They are not
Sa mga sumunod na araw ay hindi na ako bumababa kapag dumarating sila Nanay. Maybe they will be curious about my absence. Maybe they will go up here in my room and check me if I'm okay. Ngunit lumipas ang mga araw ay hindi iyon nangyari. Naririnig ko ang pagdating nila. I always anticipate for them to go upstair. Ngunit bumabagsak ang lahat sa tuwing lumiliko sila at hindi tumutuloy sa kwarto ko.
Lalong luminaw sa akin ang lahat. Na ang tanging nakakapagpaalala sa kanila na may anak pa silang isa, ay sa tuwing nagpapakita ako. Paano kaya ngayon na hindi nila ako nakikita? Maybe, they already forgot about me. They forgot that they still have a daughter.
Pumikit ako at pinilit na humalo sa hangin. Ngunit sa tuwing sinusubukan ko ay bumabalik lamang ako sa aking kama. Hindi ko alam kung paanong may mahika na naman ang palasyo kaya hindi ako makatakas gamit ang teleportation. Sinabi ba nila kay Nanay, that's why she activated it again? Pero bakit hindi niya ako pinagalitan? Maybe, she's already too tired to scold me.
I suddenly felt guilty. Kahit naman na sinabi ko na kaya ako umalis para makapagliwaliw, isa rin sa dahilan noon ay mapagalitan ako ni Nanay. Para mapansin nila ako. And now, maybe she learned about it but she's already too tired para pagsabihan ako. Am I a bad daughter for provoking her?
I ran my fingers through my hair before I stood and took a glance of myself in front of the mirror. All I can see is girl with a cheerful aura and sweet smile. Kahit sarili ko, kaya ko lokohin na masaya ako. I'm wondering, when will be the time that someone will know about my true feelings? Kailan siya darating? He or she that will know that every smile I flash is just an additional to my facade. That I love to wear a mask.
Huling sulyap ang ginawa ko bago tumungo sa hardin. Umupo ako sa upuan at pinagmasdan ang paligid. Memories flooded my mind. I suddenly remember the time that we are still complete. Iyong panahon na masaya pa kami at tunay ang ngiti ng aking mga magulang. Dustin was always at my side, guiding me on each steps that I do.
Napalunok ako sa alaalang iyon at nasapo ang dibdib. I suddenly became aware how much I miss my twin brother. Kung narito siya, hindi lang sila Nanay at Tatay ang magiging masaya. Pati ako. He's always at my side. Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng isang luha. He always want to be a brother to me.
Naaalala ko pa ang bata niyang mukha ngunit marunong ng magsungit. I'm a little bit afraid on him because of his intimidating presence. Magkasingtanda kami ngunit mas nauna siyang nadevelop sa akin. He possess the characteristics of vampires kaya mas mabilis siyang lumaki, hindi katulad ko na katulad daw kay Nanay noon. At siguro, dahil na rin doon, Kuya Dustin saw me as a fragile thing. That's why he's so protective towards me.
Bata pa man ako ngunit naaalala ko pa ang ilang mga pangyayari noon. I felt so bad about myself. Noon, lagi akong naiinis sa kaniya dahil sa labis niyang pagbantay sa akin. Pero ngayon, all I can feel is longing. I miss his strict expression. His kisses on my forehead, his warm and small hugs for me. Ang pagsinghal niya sa akin sa tuwing hindi ko siya tinatawag na kuya.
I'm sure, kung hindi siya nawala ay hindi ganito kamiserable ang lahat. I won't ever feel alone because literally, he's my other half. At kung hindi lang din nawala si kuya Dustin, sana may isa pa kaming kapatid.
Pinikit ko nang mas mariin ang mata. I want to remember what happened on the past. Bakit nawala ang kuya ko at ano ang nangyari. But all I can see is pure black and I don't know why. Ang sabi nila Nanay ay basta na lang siya nawala. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ako makontento sa sagot nilang iyon. It's like, there's something that they are hiding. All I know is, he lost and Nanay lost the unborn child at the same time because of depression.
Sa lahat ng sakit na nararamdaman ko emotionally, I always try to understand them. They lost two of their children. Ang isa ay wala na talaga samantalang ang isa pa ay maaaring buhay pa. But a certain thought is trying to invade my mind, sometimes. They already lost two of their children, kaya dapat ay matakot sila. They should love me more. Mas pahalagahan dapat ako dahil sa kaisipan na baka ako rin ay mawala. But it is the total opposite. Baliktad ang nangyayari.
I'm not prefect. Maybe, the goddess's blood is running on me but that is not enough to have a prefect understanding. Anak din ako. Anak na nag-aasam ng atensyon at pagmamahal nila na kanilang pinagkakait.
"Mahal na prinsesa..."
Napamulat ako nang may tumawag sa akin. Pinahid ko ang luha at nilingon ang nilalang sa aking likod. I didn't expected that it is Leo, ang pinuno ng hukbo sa palasyo.
"Leo, anong ginagawa mo rito. You should be with my parents, right?" I asked. Pinasadahan ko ang buhok at tinignan siya.
With his deep set of dark blue eyes, he stared at me like analyzing something. Leo had been serving my father for a long time. Hindi ko alam kung ano na ang kaniyang edad ngunit sa mundong ito, age isn't a big deal. Dahil kahit anong tanda pa noon ay nananatiling bata ang hitsura namin.
Katulad ni Leo. Matikas siya at masasabi ko na gwapo. His pale skin accentuated his blue eyes. Matangkad din siya at minsan ko na nasukat na umaabot lamang ako sa kaniyang dibdib. Kulay tsokolate ang kaniyang buhok at laging seryoso ang mukha. But when it comes to me, he smile more often.
"King Austin asked me to look over you."
Kumunot ang aking noo, "Bakit?" I asked. He shook his head and smile a bit. Lumitaw ang malalim na dimple sa kaniyang kanan na pisngi. Napabuntong-hininga ako. Leo is really handsome. He always look fresh and clean. Presentable lagi at alam ko na nagtatago sa ilalim ng kaniyang kasuotan ang maganda niyang katawan.
Pumula ang aking pisngi sa naiisip. Hindi tama na ganito ang iniisip ng isang babae na tulad ko!
"You're sad," he stated. Napanguso ako at nagtakha sa tinuran niya. Paanong nalaman niya gayong nakangiti naman ako?
"Bakit malungkot ang munti naming prinsesa?"
Lalo akong namula sa lambing ng boses niya. Umiwas ako ng tingin. His voice is always authoritative. Pero pagdating sa 'kin ay nagiging gentle iyon. Maybe because I'm the princess. Of course! That's the reason.
"H-hindi na ako munti!" Halos pasigaw kong saad. I heard his deep voice chuckled. Pakiramdam ko ay mas uminit pa ang aking pisngi.
"Kung iyon ang gusto mo.." he uttered. Huminga ako nang malalim at umupo nang tuwid. Taas noo ko siyang tinignan. I shouldn't lose my poise because of him!
"Malungkot ako kasi.." I gulped and look everywhere except on him. I sighed, "kasi malungkot ako."
Tumango siya at tumitig sa akin. I tried to smile on him saka agad na tumayo. Lumapit ako sa kaniya at kumapit sa braso. Natigilan siya na tila nabigla sa aking ginawa bago umiwas ng tingin.
"Leo, labas tayo. Please.." Pilit kong hinuli ang kaniyang paningin and did my cutest puppy-eye ever. Lumabi pa ako sa kaniya at pinagsiklop ang dalawang palad.
"M-mahal na prinsesa, h-hindi maaari.."
Pilit siyang umiwas ng tingin. I stomped on the ground at bumitaw sa kaniya. Umupo ako sa damuhan nang pabalang saka pinagsusuntok ang kaniyang binti.
"Leo, naman! Please! Pretty please! Promise, mabait ako. Malungkot ako kasi pinagkakait sa akin ang makalabas. Ayaw ba nila Nanay at Tatay na malaman ng iba na may isa pa silang anak?" Humikbi ako at lumabi, "kinahihiya ba nila ako?"
Yumuko ako at kinusot ang mata. I heard him sighed. Lumuhod siya sa harapan ko, ang isang tuhod ay nakalapat sa sahig na tila isang prinsipe. Sunod ay iniangat niya ang aking mukha at nakipagtitigan sa akin. I was almost drowned by his deep set of eyes.
"Hindi, mahal na prinsesa. Mahal ka nila. All they want is your safety."
Umiwas ako ng tingin at binalewala ang kaniyang sinabi. Of course, he's the most honest servant of my parents kaya roon siya kakampi. He's loyal to Tatay.
"Labas tayo. Please? Leo, wala naman mangyayari sa atin na masama because you're here!" I said, firmly.
He sighed and nodded. Napangiti ako at halos mapalakpak. Gumana ang drama ko!
"Paano tayo lalabas?" I excitedly asked.
"Through teleportation."
Napasimangot ako at humalukipkip, "We can't. There's a barrier."
He smiled and shook his head, "It's only effective for you. But since I am going with you, hindi iyon gagana. May basbas ang reyna na ibinigay sa akin upang makalabas at pasok nang mabilis sa palasyo."
"But the barrier might feel me." I bit my lips.
"Just trust on me. Can— can I hold your hand?" Nahihiyang tanong niya habang nakatitig sa kamay ko. I bit my lowerlip and open my palm. Nginitian ko siya nang hawakan niya ang aking kamay at sabay kami na humalo sa hangin.
Akala ko ay hindi ako makalalabas. But because he's holding me, I was able to pass through the barrier. Tinitigan ko ang mataas na tarangkahan ng palasyo at humagikhik. Pagtingin ko kay Leo ay nakatitig siya sa akin habang nakangiti.
"Let's go?" he asked. Agad akong tumango dala na rin ng pananabik.
Una kaming pumunta sa pamilihan. Nakalimutan ko magdala ng cloak. Hindi ko naman akalain na makalalabas talaga ako ngayon. Leo bought a red cloak for me. Hindi man iyon kasing gara katulad ng meron ako sa palasyo, maganda pa rin iyon at ang mga desinyo. Agad ko iyon na sinuot pati ang hood.
"Bakit hindi nila ako pwedeng makilala, Leo? Atsaka, parang maaalala naman nila ako. Kay tagal ko nang nakakulong sa palasyo at hindi na siguro ako maaalala ng iba."
"Para sa kaligtasan mo, mahal na prinsesa."
Napasimangot ako at tumingin sa mga bagay na ipinagbibili ng mga nilalang. I was also amazed becase it is my first time to see different creatures in one place.
"At alam mo ba, Leo? Parang hindi na talaga nila ako kilala. I thought that they didn't saw me for a long time kaya 'di nila ako maalala. But I realized that vampires and other creatures here have a sharp memory. Imposible na makalimutan nila ako. O, baka namn ay binura ang alaala ko sa kanila. If that's even possible," saad ko. Tinignan ko siya at hinintay na magkomento ngunit hindi siya umimik. I sighed at pinagsawa na lamang ang mata sa paligid.
Nakita ko na ang mga lugar na 'to sa mga larawan. Pero iba pa rin pala kapag personal na nakikita. Everything is lively and energetic. And somehow, it brings joy on me watching them. Nakatutuwa na sa kabila nang pagiging abala ng aking mga magulang ay nagagampanan pa rin nila ang tungkulin sa kaharian. Nagagampanan pa rin nila nang maayos ang pagiging hari at reyna ng kanilang nasasakupan.
And somehow, I envy these creatures.
Ramdam nila ang pagmamahal nila Nanay at Tatay sa kanila, dahil na rin sa mga magagandang gawain at proyekto na nakasaalang-alang ang kanilang pangangailangan. Sa ganitong paraan ay naihahatid nila Nanay ang pagmamahal nila sa mga mamamayan.
I sighed and shook my head. Hindi tama ang ganitong pakiramdam. Envy isn't good. Kung naririnig man ako ng ina ni Nanay ngayon, baka masyado na siyang dissapointed sa akin. Because I am always feeling those emotions that I shouldn't. Jealousy and envy are not good.
Pinilit kong ngumiti at winaglit sa isipan ang lahat. I should appreaciate the things around dahil minsan lamang ito nangyayari sa buhay ko. Na makalabas at malayang makapaglakad-lakad upang magmasid sa paligid. Nilingon ko si Leo and I caught him staring at me. I smiled at him and tugged his arm.
"Thank you so much, Leo. You made me happy."
Tumango siya at ngumiti bago umiwas ng tingin at pinilit na itago ang ngiti na kanina ay gumuhit sa kaniyang labi.
"May mas maganda pa akong ipapakita sa'yo, prinsesa."
Napalingon ako sa kaniya at nanlaki ang mata. He chuckled on my reaction.
"Talaga? Saan?" I giggled. He shook his head while laughing. Natigilan siya sandali at inilahad ang kamay. Ngumiti ako at inilagay ang aking kamay sa ibabaw noon. He smiled before we vanished on the thin air.
Pagmulat ko ng mata ay bumungad sa akin ang mataas na gate. Kulay ginto iyon at halos kuminang sa tuwing natatamaan ng liwanag. Mayroong mga vines at bulaklak na nakapulupot sa may mga bandang gilid, making it so majestic and enchanted for my eyes. And the butterflies with big and wide wings in different colors gave accent to the magical aura of the place.
"L-leo, ano 'to?" I asked. Hawak pa rin niya ang aking kamay nang itulak niya ang gate.
"Makikita mo, mahal na prinsesa.."
Bumukas nang malawak ang gate. Green surrounding welcomed me. Ang sahig ay nilatagan ng malambot at pantay na d**o. Ngunit may mga natatanging parte na sementado at kwadrado ang hugis. We stepped on each of it and it brought us to the best place I've ever seen.
Sa gitna ay may malaking fountain kung saan estatwa ng babae ang pinaka-agaw pansin. Nasa pinakatuktok siya. Tatlong layer na pabilog at siya ang pinakataas. Sa kaniyang paanan ay may lumalabas na kulay gintong tubig.
"Paanong ganiyan ang kulay ng tubig?" I asked. And I can't hide my amazement.
"Ang reyna ang may gawa niyan," Leo said. Nanlaki ang aking mata at napangiti.
Ang galing talaga ng Nanay ko!
"Sino ang babae na iyan?" Itinuro ko ang babae. Napakaganda ng pagkakagawa sa bawat sulok ng estatwa. It was detailed and made amazingly.
"The Goddess, your grandmother. Ang mga mamamayan ang gumawa ng fountain na ito. Hindi nila alam ang 'itsura ng Diyosa kaya ginawa nila ang sa tingin nila ay tama. The Queen told them that they can do it as a lady who is wearing a very beautiful gown. She have a long wavy hair and perfect features. Wala silang batayan at nag-suggest lang ang reyna. Because you know, they must not know that the Queen have a connection to the Goddess," ani Leo. Tumango-tango ako, hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.
Maraming mga makukulay na bulaklak sa paligid. The trees around were trimmed neatly. May pavilion na halos ginto ang ginamit na materyal. May mga nakapulupot din doon na vines at mga bulaklak. Sa kabilang bahagi ay may duyan, gawa sa ugat ang tali.
I sighed and can't help but to appreaciate the things around.
"Para saan 'to, Leo? Ang ganda-ganda!"
"The creatures dedicated this to the Goddess. Naging masagana ang mundo natin noong mga nakaraang taon, hanggang ngayon. At higit pa roon, nabiyayaan ng mga anak ang mga nilalang at halos babae pa. Isa iyong malaking biyaya, at bilang pasasalamat...ito ang ginawa nila."
Napatango ako at umupo sa duyan. Leo smiled at me before going on my back. Dahan-dahan niyang tinutulak ang duyan. Marahan lamang. Malamyos na humampas ang hangin at malambing na dumampi sa aking balat.
"But for the oldest witch, the Goddess wants to say something. May nais siyang iparating sa mga bagay na ginagawa niya. At maaaring para iyon sa hari at reyna."
Natigilan ako at bahagyang tumagilid. Nilingon ko siya na nakatunghay sa akin.
"Ano naman 'yon? Bakit 'di na lang niya sabihin agad kila Nanay?" I pouted.
He smiled gently, "She's not like that. She wants us to learn something with ourselves. Magbibigay siya ng mga clue at tayo ang bahala. Some are trying to decipher her message ngunit ang iba ay naniniwalang biyaya talaga niya ang lahat at wala ng iba."
"Oo nga naman," I nodded and ran my finger through my hair. "Ano naman ang mensahe niya roon? Mga batang babae? Binibigay niya ay babaeng anak sa mga magulang. Anong meron sa anak na babae?"
Napaisip ako. Ngunit wala akong maisip na dahilan. Maybe, others are just overthinking. Baka nais lang naman talaga na magbigay ng Diyosa ng mga biyaya. Wala ng ibang kahulugan.
"Alam mo Le-"
"s**t!"
Nabigla ako nang hilahin ako patayo ni Leo. He put me at his back. Magtatanong sana ako kung bakit ngunit nalaman ko rin nang makita ang mga nilalang sa aming harapan. Hindi namin sila makita dahil may suot silang mga hood.
"L-leo, kalaban sila."
Tumango siya. Humawak ako sa kamay niya at pilit na humalo sa hangin. But in my horror, we can't teleport!
"A-anong nangyayari?" I asked. Sinubukan ko ulit nang paulit-ulit ngunit hindi pa rin kami makalabas. Napalunok ako at pinakiramdaman sila. May sumugod at agad na pumosisyon si Leo, handa para lumaban.
Kinabahan ako sa pamilyar na pakiramdam.
"L-leo. They are not vampires, nor witch. Not even werewolf!"