Chapter 5

1478 Words
Sobrang saya ni Adam nang matanggap ang txt mula kay Paige. Para siyang nanalo sa loto sa mga oras na iyun. Malaki ang pantasya niya sa babae at alam niyang kailangan niya itong makuha. "Sander said yes, so better make a reservation on what restaurant you want. And by the way sabihan mo din si Martin tutal kaibigan mo din siya at i will invite Carol too." yan ang txt na natanggap niya. Gusto niyang tumalon sa saya. Sa wakas ay napapayag din niya ang babae na lumabas kasama pati mga kaibigan nila. Alam ni Adam ang pinapasok niya sa mga oras na 'yon, nagkagusto siya sa may kinakasama na, ngunit masaya siya at 'yun ang importante. "Hindi pa naman sila kasal kaya may pa-asa pa ako." wika niya sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang cellphone niya. Na love at first sight siya kay Paige. Hindi pa niya ito lubusang kilala ngunit alam niyang gusto niya ito. He likes everything about her but most off all her figure and the way she carry herself. Sa oras ding iyon ay Agad niyang tinawagan si Martin. Kaibigan din niya ito at kaibigan din ni Paige kaya okay lang. Kahit pa kasama nila buong barangay as long as nandun si Paige at nakikita niya ito. "Oh, bakit ka napatawag Adam?" tanong ni Martin sa kabilang linya. "I want to invite you sana pare for a dinner with Paige and her friend." paliwanag niya. "Adam, not Paige this time." babala niya. Adam see him in the other line rolling hos eyes of disbelief. Kilala kasi siya ni Martin. Kapag nagkagusto sa babae, he wil do everything. "Bakit? I will not do anything." "Pare kilala kita and Paige is in a relationship, huwag mo na siyang guluhin." Dagdag pa nito. "Martin naman. Wala pa akong ginagawa, babala agad? Saka pare hindi sila kasal so pwede akong umekstra." Pabito niyang sagot. But the joke is half meant. Kung kailangan niyang makihati ay gagawin niya. Kung kailangan niyang magtiis ay gagawin niya basta mapasakanya lang ang babaeng gusto niya. "Pare pakiusap, 'wag na si Paige." Ulit pa nito. "You come later okay, at 9pm sa may bar sa Makati." mabilis niyang sagot tsaka pinatay ang cellphone. He will only argue and he doesn’t like it. Kumunot ang noo niya sa pagpigil sa kanya ni Martin, ngunit wala na itong magagawa. Gusto niya si Paige and he will pursue her no matter what. Hindi si Martin ang makakapigil sa kanya. Naging abala siya sa pagpili ng damit na kanyang isusuot. Kailangan niyang magmukhang magandang lalake sa unang date nila ni Paige. Date nang matatawag niya iyon kahit na may mga kasama sila. Napili niyang magsuot na lang ng maong pants saka stripes na polo shirt. Pinagmasdan niya ang kanyang sarili sa salamin. Oo magandang lalake nga si Adam. Habulin ng chicks ika nga. Kahit sinong babae ay mapapalingon sa taglay niyang s*x appeal. Nagsuot siya ng relo at ginamit ang paborito niyang pabangon. Samantala.. Ipinaubaya ni Paige sa mga tauhan nila ang restaurant sa oras na 'yun. Nasabihan na din niya si Carol about sa paglabas nila nina Martin and Adam. Nang pumatak ang alas otso ng gabi ay nagpaalam na silang umalis na dalawa at kinausap na lang ang staff niya na magsara nito. "Anong mayron? ba't magboblow out si Adam?" tanong ni Carol habang nasa kotse sila. "Hindi siya kundi ako. "Yun ang hiling niya sa akin dahil tinanggihan ko ang offer niya ." paliwanag niya. "Anong offer?" nagtatakang tanong ni carol sa kaibigan. "Aaahh.. Just don't ask it." iwas niya. "Paige, are you not telling me something?" usisa ni Carol sa kanya. "Come on Carol wala!" Tinignan siya ni Carol na nakataas ang kilay. Alam niyang gustong malaman ng kaibigan ang laman ng isip niya. She want to dig her just to know what is she up to. "Don't look at me like that Carol." aniya "Paige i know you. Come on tell me what it is." now Carol is insisting to tell here Sa lahat ng kaibigan niya ay si Carol lang ang tangi niyang pinagkakatiwalaan sa mga sikreto niya. Si Carol lang ang nakakapagsabi sa kanyang tanga siya o 'di kaya ay boba. "Ok, fine! Alam ko namang 'di mo ako titigilan." "Yes, i won't." ngiting wika ng kaibigan. "I have this weird feeling about Adam." panimula niya. "Like?" "Kinakabahan ako kapag naririnig ko ang pangalan niya. Masaya ako kapag nakikita ko siya and worst natutulala ako kapag lumalapit siya sa akin. Ang bilis ng t***k ng puso ko kapag katabi ko siya. Oh God!!" yukong wika niya at ipinatong ang ulo sa may manibela ng sasakyan. "Oh My God!.... Oh my God Paige." di makapaniwalang wika ni Carol. "Yes Carol. Oh my God!" ulit niya.. "I knew it!!" masayang wika ni Carol. "You knew it? What? What do you mean?" naguluhan tuloy siya sa wika ng kanyang kaibigan. "Oh my God Paige. I knew it from the way you stare at him when he came sa resto. Lagi mo siyang pinagmamasdan kapag hindi siya nakatingin but the good part is ganun din siya!! Hahaha" "Anong ibig mong sabihin na ganun din siya?" "Kapag titigan ka niya ay iba. Akala mo hindi ko napapansin? One day lang 'yun my friend but i can feel something in him too. He likes you!!" Hindi nakaimik si Paige sa ipinagtapat ng kaibigan na napapansin niya sa kanila. "Carol, this can't be" tulalang iling niya. "This can't be. Ayokong masira ang relasyon namin ni Sander because of this. Ayoko itong nararamdaman ko Carol." dagdag niya "What are you afraid of? 'Di 'wag mong ipahalata. That's the simplest thing you can do. After this dinner thing then maglaho ka na sa kanya. That's it!" suggestion ng kaibigan. Tama! Ganun nga ang gagawin niya. Pagkatapos ng dinner na 'to ay iiwas na siya dito. Oo 'yun nga ang gagawin niya. Nang makarating sila sa meeting place nilang apat ay inayos muna nila ang kanilang mga sarili bago lumabas ng bahay. "Remember Paige, control yourself kung ayaw mong mahalata ka and you ruin everything." paalala sa kanya ng kaibigan. Tumango tango siya saka lumabas na ng kotse. Sa isang sikat na bar and restaurant ang napili ni Adam na puntahan nila. Marami namang tao sa loob. medyo dim ang ilaw ngunit makikita mo pa din naman ang mga tao. Iginala nila ang mga mata nila ni Carol para hanapin ang kinaroroonan nila Adam at Martin. Sa 'di katagalan ay nahanap din nila ang mga ito. Mabilis nilang tinungo ang kanilang kinaroroonan. Unang nakapansin sa kanila ay si Adam. Agad itong ngumiti nang makita silang palapit. Tumayo siya at iginaya ang kamay sa kanilang kinaroroonan. "Oh hi, hello ladies." wika niya sa kanila. "Hello Adam, hello Martin. Sorry we're late." paliwanag niya sa dalawa. "That's okay. Come, you can sit here." ngiting wika ni Adam sa kanya at bahagyang umusog ng kaunti para makaupo siya sa tabi niya. Gusto sana niyang tumanggi ngunit umupo na lang para wala siyang masabi. Nagkatinginan naman sina Carol at Martin. Parang nababasa ng dalawang kaibigan nila ang isip nilang dalawa. Agad namang umupo si Carol sa tabi ni Martin. It was nice for them na nandoon din sa lamesang iyon. "Ah by the way Martin, she's Carol. I know you heard her name and she heard your name too already but i din't oficially introduce the two of you, so now you know each other na personally." pakilala niya sa dalawa. "Nice to meet you Martin." wika ni Carol na ngumiti pa. "Me too, nice to meet you." For Martin, Carol is a nice person. Magkakasundo sila. Nagkikilanlan ang dalawa ng putulin sila ni Adam. "Can we order now?" putol ni Adam sa kanila na agad namang tumigil. "Oh sure." halos sabay-sabay naman silang tatlo na sumagot. Habang nagtitingin silang tatlo ng order ay panakaw naman na pinagmamasdan i Adam si Paige. Nagagandahan talaga siya rito. Her beauty is special. Her eyes that glimmers, her lips that are kissable and pink and the way she smile, ah, it is heaven for him. “What do you want to eat?” tanong ni Paige sa kanya. Ngumiti ito tsaka binalik ang mata sa menu book. “I want to have some steak. How about you?” balik tanong niya. “I will get the same. How about you guys?” tanong niya sa dalawang naghahagikgikan sa kung anong dahilan. “I will also get what tou want.” Carol replied. “Oh, cool!” Dumating ang waiter para kunin ang kanilang order. “Boss, can you give us one bottle of the beat wine you have?” utos ni Adam sa waitee. “Okay Sir, coming up. Nagtaka si Paige bakit kumuha ito ng mamahaling wine. “You do ‘t have to do that, Adam.” “Oh, no! It’s fine.” >>>>>>>>>Itutuloy<<<<<<<<<<<<
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD