunit hinuli lamang niya ang aking palad. Pinagsiklop niya ang mga iyon. I tried to be freed, ngunit pinirmi niya iyon sa aking kandungan.
"Kumusta ang nararamdaman mo?"
Hindi ko mapalagay ang atensyon. Kung ibibigay ko ba 'yon sa kaniya at sagutin ang mga tanong niya, o sa magkasiklop naming palad na nagdadala ng ibang pakiramdam.
Lalo akong napalunok nang haplusin niya ang mga daliri ko. Malambing iyon at nagtagal sa daliri bago maghinliliit. Paulit-ulit niya iyon na hinaplos, tila sinusukat kung gaano iyon kalapad.
"Your fingers are perfect. It feel so soft. The shapes are beautiful..." Anas niya. Napanguso ako at hindi na nagpumiglas. Biglang napalagay ang kalooban ko. I almost rolled my eyes but I don't have the energy to do it.
"O-of course! Maganda ako, eh. Lahat ng nasa akin, maganda."
"Hmm."
Pumainlang ang katahimikan. Bigla tuloy ay gusto ko tanungin ang sarili kung bakit bigla akong napalagay sa kaniyang presensya. But the way he play with my fingers makes my mind blank.
"Stop putting yourself in danger, Azriella.." He uttered after the long silence. Shiver ran on my spine. Ito ang unang pagkakataon na tinawag niya ako sa pangalan and there is something on it. The way his lips uttered it is something that I would never forget.
Tila hangin na lumipas ang oras. Namalayan ko na lamang na nakatulog akong muli. Siguro ay bumabawi talaga ang katawan ko. Parang panaginip lang ang nangyari at hindi ko alam kung papaniwalaan ko pa na may estranghero na dumating sa kwarto ko. Pagmulat ko ng mata ay maliwanag na ang paligid. There's nothing weird on my room.
I bit my lips and shook my head. Paano kung imahinasyon ko lang pala iyon? It is one of my abilities. Iyong gawin na tila totoo ang mga imahinasyon ko. Lagi ko itong nagagamit sa tuwing nangungulila ako sa mga magulang ko. At paano kung hindi sinasadyang nagamit ko 'yon kagabi.
I sighed and tried to stand. Masasabi ko na mas may lakas na ako, kumpara kahapon. Nanghihina man ngunit nagawa ko ng tumayo. Humawak ako sa cabinet na nasa tabi upang maging suporta sa aking pagtayo. Kumunot ang aking noo nang mapansin ang isang rosas. Katulad sa mga rosas na natanggap ko noong mga nakaraang taon, buwan, at araw. Hinawakan ko iyon at tinitigang mabuti. Sino kaya ang nagbibigay nito sa akin? At bakit niya ako binibigyan nito?
I sighed and walk towards my closet, still holding the flower. Mabagal lamang ang aking mga hakbang dahil hindi ko pa ganoon karamdam ang aking mga paa. Binuksan ko ang walk-in closet at pumasok sa loob. Lumapit ako sa kanan na pader at itinulak ito nang pagilid. I entered the lightless room, and automatically, the lights turned on.
I walked towards the huge gold box on the middle. Punong-puno na iyon ng mga rosas na lagi kong nakokolekta mula sa 'di kilalang nilalang. It is amazing that they are still fresh. Hindi sila nasisira at masyado pa ring mapula. Inilagay ko roon ang panibagong rosas na aking dala at pinagmasdan ang mga iyon. Isang taon na rin mahigit simula noong makatanggap ako ng mga rosas. Nagsimula iyon nang tumuntong ako sa edad na labingwalo. Hindi alam nila Nanay at Tatay ang tungkol dito. Hindi lang dahil sa hindi naman nagtatagal ang kanilang atensyon sa akin, dahil na rin sa hindi sila makapapasok sa lugar na 'to. This is my secret place inside my room.
Kinabahan ako nang makita na may nilalang sa kwarto. But I breath in relief when I realized that I knew her. Mabuti na lang at hindi rin niya nalaman ang sekretong kwarto ko. I was surprised because of her presence. I smiled when our eyes met.
"Kamila," I acknowledged her presence.
Mahinhin siyang ngumiti at lumapit sa akin. Ilang araw na ba simula nang lumiban siya? Hindi ko na alam dahil na rin sa mga pangyayari. Kaya nakabibigla na makita siya ngayon.
"Mahal na prinsesa," dahan-dahan siyang yumuko. Tumango ako at muling ngumiti.
"Buti bumalik ka na, Kamila. Ilang araw ka rin na nawala. Noong nakaraang linggo ka yata nagsimulang lumiban. Nagkaroon ka ba ng problema?" Tanong ko.
"Mahal na prinsesa, hindi ako lumiban noong nakaraang linggo. Para sa iyong kaalaman ay narito na ako sa buong buwan na wala kang malay. Matagal kang nakaratay sa iyong kama," she said that made me speechless.
Nanlaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa narinig. Kung ganoon, napakatagal kong walang malay. And my parents must be really worried on me! Tila kinurot muli ang puso ko sa kaisipan na iyon. Pinahirapan ko sila. Ang kalooban nila.
"Ako po ang nagbabantay sa inyo, kasalitan ang mahal na hari." Dagdag niya. Kumunot ang aking noo at napatitig sa kaniya.
"Si N-nanay, nagbantay ba siya sa akin?" Tanong ko. Bakit biglang nanghihina ang katawan ko? My heart is clenching again.
Nag-aalangan man ay umiling siya. My heart sank, "Hindi po. Pero paminsan-minsa'y binibisita ka niya. Ang mahal na Reyna kasi ay nagpatuloy sa paghahanap sa inyong kapatid. Ang hari naman ay may araw na sumasama ngunit sandali lamang at bumabalik dito. Sandali muling aalis para mag-asikaso sa opisina at bibisitahin ka muli."
I nodded my head weakly. Naglakad ako at nilampas siya habang hawak ang dibdib. Bakit ba ganito ako? Bakit ganito kasensitibo ang emosyon ko? Atleast ay binibisita ako ni Nanay noon. Bakit ako masyadong mapaghangad? Bakit ba gusto ko nang malaking bahagi ng kaniyang atensyon? At gusto ko rin malaman, bakit hindi kayang ibigay ni Nanay ang buong atensyon niya sa akin kahit sandali. Even for one month that I was almost dying. Ngunit wala rin yata akong karapatan na magreklamo gayong ako ang naglagay sa sarili ko sa sitwasyong iyon. Hindi ko man ginusto ay kasalanan ko pa rin.
"Kumusta na ang iyong pakiramdam, prinsesa? Masyadong malala ang naging kalagayan mo, at inakala namin na babawiin ka na sa amin."
Pilit akong ngumiti kahit hindi naman niya nakikita dahil nakatalikod ako sa kaniya. It is still heartwarming knowing that there is someone who cares for me. "Maayos na, Kamila. Salamat pala sa pag-aalaga."
Humarap ako sa salamin. Napansin ko ang pagputla ng aking balat. I am a half-vampire ngunit hindi ako ganito kaputla dahil na rin sa isa pang dugo na nananalaytay sa akin. Maputi ako ngunit mamulamula. But now, I'm pale. White as paper and my body seems very tired.
"Wala iyon, prinsesa. Tungkulin ko iyon," aniya. Mapait akong napangiti ngunit 'di ko pinakita na nalungkot ako sa tinuran niya.
Kaya siguro kahit puno ng mga tagapaglingkod ang palasyo na ito ay malungkot pa rin ako. I still feel empty and sad. Because even these servants have their all attention on me, I know better. Ganiyan lang sila dahil tungkulin nila ito. Nananatili sila sa tabi ko dahil may dahilan. Kasi, tungkulin nila ito at wala ng iba.
Tumango na lamang ako. Inihanda niya ang aking pampaligo at tinulungan din niya ako na linisin ang sarili. I felt refreshed and energized after the bath. Sinuotan niya ako ng magarang damit. She let me wear dazzling jewelries and fixed my hair elegantly.
Kahit ano man ang meron ako ngayon ay kulang pa rin. Napakasama ko na talaga siguro sa hindi pagiging kontento sa kung anong meron ako. Siguro, importante ang mga ito o baka hindi rin. Pero ang pinakamahalaga kasi sa lahat ay wala sa akin. Kaya paanong magiging tunay akong masaya sa buhay? I have these all material things. Luxury and extravagance are everywhere. But I think, I am lack on something.
Love. Paano nga ba malalaman kung totoo ang pagmamahal? Paano malalaman kung mahal ka ng isang nilalang?
I closed my eyes tightly. I am waiting for that moment. That moment that I will be loved deeply and unconditionally. Wala na akong pakialam kung sino ang magbibigay noon. Kung bilang isang magulang, kapatid, kaibigan o ano pa man. Ang mahalaga ay maranasan ko iyon.
Ayon sa isang kawal ay umalis si Tatay para samahan si Nanay. Everything is back to normal. Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil kahit wala akong malay, nasa tabi ko lagi noon si Tatay. Sana ay magtagumpay na sila sa paghahanap. Alam kong pagod na pagod na ang mga magulang ko. I want them to rest and enjoy their life. At mas maeenjoy nila iyon kung narito na si kuya Dustin.
Tigil muna ako sa pag-aaral dahil nagpapagaling pa ako. Kung tutuusin ay hindi ko na gusto mag-aral lalo na kung dito lang naman sa palasyo. Saan ko ba gagamitin ang mga napag-aralan ko? 'Di tulad ng mga mamamayan, hindi ko naman kailangan magtrabaho. Hindi ako papayagan ni Tatay lalo na at isa akong prinsesa. Alam ko na ang mga dapat matutunan. The history of vampires and many more. Kahit nga ang mga hindi kailangan na bagay ay natutunan ko na. Hindi ko alam kung para saan pa ang pag-aaral na 'to.
Hindi naman ako papasahan ng korona at magiging reyna ng palasyo. My Tatay and Nanay will live forever. Wala rin akong interes na mamuno dahil imposibleng mapangatawanan ko iyon. Gusto ko na ipatigil kay Tatay ang pag-aaral ko. Pero ano na ang iba ko pang gagawin kapag tumigil na ako sa pag-aaral?
Dumating ang gabi na lagi lamang akong nasa kwarto. Walang ibang ginawa kung 'di matulog, kumain at magbasa. Ramdam ko rin na malapit nang bumalik sa normal ang aking katawan. I will see Leo, soon. Gusto ko siya kumustahin at humingi sa kaniya ng tawad. Ang sabi ni Kamila ay dalawang linggo na nagpagaling si Leo.
Napaupo ako nang bumukas ang pinto. Umalis na si Kamila, ilang oras na ang nakalipas. Nagliwanag yata ang mukha ko nang makita si Tatay na pumasok sa aking kwarto. Agad akong tumayo at yumakap sa kaniya. He hugged me back, tighter, and kissed me on my forehead.
"How's my angel?" He asked. Tiningala ko siya at nginitian. Inabot ko ang batok niya at pilit siyang hinalikan sa pisngi. At dahil matangkad si Tatay ay napatawa siya nang mahirapan ako. Napasimangot ako ngunit nabura rin nang yumuko siya para mahalikan ko.
"I'm okay na, Tatay.." Malambing kong saad. Hinaplos niya ang aking pisngi. His dark orbs stared at me lovingly. Ngumiti siya at hinalikan muli ako.
"Back then, you are small like this," saad niya at iminuwestra ang mga kamay upang ipakita ang maliit na taas ko noon. He chuckled, "but now, look at you. You are already fully grown. But still, smaller than me!"
I laughed with him. Hanggang dibdib lamang ako ni Tatay. At gustong-gusto ko iyon lalo na kapag naglalambing ako sa kaniya. Kasi feeling ko, baby pa rin niya ako.
"But I'm still your baby!" I said. He nodded and caressed my cheeks.
"You'll always be my little baby, Patrisha. Always and forever," he said. Nag-init ang sulok ng aking mata at bago pa niya makita ay niyakap ko na agad siya.
Mas malapit sa akin si Tatay. Mula noon hanggang ngayon. Hindi man kami laging magkasama dahil laging wala sila at naghahanap, siya naman ang lagi sa aking bumibisita kumpara kay Nanay. And he's always telling me that I'm his daughter, that he loves me. At ramdam ko iyon sa kabila ng kaniyang mga pagkukulang. Ngunit kahit ganoon ay pantay ang nag-uumapaw kong pagmamahal sa kanilang dalawa. Kaya siguro ako ganito nangungulila sa kanila.
Tumunog ang pinto sa muling pagbukas nito. And Nanay walked gracefully towards us. Her beautiful face was serious.
"How's your feeling, Patrisha?" She asked. Mabilis na tumibok ang aking puso. Tila nakikila nito ang kakaibang pakiramdam na hatid ng tingin ni Nanay. I think something I don't want will happen.
"O-okay lang po, N-nanay.." While staring on her face, my feelings began to overflow. Ramdam na ramdam ko ang pangungulila sa kaniya.
She sighed and shook her head. "I don't want this, but this is the best for you, sweetheart." She uttered. Kumunot ang noo ko at lalo akong dinagundong ng kaba.
"Nanay?"
"Lilipat ka sa kwartong iyon, Patrisha." Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon at agad umiling.
"Nanay, ayoko po. Tatay.." Tinignan ko si Tatay na umiwas ng tingin. My heart clenched.
"You always find way to escape. Napapahamak ka at may nadamay pang iba. Take this as a lesson and also, we want to protect you." She added.
Umiling ako at umatras. My eyes began to blur because of verging tears.
"You won't do this to me, Nanay! 'Di mo ako ikukulong sa kwarto na 'yon. You already took away my freedom from me, pati ba naman ang paglalakad-lakad sa palasyo na 'to ay tatanggalin mo rin? Ang malaya kong pagkilos sa lugar na pinagkulungan niyo sa akin!" Hindi ko napigilang sumigaw. Napupuno ng sakit ang puso ko sa mga sinabi niya.
"This is the best for you," she added with expression that I didn't see clearly because of tears. Marahas akong umiling.
"No! Hindi, hindi pwede. Ayoko po. Magpapakabait na po ako, 'nay. Di na ako ulit tatakas. H'wag lang ganito," I begged. Halos lumuhod na ako. I heard their sighs. Akala ko ay may pag-asa pa, but it looks like that they already talk about this. At may desisyon na sila.
"Patrisha, please.." kahit si Tatay ay ganoon din. Humagulhol ako at sinabunutan ang sarili. Nag-aalala silang tumingin sa akin. Ang sama ng loob na inipon ko sa ilang taon ay nag-uumapaw na. Unti-unti iyon na gumagapang at bumalot sa puso ko. Hindi ko akalain na magagawa nila 'to.
"You are not my parents! Halimaw kayo sa paningin ko, mosnters! You did nothing but to hurt and disappoint me!"
"Patrisha, please try to understand us." Nanay tried to touch me. Lumayo ako at pinalis ang kamay niya. I heard Tatay called me but my anger is already taking over me.
"Understand? I did nothing but to understand you. Kayo, lagi ko kayong pilit na iniintindi. Kahit lagi niyo akong sinasaktan ay iniintindi ko pa rin kayo. Kayo ang hindi ako inintindi kahit kailan. Kahit kailan ay hindi niyo sinubukan tanungin kung ano ang nararamdaman ko. Never! I hate you! Ayoko sa inyo! Ayoko na!" I shouted. Pain washed their faces but I don't care anymore. I don't care anymore. Tutal, wala rin silang pakialam sa nararamdaman ko. At higit pang sakit ang nararamdaman ko sa halos buong buhay ko na sila ang dahilan.
Muli silang lumapit ngunit nauna ako sa pinto. I smiled bitterly, "H'wag niyo na ako ihatid, ako na ang pupunta roon ng kusa. Ito ang gusto niyo, 'di ba? Then I'll do it. I'll follow you for the last time." Mabilis akong umalis at iniwan sila. Umasa ako na hahabulin nila ako at babawiin ang sinabi, ngunit wala. Ni walang salita na namutawi. Baka masaya na sila ngayon dahil wala ng peste na mangungulit sa kanila. Wala ng peste na magpapapansin sa kanila at manghihingi ng atensyon. Wala ng peste na aalalahanin at magpaparamdam sa kanila ng guilt. O naparamdam ko ba 'yon sa kanila, ni minsan?
I left my room crying. Pilit kong pinigil ang pag-iyak ngunit kay hirap pigilan. I've been a bad daughter, ang sama ko. Ngayon ko lang iyon napagtanto habang naglalakad. Pero huli na. Nakapagsabi na ako nang kung anu-ano. Susundin ko na lamang ang gusto nila, tutal ito naman ang magpapasaya sa kanila, eh. At sana, mapatawad pa nila ako. Hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko. Dapat kahit anong gawin nila na masakit ay 'di ko sila sinagot nang ganoon. I'm wrong, so wrong and bad.
Ganito na ako kapabigat kaya napag-isipan na nilang ikulong ako. Mapait akong ngumiti at tinitigan ang pinto ng kwarto. Nakulong ako sa panibagong kulungan sa loob ng kulungan na kinalakihan ko. What an unlucky life.