Innocent and Ignorant
Naguguluhan ako sa lugar na ito. Ang daming pasikot-sikot kaya nanatili na lang ako sa daan kung saan nakikita ang mga sasakyan. Iyon ang tawag doon sa mga kahon na umaandar sabi noong babae kanina.
Tirik na ang araw. At sa unang pagkakataon, may mga lumalabas na butil ng tubig mula sa balat ko. Sa mundo kasi namin hindi tumitirik ang araw. May liwanag ngunit hindi mainit sa balat. But here? Oh, damn!
But it's okay. Another experience.
Hinubad ko na ang cloak at sinabit muli sa aking braso. Sumasayad nang bahagya ang laylayan ng damit ko sa lupa kaya medyo madumi na. Napanguso ako at sinulyapan ang balat ko na namumula-mula na. Pinahid ko ang namuong tubig sa noo ko.
I sighed and sat on the cemented ground. I watch the vehicles passing by and leaving dark smokes. Muli akong napaubo. Kaya pala parang polluted ang hangin dito.
Napasulyap ako sa may bandang likod ko. Nakita ko roon ang mga tao na nakaupo at kumakain. Inaabutan sila ng babae ng plato na may laman na pagkain. Kumulo ang tiyan ko kaya napahawak ako roon. I'm already hungry. I pouted and decided to stand.
Humakbang ako palapit doon at pinagmasdan sila. Karamihan sa kanila ay mga nakakulay asul na damit at may towel sa balikat. Pagtapos nila ay tumutungo sila sa sasakyan na maliit na may tatlong gulong. Pero meron din na hindi naman ganoon ang postura. Lumapit pa ako hanggang sa napatingin na sila sa akin. I pouted and caressed my stomach.
"I'm already hungry. Pahingi.."
Napaawang pa ang labi nila saka natatarantang tumayo ang tatlong lalake at iminuwestra ang bakante na upuan.
"I-ito!" Nauutal na saad nila.
"Nanay Pacing! Pagkain para sa kaniya..."
"Anong gusto mo? Bikol ekspres? Kaldereta? Metsado? Dinuguan? Shiken kary?" tanong ng lalake na may katandaan. Nakita ko naman ang matanda na babae. Tumingin ito sa akin at binigyan ako ng plato na maraming kanin.
Hindi nga ako sanay na makakita ng ganito katanda katulad sa kanila. Iyong tipong kulubot na ang balat.
"Ito..."
May maliliit na mangkok na inilapag sa harap ko. Iba-ibang klase ng ulam iyon. Napangiti ako at nagsimulang kumain. I close my eyes when I am able to taste the delicious foods.
"Sarap!" I giggled and continue eating.
"Taga-saan ka ba ineng?" tanong ng matandang lalake. Tumango naman ang matanda na babae sa harap. Halos lahat sila ay pinapanood akong kumain.
"Naku, kiganda mong bata!"
"Pwera usog. Pacing naman.."
"Anong pangalan mo hija?" The old woman asked.
I smiled and swallowed the food I chewed, "Patrisha Bloodstone."
"Ah! Porenjer ata ang bata na 'to. Kakaiba ang apelyido!"
"Halata naman, Litoy. Buhok palang niya 'tsaka mata."
Marami pa silang sinabi pero hindi ko na sila pinakinggan. I'm so gutom na gutom! Nanghingi pa ako ng kanin at matagal ang lumipas bago ako tuluyan na nabusog. Inabutan ako ng isang baso ng malamig na tubig. Napapikit ako sa paglapat ng malamig na tubig sa aking lalamunan. I suddenly felt relaxed and refreshed.
"Salamat sa pagkain, mga nilalang.. I mean mga tao," humagikhik ako at inabot sakanila ang aking cloak. Nakatulala lamang sila sa akin nang tumayo ako.
Hinaplos ko ang tiyan bago kumaway sa kanila.
"Gawa sa ginto ang mga disenyo niyan. Tapos may mga maliliit na diamond sa may bandang dibdib niyan. Ang alam ko ay malaki ang halaga niyan dito sa mundo niyo. Paalam at maraming salamat!"
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa may nakikita na akong malalaking gusali. Masyado palang moderno dito sa mundo ng mga tao. Sa amin ay ganoon din ngunit bahagya lamang. Ang problema dito sa mundo ng mga tao, nagtataasan ang mga gusali at ang gaganda pa pero nagkalat ang mga dumi sa paligid. Tapos hindi maganda ang simoy ng hangin. Buti sa amin kahit hindi ganito ka-moderno, napakalinis. Pantay-pantay ang lahat ng mga mamamayan. Dito, napapansin ko na may napag-iiwanan.
Ibang-iba ang dalawang mundo pero hindi ko kailangan mamili. I'm just here to explore.
Napansin ko na maraming tao ang naglalakad patungo sa isang gawi. Sumunod ako sa kanila. Sumunod ako sa pila at nang marating ko ang dulo ay may babae na nakasuot ng puti ang kinapkapan ako. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Sa huli ay napakurap siya. I pouted and continue walking. Plants in neat and beautiful cut, welcomed me. Mayroon pang fountain sa gitna at sa mga gilid noon ay ang mga tila sumasayaw na mga tubig.
Sumunod pa rin ako sa mga tao. I was amazed when we walked towards a glass door. Nahati iyon sa gitna kahit walang nagbukas noon. Sumara naman nang makapasok na kami. Tumitig ako roon at humakbang palapit. Nanlaki ang mata ko nang bumukas iyon muli. Sa pag-atras ko ay sumara muli. I giggled but when I realized that humans are staring at me, I rolled my eyes and walked away.
Nakahinga ako nang maluwag sa pagdampi ng malamig na hangin. Ganito ang temperatura sa 'min! Maliwanag ang loob at maraming mga bagay ang nasa paligid.
"Nakakamiss gumala dito sa mall!" saad ng isang babae. Tumaas ang kilay ko at pinagmasdan siya. Nagsalubong ang mata namin at tinignan niya ako mula ulo hanggang paaa. Maya-maya ay bumulong siya sa kasama niya at tumingin din ito sa gawi ko. Naghagikhikan sila. I rolled my eyes.
"Ano?!" I asked. Natahimik sila at mabilis na umalis sa aking harapan. Hmmp! Ang pangit nila!
"Yes Ma'am! Welcome to Jewels!" bati ng babae sa akin sa pagpasok ko sa lugar nila. Tinignan ko ang mga naka-display na mga alahas. Mariin ko iyon na tinignan.
"Gusto niyo po ba i-check, Ma'am?" tanong niya sa akin at tinuro ang singsing na may malaking bato sa gitna. Napasimangot ako.
"Mga peke naman 'yan! Hindi naman totoong diamond, hmmp!" I walked out when I realized that everything are fake. Ang mga kwintas roon ay hindi purong ginto. May halo!
Hindi ko rin mapigilang mamangha nang makita ang hagdan na gumagalaw. Sumunod ako sa mga tao at hindi ko na kailangan na humakbang! Dinadala nito ako pababa. Magaling nga ang mga tao pero sana ayusin muna nila ang problema sa labas bago labis na magpaganda ng ganitong mga bagay.
Kapalit ng mga gusto nilang bagay ay ang papel at maliliit na bilog. Kapag ba nagkaganoon na ako, makakakuha na rin ako ng kahit ano?
"Tao!"
Tawag ko sa isang babae na may hawak na parihaba na bagay at pumipindot doon. Ang liwanag na mula sa bagay na iyon ay tumatama sa kaniyang mukha. Kumunot ang noo ko at nilapitan siya.
"Kinakausap kita.." sagot ko. She arched her brow on me and look at me from head to toe. Napanguso siya.
"Naligaw ka ba Mesh? Are you going sa perty at naka-gown ka," saad niya.
"Long dress 'to at hindi gown. Pang-palasyo ko lang 'to," saad ko at pinasadahan ang damit. Tinignan ko ang lukot niyang mukha. She's looking at me weirdly. "Anyway, how can I have those things.." Tinuro ko ang babae sa 'di kalayuan na binibilang ang mga papel na hawak.
"Pere?" she asked.
Tumango ako, "Pere." I uttered.
Bumungisngis siya kaya nakita ko ang tila bakal sa kaniyang ngipin. May mga tila gem pa roon na kulay blue but I know those are fake.
"Niloloko mo ba ako Mesh? You don't know thish?" She asked. Pinakita niya sa akin ang papel na parihaba mula sa kaniyang kasuotan. Iba't ibang kulay iyon.
"Bakit kita lolokohin? Paano ba ako makakakuha niyan?"
"Magwork ka," she said and I notice that she's hirap to pronounce words with letter 'r'. And she's talking weirdly.
"Ano pa?"
"Uhm, rob ka ng bank."
"I think that is masama," I answered, imitating the way she talk. She pouted and her lips looks like a duck. Ang pangit niya!
"Oh, sell mo 'yan!" Tinuro niya ang hikaw ko. Hinaplos ko iyon saka tumango at tinalikuran siya.
"Okay. Goodbye pangit!"
"What did you sabeee?!"
Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. And when I realized something, I face palmed. Dapat 'di ko muna siya sinabihan ng totoo. Dapat tinanong ko muna siya kung saan 'to mabibenta.
Oh, well. Humans are mabait naman so I can ask anyone.
Nakita ko ang medyo may katandaan na babae. She's wearing a gold earrings, necklace and bracelet. She's simple yet elegant.
"Hi!" Bati ko sa kaniya. She stared on me, all over my face then my body. Kapagkuwan ay ngumiti.
"Hello young lady. How can I help you?" she asked. Nakahinga ako nang maluwag. She seems nice. Oh my gosh, I am natutulad na sa nakausap ko earlier.
Mariin akong umiling. I need to compose myself.
"Uhm, I need pere to have the things I want," saad ko. She laughed a bit.
"You mean..pera?" Kumunot ang noo ko pero tumango na rin. Siguro may vocal problems ang babae na nakausap ko kanina.
"Yes. And someone said that I need to sell this in able to have that," I said and pointed my earring. The diamond is one inch. It was elegantly cut. And the intricateness of the frame is shouting luxury. Marami akong mga hikaw at sets ng jewelries pero ito ang madalas kong gamitin.
She gasped in amazement at hinaplos iyon.
"T-teka..may tutuluyan ka na ba?" She asked out of nowhere.
"Uuwi naman ako, e. I just want to have things that I want so I can bring it to our world."
"Naku! Gabi na," sumulyap siya sa braso niya. "It's already seven on the evening. Sumama ka na sa akin. Turista ka ba? You look like a foreigner.."
Nagsimula kaming maglakad. Iniwan niya ako sandali sa tabi ng malaking bubuyog na kulay pula. Estatwa lang naman. Napanguso ako at tinusok ang malaking mata noon. Dapat totoo, para masaya!
Inabot siya ng halos kalahating oras dahil marami raw tao. May dala siyang supot at sabay kaming naglakad palabas. Dumaan na naman kami roon sa pintuan na bukas-sara. Sunod ay sumakay kami sa kulay puti na sasakyan- taxi raw ang tawag doon.
"Sa akin ka muna titira huh?"
Malungkot akong tumango at mariin na napapikit. I'm sure that Nanay and Tatay won't mind me. Napagtanto ko na mas gusto ko muna dito. Naroon man ako sa palasyo o wala, pareho lang na wala namang nakapaligid sa akin na magulang. And the older women here are something. They are so thoughtful and caring.
"Nandito na tayo.."
Lumabas kami ng sasakyan. Matapos niya mag-abot ng pera ay naglakad na kami sa eskinita. Medyo nahirapan pa si Lucille- ang kasama ko dahil may mga butas ang daan at kanal ang nasa ilalim daw noon. Ako naman ay hindi naging mahirap sa akin dahil napakalinaw ng paningin ko. Kumunot ang noo ko. Amoy na amoy ko ang baho. Medyo maliliit din ang mga bahay na nasa paligid.
Gawa sa mga marurupok na kahoy at ang iba ay halos masira na. Medyo magulo dito. Katagalan ay may mga tao sa paligid akong nakita. Mga lalake na walang pang-itaas at may mesa sa harap nila. May maliit na baso at bote.
"Oh, Lucille? Sino 'yan?" Ngumisi ang mga lalake. Humigpit ang hawak sa akin ni Lucille.
"Naku! Manahimik ka, Arnulfo!"
Natulala na naman sila sa akin nang masinagan ako ng malamlam na liwanag mula sa ilaw ng poste. Umiwas na ako ng tingin at sumunod kay Lucille. Pumasok kami sa isang bahay. Malinis iyon at sementado ang sahig pati ang pader. Ang bubong ay gawa raw sa yero. Simple lang ang bahay niya.
Ito na ata ang maayos-ayos na bahay na nakita ko sa hilera na nadaanan namin kanina. Pero kumpara sa pinakasimpleng bahay sa mundo namin, walang-wala ang bahay na ito.
"Halika, kumain tayo."
Lumapit ako sa mesa. Maliit lamang iyon at kasya ang apat na tao kung uupo sa bawat side. Inilabas niya ang laman ng papel na supot. May maliit na bucket doon na naglalaman ng pritong manok at kanin.
"Masarap 'to. Paborito ng masa ang chicken joy ng Jollibee.." saad niya at inilagay ang kanin sa plato ko.
Marami na naman akong nakain. Tama siya, masarap nga ang pagkain sa Jollibee. Sa susunod ay magdadala ako nito sa mundo namin at papakainin ko si Nanay. I think she knows this food and she misses this already. Sasaya kaya siya kapag dinalhan ko siya nito?
Nabigla ako nang tanging kamay ang ginamit ni Lucille sa kaniyang pagkain. Tinaas din niya ang isa niyang paa habang tutok sa pagkain. She looked up and stared at me.
"Kain ka pa.." saad niya. Napangiwi ako dahil nagsalita siya kahit puno ng pagkain ang kaniyang bibig.
"O-okay.." bulong ko. Biglang nawala ang sopistikada at eleganteng dating niya. Pinagkibit-balikat ko na lamang iyon. Ayos lang. Mabuti nga at sinama niya ako rito. Mababait talaga ang mga tao kahit magulo sila at maingay.
"Teka..ano iyan?" tanong ko nang maglabas siya ng parihaba na bagay. Katulad sa nakikita ko sa mga tao roon sa pinuntahan ko kanina.
She arched her brow at itinaas iyon. Tumango ako. Kumunot ang kaniyang noo na tila nagtatakha.
"Cellphone. Ngayon ka lang ba nakakita nito?" Mahinahon niyang tanong. Tumango ako at nilahad ang kamay. Tumigil muna ako sa pagkain. Iniabot niya iyon sa akin kaya agad kong tinignan.
Manipis lang siya at tila salamin ang ibabaw. May napindot ako sa gilid at biglang lumiwanag. Nanlaki ang mata ko at labis na namangha. Nakita ko ang litrato niya sa loob ng cellphone. Nakanguso siya at peace sign, pikit ang isang mata, tapos sa may baba ng picture ay may nakalagay na #bhoxczsLuc!ll3.
Tumunog iyon kaya inabot ko na sa kaniya pabalik. Tinititigan niya ako mabuti at tila ay inaanalisa.
"Saan ka ba nakatira, Patrisha?" tanong niya.
"Sa palasyo namin," sagot ko. Kumunot ang kaniyang noo. Hinawakan ko ang fried chicken na nasa harap ko at sinimulang kainin.
"You look so innocent and ignorant at the same time. Ngayon nga lang ako nakakita ng tulad mo na hindi alam ang cellphone. Ganiyang edad ka na.." aniya. Nilunok ko muna ang pagkain saka siya tinignan.
"Nakakulong lang kasi ako sa amin."
"Kaya pala! Well protected. May ganoon pa pala sa panahon ngayon. So, tumakas ka?" she asked. Tumango na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"M-mukhang mayaman ang pamilya mo, huh? Totoo iyang hikaw mo. Mabuti na lang hindi ka pa naputulan ng tenga.." saad niya.
Napanguso ako. Malabo na maputulan ako ng tenga! Subukan nila at sisirain ko ang buhay nila.
"Dito ka matutulog.." Binuksan niya ang isa sa tatlong pintuan sa loob ng bahay na iyon. Bumungad sa akin ang maliit na kama kung saan kakasya lamang ako. May dalawang unan at manipis ang foam. Pero okay na iyan.
May maliit na cabinet sa tabi at sa ibabaw noon ay ang maliit na lamp. Medyo pangit nga 'yong lamp-hindi katulad doon sa kwarto ko.
"Ito muna ang gamitin mo. Mabuti na lang bukas pa sila Martha kaya nabilhan kita ng underwear. Hindi na natin iyan malalabhan kasi 'di agad matutuyo kaya lagyan mo na lang nitong pantyliner.." saad niya. Tinitigan ko mabuti ang underwear na ibinigay sa akin.
Uhmm..ang pangit ng tela! Pero pwede na 'yan. Hindi kaya ako nito mangati? Well, I think I'll wash this and use my ability to dry this immediately, instead.
Pinahiram din niya ako ng damit. Kaya sa gabing iyon nakapagsuot ako ng tinatawag nilang short at t-shirt. Hindi nga ako komportable dahil sanay ako na night gown ang suot ko kapag matutulog.
Wala rin siyang shower. Tabo raw ang tawag doon sa lagayan ng tubig tapos gamit ko para ibuhos sa akin.
Nabigla ako pagpasok ko ng kwarto mula sa comfort room niya na bathroom na rin. Sa itaas ng kabinet ay may pulang rosas. Katulad ng lagi kong natatanggap sa bawat gabi na dumaraan. At kahit nasa mundo ako ng tao ngayon, nakatanggap pa rin ako. Napalunok ako at hinawakan iyon. Ibig sabihin, kung sino man ang nagbigay nito sa akin ay narito rin sa mundong ito at sinundan ako.
Should I be happy or scared?
Damn!