"Adam! Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ni Paige sa pagkakahawak sa kanya ni Adam. Puwersahan kasi siyang dinala ng lalake para lang makapag-usap sila. Hindi niya tuloy malaman kung sisigaw siya o tatakbo. Ngunit mahigpit ang hawak ng binata. "I will kapag nakasakay ka na sa kotse. We need to talk." wika naman ng lalake na pwersahan siyang dinala. This is not a normal way to do things but she forced him to do it. Kung kailangang hilahin niya ito ay gagawin niya. Kailangan talaga niya itong makausap ng masinsinan. Mabilis siyang sinakay sa unahan ng kotse nito at sumunod din siya. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumakay doon. Ayaw din kasingvmasaktan siya or may gawing iba ang lalaki. At tsaka mas malakas ito sa kanya. Pinaharurot niya ito agad sa takot na lumab

