Left
Masyado akong maaga na nagising. Napanaginipan ko kasi sila Nanay at Tatay. I saw Nanay crying hard while Tatay was hugging her tightly. Malamang dahil iyon kay Dustin. Hindi pa rin nila nakikita at bigong-bigo pa rin sila. I suddenly want to see them and hug them so tight. Kaso nga lang, kapag naroon ako at sinusubukan na lumapit sa kanila at makipag-bond ay sila mismo ang lumalayo. They will push me away because Nanay needs to sleep and rest already while Tatay will say that Nanay needs him.
Ang mga kasambahay sa paligid ay hindi sapat. Ano ba ang gagawin ko sa mga iyon? Ni hindi ko sila kamag-anak. Ang kailangan ko ay mga magulang ko, but it isn't mutual. I'm nothing for them. Responsibilidad na lang siguro nila ako, o hindi na talaga kasi 'di naman nila nagagampanan ang kanilang dapat na katayuan sa buhay ko.
Ang lahat ng nilalang siguro ay ganoon. They refuse to see and give importance to the things that they have. Instead, they will look for the things that they don't have and desires it too much, to the point that they forgot to see the thing that is around them. That thing that is crying and begging for their love and attention.
Kapag siguro pinagbigyan ako at maalala nila ako muli- na may anak pa sila, gagawin ko ang lahat para hindi na maulit ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pwede naman nilang hanapin si kuya Dustin na naaalala pa nila ako, 'di ba? Pwede naman nilang mahalin si kuya Dustin na nabibigyan din nila ako ng pagmamahal na dapat ko naman talagang natatanggap. Is it require to forget me in able for them to see my twin brother?
Naiisip ko tuloy, kung ako ba ang nawala hahanapin din nila ako? Oo, siguro. Pero kahit ako ang nawawala, ayokong maranasan 'to ni kuya Dustin. I don't want him to feel this, being neglected, forgotten and unloved. I don't want him to be taken for granted.
Kasi ngayon, iyon ang nararamdaman ko. Simula noon, hanggang ngayon...
Mariin akong pumikit at huminga nang malalim. Gabayan mo po sila Nanay at Tatay sa lahat ng ginagawa nila. At sana po mahanap na nila si Dustin. Para maging masaya na sila. Para bumalik na iyong dati nilang sigla. Para-para maging kumpleto na sila.
Tumayo na ako nang paunti-unti ng kumalat ang liwanag sa madilim na kapaligiran. Kahit magulo pala rito sa mundo ng mga tao, tahimik naman pala sa umaga. I can hear the peaceful morning. Maligayang nag-iingay ang mga ibon.
Lumabas ako ng kwarto at naabutan ko si Lucille na naghahanda ng mesa. Her face lit up when our eyes met. Hinila niya ang isang upuan at iginiya ako paupo roon.
"Halika na, mag-umagahan na tayo.."
Umupo ako at pinagmasdan ang nakahanda sa hapag. May tig-isang mangkok sa harap namin at may laman iyon na kulay dark brown.
"Champorado 'yan. Naku pasensya na, 'yan lang ang maihahanda ko. Hindi ko alam at 'di ko rin afford ang mga pangmayaman na pagkain na nakasanayan mo," aniya.
Hindi ako umimik at hinawakan ang kutsara. May ibinuhos siya roon na tila gatas mula sa maliit na lata saka niya pinahalo sa akin. Napangiti ako nang matikman ko iyon at tumango.
"Masarap," saad ko. Ngumiti siya at pinalamanan ng keso ang tinapay saka inabot sa akin. Tinanggap ko iyon saka nagpatuloy sa pagkain.
"Kapag tapos ay mag-asikaso ka na. 'Di ba gusto mo magkaroon ng pera?" tanong niya. Agad akong tumango, "oh, siya. Dadalhin natin iyang hikaw mo at ibebenta natin. Marami kang mabibili pagkatapos."
Iyon nga ang ginawa namin pagkatapos. Binigyan niya ako ng kulay maroon na spaghetti strap dress. Umabot ang laylayan nito sa gitna ng aking hita kaya hindi ako mapalagay. Iyong doll shoes ko na lamang ang sinuot ko para sa paa. Nilugay ko lamang ang aking buhok.
Samantalang siya ay ganoon muli ang aura. Elegante at sopistikada. Napailing ako at sumunod na lamang sa kaniya palabas.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko. Sinulyapan niya ako at ilang beses siyang napakurap.
"S-sa mall," aniya. Tumango ako at sumabay sa kaniya sa paglalakad.
Sumakay kami sa isang sasakyan. Aniya, jeep daw ang tawag doon. Marami kaming kasama at lahat sila ay nakatingin sa akin. I arched my brow and rolled my eyes on them. Bakit ba sila titig nang titig sa akin? Habang tumatagal ay naiirita na ako!
"Babe naman!" Biglang sinampal ng babae ang lalake na katabi niya. Natigil ang lalake sa pagtitig sa akin saka hinarap ang babae.
"Ano ba 'yon babe?"
Ang sunod ko na lang na alam ay nagsasakitan na sila at nagsisigawan sa loob ng jeep. Nanlaki ang mata ko. Napakapangahas nila! Ang lakas ng loob mageskandalo sa harap ng maraming tao. Napailing si Lucille at pumara saka kami bumaba. Bago pa man kami tuluyang makalayo ay narinig ko ang garalgal na boses ng lalake.
"Baliw na baliw na ako sa'yo babe! Nakakahiya ka! Wala ka na talagang pinipiling lugar!"
Mall pala ang tawag sa lugar na pinuntahan ko kahapon. Muli kaming pumasok doon ni Lucille. Paikot-ikot kami at wala namang problema sa akin iyon. Halos kabubukas palang ng ibang parte doon.
Isang oras pa ang lumipas ay napakasigla na ng lugar.
"Gusto mo ba noon?" Mahinahon na tanong ni Lucille. Agad naman akong tumango kahit hindi ko alam ang tinuro niya. Nang lumapit kami ay nabasa ko na frappe ang tawag doon.
She gave me a chocolate flavor one. Siya'y hindi bumili para sa kaniyang sarili.
"Ayaw mo?" Inalok ko siya ng frappe ko. She shook her head weakly. Tumango ako at nagpatuloy sa pagsipsip. Masarap ito! Sa susunod, magpapagawa ako nito sa palasyo.
"Teka, dito ka lang.." aniya. Kumunot ang noo ko ngunit sumunod pa rin sa kaniya nang paupuin niya ako sa upuan na gawa sa makinis at makintab na kahoy. She smiled on me.
"Ibebenta ko na 'to." Ngumiti siya sa akin muli. Tinutukoy niya ay iyong dalawa kong hikaw na nasa kaniya. Ngumiti ako pabalik at masiglang tumango.
"Sige. Pagbalik mo, kain tayo sa Jollibee, a?" I smiled on her sweetly. Natulala siya sandali bago tumango nang dahan-dahan. Umatras siya habang nakatitig sa akin. There is something on her eyes that I can't explain. Hanggang sa tumalikod na siya at naglakad paalis. Pero ilang hakbang pa lang ang layo niya ay tinawag ko siya. Marahan niya akong nilingon.
"Lucille!" Kinawayan ko siya, "balik ka kaagad ha? Hihintayin kita. Bilhan mo ulit ako ng frappe pagbalik mo!" I giggled on her. She smiled weakly and nodded. I sighed and watched her slowly fading on my sight.
Tinignan ko ang hawak ko na frappe at sumandal sa upuan. Pinanood ko ang mga dumadaan na tao. Hindi ko namalayan ang oras. Habang tumatagal ay mas dumarami na ang mga tao. Ubos na rin ang aking frappe ngunit wala pa rin si Lucille. Mas madami bang tao sa binebentahan ng hikaw, kesa sa Jollibee? Kahapon kasi inabot lamang siya ng kalahating oras. Pero ngayon tanghali na, ayon sa narinig ko sa isang tao.
Inilapag ko ang walang laman na frappe sa aking tabi at pinaduyan-duyan ang paa. Ilang buntong-hininga na ba ang pinakawalan ko? Pero wala pa rin si Lucille. Bakit nalulungkot ako? Bakit masakit ang puso ko?
Hindi naman gagawin sa akin iyon ni Lucille...
Dumaan pa ang ilang oras. Sumakit na ang tiyan ko sa gutom. Napalingon ako sa may likod kung nasaan ang pamilyar na bubuyog. Baka nasa loob si Lucille at bumibili na ng pagkain!
Tumayo ako at naglakad patungo roon. Napapikit ako nang malanghap ang mabango na amoy ng mga pagkain. Hindi ko mapigilang tignan ang mga tao na masayang kumakain. Karamihan sa kanila ay pamilya. Umiwas ako ng tingin at hinanap si Lucille ngunit wala siya. Kahit sa pila, wala.
Bumalik ako sa upuan. May katabi na akong babae pagbalik ko. I sighed and leaned my back on the backrest. Napanguso ako at tinignan ang hawak ng babae na cellphone. May kung ano na nakatusok sa may itaas noon at konektado sa kaniyang tenga. Naririnig ko ang tugtog mula roon!
Napangiti ako at tinignan ang mabilis niyang pagtipa sa cellphone.
Asan ka na?
Bhe: Lapt na ako bhe!
Blisan mo na. Mamaya full na ang SOGO
Bhe: Yes bhe! s**t excited na ako!
Ako, hnd mxado
Bhe: Bakit bhe?
Eh kasi bibitinin mo nmn ako. Btn na nga yng sayo kasi mliit tapos ang bls mo pa mtpos. Tngina.
Bhe: Mmya hnd na bhe.
Siguraduhin mo lang. Gago k
Bigla siyang tumigil sa pagtipa. Kumunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Baka pag natapos niya ang dapat sasabihin ay maintindihan ko na. Nanlaki ang mata ko nang makita na nakatingin na pala sa akin ang babae. Pinanliitan niya ako ng mata kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit ka nagbabasa ng text?" she asked. Matinis ang boses niya kaya nairita ako.
"What? I'm not reading! I don't even know that SOGO thingy and also that you're always bitin. How dare you to accuse me?!" I shouted back. Napapahiya naman siyang yumuko.
"Sorry. Akala ko kasi nakibasa ka. Hehehe," aniya. Tumayo na siya at umalis sa tabi ko. I pouted and look around again.
Muli akong bumuntong-hininga. Hindi ko na alam ang dapat gawin. Mabait si Lucille. Tinulungan niya ako at pinatira sa bahay niya. Pinakain niya pa ako. Pero nasaan siya ngayon? Napatayo ako nang may maisip. Baka napano na siya? Baka may nanakit sa kaniya o napahamak siya! Pero hindi ko alam kung saan dapat pumunta. Baka kailangan niya ng tulong ko..
Hapon na nang magpasya akong lumabas. Gutom na gutom na ako. Nakalimutan yata ako ni Lucille balikan kaya pupuntahan ko na lang ang bahay niya. Naaalala ko naman ang dinaanan namin kanina. Sa gilid lamang ako ng daan para hindi matamaan ng sasakyan. Kawawa naman ang tao kapag sinira ko ang kaniyang sasakyan.
Kung pwede lamang na tumakbo na ako. Kaso hindi maaari dahil magtatakha ang mga tao sa kakayahan ko. Normal lamang sila at walang ganoon na kakayahan. Kaya madilim na nang marating ko ang bahay ni Lucille. Pagod na pagod ako ngunit kahit ganoon ay nakangiti akong kumatok.
"Lucille! Nandito na ako!" Masigla kong saad. Pinagpawisan na ako sa init na naranasan. Mamaya, maliligo ako nang matagal. At sana binilhan ako ng Jollibee ni Lucille. I'm already hungry.
"Lucille!" I knocked louder.
"Ineng. Wala ng tao riyan. Umalis na, kanina pang mga alas-diyes.." Saad ng matanda. Natigilan ako at kumunot ang noo.
"S-saan siya pumunta?" Napapaos kong saad. Nagkibit-balikat siya.
"Hindi ko alam. Pero mukhang hindi na 'yon babalik dahil dala yata ang lahat ng gamit. Malalaki ang bag. May maleta pa."
Tumango ako at nanghihina na humakbang palayo. Nasaan na siya? Sabi niya babalikan niya ako. I closed my eyes tightly and teleported on the mall. Nanlaki ang mata ng babae at lalake na nakaupo sa upuan kanina kung saan ako iniwan ni Lucille.
"Nandito ba si Lucille kanina?" tanong ko. Kapwa nanlalaki ang mata nila at umiling.
Napahikbi ako nang may mapagtanto.
I'm all alone again.
Kinusot ko ang mata at nilibot ang tingin sa paligid. Sabi niya, babalikan niya ako. Nasaan na siya kung ganoon? Bakit niya kinuha ang mga gamit sa kaniyang tirahan? Bakit hindi niya ako binalikan?
Pimahid ko ang luha at kinuyom ang kamao. I must not cry for a worthless creature. Niloko niya ba ako? Niloko niya nga ako. Kaya niya ako kinupkop ng isang araw dahil sa hikaw ko na malaki ang halaga rito. At hindi iyon ang kinasasama ng loob ko. I have tons of diamond on our palace. Ang kinagagalit ko ngayon ay ang pagtitiwala ko sa kaniya. Damn it! I trusted her and this is what I've got. This is her return?!
Sana sinabi na lang niya na hindi niya ako babalikan. Sana sinabi niya na gusto niya ang hikaw ko because I will give it to her quickly. Sana hindi niya ako pinaghintay. Ganito ba talaga? Iyong gagawa ka naman ng mabuti pero kalokohan lamang ang matatanggap mo pabalik?
Bakit? Ano bang ginawa kong masama para maranasan 'to? Bakit lagi nila akong dini-dissapoint? Bakit laging ganito? Mahirap ba ako pakisamahan?
Or I just expected too much? Kila Nanay at Tatay. At ngayon sa isang tao! Damn! Nagawa akong saktan ng isang tao emotionally? Wala siyang karapatan! Wala siyang karapatan para gawin ito sa nilalang na tulad ko. But after all, this is all my fault. For trusting too much. For expecting too much. Too much is really dangerous.
I close my eyes again. At sa pagmulat ko ay pamilyar na pader ang bumungad sa akin. Hinaplos ko iyon at muli kong naramdaman ang tila paghigop sa akin pabalik sa tunay kong mundo. Pagmulat ko ay agad kong binagsak ang sarili sa aking kama. Hinaplos ko ang malambot na ibabaw at tumitig sa kisame.
Kapagkuwan ay tumayo na ako para mag-asikaso ng sarili. I relaxed myself on the tub for almost two hours. The scented candle made my whole system refresh and calm. Nagpalit ako nang komportable na long dress saka inayos ang sarili bago bumaba.
Nabigla ang mga kasambahay nang makita ako. I immediately raised my pointed finger to stop them from talking. I am not in the mood to hear anything from them. Tinungo ko ang hapag at agad na kumain. Nakabibinging katahimikan ang nakapagitan sa amin sa loob ng halos isang oras. Marami akong nakain at paminsan-minsan din akong natutulala.
Hinintay ko ang pagdating nila Nanay kahit pagod na pagod na ako. Kaya nang marinig ko ang kanilang pagdating ay agad akong tumayo at sinalubong sila. They look exhausted again. I smiled on them and hugged them tightly.
"Good evening 'nay at 'tay," bati ko. Hinalikan ako ni Tatay at Nanay sa noo. Gusto kong umiyak habang yakap ko sila. I want to tell them how upset I am now. I want to share to them my adventures on the human realm but again...
"We need to sleep already sweetheart," Nanay murmured. Bumitaw ako sa yakap at tumango. Bago nila ako tinalikuran ay pinigil ko sila.
"Nay, hindi po ako nakababa kahapon. Nakatulog kasi agad ako.." I said. Tumango si Nanay.
"Okay lang. I-inakyat ka namin kagabi. And w-we saw you sleeping peacefully k-kaya 'di ka na namin ginising," she said. I saw how Tatay held her on her arm. Maybe he's shock that she lied.
Halos hindi makatingin sa akin si Tatay. I tried to hide the bitter smile on my lips and nodded.
"Goodnight po. Mahal ko kayo.." Bulong ko at agad humalo sa hangin bago pa man pumatak ang luha mula sa aking mata.
Visiting the human realm isn't bad afterall. Because it made me realize the truth. That no one really cares about me.
Tumakbo ako sa teresa at natagpuan ko ang isang kulay pula na rosas doon. I gritted my teeth and hold it tightly. Kasunod ay ang pag-alpas ng dugo mula sa aking palad dahil sa pagtusok ng tinik. I felt my fangs became visible and my vision became clearer. I gulped and throw it away.
Gusto ko sumigaw sa galit. Gusto ko magwala sa lungkot at sakit. Pero ang tangi ko lang magawa ay tingalain ang langit at tahimik na humikbi.
Nobody cares? No one needs me? Then fine! I don't need anyone too!