Chapter 6

1550 Words
Kumain muna ng dinner sina Paige, Adam, Martin at Carol saka nag-umpisang mag-inuman. Nakapagkwentuhan din sila habang kumakain. They are all having a good time. "Guys can i borrow Paige muna?" paalam ni Adam sa dalawa. Nagtinginan ang tatlo. Ngtaka kung balit. Wala agad umimik sa kanila dahil sa gulat na bigla na lang magsabi si Adam ng ganon. "Can i?" ulit uli niya na tumingin kay Martin. Martin already know what he meant. "Okay. Dito na lang muna kami ni Carol. I want to know her better too." sagot ni Martin. Malugod naman na sumama si Paige sa lalake. Bitbit ang kanyang baso na may laman na red wine ay pumanhik sila ni Adam sa pinaka Bar ng restaurant. Mas maraming tao dito at medyo maingay sa tugtog dahil may mga nagsasayawan. She is also clueless on to why she asked for her. "Bakit dito mo ako dinala? Ang ingay?" pasigaw na wika ni Paige habang paupo sa may silya. Hindi na kasi sila magkarinigang dalawa dahil sa ingay sa loob at isa pa, she felt awkward to be alone with him. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito. "Di naman gaano maingay, iinom lang tayo ng konti." wika naman ni Adam na medyo itinapat ang bibig sa tainga ni Paige. Halos mahalikan na nito ang taenga ng babae ngunit dahil sa gulat ni Paige ay nalapat nga ang lani nito. Pakiramdam ni Paige ay nakuryente ang buong katawan niya nang dumampi sa tainga niya ang bibig ni Adam at ramdam niya ang mainit na hininga nito. That senstion is something else. "Common Paige control yourself!" bulong niya sa kanyang isip. This is not meant to happen self. "Oo konti lang. Gusto lang kita masolo kaya tayo humiwalay sa dalawa." ngiting wika niya habang sumisipsip sa alak na laman ng hawak na baso. Tahimik lang na umiinom si Paige sa tabi ni Adam. Ayaw niyang simulang magsalita sa takot na baka maramdaman ng lalake ang kabog sa kanyang dibdib. Hindi niya mawari kung bakit ganun na lang ang nararamdaman niya kapag malapit siya kay Adam. Para siyang ninenerbiyos at ayaw niyang magkamali sa harap nito. She doesn’t want to entertain that feeling but it keeps on coming. "How long have you been with ,ano nga pala pangalan niya?" simula ni Adam. "Who? Aah what do you mean?" tarantang tanong ni Paige. Dahil nasa malayo ang isip niya ay hindi niya agad nagets ang ibig niyang sabihin. "Iyong kinakasama mo." Paliwanag niya. "Aaah, Sander? It's already two years." Ngiting sagot naman niya. "Are you happy?" pahapyaw na tanong ulit ni Adam na bahagyang sumipsip ng alak sa kanyang baso. "Yes i am. Hindi naman kami magtatagal kung hindi ako masaya 'di ba?" diretsang sagot naman ni Paige. "Bakit hanggang ngayon hindi pa kayo kinakasal?" Tanong ulit niya. He’s curious with her life. "We are planning pero hindi pa sa mga panahon ngayon. We need to earn muna para maging stable na kami if we settle." dire-diretsong sagot niya na akala mo ay sumagot sa tanong na guilty siya saka mabilisang nilagok ang laman ng kanyang baso. "Okay, okay. Relax! Want some more wine?" He offered her. He felt the tension in her. "Sorry.No, Tama na ako dun." ngiti niya para 'di halata ang nerbiyos niya. "Pwede isang glass na lang for us tapos tigil na tayo. I insist. Is it okay?" Adam wants more time with her and he wants to know more about her. Nahihiya siyang tumanggi dito kaya naman ay pumayag siya. Si Adam ang umorder ng tig isa silang baso pa. She drank it smoothly but she wants to go so she can avoid him. Dahil sa hindi sanay sa inuman kaya naman ay nabigla siya sa tama ng alak sa kanya. Margarita ang kinuha nito ng lalake. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam but for her it feels good. "Aaaaahh.!! Oh my gosh! Parang nasunog ata ang lalamunan ko dun hahaha." tawang wika niya pagkatapos lagukin ang inumin. Ginawa mo kasing softdrink eh, Para kang nagmamadali na ewan. Takot ka ba sa akin?" biro ni Adam na may halong tawa. "Ako? Takot sa 'yo? Bakit naman? Hindi ka naman siguro kumakain ng magandang tao!” halakhak niya. Mukhang natamaan na siya sa magkahalong ininom niya.she’s becoming talkative and more confident. The feeling of tension she felt from Adam faded. It seems like for her, he is a person she can talk like her friends. Biglang lumapit sa kanya si Adam na medyo lasing na rin. "Hindi ako kumakain ng tao pero kapag gusto ko inaangkin at tinatali ko." bulong niya kay Paige saka ngumiti. "Hahaha loko ka din eh noh? Bakit ako ba gusto mo?" walang kagatol gatol na wika ni Paige sa lasing na niyang boses. "Paano kung sabihin kong oo payag ka bang magpaakin o magpatali sakin?" diretsang wika naman ni Adam na medyo itinapat ang labi sa tainga ni Paige. Hindi nakaimik si Paige, para siyang nahimasmasan sa narinig na wika ng lalake. Ngumiti lang siya na tumitig dito. "Oooops!! Lasing na ata ako." bawi niya na akmang tatayo para makaiwas na kay Adam. Dahil sa may tama na ito ng alak ay hindi siya nakatayo sa kanyang kina-uupuan. "Ay lasing na nga ako!" ngiti niya. "Huwag mo nang pilitin kung hindi mo kaya. Upo ka muna." alalay ni Adam. Umupo naman siya agad saka nangalumbaba sa mesa na nakatingin kay Adam. "Ikaw, bakit wala ka pang asawa hanggang ngayon?" tanong niya habang nakatitig dito. "Bata pa ako haha. Biro lang. Siguro hindi ko pa nakikita 'yung tamang babae para sa akin." seryosong sagot niya. "Bakit, anong klaseng babae ba hinahanap mo huh Mr.?" "Yung katulad mo. Kung pwede lang at gusto mo ikaw na lang." "Makapagbiro ka naman. 'di nga yung totoo.?" Hindi agad sumagot si Adam. Lumapit siya ulit dito at tinitigan siya ng punong puno ng pagmamahal. "Paige, gusto kita." walang kagatol-gatol na pagtatapat ni Adam. Biglang namula ang pisngi ni Paige sa ipinagtapat ng lalake. "I like you Paige." ulit niya saka hinarap si Paige. "Totoo. Hindi ako lasing at kahit tanungin mo ako bukas kapag hindi na tayo nakainom iyan ang isasagot ko. Gusto kita." dagdag pa niya. Hindi makapaniwala si Paige sa kanyang narinig. Oo gusto siya ng taong gusto rin niya. Parehas silang nalove at first sight sa isa't isa. Ngumiti siya saka ikinulong sa mga palad ang mukha niya. Gusto niyang maiyak hindi dahil sa ipinagtapat ni Adam kundi, gusto niyang maiyak dahil hindi pwedeng maging sila. Umiling-iling ito sa hinarap si Adam. "Alam mong may kinakasama ako 'di ba? Ayaw kong maging dahilan ito ng pag-aaway namin ni Sander. Pero......" hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin dahil nangilid na ang luha sa kanyang mga mata. Naging emosyonal na siya dahil sa tama ng alak sa sistema niya. Humagl-gol na siya na pinagtakhan ni Adam. Niyakap niya ito para maalo ang nararamdaman. "Alam ko kung ano 'yang nararamdaman mo at alam ko din nagulat ka sa sinabi ko. Gusto ko lang masabi sa ;yo kung ano ang laman ng puso ko." sambit niya habang hinahaplos ang balikat ni Paige. Humiwalay sa pagkakayakap ni Adam si Paige at tumingala siya dito. Pinagmasdan lang niya ang lalake na nakatitig sa kanya. Pagkuway marahang idinampi ni Adam ang mga labi niya sa mga labi nito. Hindi iyon nakita ni Paige sa isip niya na darating ang bagay na ito. Nailapat na ni Adam ang mga labi nito sa labi niya. Damping marahan ngunit ramdam ng kanilang buong katawan. Parang may kung anong init ang halik ni Adam sa kanya. Nagpatiayon siya dito hanggang sa lumalim ang pagdadampi ng kanilang mga labi. Gusto niya ang ginawa ni Adam, hindi na ito dala ng kalasingan kundi iyon ang kanyang nararamdaman. Siya na mismo ang humawak sa batok ng lalake at iniyapos dito. Bigla siyang humiwalay ng sumagi sa isip niya si Sander. Yumuko siya. "Adam please take me home." sambit niya. "Sorry. I'm really sorry." pagpapaumanhin sa biglaang paghalik nito kay Paige. Marahang tumayo si Paige para makaalis na siya sa lugar na iyon. Kung magtatagal pa siya ay baka tuluyan na siya bumigay kay Adam. Kahit na medyo nahihilo pa ay nabalanse pa rin niya ang kanyang sarili. Taman-tama namang makasalubong niya si Carol na mag-aaya din sa kanya na umuwi na. Nakasunod lang si Adam dito. "Oh my god Paige! Ba't lasing na lasing ka?" bulalas ng kaibigan at inalalayan ito para hindi matumba. Tinignan niya ng matiim si Adam na nasa likuran. "I didn't mean to do that. Akala ko sanay siya sa inuman." depensiya niya sa kanyang sarili. Ipinaikot lang ni Carol ang mga mata tanda ng pagkainis. "Ihatid ko na kayo?" alok ni Adam. "No thanks. Kaya ko na 'to. Salamant na lang." matamlay na wika ni Carol at inalalayang lumakad si Paige. "Bruha ka! Ba't ka naglasing?" sermon ni Carol sa kaibigan habang inaayos niya ang pagkakaupo nito sa may sasakyan. "Huwag mo na ako sermunan Carol iuwi mo na lang ako...... Booooaaak!!!" hindi na napigil ni Paige ang sikmura at inilabas ang laman ng tyan. "Eeeeeew!! Paige!! Ano ba yan!" pasigaw na sika ni Carol sa gulat. Buti na lang hindi naitama sa kanya ang suka ni Paige. Hinimas-himas nito ang likod ni Paige hanggang sa wala na itong mailabas. >>>>>>>>>>ITUTULOY<<<<<<<<<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD