Kabanata 2

2153 Words
Ang Pangit! As expected, wala na sila paggising ko. Like the usual, I smiled for the start of my day. Agad ko ring hinanap si Kamila ngunit katulad kahapon ay hindi ko siya nakita. I'm now wondering where she is. Sa tagal na niyang nanilbihan sa 'min, ngayon lamang siya lumiban. Simula kahapon. I hope she's okay wherever she is. Hindi man kami ganoon kalapit sa isa't isa dahil bahagya siyang mailap sa 'kin, masasabi ko naman na parte na siya ng bawat araw ko. Halos makalimutan ko na rin ang mga nangyari kahapon dahil sa sobrang pananabik sa gagawin ko ngayong araw na 'to. Nag-asikaso ako ng sarili bago bumaba at kumain para sa umaga na 'yon. Tinaasan ko ng kilay ang mga kasambahay na nakahilera at napangisi nang makita na pantay na pantay ang kanilang linya. "Very good.." Tumango-tango ako at hindi sila iniwanan ng tingin habang kumakain. Halata naman ang paninigas nila. I want to laugh so bad while seeing them so tense on their spots. Sa sobrang pagkainip ko rito sa palasyo, madalas sila ang napagbubuntungan ko. Trip ko sila. Sorry, not sorry. "Oh? Oh?" Tinuro ko ang babae na una sa pila. Lalo siyang nanigas at hindi natuloy ang akmang pagkamot sa tungki ng ilong. Kinunot ko nang mariin ang noo at tinaasan siya ng kilay. Halata ang kaba sa mukha niya. "M-mahal na Prinsesa?" Her voice shook a bit. Nakipagtitigan ako sa kaniya at pinanliitan siya ng mata. "H-hindi ka dapat kumilos. Alam mong ayaw ng prinsesa na hindi tayo maayos.." bulong ng nasa likod niya. Nginisihan ko sila saka humagikhik. "Joke lang!" Humagalpak ako ng tawa. Tila nakahinga sila nang maluwag. Ngumuso ako at inayos ang sarili. Ngiti-ngiti akong nagpatuloy sa pagkain at paminsan-minsan silang sinusulyapan. Halos hindi na sila kumilos sa pwesto, takot na punahin ko muli. I laughed mentally. Bumalik ako sa kwarto at pumili ng maayos na maisusuot. Pinili ko na lamang ang long dress na kulay krema. Detalyado iyon at off-shoulder. I fixed my hair into a messy bun and wear a pair of diamond earring. Tinignan ko ang sarili sa salamin at napangiti. Pinulot ko ang kulay maroon na cloak sa ibabaw ng aking kama. May mga disenyo 'yon na mga gintong linya. Isinabit ko ito sa aking braso saka huminga nang malalim. Wearing a white doll shoes, I walk downstair while tiptoeing. Ngunit nang may mapagtanto ay natampal ko ang pisngi at humalo sa hangin. Dahan-dahan akong nagmulat. At sa sobrang kasiyahan ay napatalon ako. I succeed. Nakalabas ako ng palasyo! Walang iniwan na mahika si Nanay na kontra sa teleportation palabas ng palasyo. Ngiting-ngiti ako habang naglalakad. Habang tumatagal ay may nakakasalubong na akong mga nilalang. They will look on me curiously. They are trying to recognize me. Alam ko na hindi nila ako ganoon kakilala dahil lagi akong nakakulong sa palasyo. Ang mga kawal at kasambahay lamang ang laging nakakakita sa akin kaya naman ang mga mamamayan ay hindi ako gaano maalala. Ang iba sa kanila ay nakalimutan na kung sino ako. Minsan lang naman nila ako nakita simula nang mawala ang kakambal ko. Hindi ko mapigilang mamangha habang naglalakad-lakad. Ilang taon na rin ang lumipas simula noong makapaglakad-lakad ako rito. Ang mga nagtataasang bahay at mansion sa paligid ay masyadong bago na sa aking paningin. May iilang pamilyar pa rin sa akin, ngunit karamihan ay hindi na. Marahil dahil sa tagal na ng nagdaan na panahon kaya nagbago na ang halos lahat. "Ano ang iyong pangalan, binibini?" Natigil ako sa paglalakad nang humarang sa akin ang tatlong lalake na bampira. Maayos naman ang tindig at pananamit nila. They stared at me with a smile. "Bakit gusto niyo malaman?" tanong ko. Nagkatinginan silang tatlo at nagsitanguan. "Ngayon ka lamang namin nakita at sa labis na ganda mong iyan, hindi namin palalampasin ang pagkakataon na ito upang malaman ang iyong pangalan," sagot ng nasa gitna. Tumango-tango ako at nginitian sila. "Ako si Yela," sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad. I got that from my second name, Azriella. Hindi dapat sabihin ang tunay ko na pangalan dahil baka maalala nila ako bilang prinsesa at ibalik sa palasyo. "Teka lang.." Sinulyapan ko sila at nakita na sumusunod sila sa 'kin. Kumunot ang noo ko saka tumigil. Tinaasan ko sila ng kilay. "Ano?" tanong ko. "Magpapakilala kami," saad ng isa. Ngumuso ako at umiling. "Hindi ako interesado na makilala kayo," sagot ko. Ngumisi ang isa. "Sige na... Ako nga pala si Edgar." "Ako si Pontio." "At ako si Kanor." Napasimangot ako at tinignan sila isa-isa. I pinch the bridge of my nose and shook my head. "Ang babantot ng pangalan niyo," sikmat ko. Kumunot ang noo ni- sino nga ba siya? Ah, si Poso. Kumunot ang noo niya na tila nainsulto. "Anong sabi mo?" I can hear the annoyance on his voice. "Ang sabi ko, ang pangit ng mga pangalan niyo!" Tinuro ko sila isa-isa," Esme, Paso at Kaning. Bakit hindi kayo gumaya sa 'kin. My name is so beautiful! Diyan na nga kayo!" singhal ko at tinalikuran sila. Hmmp! Lakas ng loob magpakilala ang pangit naman ng mga pangalan. "Hoy!" sa isang kisap-mata ay nasa harap ko na si Piso. Nanggagalaiti siya. Sumunod na lumitaw ay si Kanal at Etong. "Ano?" Tinaasan ko sila ng kilay at sinumangutan para malaman nila na ayaw ko sila at naiinis ako kasi sinasayang nila ang oras ko. "Sino ka para insultuhin kami ng ganoon?" tanong ni Kanal. "Ako ay si Yela na may magandang pangalan!" sagot ko. "Oh, talaga? Maganda ba pangalan mo?" Nakasimangot na tanong ni Endong. "E 'di pangit kung pangit. Atleast pangit man ang pangalan, maganda naman ang mukha. E kayo? Pangit na pangalan, pangit pa mukha! Tse!" "Aba't!" Aamba sana si Poso para sugurin ako ngunit may tumawag sa akin. "Ayon ang prinsesa!" Sumulyap ako sa likod at nanlaki ang mata nang makita ang hindi lalampas sa sampu na kawal. Pinagtutulak ko ang tatlong pangit at kumaripas ng takbo paalis. Nalaman nila na tumakas ako! Mabilis kong hinawakan ang laylayan ng long dress ko at mas mabilis na tumakbo. Hindi na ako pamilyar sa lugar na dinaraanan at kahit saan pa man dito kaya 'di ako makapag-teleport. Para magawa 'yon, I need to visualize the place where I want to go. Pumikit ako at inalala ang kahit anong lugar na alam ko. Naramdaman ko ang paghalo sa hangin at sa pagmulat ko ay pamilyar na pader ang bumungad sa akin. Humihingal akong sumulyap sa paligid. Hindi nila ako nahabol pero hindi ko rin alam ang lugar na 'to. Bigla na lamang sumulpot sa isip ko. Kumunot ang noo ko at hinaplos ang pader. Nanlaki ang mata ko nang tila higupin ako nito. I close my eyes tightly. Hilo ang naramdaman ko sa loob ng ilang segundo kasunod ay ang pagbagsak ko. Minulat ko ang mata at napagtanto na nakaupo ako sa damuhan. Nilibot ko ang tingin at tinitigan nang mabuti ang ibon na nasa loob ng tila kulungan na kulay berde. It's really a bird since it have two feet and wings. Kulay pula iyon na may halo ng itim. Though, this is my first time to see a bird like this. "Bakit ka nakakulong?" tanong ko kahit alam ko na hindi niya ako sasagutin. Tumayo ako at pinagpagan ang damit. Medyo nadumihan ang bandang pwetan ko kaya isunuot ko na ang cloak minus its hood. Lumapit ako sa ibon at kinuha ang kulungan niya. Umingay ito sandali bago mabilis na tumakbo paalis. May lima pang ganoon din na nakakulong kaya pinakawalan ko lahat. Kawawa naman sila. Anong nilalang ang pangahas na ginawa ang bagay na 'yon? "Anong ginagawa mo riyan? Tangina, magnanakaw ka ba?" Napatalon ako nang may sumigaw. Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalake. Hindi siya bampira. Maitim kasi siya at malaki ang tiyan! Walang buhok ang tuktok ng ulo niya at maraming nakaguhit sa kaniyang braso. Nanggagalaiti siya habang tinitignan ang mga kulungan na nakatumba. Our eyes met. "Hindi ako magnanakaw! Pinakawalan ko sila. Ikaw ba ang gumawa noon?" tanong ko sa kaniya. Tahimik na siya at nakatulala lamang sa akin habang nakanganga. Kumunot ang noo ko. "H-hey! I am asking you! Anong klaseng nilalang ka ba? B-bakit ang pangit mo pala?" tanong ko. Napangiwi ako habang pinagmamasdan ang makapal niyang balbas na natatakpan ang halos kalahati ng kaniyang mukha. May nakatusok din na tila pilak na bilog sa kaniyang dila. "Dodong! Anong problema pare? Narinig kitang sumisigaw kanina," narinig kong saad ng paparating. Tinapik niya ang pangit na nilalang. Pareho silang pangit! Ang bagong dating ay wala ng buhok. Maitim din siya at maliit. Pero malalaki ang mga braso niya at hita. Napangiwi ako. Kakaiba ang hitsura nila. "Hoy! Dong!" Hinampas niya sa ulo ang kanina pang nakatulala na lalake. Kumunot ang noo ko nang ituro nuya ako. "D-diyosa, pre.." bulong niya na rinig na rinig ko. Nilingon ako ng isa pa at natulala rin siya. Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman na may dugo akong Diyosa na nagmula kay Nanay? Agad aking lumapit sa kanila at nilagay ko ang hintuturo sa may tapat ng labi ko. "Shhh. Huwag niyong ipagsasabi sa kahit sino ang bagay na 'yon. Iilan lamang ang nakakaalam na may dugo akong diyosa. Hindi maaaring malaman ng iba.." bulong ko. Tulala lamang sila. Luminga ako sa paligid para siguraduhing walang iba na nakarinig. "Secret lang natin 'yon, a?" Ngumiti ako ng matamis. Nabigla ako nang sabay silang natumba sa harap ko. "Anong nangyari?" I murmured. Bahagya kong inalog ang balikat nila gamit ang paa ngunit tila wala na silang malay. Ngunit buhay pa sila. Sigurado ako. Hindi rin talaga sila mga bampira dahil buhay na buhay ang puso nila. Kung ganoon, ano? Iniwan ko sila at naglakad-lakad. Napansin ko na madumi ang paligid. Hindi ako sanay sa masangsang na amoy na dumaraan sa ilong ko. Iba rin ang klase ng pananamit nila. Ang mga lalake sa palasyo ay makakapal na damit ang suot at may armor. Ayon naman sa nakita ko sa labas ng palasyo kanina, mga damit na may mahahabang manggas ang suot nila. Si Tatay ay ganoon din ngunit magagara ang tela. Sa mga babae naman ay mga long dress at kapag may okasyon naman ay gown. Ngunit sa nakikita ko ngayon ay masyadong pangahas ang mga nilalang na narito. Ang ibang lalake ay walang suot na damit at ang kanilang pang-ibaba ay maikli na umabot sa tuhod. Nanlaki ang mata ko nang makakita ng babae na napakaikli ng pang-ibaba. Halos katulad na ng panty ko! Napatingin ang karamihan sa akin. Binilisan ko ang lakad hanggang sa makakita na ako ng kakaiba pang bagay. May dumaan na tila parihaba sa harap ko- may mga tao sa loob at apat ang gulong noon. Napaubo ako nang tumama sa akin ang iniwan noon na usok. May mga tila kahon din na tatlo ang gulong, merong dalawa at nanlaki ang mata ko nang makakita ng napakalaking parihaba na kahon. Marami siyang gulong! Pamilyar ang iba sa akin. Iyong katamtaman ang laki. I think, I had seen one, already. Ano nga ba ang tawag doon? May ganito si Tatay noon. Nagsimula akong maglakad. Sa kabilang banda kasi ay nagkukumpulan ang mga nilalang. Ngunit natigilan ako nang makarinig ng malalakas na ingay pati ng sigawan. "Miss! Masasagasaan ka!" Tinignan ko sila saka ako tumingin sa may gilid ko. Kumunot ang aking noo ng may hindi kalakihan na kahon ang palapit sa akin, may apat iyon na gulong. I gritted my teeth and face it. Ang ingay-ingay niya. Lalong nagsigawan ang mga nilalang. Nang makalapit iyon sa akin ay hinampas ko ang unahan saka tinulak. Halos tumalsik iyon. Nanggigil kong dinuro ang bagay na iyon. "Ikaw! Ang ingay-ingay mo! Ano ba ang problema mo!?" singhal ko. May lumabas doon na nilalang at tinignan ang parte na nasira dahil sa paghampas ko. Nagtagis ang bagang ng lalake at hinarap ako ngunit natulala siya bigla. "Ikaw ba ang nagpapakilos ng bagay na 'yan?" tanong ko. Nang hindi siya sumagot ay lumapit ako at tinignan ang loob. There is a round thing in front of the chair. Napanguso ako at hinawakan ang nasa gitna ng bilog. Napatalon ako nang gumawa iyon ng ingay. "Ah! Ikaw pala ang gumagawa ng ingay, huh?" bulong ko at hinawakan ulit iyon. Pag-angat ko ng kamay ay tunaw na siya. Napangiti ako saka nagpagpag bago tuluyang umalis. "Magulo ngunit nakakatuwa rito. Ano bang parte ito ng mundo? Anong klaseng nilalang kayo?" Tanong ko sa babae. Maang lamang siya na nakatingin sa akin. "Hey. What creature are you? Bampira ka ba? Werewolf? Witch? Ano? Dali na!" saad ko. Napakurap siya. "T-tao.." Nawala ang ngiti ko at natahimik. Agad kong nilibot ang tingin sa paligid at napansin na lahat sila ay nakatingin sa akin, halos nakanganga pa. Mga tao sila! Nasa mundo ako ng tao! Ang mundo kung saan lumaki raw si Nanay noon. "Mga tao kayo? Hala! Ang papangit niyo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD