Kabanata 6

1983 Words
Attacks Napaatras ako nang paunti-unting umatras si Leo dahil sa pag-abante ng mga bagong dating. I am sure about what I feel about them. They are not vampires. Hindi rin werewolf dahil wala ang kakaibang amoy na iyon. Not even witch. And now, I am so nervous about our safety. "Kung hindi, ano sila?" Leo murmured, like asking himself unconsciously. Napalunok ako. Pumikit ako at pilit na pinakiramdaman sila. Tumindig ang aking balahibo sa kakaibang naramdaman. Pamilyar ang kanilang presensya ngunit 'di ko lamang matukoy kung saan at kung kailan ko huling naramdaman ang gayang presensya na meron sila. But I know, I'm sure that they are familiar. "Mahirap kalabanin ang nilalang na hindi natin alam ang uri. Because we don't know what is their strengths, abilities, and weaknesses." Hindi ako nakaimik. Dahil tama ang sinabi ni Leo. Hindi man ako sanay sa pakikipaglaban- 'di tulad niya, it just take a common sense para malaman kung gaano kakomplikado ang aming sitwasyon ngayon. Halos manigas ako nang magsimulang kumilos ang kalaban. Nauna ang isa at sumugod. Agad na humakbang paharap si Leo, tila pinoprotektahan ako. Nakagat ko ang sariling labi nang magsimulang maglaban. Kamay ang ginagamit nila sa paglalaban. They also used their strengths and speed. Hindi man kasing-bilis ni Leo ang kalaban, halos ganoon din. That is one of Leo's advantages. Magaling ang kalaban. Halata ang lakas ng mga suntok na pinapakawalan ng kalaban. Halos marinig ang impact noon sa hangin. Pero dahil sa bilis niya na likas sa mga bampira ay nakaiiwas siya. Ang iba pa ay nanonood lamang habang nakahalukipkip. Natigilan ako nang tumigil ang kaharap ni Leo. Kumunot ang aking noo. Patuloy pa rin sa pagkilos si Leo. Mabilis ang kilos na nawawala at lilitaw bigla. At nang mapagtanto ko kung bakit ay huli na para mabigyan ng babala si Leo. The creature in cloak let out a very strong punch right after Leo stopped beside him. Napatakip ako sa bibig nang tumalsik si Leo. Pinag-aralan niya ang kilos ni Leo! Kaya siya tumigil ay para pagmasdan ang ginagawa niya. Nag-aalalang sinugod ko si Leo. Ngunit kahit anong bilis ko ay may humarang sa akin. Halos bumaon ang paa ko sa lupa nang pumreno. Kung hindi ko 'yon ginawa ay malamang, tumama ako sa katawan ng kalaban. The carpeted grass was ruined because of what happened. "Damn!" I uttered. Sinamaan ko ng tingin ang nasa harap ko. Alam ko na hindi siya natinag kahit 'di ko nakita ang kaniyang mukha na natatakpan ng cloak. He didn't even flinched. "Anong kailangan niyo sa amin?" Tanong ko. Nakita ko ang pagkibot ng kaniyang labi patungo sa isang ngisi. I can almost feel my knees weakened but I remained still. Hindi dapat ako magpapa-apekto sa kaniyang presensya. "Ano?" I almost shouted. Nasulyapan ko si Leo na sinugod na nang halos lahat ng kalaban. Leo is strong. Para saan pa't siya ang pinuno ng hukbo sa aming palasyo. Ngunit ngayon, I doubt if he can fight them all. Halos hindi niya mapantayan ang kakaibang lakas ng narito. Even though they fight him one by one, halata ang malaking pagkakaiba nila kay Leo. And now I am really wondering, what creatures are they. "Sa iyo lang.." sagot niya. Napalunok ako at napaatras. Humakbang siya at nakita ko ang pagngisi niya. I suddenly want to remove the hood that covered almost half of his upper face. Nanigas ako nang hawakan niya ang aking pisngi. Tumindig ang aking balahibo at napapikit. Scenes flashed on my mind. Katulad sila ng lalake na na-encounter ko sa garden ng palasyo ilang araw pa lang ang nakalilipas. Sigurado ako na hindi siya ang kaharap ko for some reasons. But there is something that made me think na pareho ang kanilang uri. Pare-pareho ang kanilang uri- lahat ng narito at ang dumating noon sa garden. I opened my eyes and stared at him, "Anong kailangan mo sa akin?" I tried to sound strong and intimidating. Bahagya siyang tumigil sa paghaplos sa aking pisngi. "Wala kaming kailangan sa'yo dahil ikaw mismo ang kailangan namin," sagot niya. Umihip ang hangin. Narinig ko ang mga tunog ng mga suntok na tumatama sa katawan. I can hear their attacks and I am sure that Leo is not in good condition anymore. "B-bakit? Bakit kailangan niyo ako?" tanong ko. Ngumisi lamang siya at unti-unting bumaba ang kaniyang palad sa aking leeg. And the next thing I knew, he's already choking me. Pilit kong hinabol ang hininga habang umaangat ako sa ere. I can't feel my feet touching the ground anymore. I was able to see what's happening to Leo and I noticed how exhausted he is already. Umikot siya sa ere para sumipa at sumuntok na mabilis lang na inilagan ng mga kalaban. Pinilit ko muli ang huminga. Hindi ako makapaniwala na ang dapat naming pamamasyal ay nauwi sa ganito. Hinawakan ko ang kamay niyang sakal ang aking leeg. Pilit kong tinanggal iyon para makawala. But he's strong enough to stay still. "B-bitawan m-mo ako!" I tried to shout. Nagpumiglas ako at pilit siyang inabot. Sinipa-sipa ko rin siya ngunit kaniyang ininda iyon. Nanatili siyang nakangisi sa akin na tila tuwang-tuwa siya sa nakikita niya. Tuwang-tuwa siya na hawak niya ako sa leeg. "Prinsesa!" I heard Leo shouted. Nasuntok siya sa panga dahilan para tumalsik. Halos nagiba ang paders. I watched him stood and tried to fight again. Nagpakawala ng mga suntok at pinilit na mapunta sa akin ngunit agad siyang naharang. Nangingilid ang aking luha sa hirap na nararamdaman. So this is the consequence of my stubbornness, huh? I want to hate myself now. Nadamay ko pa si Leo. But I just wanted to explore the world. I just want to be free... Kahit sandaling panahon. Bakit kailangan na ganito kakomplikado? I gritted my teeth. My vision became clearer and I felt my fangs became longer. Mariin ko na hinawakan ang kaniyang tuwid na braso saka binaon ang kuko sa kaniyang balat. Halos narinig ko ang pagtagis ng kaniyang mga ngipin. I motioned my nails up to his wrist. Pinanood ko ang pagdaloy ng kaniyang mga dugo. Suminghap ako ng hangin at napapikit sa amoy na nalanghap. Pagmulat ko ay itinapat ko ang palad sa kaniya. It seems like he didn't expected what I did kaya hindi niya nadepensahan ang sarili. Tumalsik siya at nabitawan ako. I fell on the ground. Ininda ko ang pagbagsak ng katawan sa lupa. Hinabol ko ang hininga at napahawak sa nananakit na leeg. Pakiramdam ko ay sakal-sakal pa rin niya ako. Habang 'di pa siya nakahuma ay tumayo na ako at lumapit kila Leo. Hindi ko 'to dapat basta gamitin ngunit wala na akong magagawa ngayon. Binukas ko ang palad at inangat ang kamay. Sunod-sunod kong pinatamaan ang mga kalaban ng liwanag na lumalabas mula sa aking palad. And as I expected, the effect of using my ability is already invading my body. Agad na nanghina ang aking katawan ngunit 'di ko iyon ininda nang mapansin na nanghina sila dahil sa atake ko na iyon. 'You shouldn't use this ability of yours when you are outside the palace, Patrisha. It can lead you to the worst danger...' Pinikit ko ang mata nang maalala iyon. Sorry, but I was left no choice. Mapapatay na nila si Leo and I can't let that happen. He risked his life for me at ano ba naman ang ginawa kong 'to kumpara sa nagawa niya sa pamilya ko. Lalo na kay Tatay. Agad akong lumapit sa kaniya. Sugatan na siya at bakas ang panghihina. Lalo akong kinabahan nang makita sa malapitan ang kaniyang estado. Hindi ko pa siya nakita sa ganitong sitwasyon, kailanman. And it only means one thing. That these creatures that attacked us are very strong and powerful. Hindi sila basta-basta. "L-leo.." bulong ko. Pinigil ko ang umiyak. Hindi ako dapat umiyak pero kay hirap pigilan. Tumulo ang mga luha mula sa aking mata. Nahihirapan siyang