Farewell Nalaman ko na no'ng araw na nangyari 'yon ay wala si Makheus sa palasyo. Bumaba siya sa bayan para bumili ng mga damit ng bata. And it is heartwarming to know. Nag-abala pa siya sa bilhan si Solana at Solemn ng gamit. He's just so thoughtful. And the kids love it so much. "Good morning, Mommy!" Nagising ako sa maliliit na halik sa aking pisngi. Napangiti ako nang makita si Solana. Nakaupo siya sa aking tiyan at hawak ang magkabila kong pisngi saka pinugpog ako ng halik. "Good morning, mahal ko.." namamaos kong saad. She smiled sweetly. Humiga siya sa dibdib ko. Hinaplos ko ang kaniyang buhok nang marahan. "Nasaan si ate Solemn?" I asked. "She's with Mashter," sagot niya at umupo na muli. Umalis siya sa aking tiyan at tumungo sa dulo ng kama. Pagbalik niya ay may bitbit siyan

