All of you Humihingal na nagising ako mula sa malalim na pagkakahimbing. Agad kong nilibot ang tingin sa paligid at naabutan ang sarili sa napakagandang kwarto. Ang mga mwebles at kagamitan ay sadyang nagsusumigaw ng malaking halaga. Kulay lupa, abo, itim ang mga kulay na makikita sa paligid na may munting halik ng kulay ginto. Kinapa ko ang hinihigaan at naramdaman ang napakalambot na kama. Mas pinagmasdan ko pa ang paligid, sinusubukan na isipin kung nasaan ako. Ang huli kong naaalala ay tagumpay kaming nakababa sa bayan. At habang naglalakad ang kabayo ay tuluyan akong nanghina at nawala sa balanse. Ang alam ko ay nahulog ako ngunit hindi ko maalala ang aking tuluyang pagbagsak dahil nawalan na ako ng malay. At napuno ng reyalisasyon ang aking isip nang bumukas ang pinto at pumasok s