magmulat. Halos hindi ko na masulyapan ang asul niyang mga mata. "P-princess, please don't cry." Napalunok ako at tumango saka pinigil ang sarili. Napaigik ako nang may humila sa braso ko at halos bumaon ang mga kuko. Pag harap ko ay halos makabawi na sila mula sa atake ko kanina. Sinipa ko ang may hawak sa akin ngunit halos hindi siya naapektuhan kaya kinagat ko siya sa palapulsuhan. He cried in pain. His voice was deep and loud. Napaatras ako at sinipa siya muli. "Huwag kayong lalapit!" I shouted when I realized that they are walking towards us again. Binuka ko ang palad at sunod-sunod silang inatake muli ng liwanag. Ngunit nakaramdam ako ng lalong panghihina kaya itinigil ko iyon nang makita na nawala na naman sa akin ang atensyon nila. Nilapitan ko si Leo. Halos nanghihina na rin ang mga kalaban. Nang biglang dumating sila ay hindi kami nakapag-teleport kaya maaaring sila ang dahilan noon. Kung ganoon, ngayon na wala na silang konsentrasyon ay maaari ko ng magawa iyon. Huminga ako nang malalim at hinawakan si Leo. Halos maiyak ako nang mas mapagmasdan ang kalagayan niya. I can sense how badly hurt he is. He already need the medical attention, as soon as possible. I notice that the surrounding of his wounds are turning black. Hindi normal na sugat na maaaring matamo. Dapat ay maya-maya, maghihilom na iyon at hindi siya ganoon kaapektado. But this is different. As seconds passing by, his condition worsens. "A-aalis na tayo.." Humikbi ako. Ngunit natigil iyon nang may humila sa akin. Napakahigpit ng hawak niya sa aking braso. Napangiwi ako nang tila bagay lang niya akong tinapon. Nalukot ang mukha ko at pilit na tumayo. Sinapo ko ang likod na labis na napuruhan. Pagtayo ko ay muntik tumama sa akin ang suntok. "Sumama ka na lang sa amin para hindi ka na masaktan pa," one of the guy stated. I gritted my teeth more when I saw him smirking at me. Pinatamaan ko siya ng liwanag na agad niyang naiwasan. Someone attacked me from behind. Kinulong ng kaniyang braso ang aking leeg. Agad ko iyon na hinawakan at buong lakas siyang binalibag. Sinunod-sunod ko na ang atake upang hindi na sila makalapit pa habang paunti-unti akong bumalik kay Leo. Mas lalo kong naramdaman ang panghihina ng katawan ko. Medyo nahihilo na rin ako at nanghihina ang tuhod. Nang masulyapan ko si Leo ay hindi ako makapaniwala sa kaniyang kalagayan. This is his worst state I've ever seen, so far. And it is so bad. Nakakatakot na baka ikamatay niya kung hindi pa ako magmadali. Halos mapaluhod ako nang lumapit sa kaniya. My bones are already weakening. Sandaling dumilim ang aking paningin, kasunod ay ang pag-agos ng likido mula sa loob ng aking ilong. I gasped for air and closed my eyes tightly. I can hear them approaching again that's why I tried to teleport ngunit halos 'di ko na kayanin. I made a shield for us. Hindi ko na nakayanan pang gumawa noon gamit ang liwanag. Tanging manipis na apoy na lang ang nagamit ko. And I realized that I am already on a worst state when I saw that it isn't a blue flame. Namana ko iyon kay Tatay. At ngayon na hinang-hina na ako, kulay pula na lang ang nagagamit ko. Ang pinakamahinang uri ng apoy. Pinahid ko ang dugo na lumalabas mula sa aking ilong at suminghap ng hangin. I can't see them clearly. They are already blurred on my vision. Nanghihina na rin ang shield na ginawa ko. Putting all the remaining strength I have, I tried to teleport with Leo again. Nang lumitaw kami sa palasyo ay bumagsak ang katawan ko. Kahit anong pilit kong imulat ang mata ay hindi ko na magawa pa. I can feel the panic and nervousness that creatures around feel. "A-ang prinsesa! Bilisan niyo!" Halos makahinga ako nang maluwag nang marinig ang pamilyar na boses ni Leizel. Atleast I know we are safe already. No one can harm me, anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD